Nakakapagod ang buong maghapon namin sa trabaho pero worth it naman.
Si Kari ang nag-ma manage sa cafe at ako naman dito sa flower shop.
Dahil summer season at bakasyon ng mga estudyante ay maraming turista na umaakyat dito sa Tagaytay para mamasyal.
Dinarayo talaga ang bayan na ito ng mga lokal at foreign tourist.
Kakabukas pa lang namin pero marami na agad kaming costumer kaya nakakatuwa.
Our cafe has best coffee ever na galing pa ng ibang bansa na good quality talaga at ang mga dessert namin na si Yuki ang dahilan kung bakit masasarap ito.
We are thingking of expanding our business kapag naging successful ang unang taon namin.
At ito naman na flower shop ko ay hindi rin ako nawawalan ng costumer.
May mga lokal farmers ako na kinukuhanan ng mga bulaklak sa Bagiou kaya mga sariwa lagi ang naka-display dito.
Napatingin ako sa pumasok dito sa loob at apat na babae ang maingay at nagtatawanan pa.
Pero nakilala ko ang mga ito dahil nagtatrabaho sila sa kumpanya ni daddy.
Nang makita ako ng mga ito ay halata ang gulat sa mga mukha nito.
"Akalain mo nga naman sayo pala ang bagong bukas na tinadahan na ito." Sabi ni Marisa na alam ko na may halong panunudyo.
"What do you want my dear costumer? We have plenty of different flowers here." Imbes na magpa-apekto ako sa sinabi nito ay malumanay ko na lang silang tinanong kung ano ang gusto nila.
Though alam ko naman na hindi sila bibili o wala silang balak bumili.
"Change career ka na pala ngayon." Sabi naman ng isa sa kanila.
This group of woman is the one who always gave me headache back in my previous job.
"Well ngayon less headache na ako dahil sa inyo." Nakangiti ako ng matamis sa mga ito na nagkatinginan.
"Kung hindi kayo bibili ay lumabas na kayo dahil wala akong mapapala sa inyo." Sabi ko ulit sa mga ito dito pumasok si Drayle na isa sa nga personal bodyguard ko dahil kinuha ito ni Light dahil nagiging abala na naman ito sa trabaho nito.
"May problema ba Miss Akisha?" Tanong nito na tinignan ang tatlong babae na nakita ko kung paano matakot.
Well Dryle is like a badboy who always wear black shirt and black pants.
Kaya naman tila natakot ang tatlong babae at agad na lumabas.
"Thank you Dryle." Nakangiti ko na turan dito kaya tumango lang ito at napatingin sa labas.
"Why are so silent Dryle?" Tanong ko dito mayamaya kaya napatingin ito sa akin.
"Hindi ko rin alam Miss Akisha, mula nang mawala sa akin ang pinakamamahal kong babae ay hindi ko na alam kung paano ang ngumiti." Sabi nito kaya napatitig ako dito.
I felt his sorrow in his voice.
Lumapit ako dito at tinapik ito sa balikat kaya napatitig ito sa akin.
Dito niya kinwento na nain-love siya sa kaibigan niya na may asawa na at anak at dahil sa isang aksidente na muntik na raw nitong ikamatay ay mas pinili na niyang lumayo dito.
I felt so sorry for this beautiful man kaya naman napahinga ako ng malalim.
"Everything is fine Dryle i know you will find another woman that will love you back." Sabi ko dito kaya napatango ito at bahagyang napangiti.
Napaka-gwapo naman pala nito kaya lang ay lagi nga itong seryoso kaya hindi ko agad nakita na mas gwapo ito kapag nakangiti.
Mayamaya lang ay nagpatuloy na ulit ako sa ginagawa ko kaya bumalik na rin ito sa ginagawa nito.
Madalas ay tumutulong ito sa amin ng mga employee ko dito sa shop dahil nga wala naman itong ginagawa.
More on ito ang nagda-drive kapag may idi-deliver ako sa mga costumer ko.
Sumapit ang hapon ay nakauwi na ang mga tauhan ko at nag-aayos na ako ng gamit ko nang mapatingin ako sa pinto nang pumasok si Light kaya napangiti ako.
"Hi babe are you done?" Tanong nito na agad akong niyakap ng mahigpit kaya napatango ako.
"Yeah, maaga ka ngayon." Sabi ko dito kaya tumawa ito at kinuha ang bag ko.
"Nauna na si Yuki sa bahay at magluluto raw ito ng dinner." Sabi nito kaya napatango lang ako at agad na binuksan ni Dryle ang pinto ng kotse.
"Dryle ako na magda-drive." Sabi ni Light dito kaya napangiti lang ako.
Alam kasi nito na pagod kami ngaying araw at marami kasi kaming costumer, hindi lang ito tumutulong sa kundi pati kay Kari.
Mayamaya ay dumating na rin si Kari at agad na sumakay at sa tabi ko ito umupo sa likod.
"Hows your day Kari?" Tanong ni Light sa kaibigan ko na kinuha ang kamay ko at dinala sa pisngi nito kagaya ng lagi nitong ginagawa dahil nakakawala raw pagod ang init ng mga palad ko.
"Nakakapagod sobra pero masaya." Sagot ni kay Light na napangiti lang at saka ko kinwento dito ang nangyari kanina.
"You mean nakita mo yong tatlong iyon dito?" Hindi makapaniwala na tanong ni Kari kaya tumango ako.
"Mukhang nagbabakasyon sila dito at alam mo na curious sa kung ano ang buhay na meron tayo ngayon." Sabi ko dito kaya tumawa lang ito at napailing na lang.
"Buti na lang at hindi umakyat sa cafe kung ako nakakita sa kanila nako baka matapunan ko sila ng kumukulong mantika." Sabi ni Karì kaya napatawa na lang ako.
Buti nga dahil baka gulo pa kung si Kari ang nakakita sa mga ito.
Pagkauwi namin ay naamoy agad namin ang mabangong pagkain mula sa kusina kaya nakaramdam ako ng agad ng gutom.
Ginataang langka na may dried fish isa sa paborito ni Light, at fried liempo ang ulam namin at gumawa rin ng mango graham si Yuki for the dessert.
Napatingin ako kay Dryle na nakatingin lang sa pagkain kaya nagsandok ako ng kanin at gulay at nilagay ito sa plato niya.
"Kain na ito ang isa sa pinakapaboritong pagkain ni Light." Sabi ko dito habang nakangiti kaya napatango ito.
"Come on pare don't make me jealous dahil pinagsandukan ka ng pagkain ng girlfriend ko." Sabi ni Light pero nakangiti kaya napaing na lang ito at nagsimula nang kumain.
"Bakit hindi tayo mag-expand ng negosyo ikaw Yuki napakasarap mong magluto." Sabi ni Kari kaya napangiti lang ako.
"Abala ako sa trabaho Kari kaya hindi ko rin naman mapapanindigan yan." Sabi ni Yuki kaya napatango lang ang kaibigan ko.
"Well maybe in the future malay mo lang." Sabi nito na napatingin kay Light sa akin habang nakangiti.
Our delicious dinner is full of joke but good conversation, nakakalambot ng puso na makita na masaya kami at ganito lang ay sapat na para sa nakakapagod na maghapon namin.
Nakaligo na ako nang makita ko si Light na nakahiga na sa kama namin at nasa kandungan ang laptop niya at abala sa kung ano ang ginagawa nito.
Nakahubad baro ito at boxer lang kahit malamig ang aircon sa buong kwarto at napakagwapo nito sa suot nitong salamin.
"Are you done checking me out babe?" Tanong nito pero ang mga mata ay nakatutok sa ginagawa nito kaya tinanggal ko ang tuwalya ko at pumasok sa walk-in closet namin at nagbihis ng pantulog.
"Ano yang ginagawa mo?" Tanong ko dito nang makapagbihis ako at umupo ako sa vanity table ko at kinuha ko ang blower ko at nagsimulang patuyuin ang buhok ko.
"I am making plan for our new project." Sagot nito kaya napatingin ako dito at tumango lang.
"Uuwi na raw si daddy next week at sinabi ko dito na uuwi ako." Sabi ko dito kaya napatitig ito sa akin.
"I heard that your sister is already got out in the hospital." Sabi nito mayamaya kaya napatango ako.
"Sinabi rin sa akin ng isa sa mga katulong sa bahay sila kasi ang nagbabalita sa akin tungkol kay ate." Sabi ko dito kaya napatitig ito sa akin.
"Nagkabalikan na rin daw sila ni Blue kaya i am happy for them." Sabi ko ulit na tumayo na ako at saka sumampa sa kama at tumabi dito.
"Can i ask you something babe?" Tanong nito nang itabi nito ang laptop niya sa bedside table at niyakap ako.
Tumango lang ako at gumanti rin ng yakap dito, it's feels like home whenever i am in his arms like this.
"Did you really fall in love with that man before?" Tanong nito kaya napatingala ako dito at napaisip rin sa bagay na iyon.
Well i know Blue eversince i am young bata pa lang ako ay lagi na itong nasa bahay namin dahil kapitbahay lang namin ang pamilya nito noon.
Hangang sa tumuntong kami ng highschool and college ay kasama na namin ito ni ate.
Pero nong nasa kolehiyo na ako ay dito ko unti-unting naramdaman na may gusto ako kay Blue, pero gusto siya ni ate kaya never kong pinakita sa lalake na gusto ko ito.
I am afraid dahil nga magiging kalaban ko noon si ate pero nang pumunta ang dalawa sa Amerika to study their tila ba may nabago na sa nararamdaman ko dito.
Aaminin ko na nasaktan ako nang sabihin nila na magpapakasal na sila pero hindi naman nagtagal iyon.
"My pride is killing me that day dahil napunta siya kay ate na hindi ko kayang tanggapin." Sabi ko dito mayamaya kaya napatingala ako dito at nakangiti ito.
"Why are you smiling?" Tanong ko kaya hinaplos niya ang pisngi ko.
"So it's not love then, so i am your furst love then." Sabi nito kaya napangiti ako at ako na ang humalik dito kaya mas lumalim pa ang halikan namin hangang sa nauwi na naman ito sa mainit na sandali.
Nagising ako na nakayakap ng mahigpit sa akin si Light kaya napatingin ako sa orasan.
Alas-singko na ng umaga kaya tinangal ko na unti-unti ang braso na nakayakap sa hubad kong katawan.
Hininaan ko na ang aircon dahil malamig at saka ako nag-unat ng katawan pero naramdaman ko ang pananakit ng balakang ko dahil nanggigil na naman masyado si Light.
Buti na lang at napagkasunduan namin na gumamit ako ng contraceptive pills dahil sa ngayon ayoko munang mabuntis.
Ayaw naman kasi nitong gumamit ito ng condom kaya ako na lang ang umiinom ng gamot.
Pumunta na ako ng banyo at naligo na ako dahil ako ang magluluto ng almusal ngayon.
Uunahan ko na si Yuki kaya nagmadali akong maligo at bumaba.
Pero nahuli pa rin ako sa lalakeng ito na nasa kusina na at naghahanda na ng agahan namin.
Si Dryle nakita ko na pumasok na may dalang pandesal kaya napangiti na lang ako.
At dito na nanaman nagsimula ang araw namin na kahit nakakapagod ay enjoy naman namin dahil nagagawa na namin ni Kari ang bagay na gusto namin.