Chereads / Badboys Bring Heaven / Chapter 24 - Chapter twenty-four

Chapter 24 - Chapter twenty-four

Maaga akong nagising kinabukasan dahil susunduin namin sa airport si Aunt Mariko.

Naligo ako at kahit masakit ang katawan ko ay pinilit kong kumilos, kasalanan ito ng lalakeng ito na mahimbing pa ang tulog.

Hangang sa makatapos akong maligo at mag-bihis ay tulog pa rin ito.

Nang kunin ko ang cellphone ko ay sakto naman na tumunog ang cellphone ni Light pero mahina lang ito.

Nakita ko ang pangalan ng isang lalake na nasa screen at napakunot ako ng noo.

Umupo ako sa harap ng vanity mirror ko at nag-appky lang ng light make-up para matakpan lang ang ilang namumula na nanggaling sa balbas ni Light.

Mayamaya lang ay kumilos na ito at mukhang gising na kaya pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko.

"Good morning my beautiful woman." Bati nito kaya napatingin ako dito at napangiti at binati rin ito.

"Susunduin natin si aunty." Sabi ko dito kaya tumango lang ito at kinuna ang cellphone nito at napakunot ito ng noo habang may binabasa sa cellphone nito.

"May tumatawag sayo kanina." Sabi ko dito kaya napatingin ito sa akin.

"Bakit hindi mo sinagot babe? Pinsan ko iyon." Sabi nito na bumangon na at hinalikan ako sa pisngi bago pumasok ng banyo.

Napatingin ako sa likod nito na tanging boxer short lang ang suot.

Pinsan pala niya iyong tumatawag kaya napahinga na lang ako ng maluwag at pinagpatuloy ang ginagawa ko.

Alas onse ang lapag ng eroplano ni aunty kaya kailangan namin maagang pumunta doon.

Nauna na akong bumaba dahil gagawa ako ng coffee para kay Light at kakain muna kami ng agahan.

Sakto naman na gising na si manang kaya napangiti ako.

"Good morning manang." Bati ko dito kaya napangiti ito at binati rin ako.

"Excited na ako na makitang muli si Mariko hija." Sabi nito kaya napatango ako at nagtimpla na ng kape.

"Oo nga po manang sa wakas makakauwi na rin siya." Sabi ko dito kaya tumango lang ito.

"Magluluto ako ng masarap na tanghalian at naayos na rin pala namin ni Kari ang magiging silid niya." Nakangiti nitong turan kaya tumango ako at napatingin kay Light na binati agad si manang.

Habanh kumakain kami ni Light ay nagising na rin si daddy na binati kami agad.

"Gusto ko sanang sumama hija pero medyo nanghihina ang katawan ko." Sabi nito kaya nag-alala ako pero sinabi naman nito na wag akong mag-alala.

"Sinabi ko naman kasi sa'yo na magpahinga ka lang tignan mo kahapon naabutan ka ng ulan sa labas." Sabi ko dito na inaasikaso ko na ang mga gamot nito.

"Hindi naman ako nabasa anak." Sabi na lang nito kaya napailing na lang ako at napatingin kay Light na nakatitig pala sa amin ni daddy.

"Pasensya ka sa amin ni Akisha hijo at nasaksihan mo pa ito." Paghingi ng paumanhin ni daddy dito kaya napatawa lang ito ng mahina.

"Pareho lang tayong nasesermonan tito so i don't mind at all." Sabi na lang nito kay daddy kaya napatingin ako kay manang na nakangiti lang sa amin.

Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam na kami ni Light kina daddy at si Kari ay sakto naman na bumaba na rin.

Habang nagda-drive si Light papunta na kami ng Pasay ay may tumawag dito.

Italian language ang gamit nitong salita kaya hindi ko sila naintindihan, ilang beses ko na rin narinig ang boses ni Light habang nagsasalita sa lenggwahe niya pero namamangha pa rin ako.

Bagay sa kanya ang salita at lalo siyang nagiging prominenteng tignan.

"Sorry about that babe my personal assistant called me and i need to go home this weekend." Sabi nito mayamaya nang matapos ang tawag.

"Bakit daw Light?" Tanong ko kaya napatingin ito sa akin.

"Sa trabaho lang may problema raw sa winery namin sa Florence kaya kaikangan nandoon ako." Sagot nito kaya napatango na lang ako at napatingin sa harap ng daan.

"I will come back maybe after three days." Sabi nito mayamaya saka kinuha ang kamay ko at dinala nito sa bibig niya para halikan.

"Okay lang sa akin Light at saka trabaho iyon kaya uwi ka agad." Sabi ko dito kaya tumango ito at muling hinalikan ang kamay ko.

Maraming tao dito sa airport at palapag na rin ang eroplano na sinasakyan ni Aunt Mariko.

Sakto na nandito na kami at nakakuha ng parking area na malapit lang sa entrance ng airport.

Hindi naman kami gaanong naghintay ng matagal dahil naging smooth naman ang pag-take off ng eroplano.

At nang alam namin na palabas na ang mga pasahero ay tumayo na kami ni Light at inabangan na si aunty.

Isang mahigpit na yakap ang binigay nito sa akin nang makita na namin ito at niyakap rin nito si Light.

Dalawang maleta lang ang dala nito at isang duffel bag kaya hindi kami nahirapan masyado.

"Hindi ako makapaniwala na after ten years ay nakauwi rin ako hija." Sabi ni aunty na emosyonal habang nakatingin sa dinaraanan namin.

Sampung taon rin pala na nanatili sa Japan si aunty at hindi man lang nakauwi dahil sa pagbabawal noon ni daddy dito.

But now si daddy na mismo ang nagbigay ng permiso na umuwi ito at wala na itong pakialam kung malaman pa ng ibang tao na may kapatid sa labas si daddy.

Kabado ito dahil muli silang magkakaharap ni daddy at hindi ko alam kung paano nila pamikitunguhan ng maayos ang isa't isa.

Nang malapit na kami sa mansyon ay nakita ko ang lungkot sa mukha ni aunty dahil minsan nang naging masamang alaala sa kanya ang lugar na ito.

"Relax aunty everything will be alright." Sabi ko dito na hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nito kaya napangiti ito at tumango.

I saw how my father ask for his sister fogiveness na hindi naman pinagkait ng kapatid nito.

"Matagal na akong naka-move on kuya at matagal na rin kitang napatawad." Umiiyak nitong sabi kay daddy at saka ito muling yumakap sa aking ama.

Hindi ko maiwasan na hindi mapaiyak dahil tila ba isang panaginip lang ang lahat na parang kailan lang ay hindi pa ganito kapayapa ang buhay namin.

Pero ngayon nakikita ko na ang malaking pagbabago sa kanila at napakasaya ko sa mga oras na ito.

"Yan ang ganda mo na." Sabi ni aunty na siyang nag-make up sa akin dahil ngayong gabi na ang party na dadaluhan ko.

Syempre kasama ko si Light at Dryle na escort ko dahil hindi pumayag si daddy na wala kaong kasama.

"Thank you aunty." Nakangiti kong pasasalamat dito kaya napangiti lang ito.

Seven thirty ang party kaya naghanda na ako ahead of time at papunta na rin daw sina Light.

Napag-usapan namin ni aunty si mommy na wala pa kaming balita kung na saan ito.

"Huwag mo na hayaan na makalapit siya sa daddy mo." Sabi nito kaya napatango na lang ako.

Marami akong nalaman tungkol kay mommy sa mga kwento ni aunty at karamihan dito ay hindi maganda.

Ito rin pala ang nag-sulsol kay lolo at daddy noon na pabalikin ng Japan si aunty at ang dahilan kung bakit nalaman nina daddy ang relasyon nito sa nobyo nito noon.

I can't believe it dahil kung tutuusin ay wala naman pakialam si mommy sa bagay na ito dahil she is just a daughter in-law.

Natigil lang kami sa paguusap ni aunty ng dumating na sina Light kaya agad na kaming bumaba.

"You look so pretty babe." Bulong ni Light kaya napangiti lang ako at napatingin kina daddy na pawang nakangiti.

"Aalis na po kami daddy, aunty." Paalam ko sa mga ito kaya nakangiti lang na tumango si daddy.

Habang nasa daan na kami ay tinext ko si Kari na umuwi ng maaga para may kasama sina daddy sa bahay.

Agad naman itong sumagot dahil nag-punta pala ito ng mall at may binili lang daw ito pero alam ko na nagkita sila ng ex nito kaya napailing na lang ako.

Wala kasing closure ang dalawa at dahil nga buntis si Crissy ay kailangan na rin maging responsable ng kaibigan ko.

"I don't want you to go to that party maraming titingin sa'yo at baka may makaaway lang ako." Bulong ni Light kaya tinampal ko lang ito sa braso at maya't maya akong hinahalikan sa leeg.

"Ano ka ba mahalaga itong party na ito dahil related ito sa work at sa kumpanya." Sabi ko dito kaya napatawa lang ito at tumango.

Si Dryle ay wala namang imik at abala sa pagmamaneho.

Nang makarating kami sa isang sikat at pinakamagandang hotel dito sa Makati ay may mga tao na sa venue.

Mukhang pinaghandaan ito ni Indigo Goldsmith ang siyang nag-sponsor sa malaking okasyong ito.

I met this man a week ago pero hindi ko nakausap ng harapan dahil marami itong kausap na mga investor rin.

Desperado ako na maging investor ito dahil alam ko na hindi ako talo dito.

Nakaalalay lang sa akin si Light at tila pinapakita nito sa ibang tao na nandito na sa venue na pag-aari ako nito.

"Mr. Davidson nice to see you here." Napatingin kami sa isang lalake na may katandaan na at saka ito napatingin sa akin na hindi ko nagustuhan.

"Do i know you?" Ito ang balik tanong ni Light na ikinatingala ko dito na bahagya akong dinala sa likod nito at nasa likod pala namin si Dryle.

"Hindi mo ako natatandaan isa ako sa mga investor ng parmaceutical clinic sa Singapore." Pakilala ng matanda na may awkward na tawa.

"Pasensya ka na sir hindi ako matandain na tao excuse us." Sabi ni Light na niyaya na ako na makaalis sa matandang lalake.

"Kaya ayoko sa mga ganitong pagtitipon lalo na at tinitignan ka nila na hindi ko nagugustuhan." Inis na bulong ni Light kaya napailing na lang ako.

Pumunta na kami sa naka-assign na upuan sa amin sa pinakaharap pa ng stage.

Napagitnaan ako ng dalawa na tila ba mawawala ako sa paningin nila kaya hinayaan ko na lang ang mga ito.

Nang dumating si Indigo at may kasama itong napakagandang babae na tila hindi nalalayo ang edad sa akin pero alam ko naman na nasa thirties na ito.

So ito nga si Lirabelle Cortessi ang asawa ni Indigo, nakikita ko na ito noon sa magazine dahil dati itong modelo ng mga sikat na brand sa Europe.

This woman is thirty-five years old and she is pregnant base na rin sa umbok ng tiyan nito na tila lalo pang ikinaganda nito.

"Elijah buti na lang at nandito na kayo." Sabi ni Indigo na kahit nasa fifties na ay napakagwapo pa rin at tila nasa trenta lang ang edad.

At kilala pa nito si Light at nang mapatingin sa akin ang mag-asawa at parehong nakangiti at nang mapatingin ito kay Dryle ay ngumiti rin ito.

"Nice to meet you Mr. Goldsmith and Mrs. Goldsmith." Magalang ko na bati sa dalawa na nagulat pa ako dahil hinalikan ako ni Lirabelle sa magkabilang pisngi at niyakap.

Ang asawa naman nito ay napatawa lang at kinamayan ako kaya napangiti na ako at nawala ang kaba ko.

The party went well marami akong nakilala na mga kaibigan ni Light at ang mga San Gabriel ang magkakapatid na sikat na sikat sa buong Pilipinas.

The Montefalco, Salvatiera, and the Rosenthal they are big businessman at nag-alok ang mga ito na mag-invest sa kumpanya namin na ikinagulat ko.

I don't want to give them no dahil alam ko na makakabangon ang kumpanya namin sa tulong ng mga ito pero alam ko may kinalaman dito si Light.

Pero hindi mawala sa isip ko na kung sino ba talaga si Light at bakit ganito na lang kalaki ang impluwensya nito lalo na sa mga bigating taong ito.