Naghiwalay kami ni Yuki na gulong-gulo rin ito sa mga sinabi ko.
"Call me again Akisha i want to know the truth too." Sabi nito kaya tumango ako at hinintay muna ako nitong makasakay ng kotse bago na rin ito sumakay sa kotse nito.
Dahil hindi pa tapos si daddy sa pagkukwento nito tungkol sa nangyari noon ay nangako ako kay Yuki na sasabihin dito ang susunod na sasabihin ni daddy.
Pagkauwi ko ay naghihintay sa akin si aunty at Kari kaya agad ako lng niyakap ni aunty.
"Hindi ko alam kung paano magiging normal sa harap ni Light ngayon na alam ko na ang buong katotohanan." Bulong ko mayamaya kaya hinawakan lang nito ang kamay ko at pinisil.
Pinaakyat na ako ni aunty sa taas para makapagpahinga na ako kaya nang makapasok ako sa kwarto ko ay nagbihis lang ako ng pantulog at nahiga na ako sa kama ko.
Nagising ako na may tumatama nang liwanag sa mukha ko kaya napaungol ako.
Hindi ko yata naisara kagabi ang bintana ko kaya napakaliwanag na sa buong silid ko.
Sa sobrang okupado ng isip ko ay nakalimutan ko na mag-sara ng bintana.
Alas-otso na pala ng umaga kaya napahinga ako ng malalim.
Naligo muna ako bago bumaba at saka ako huminga ng maluwag.
Finally nalaman ko rin ang totoo dahil kay daddy mismo nanggaling ang katotohanan.
"Mahal na mahal kita hija kaya ayokong mawala ka sa akin kaya mas pinagtuunan ko ng pansin ang kaligtasan mo." Bulong nito kaya hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
"Pero ako ang dahilan kung bakit nawala ang ina at kapatid ni Elijah daddy." Bulong ko kaya napatangi ito.
"I ask their forgiveness hija buhay pa sila nang dalhin namin sila sa hospital pero ang mommy mo ang nagsabi sa reporter noon na dead on arrival silang mag-ina." Sabi ni daddy kaya hindi ako makapaniwala sa nalaman ko.
"They are still alive hija they are not dead at ako ang kumupkop sa kanilang mag-ina." Napakalakas ng kabog ng dibdib ko sa sinabi ni daddy kaya napatayo ako at hawak ko ang tiyan ko na kumirot.
"Daddy na saan sila?" Tanong ko kaya kinuha nito ang cellphone nito at binigay sa akin.
"Nakalagay diyan ang lugar kung nasaan sila, i am not the real evil here hija kundi ang kapatid ng ama ni Elijah." Sabi ni daddy kaya hindi ako makapaniwala.
"Nilason nila ang isip ni Elijah at ginamit ang kahinaan nito para sa atin siya maghiganti." Sabi ni daddy kaya hindi ako halos makahinga sa sinasabi nito.
All this time ay may ganitong bahagi ng kwento at hindi ako makapaniwala.
Hawak ko ang kamay ni Kari habang nagda-drive ito papunta sa lugar kung nasaan ang ina ni Light.
Nasa Romblon ang lugar kung na saan ang mga ito at hindi na ako makapaghintay pa na makilala ang mga ito.
"Kung buhay pala ang ina at kapatid ni Light ibig sabihin ay buhay rin ang ina ni Yuki?" Tanong ni Crissy na na nasa likod dahil kasama namin ito.
"Hindi ko alam Crissy pero sabi ni daddy ay may kasama nga sila noon at hindi malabo na buhay pa nga ito." Sabi ko dito at umaasa rin ako dahil sa wakas ay maaaring makasama na rin ni Yuki ang ina nito.
Kahit mahaba ang byahe ay nagsalitan naman kami ng drive ni Kari.
Pero napansin ko na tila may nakasunod sa amin kaya medyo kinabahan ako dahil baka masama itong tao.
Nagpa-gas kami at sakto na huminto rin ito at di-kalayuan sa kung saan ko pinark ang sasakyan namin.
May mga bus na pampasahero rin dito na uuwi rin ng probinsya.
"Kain muna tayo Akisha para may lakas tayo sa susunod na byahe." Sabi sa akin ni Kari kaya napatango ako.
Pinauna ko nang pumasok sa loob ng restaurant ang dalawa dahil may gusto akong kumpurmahin.
Lakas loob akong lumapit sa sasakyan na nakahinto at agad akong kumatok sa bintana nito.
Maraming tao sa paligid kaya alam ko na ligtas ako at isa pa ay may mga sundalo sa di-kalayuan.
Mga nag-aasikaso ito sa checkpoint kaya malakas ang loob ko.
Mayamaya pa ay bumukas ang pinto at napailing ako dahil si Yuki at Dryle ang nasa loob.
"I'm sorry Akisha magpapaliwanag kami." Agad na turan ni Yuki kaya napailing na lang ako.
"Akala ko ay mapapahamak na kami sa sumusunod sa amin kayo lang pala." Sabi ko sa dalawa na pinababa ko na ito.
"Saan ba kayo pupunta at palabas na ito ng kamaynilaan." Sabi ni Yuki kaya napatitig ako dito at kay Dryle na napatingin sa paligid.
"Pasok muna tayo sa loob nandoon sina Kari." Sabi ko dito dahil medyo mainit na sa balat ang araw.
Nagulat pa ang dalawa nang kasunod ko na pumasok sa loob ng resto ang dalawang lalake.
Pinaliwanag ko kay Kari na nakasunod ang dalawa kanina pa kaya napailing na lang ito.
Yuki ask again why are we leaving Manila kaya nagkatinginan kami ni Kari at tumango ito.
Huminga muna ako ng malalim bago tumitig dito na napalunok pa at tila kinakabahan.
Gusto kong matawa pero pinigilan ko na lang dahil hindi ito ang tamang oras para tumawa.
"Yuki about sa pinag-usapan natin kagabi, the mother and sister of Light and yout mom also." Sabi ko kaya nanlaki ang mga mata nito at tumango.
"What it is? Did your dad told you about them?" Magkasunod nitong tanong kaya napatango ako.
"They are still alive and we are going to them." Sabi ko mayamaya kaya napamura ito ng mahina at napakuyom ng kamao.
Then i also told him about the person who wants to kill them many years ago.
Hindi siya makapaniwala sa nalaman niya kaya napakamot na lang ito ng ulo at napatitig sa akin.
"Is this some kind of plot twist?" Bulong nito kaya umiling ako at binigay ko dito ang litrato na binigay ni daddy.
My father is still protecting them until now at dahil ito sa pinakiusap ng ina ni Light noon.
"My mom is alive i can't wait to met her." Sabi nito na napangiti at napatitig sa akin kaya napangiti na rin ako.
Nang matapos kaming kumain ay saka na kami naghanda na bumyahe.
Nag-convoy kami at sumakay ako kina Yuki samantalang nakasunod naman sa amin si Kari at Crissy.
Napatingin ako sa cellphone ko at hindi man lang tumatawag si Light kaya nagtaka ako.
"Did Light not tell you that he go home?" Tanong ni Dryle kaya napatingin ako dito at umiling.
"His father is already wake up Akisha." Sabi naman ni Yuki kaya kinabahan ako bigla at napalunok.
Yuki told me that Light's father is in comatose for about five years now due to accident.
Yuki's dad is the one who taking care of him and also helping Light in their company.
"Thats why he didn't tell me where he is." Bulong ko kaya nagkatinginan na lang sila ni Dryle.
"I bet he will never tell me the truth because he just want revenge from my family." Bulong ko mayamaya kaya agad na kinontra ito ni Yuki.
"Don't think of that Akisha, i bet my life that Light loves you so much so please bear with it for awhile i know he will tell you everything in right time." Sabi ni Yuki kaya napatitig ako dito at medyo gumaan ang pakiramdam ko.
"So now we need to see them and i want to see my mother too so bad." Sabi nito ulit kaya napatango ako.
"Hindi ako makapaniwala na may ganitong bahagi ng pagkatao ni Light." Sabi ni Kari sa akin habang hinihintay namin si Crissy na nagbanyo.
Nasa labas na kami at pinapaayos pa ni Dryle ang gulong ng sasakyan nito dahil medyo plat raw ito.
"Maging ako rin Kari hindi ko pa rin lahat maunawaan ang mga nalaman ko." Bulong ko kaya kinuha nito ang kamay ko at pinisil niya ito.
"Magiging maayos rin ang lahat Akisha." Sabi na lang nito at saka sabay na napahinga ng malalim.
Naka-convoy pa rin ang dalawa sa amin at isang na mula nang magsimula ulit kaming mag-drive.
Malayo at nakakapagod pero ayos lang mamaya ay papalitan ako ni Dryle sa pagda-drive at ako naman ang sasakay sa sasakyan ni Yuki.
Napahawak ako sa tiyan ko na kabado ako dahil baka may mangyari sa batang nasa sinapupunan ko.
Pero ginagawa ko naman ang lahat ng pag-iingat dahil ayokong may mangyaring masama sa anak ko.
Nalaman ko na buntis ako three days ago at hindi ako halos makapaniwala sa bagay na ito.
Natatakot pa ako na ipaalam ito sa pamilya ko o kina Kari.
Sa ngayon na medyo may problema pa kami ay hindi pa ito ang tamang oras para malaman nila.
Lumipat ako sa sasakyan ni Yuki at saka ko kinabit ang seatbelt ko at napatingin dito.
"How long you gonna keep it to us?" Biglang tanong nito kaya napakunot noo ako pero napagtanto kung ano ang ibig nitong sabihin nang nakatingin ito sa tiyan ko na hindi ko namalayan na hawak ko pala.
"How did you know?" Tanong ko sa mahinang boses kaya napatawa ito ng mahina.
"Akisha hindi mo ba alam na dakila akong observant? Nakita kita nong nakaraan sa hospital kaya sinundan kita laging sinasabi o utos ni Light na bantayan ko lahat ng kilos mo kaya ayon nalaman ko." Mahaba nitong turan kaya kinabahan ako at napatitig dito.
"Hindi ko sinabi kay Light kaya huwag kang mag-alala." Sabi nito kaya napahinga ako ng maluwag.
"Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko at paano ito sasabihin sa kaibigan mo." Bulong ko na lang kaya napahinga ito ng malalim.
"I bet he will happy to know it Akisha." Positibo nitong turan kaya napangiti ako sa kabila ng kaba na nararamdaman ko.
"He always tell me that he want to have a family with you Akisha, napakalaki ng pinagbago niya mula nang makilala ka niya." Sabi nito mayamaya kaya nanubig ang mga mata ko.
"But how can i feel at ease Yuki if we are enemy." Bulong ko kaya bahagya itong kumiling at napailing na lang.
"You don't need to worry about it Akisha, i know Light at alam ko na may plano siya sa lahat ng mga bagay na ito." Sabi na lang nito kaya napahaplos ako sa tiyan ko at pinanatag na lang ang sarili ko.