Chereads / Badboys Bring Heaven / Chapter 21 - Chapter twenty-one

Chapter 21 - Chapter twenty-one

Napatingin ako kay Dryle na sinabi ang narinig nito kina Akisha.

Nag-grocery raw sila kanina at nakita nila si Lorraine sa grocery at may masasakit na salita ang sinabi ng babae kay Akisha.

Napakuyom ako ng kamao dahil hindi talaga natatakot ang babaeng iyon.

Kahit ilang beses ko na itong binalaan ay hindi pa rin ito nadadala kaya tinawagan ko na ang ama nito na pauwiin na ito sa kanila.

Mababalewala ang mga plano ko kapag nakialam ang babaeng iyon at sigurado ako na malaking problema kapag nalaman ni Akisha ang lahat.

"Ano ang gusto mong gawin ko Elijah?" Tanong ni Dryle mayamaya na nakatitig sa akin kaya napatingin ako dito.

"Ako na ang bahala at gagawa ng paraan." Sabi ko dito kaya tumango lang ito at pumasok na ulit ng kabahayan.

Napatingin ako sa loob ng bahay dahil nakabukas ang pinto at kitang-kita ko sina Akisha sa loob.

Napahalukipkip ako dahil umaayon na ang lahat ng plano ko at nakuha ko na ng tuluyan ang loob ni Akisha.

Malapit na ako sa katotohanan na pagbabayarin ko ang pamilya nito.

Nalulugi na rin ang kumpanya ng ama nito na unti-unti nang nawawalan ng mga kasosyo nito sa trabaho.

Hindi pa ito nakakarating sa media kaya tahimik pa ang lahat, may impluwensya pa run na pinanghahawakan si Arlando De Luna.

Pero kung tutuusin ay pwede ko na itong gawin ang ipaalam sa publiko na unti-unti nang nalulugi ang negosyo ng mga De Luna.

At ang madalas na pagpunta ng ama nito sa Amerika ay ang pag-aasikaso ng kumpanya nito doon na siyang tanging kumikita na lang.

Pero hindi na rin ito magtatagal dahil nakaplano na sa akin ang lahat.

Kaunting tiis na lang at mapapabagsak ko na ang mga De Luna.

At ang ibig sabihin lang nito ay maipaghihiganti ko na ang pamilya ko lalo na ang aking ama.

They really took the bait now at may bonus pa ako at ito ay si Akisha.

I do love this woman but in order to have my revenge kailangan ko itong gamitin laban sa pamilya nito.

Ang idamay ito ay ngayon ay ang huli kong gagawin, kapag napabagsak ko na ang pamilya nito ay dadalhin ko ito sa Italy at pakakasalan ko ito at bubuntisin para wala na itong kawala pa.

Naiisip ko pa lang na magkakaroon kami ng anak ni Akisha ay hindi na ako makapaghintay pa na dumating ang araw na iyon.

Napatingin ako kay Yuki na nakatitig kay Akisha kaya napakunot ako ng noo.

Napakuyom ako ng kamao dahil hindi maganda ang pakiramdam ko sa titig na nagmumula dito.

Ayokong mag-isip ng masama pero hindi ko maiwasan na hindi mag-isip ng hindi maganda.

Sa dami kong trabaho ay hindi ko na halos namamalayan na lumilipas ang panahon.

Pati ang pagpapabagsak ko sa mga De Luna ay hindi ko na namalayan na unti-unti na pala itong nasisira kaya mas umaayon lahat sa akin ang sitwasyon.

"Pwede ba tayong mag-usap Light?" Napatingala ako kay Saeki na hindi ko namalayan na nandito na pala sa opisina ko.

"Bakit may problema ba?" Tanong ko kaya umupo ito sa harap ko.

"Kailan mo ba titigilan ang paghihiganti sa pamilya ni Akisha?" Tanong nito kaya napakunot ako ng noo.

"What do you mean by that?" Tanong ko na naman kaya napahinga ito ng malalim.

"The De Luna's are having hard time now nawawala na unti-unti ang mga negosyo nila at yong kumpanya na lang nila dito sa Pilipinas ang natitira." Sabi nito kaya napangisi ako at alam ko na kung ano ang nasa isip nito.

Binantaan ko agad ito na huwag na munang makialam sa kung ano ang gagawin ko kaya napatango na lang ito.

Mukhang habang tumatagal ay lumalambot na ang puso nito samantalang kasama rin sa namatay sa trahedyang iyon ang kanyang ina.

Ngayon pa lang ay binalaan ko na ito na kung ano man ang nasa isip nito ay huwag na niya ituloy.

I know Saeki alam ko na hindi niya ako sasaksakin sa likod, he and his father is the only family that i have since my father is not waking up yet.

"Don't tell me may gusto ka ba kay Akisha?" Tanong ko dito sa seryosong boses kaya napatawaang ito at tinaas ang dalawang kamay.

"Come on Light i am not that greedy, i just see her as my sister at alam ko na masasaktan siya oras na malaman niya ang mga ginagawa mo." Sabi nito kaya napahilot na lang ako ng sentido ko.

"Saka ko na iisipin ang bagay na iyon kapag nagawa ko na ang paghihiganti at pagpapahirap sa ama niya." Sabi ko na lang dito na napailing na labg at saka na nagpaalam na lalabas na.

Pagod na umuwi si Akisha galing sa cafe pero nakangiti pa rin ito at laging buhay ang mga tawa.

Bihira ko na rin itong makitang malungkot hindi tulad nong nakaraan nang malaman nito na hindi nito totoong nanay ang asawa ng ama niya.

Pero nang magkausap sila ng ama niya na napakalaki na ng pinagbago nito mula nong huling beses ko itong makita.

Mukhang kinukuha nito ang loob ni Akisha pero tila ba wala pa rin itong alam tungkol sa pagkatao ko.

At mas umaayon sa akin ang mga bagay na ito dahil nakakakilos pa rin ako ng maayos.

But one thing that i am sure i need to do something.

I gave one of my men the instruction, alam ko na kabaliwan na ito pero kailangan ko itong gawin.

Kinabukasan ay tinawagan ako nito at tapos na ang pinapagawa ko but i saw how Akisha has been lost and the way she hurt.

Their little business are caught in fire last night at ako ang may kagagawan nito.

Si Dryle at Yuki ay walang kaalam-alam sa ginawa ko kaya naging pabor ito sa akin.

I need to do this para magawa ko ng maayos ang lahat.

May pera naman ako at tinutulungan ko ngayon si Akisha to build the shop again.

Gabi-gabi ay umiiyak ito dahil masakit para dito ang mawala ang unang bagay na pinaghirapan nito.

Hindi ko alam pero wala akong naramdaman na ni katiting man lang na konsensya ang tanging nasa isip ko ay ang mawala ang sagabal sa plano ko.

And then Akisha father is in the hospital at napakasaya ko dahil mukhang mamamatay na ito.

Hindi ko na kailangan na dumihan pa ang mga kamay ko dahil may sakit na ito at ito na mismo ang papatay sa hayop na iyon.

I remember when my mother and sister died, tinakpan nila nila at binayaran ang media para hindi madawit ang pangalan nila.

This is cause so much pain to my dad and me dahil nagbabakasyon lang naman noon dito sa Pilipinas ang pamilya ko pero nasangkot pa sila sa ganoong trahedya.

I was just ten years old that time but i will never forget that day how i saw my family in that casket.

At ang ama ko na hindi na naka-recover mula nong mangyari ang trahedya hangang sa ma-comatose ito at limang taon na mula nang mangyari iyon sa aking ama.

"What did you say?" Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Akisha na uuwi ito sa kanila at ito na muna ang magbabantay sa ama nito na nakalabas na ng hospital.

Nanggalaiti ako dahil nabuhay pa ito gayong halos mamatay na ito lalo na nang malaglag ito sa kama nito.

How i wish that old man is decease now.

Pero sabi nga nila ang masamang damo ay matagal mamatay kaya hindi agad ito sinundo sa impyerno na pupuntahan nito.

At ngayon maririnig ko mismo kay Akisha na aalagaan nito ang ama nito na sinimulan na ng away namin.

"He is my father Light i'm sure you can understand that." Sabi nito kaya napailing na lang ako at hindi makapaniwala sa sinasabi nito.

Dahil alam ko na likas na matigas ang ulo nito ay pinilit niya talaga na umuwi siya at kinabukasan nga ay umalis na sila ng kaibigan nito.

"Don't make anything Light for now." Sabi ni Yuki kaya napahilot na lang ako ng sentido ko.

The next three days are really boring dahil tila nawalan ng buhay ang bahay namin.

Madalas ko naman na puntahan si Akisha pero hindi ako nagpapakita dito.

Ang nakakainis pa ay ito na muna ang pumalit sa ama nito sa nag-iisang na lang nilang kumpanya na ayaw nitong isuko.

Magaling si Akisha sa larangan ng negosyo nahasa kasi ito dahil galing ito sa kumpanya ng ama nito at naging executive manager pa bago ito umalis doon.

At ngayon nga ay unti-unti nitong binabangon ang kumpanya ng ama nito.

I can't believe it that she can do this work syempre may mga taong pinagkakatiwalaan pa rin sila ng ama nito at may mga loyal pa rin na impleyado sa kumpanya ng mga ito.

Pero gagawan ko ng paraan para mawalan ng posible investor anv kumpanya nila.

"Don't even think about dirty works again Elijah." Napatingin ako kay Kuya Anton ang pinsan ko na kakikilala ko pa lang dito dahil nito ko lang nalaman na may anak pala sa labas ang uncle ko na pinsan ng aking ama.

Well he is the CEO of the company who still providing the company of De Luna's.

"Sabi ko naman sa'yo pababagsakin ko sila." Sabi ko dito kaya napailing na lang ito.

"Huwag mong gawin yan kung ayaw mong tuluyan na mawala sa'yo ang babaeng pinakamamahal mo." Sabi nito kaya napatitig ako dito.

I know kung saan nanggagaling ang hugot nito dahil hiniwalayan ito ng asawa nito at kaya bitter ito hangang ngayon.

"Magkaiba naman tayo ng sitwasyon kuya." Sabi ko dito kaya tinapik lang ako nito sa balikat.

"Basta huwag kang gagawa ng kalokohan na pagsisisihan mo lang sa huli." Sabi nito kaya napatango na lang ako dito saka na ito nagpaalam sa akin.

May meeting ako ngayong araw at medyo gutom ako nang matapos ito at naisipan ko na magkape lang muna bago ako umuwi.

Pero nagulat ako dahil nakita ko si Akisha na tila nagulat rin ng makita ako.

I bet she has meeting too pero wala na ang kung sino man na kausap nito.

I felt so happy that after a week ay nakita ko itong muli at hindi ko maiwasan at akma ko itong yayakapin pero umatras ito dahilan para mapakunot noo ako.

But this is not a matter right now kaya hindi ko na muna inintindi ang pag-iwas nito.

I don't to waste this time na hindi ito nakakasama kaya u need to stay calm lalo na at medyo galit pa rin ito sa akin.

Sinamahan ko ito na bumili ng damit na susuotin nito dahil imbitado rin pala ito sa party na pinagawa ni Kuya Anton.

Mamaya ko na tatawagan ang pinsan ko na hindi dapat malaman ni Akisha na magkakilala kami dahil alam ko na magtataka ito.

I just want to hug this woman right now at susulitin ko ang gabing binigay nito dahil sabik na sabik na ako dito.