Chereads / Badboys Bring Heaven / Chapter 19 - Chapter nineteen

Chapter 19 - Chapter nineteen

Pinapaayos na namin ang shop at unti-unti naman ay bumabalik na ito sa dati.

Ang mga impleyado namin ay nagbabasakali pa rin na maibalik ang shop kaya lang ay hindi ako nagbitiw ng salita na hindi ako sigurado.

Sa ngayon ay pinahanap ko na muna sila ng trabaho para naman kumita pa rin sila, nagbigay na rin ng incentive si Light sa mga ito may tig-thirty thousand bawat isa kaya nagpasalamat ako dito.

"Babalik ako sa Bagiou para asikasuhin ang farm habang hindi pa naaayos ang shop." Sabi ni Crissy habang kausap namin ito ni Kari kaya napatitig ako dito.

"Okay lang Crissy and i am so sorry." Sabi ko dito pero umiling lang ito at hinawakan ang kamay ko.

"Don't be sorry Akisha walang may kasalanan sa nangyari at sana ay mahuli niyo ang may sala ng lahat." Sabi nito kaya napatango ako.

Nagpapa-imbestiga na kami sa nangyari kaya lang ay wala pa kaming makuhang matinong balita mula sa mga pulis.

Napahiga ako dito sa kama matapos naming magkausap nina Crissy, hinatid na ni Kari ito sa bus station kaya umakyat na muna ako sa kwarto namin ni Light.

Napatitig ako sa kisame at dito na ako napaiyak ng malakas at napayakap sa unan ko.

Bakit hindi nila ako hayaan na maging masaya, bakit lagi na lang ganito.

Nagising ako na may nakayakap sa likod ko at si Light pala ito.

Nakatulog pala ako mula sa pag-iyak at hapon na pala dahil alas-kwatro na ng hapon.

Dalawang oras pala ang tinulog ko kaya dahan-dahan kong tinangal ang pagkakayakap ni Light sa akin.

"Babe how are you?" Tanong nito na nagising na pala kaya napatitig ako dito.

"Nalulungkot ako Light." Bulong ko kaya bumangon ito at niyakap ako kaya muli akong napaiyak.

"Tahan na we will build it again." Bulong kaya tumango ako at yumakap ng mas mahigpit dito.

Pababa na ako nang makita ko si Kari at Yuki na nasa sala kaya agad nila akong binati kaya napangiti lang ako.

"Kumusta? Kanina ka pa hindi bumaba hangang sa makauwi ako." Sabi ni Kari kaya napangiti lang ako at napatingin sa cellphone ko pero numero ng sekretarya ni daddy ang tumatawag sa akin.

Napakunot noo ako at sinagot ito agad pero masama palang balita ang ibubungad nito sa akin dahilan para mabitawan ko ang cellphone ko.

"What happen Akisha?" Tanong ni Kari kaya napatitig ako dito.

"Si daddy nasa hospital daw." Bulong ko kaya napaupo ako at kinabahan ng husto.

Agad akong nagbihis at ganon rin si Light kaya nagmadali na kaming makaluwas ng Manila.

Kabado ako dahil ito ang unang beses na malaman ko na inatake raw ito sa puso kaya hindi ako makapaniwala na may ganitong tinatago si daddy.

"He's stable now kaya wala ka nang dapat ipag-alala hija." Ito ang asurance sa akin ng doktor ni daddy kaya napatango ako at saka na ito nagpaalam.

"May natangap siyang tawag kanina kaya tumaas ang blood preasure niya inatake na pala siya sa puso kaya sinugod namin siya dito sa hospital." Ito ang sabi ni Mrs. Angeles ang sekretarya ni daddy.

"Matagal na ba ang sakit sa puso ni daddy?" Tanong ko dito kaya napatitig ito sa akin at napatingin kay daddy na mahimbing ang tulog.

"Last year pa hija ng magpa-diagnose siya pero ayaw niyang ipaalam sa iyo maging sa mommy mo." Sagot nito kaya napalapit ako kay daddy at umupo sa tabi nito.

Kinuha ko ang kamay nito at dinala ko ito sa pisngi ko at saka ako napaiyak.

Kaya pala payat ito at nagmukhang matanda dahil may iniinda na pala itong sakit, kaya ba nagbago na ito?

Ang sakit sa dibdib na malaman na may ganito na palang sakit ang ama ko.

Tinawagan ko si mommy pero hindi ito sumasagot nang tawagan ko ang assistant nito ay sinabi nito na nasa Macau raw ito.

Napahawak na lang ako sa ulo ko at napahinga ng malalim at napatingin kay Light na nakaupo sa kama.

Kumuha kami ng hotel room malapit lang sa hospital dahil walang magbabantay kay daddy.

May pamilya rin kasi si Mrs. Angeles kaya pwede lang ito sa umaga kung magbabantay kay daddy at inaasikaso rin nito ang trabaho na pansamantala na naiwan ni daddy.

"Si mommy nasa Macau raw." Sabi ko kaya napailing lang ito.

Kinabig ako nito at niyakap ng mahigpit kaya kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko.

Bumalik kami ng hospital pakakain namin ng dinner ni Light at saka naman umuwi si Mrs. Reyes.

Lumapit ako kay daddy at saka umupo sa gilid nito habang inaayos ng nurse ang dextros nito sa kaliwang kamay.

"Sabi po ni dok kapag nagising po ang daddy mo ay tawagan niyo na lang daw po siya." Sabi nito kaya tumango lang ako saka na ito lumabas ng silid.

"Babe i will go out for awhile may kakausapin lang ako pero babalik rin ako agad." Sabi ni Light kaya napatango at niyakap ako nito at hinalikan saka na ito lumabas ng silid ni daddy.

Dahil sa pagod ay napaidlip ako dito sa kama ni daddy at nang magising ako ay may humahaplos na sa ulo ko.

Napatingin ako kay daddy na nakatitig sa akin kaya agad akong yumakap dito.

"Dad kumusta ka may masakit ba sa'yo? May kailangan ka ba?" Tanong ko na magkasunod kaya pinatigil ako nito.

"Maayos na ang pakiramdam ko anak kailan daw ako lalabas dito?" Tanong nito kaya hinawakan ko ito sa kamay at tinawagan ang nurse station para ipaalam na gising na si daddy.

"Dad bakit hindi mo sinabi sa akin na may sakit ka?" Tanong ko dito mayamaya kaya napatitig ito sa akin at napayuko.

"Dahil ayoko na mag-alala pa kayo." Sabi niya lang kaya napailing na lang ako.

Dito na dumating ang doktor nito at inasikaso nito si daddy na makulit dahil hindi pa ito pinayagan ng doktor na makalabas.

"Magpahinga ka Mr. De Luna as your doctor and your friend please don't abuse your body and for Akisha also." Sabi nito kaya napatitig ako kay daddy na huminga ng malalim at dahan-dahan na tumango.

"Tatlong araw lang at lalabas na ako dito ayokong magtagal dito lalo akong magkakasakit." Sabi ni daddy na tumango na lang ang doktor at mayamaya lang ay nagpaalam na sa amin.

Nag-order ako ng pagkain ni daddy sa canteen nitong hospital at fruits and poridge lang ang pwede dito kaya naghintay lang ako ng ilabg minuto.

Habang inaayos ko ang pagkain ni daddy ay pakanta-kanta lang ako pero nakatitig pala sa akin si daddy kaya napangiti ako.

"Napakabait mo talagang bata hija mula noon hangang ngayon kahit na lagi ka namin napapagalitan ng mommy mo ay hindi ka nagrereklamo." Sabi nito kaya binigay ko na ang pagkain nito at saka umupo sa tabi nito.

"Ama kita kaya responsibilidad ko na alagaan ka." Sabi ko dito kaya natigilan ito at napangiti na lang.

Ang ngiti nito na nakapagpagaan sa kalooban ko.

But what my father said to me when he is done eating is not a good news.

"Unti-unti nang nalulugi ang mga negosyo ng pamilya natin anak at ang natangap kong tawag kahapon ay lalong nakapanghina ng loob ko." Sabi nito kaya hinawakan ko ang kamay nito ng mahigpit.

"Dad i am so sorry to hear that but i am still here i will help you for our company." Sabi ko dito pero napailing ito.

"May negosyo ka na rin anak baka makadagdag lang ito sa trabaho mo." Sabi nito kaya napayuko ako at huminga ng malalim.

Saka ko sinabi kay daddy na one week na mula nang masunog ang cafe at flower shop namin na ikinabigla nito.

"Nahuli na ba ang gumawa nito anak?" Tanong niya kaya umiling lang ako.

"Nagpapa-imbestiga pa kami dahil yong camera sa shop ay nasira o sinira ng kung sino man ang gumawa nito." Sabi ko kay daddy kaya hinigpitan lang nito ang hawak sa kamay ko.

Nang may kumatok at bumukas ang pinto ay pumasok si Light kaya napatayo ako.

May dala itong isang basket ng prutas at binati si daddy at saka ito kinumusta.

"Maayos na ang kalagayan ko hijo salamat at nandito ka sa tabi ng anak ko." Sabi ni daddy dito kaya tumango lang si Light.

Dahil kailangan nang magpahinga ni daddy ay pinatulog ko na ito at nang makatulog ito ay saka ako tumabi kay Light na nakaupo sa sofa.

"How is he babe?" Tanong nito kaya kinwento ko dito ang napag-usapan namin ni daddy.

Nakikinig lang ito at saka ako niyakap ng mahigpit dahil naging emosyonal ako.

"Magiging maayos rin ang lahat Akisha makakabalik rin ang kumpanya ng daddy mo." Sabi nito kaya tumango lang ako at yumakap ng mahigpit dito.

Sa pangatlong araw ni daddy dito sa hospital ay saka nagpakita sa amin si mommy na nakaismid lang kay daddy.

"Yan ang bagay sa mga katulad mo." Sabi ni mommy dito kaya napatayo ako pero pinigilan ako ni daddy.

"Kung wala ka naman na magandang sabihin ay umalis ka na lang." Sabi ni daddy dito kaya napatawa lang si mommy at masama akong tinignan.

"Ang kapal rin ng mukha mo na pinapakita diyan sa ama mo na concern ka sa kanya!" Galit nitong sabi sa akin kaya napailing na lang ako.

"Mom kung wala ka naman magandang sasabihin ang mabuti pa ay lumabas ka na lang baka lalo pang makasama kay daddy kung nadito ka." Sabi ko dito sa malumanay na boses pero agad ako nitong nilapitan at sinampal kaya nagulat ako.

"Maribel tama na huwag mong sasaktan ang anak ko!" Sigaw nito daddy kaya natakot ako dahil baka lalo lang sumama ang kalagayan ni daddy.

"Dad i'm okay po." Agad kong linapitan si daddy pero hinila ni mommy ang buhok kaya napahiyaw ako at muli ako nitong sinampal kaya tila namanhid ang pisngi ko.

Sa bilis ng pangyayari ay nakarinig na lang kami ng lagabog at nagulat ako dahil bumagsak na si daddy semento.

Nilalagyan ng ointment ni Kari ang pisngi ko na namamaga na hindi lang ang kabila ang masakit kundi parehong pisngi ko.

"Napakasama talaga ng nanay mo Akisha!" Gigil na sabi ni Kari kaya hinawakan ko ito sa braso dahil napapadiin ang pagpapahid nito ng ointment sa pisngi ko.

"Dahan-dahan lang Kari masakit." Sabi ko dito na agad naman humingi ng sorry sa akin.

"Hows dad?" Tanong ko dito kaya napatitig ito sa akin.

Dumating kanina si Light at Kari dahil sinundo nito ang kaibigan ko na sakto na nakita kami sa ganoong sitwasyon.

Agad na kinaladkad ng mga guwardiya si mommy palabas ng hospital at hindi naging maganda ang naging maganda ang pagbagsak nito.

Inatake na naman ito kaya galit na galit ako kay mommy.

Nang makita ko si Light ay tumayo ako at agad ako nitong niyakap ng mahigpit kaya dito na ako napaiyak.

"It's okay baby i'm here." Bulong nito kaya binuhos ko ang lahat ng sama ng loob ko na nararamdaman ko sa mga oras na ito.