Chereads / Badboys Bring Heaven / Chapter 22 - Chapter twenty-two

Chapter 22 - Chapter twenty-two

Napatingin ako kay Light na palapit sa akin kaya kinabahan ako at napatayo bigla.

"Babe nandito ka pala." Sabi nito na akma akong yayakapin pero umatras ako.

"Busy ako Light." Sabi ko bigla kaya napatitig ito sa akin at napakunot ang noo.

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Lorraine at kung ano ang totoong pagkatao ni Light.

Kinakabahan ako pero ayaw kong mapahalata dito dahil tiyak ako na magkakaroon kami ng problema.

I saw his impulsive behavior the last time we argue at galit na galit ito kaya naman mas pinili ko muna na makipag-cool of dito.

But now i saw him again maybe a munite ago bago umalis si Lorraine hindi ko alam kung nagkasalubong ba ang dalawa o ano.

Pero isa lang ang nasa isip ko ngayon ito ang mga sinabi ni Lorraine tungkol dito.

"What's the matter babe?" Tanong nito kaya napatitig ako dito at napahinga ng malalim saka ko kinalma ang sarili ko.

"Nothing Light bakit ka pala nandito?" Tanong ko na lang na kaya umupo ito sa harap ko at napatingin sa juice na hindi halos mapangalahati ni Lorraine kanina.

"May ka-meet up ka?" Tanong nito imbes na sagutin ang tanong ko kaya nainis ako dahil hindi nito binibigyan ng pansin ang tanong ko.

"Answer mine first Light." Seryoso kong turan dito kaya napatingin ito sa akin at napatango.

"May meeting ako kanina at naisipan ko na pumasok dito sa resto para kumain at nakita kita." Sabi nito pero nasa isip ko na sinungaling ito at hindi nagsasabi ng totoo.

I know when he is not telling the truth dahil malikot ang mga mata nito kaya alam ko na hindi totoo ang sinasabi nito.

"And you babe?" Tanong nito kaya kinuha ko ang juice ko at ininom ito.

"Yes, may ka-meeting rin ako about sa work." Sagot ko dito kaya napangiti na ito at tumango.

"Nandito na rin naman tayo ay mag-date na tayo babe i miss you so much." Sabi nito kaya napatitig ako dito at tumango na lang.

"I have car Light." Sabi ko dito pero ngumiti lang ito.

"Iwan mo na lang sa opisina niyo sunduin na lang kita bukas na umaga." Sabi nito kaya tumango ulit ako.

Kailangan kong maging maingat sa mga kilos ko para ma-obserbahan ko ito ng maayos.

Naalala ko na rin yong panahon na nalasing ito at may binabangit ito tungkol sa pagkamatay ng pamilya nito.

I already forget about it but now i suddenly remember it and it feels like deja vu.

"Where do you want to go?" Tanong nito kaya napatingin ako dito at nilagay na sa bag ang cellphone ko.

"I want to go to the mall may bibilhin ako." Sabi ko dito kaya magkahawak kamay na kaming lumabas ng resto at naglakad lang kami dahil malapit lang ang mall sa pinanggalingan namin.

Habang naglalakad kami ay maraming tao ang napapatingin kay Light dahil pansinin naman talaga ito.

Matangkad, gwapo at tila artista na kaswal lang na naglalakad sa pampublikong lugar na ito.

Nang makapasok kami sa mall ay diretso kami sa isang botique shop dahil naimbitahan ako sa isang party sa Makati.

"What party babe?" Tanong ni Light habang sinusundan ako habang namimili ako ng cocktail dress na babagay sa party.

"It's the after party of our sister company kailangan raw ay nandoon kami ni daddy." Sabi ko dito kaya tumango lang ito at napangiti ako nang may mapili na ako na dress.

"How about this Light? Is this pretty for me?" Nakangiti kong tanong dito kaya napangiti ito.

"I like it and your even more beautiful if you wear that." Sabi nito kaya napangiti ako at napatingin ako sa isang babae na saleslady at humingi ng size ko.

Nang makapamili kami ay sa bookstore naman kami pumunta ni Light na nakasunod lang sa akin pero magkahawak kamay kami.

Ayaw kasi nito na magkahiwalay kami kaya hinayaan ko na lang ito.

Nakabili ako ng new edition ng paborito kong libro at tatlong kopya agad ang binili ko ang isa ay kay Kari at ang isa naman ay kay Crissy dahil magkakapareho lang kami ng hilig sa libro.

Then Light bought a books about business kaya napailing na lang ako.

Nag-text na si Kari kung na saan na ako kaya sinabi ko dito na hindi ako magdi-dinner sa bahay.

Mamaya ko na lang sasabihin dito na magkasama kami ni Light dahil baka tawagan ako nito agad.

Kumain kami ni Light ng dinner at naging mas magaan ang pakiramdam ko, hindi ko na muna inisip ang nalaman ko tungkol dito.

I need to confirm with my own kung totoo ang sinabi ni Lorraine tungkol dito.

Halata naman na masaya ito kaya hinayaan ko na lang ito na nakayakap sa akin at maya't maya ay naglalambing.

Hinatid ako nito sa bahay matapos namin na makakain ng dinner kaya pinatuloy ko na muna ito.

Naghihintay pa pala si daddy na agad na tumayo nang makita kami ni Light.

"Good evening sir i brought Akisha home." Magalang nitong turan kay daddy kaya napatango ito at lumapit ako dito at nagmano at saka humalik sa noo at pisngi nito.

"Bakit hindi ka pa natutulog dad?" Tanong ko dito kaya napangiti lang ito.

"Hindi pa naman ako inaantok kaya sabi ko kay Kari at Joy ay magpahinga na sila." Sabi nito kaya napatango ako at saka ko nilapag sa sofa ang bag ko.

"Hindi na ako magtatagal Akisha, sir uuwi na rin ho ako." Biglang sabi ni Light kaya napatango na lang ako dito.

Tinanong pa ito ni daddy kung gsutp ng tsaa pero tumangi na ito kaya hinatid ko na ito palabas ng bahay.

"Mag-ingat ka sa byahe Light." Sabi ko dito kaya lumapit ito sa akin at madiin akong hinalikan sa labi kaya gumanti na rin ako ng halik dito at napayakap ako sa leeg nito.

Pareho kaming humihingal nang bitiwan niya ang labi ko at pinagdikit pa ang noo namin.

"I'll see you tomorrow again babe goodnight." Bulong nito kaya napatango na lang ako at saka na ito sumakay ng kotse nito.

Napahawak na lang ako sa labi ko habang nakatingin pa rin sa kotse nito palayo.

Pumasok na sa kwarto nito si daddy kaya umakyat na rin ako sa kwarto ko para makapagpahinga na.

Sa sabado pa naman ang party kaya may oras pa ako bukas na magpa-salon.

Nakahiga na ako nang may kumatok kaya alam ko na si Kari ito dahil nag-text ako dito na nandito na ako sa bahay.

Umupo ito agad sa kama ko at napatingin sa akin kaya pinalo ako nito sa braso.

"Hinatid ka ni Light at nakita ko ang ginawa niyo." Sabi nito kaya napatawa ako at bumangon saka ko sinabi dito na nagkita kami kanina kaya nag-date na kami at hinatid ako ng lalake.

"Wag ka nang magalit ganon talaga hindi ko naman siya matitiis ng ganon lang." Sabi ko dito kaya napailing na lang ito at napahinga ng maluwag.

Dahil alam ko na mauunawaan ako ni Kari ay kinwento ko dito ang sinabi ni Lorraine kanina kaya naman hindi ito makapaniwala.

"You mean what you said Akisha? Paano kung totoo nga ang sinabi nito?" Magkasunod nitong tanong kaya napatitig ako dito at napahilot na lang sa noo ko.

"Hindi ko na alam Kari unti-unti ko nang nalalaman ang totoong pagkatao ni Light." Bulong ko na nag-init ang mga mata ko.

Hinawakan nito ng mahigpit ang kamay ko at nagkatinginan na lang kaming dalawa.

"You should be carefull now Akisha hindi natin alam kung sino talaga si Light." Sabi nito mayamaya kaya napatango na lang ako dito.

Kinabukasan ay maaga akong nagising at kakababa ko pa lang ay gising na si daddy at nasa sala na.

"Good morning dad." Bati ko dito kaya napangiti ito at pinaupo ako sa tabi nito.

Nagtaka ako dahil may nilabas itong isang malaking kahon isang jewerly box kaya napatitig ako dito.

"Remember the necklace key na rinigalo ko sa'yo when you are fifteen." Sabi nito kaya napatango ako naalala ko pa iyon na huling regalo nito sa akin na kabilin-bilinan nito na huwag kong iwawala iyon. Sa takot ko ay ni hindi ko nga iyon nilalabas man lang at nakatago lang lagi sa closet ko dito sa mansyon.

Nong lumipat kami ay hindi ko iyon dinala.

"Nandito iyon dad i never take in my cabinet." Sabi ko dito na ikinahinga nito ng maluwag kaya lalo akong nagtaka.

"Now give it to me hija." Sabi nito kaya agad akong tumango at muli akong umakyat para kunin sa kwarto ko ang kwintas na iyon.

Mukhang alam ko na kung ano ang bagay na iyon malamang susi iyon ng jewerly box na nasa sala.

May isang safety box dito sa cabinet ko at kasama ng mga gold bracelet at hikaw ko ay kasama ito na nakatago dito.

Kinuha ko ang kwintas at napatitig ako dito at sa loob ng ilang taon ay nandito pa rin ito.

Bumalik na ako sa baba at nakita ko si daddy na nakatingin lang sa malaking kahon.

"Ito na po daddy." Sabi ko dito kaya napatingala ito sa akin at napatango at agad na kinuha sa akin ang kwintas.

Tama susi nga ito sa kahon na ito at muli akong pinaupo ni daddy sa tabi nito at namangha ako sa laman nito.

"This is you grandma's most precious stone, this is her engagement and wedding ring at ang ilan pa sa mga mamahaling alahas na ito ay pinamamana ko sa iyo Akisha." Sabi ni daddy na ikinatitig ko dito kaya hindi ako makapaniwala.

"Pero dad what about ate and mommy?" Tanong ko kaya napailing ito.

"They are no longer part of this family Akisha, Alicia is not your real sister anak siya ni Mildred sa ibang lalake." Ito ang rebelasyon ni daddy na hindi ko inasahan kaya napasinghap ako at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"You are my sole heir and the company that my grandfather and father built is yours also." Sabi nito na ikinayuko ko na lang.

How come this morning is full of surprices for me.

Kinwento ni daddy na pareho naman sila ni mommy na nagkaroon ng kasalanan sa bawat isa, nauna lang si mommy pero hindi niya ito alam nong una.

Nalaman lang ito ni daddy nong pinapason nila si ate sa facility at nagsimula na rin pala ang argumento nila ni mommy.

This is the reason why he is devastated that time at pinagmukha lang siyang tanga ng sarili niyang asawa.

Kasabay nito ang pagkawala ng ioan sa mga negosyong pinaghirapan nito.

"I don't know what to say daddy." Bulong ko na pinalapit ako nito sa tabi nito at kinabig payakap.

"This is our biggest secret Akisha, this family is full of secret that we hide to other people." Bulong na lang ni daddy kaya napapikit na lang ako at hinayaan ko ang sarili ko na pansamantalang alisin ang takot na ito na nagsisimulang umusbong sa dibdib ko.