Nakaupo ako sa sofa ngayon at nasa harap ko si Light na nakatitig sa akin.
"Light i want to help my dad now and taking care of him while acting as his substitute in our company." Sabi ko dito kaya mukhang hindi nato nagustuhan ang sinabi ko.
Kahapon pa niya ako kinausap na kumuha na lang ng personal na magbabantay kay daddy kapag nakalabas na ito sa hospital at umuwi na kami ng Tagaytay.
Pero nagkaroon lang kami ng hindi magandang argumento dahil hindi ko nagustuhan ang sinabi nito.
Kaya ngayon nagdesisyon na ako na pansamantala na umuwi sa bahay namin at ako mismo ang mag-aalaga kay daddy.
Napatingin ako kay Kari na dala na ang maleta namin dahil sasama ito sa akin.
"So ganito na lang magdedesisyon ka na lang basta-basta? Do you even know what your father did to you? At ngayon tila balewala na sayo ang lahat!" Galit nitong sabi kaya tumayo na ako at hindi ito pinansin.
Kung papatulan ko ang sinabi nito ay lalo lang kaming mag-aaway kaya hindi na ako nagsalita pa.
"Malapit lang ang Tagaytay at Manila Light if you want to come to our house you can go there anytime." Sabi ko dito na hinila ko na ang maleta ko at lumabas na ng bahay.
I don't know why Light is thinking that way, tila ba nag-iba ito sa paningin ko na may lihim itong galit kay daddy.
Nang maisakay na namin ang gamit namin sa kotse ko ay napatingin ako kay Yuki na nakatitig lang sa akin.
"Ikaw na muna bahala diyan sa bugnutin mong kaibigan." Sabi ko dito kaya napangiti lang ito at tumango.
"Ingat kayo sa byahe." Maikli lang nito na sabi kaya sumakay na ako sa kotse at si Kari ang magda-drive.
Napatingin na lang ako sa bintana at dito tumulo ang luha sa mga mata ko kaya naramdaman ko na kinuha ni Kari ang kamay ko at pinisil niya ito.
Tahimik na lang akong umiyak at napasandal na lang sa upuan at saka pumikit at pilit na pinipigil ang luha na ayaw na yatang tumigil na umagos sa pisngi ko.
Now i need to do this for my dad dahil walang ibang mag-aalaga dito kundi ako lang.
Napapangiti na lang ako dahil nakikipag-argumento si Kari kay daddy na inaalalayan ng kaibigan ko na maglakad-lakad dito sa garden ng bahay namin.
Naiuwi na namin si daddy makalipas ang isang linggo na pamamalagi nito sa hospital, at dito na muna kami sa mansyon namin at kasama ko si Kari na hindi ako iniiwanan.
At heto kaming dalawa ang nag-aalaga kay daddy na mahina pa ang katawan.
His left arm are still not in good condition dahil nga ito ang naitukod nito nang malaglag ito sa kama niya sa hospital.
Hangang ngayon ay hindi ko pa rin maiwasan ang hindi magalit kay mommy dahil sa ginawa nito kay daddy.
Kaya naman hindi ko na ito pinalapit pa kay daddy.
Sa ngayon ay nakikipag-usap pa ako sa mga executive ng kumpanya namin tungkol sa pagkawala ng mga investment ng kumpanya.
Unti-unti na talagang nalulugi ito at ito ang dahilan kung bakit laging nasa labas ng bansa ang aking ama at lumala rin ang sakit nito.
At ang nag-iisang pag-asa na lang ni daddy ay ang kumpanya namin dito sa Manila na siyang pinakamalaki.
Ang nasa Singapore at Taiwan ay tuluyan nang naipasara maging ang iba pang restaurant at hotel ng pamilya namin sa Amerika at Canada ay tuluyan nang bumagsak at napasara na rin.
Hindi ko makalimutan ang ginagawi ni mommy habang naghihirap si daddy na isalba pa ang mga negosyo namin.
Napakasakit isipin na nangyayari ang bagay na ito sa pamilya namin.
Sa ngayon ay ako na muna ang naatasan na maging acting CEO ng kumpanya habang hindi pa magaling ang aking ama.
I want to help my father so kahit pinagawayan namin ito ni Light na hindi ko alam ang basehan nito ay mas pinili ko na muna na lumayo dito.
Baka lalo lang lumala ang sitwasyon kapag nagtagal pa ako sa Tagaytay.
Tutal naman ay pinapaayos pa namin ang shop at baka abutin pa ng ilang buwan bago ming mabuo ito.
"Ang kulit ng tatay mo Akisha kaunting lakad lang bagot na." Reklamo ni Kari nang umupo ito sa harap ko kaya napatawa na lang ako.
"Kilala mo naman si daddy." Sabi ko na lang dito kaya napailing na lang ito at nagsalin ng juice sa baso niya.
May nurse naman si daddy pero kailangan pa rin kami nito at saka nag-volunteer naman itong kaibigan ko na tulungan ako kaya hinayaan ko na lang ito.
I need a support right now dahil masyado akong nahihirapan sa sitwasyon namin kaya buti na lang at hindi ako iniiwan ng kaibigan kong ito.
"Tumawag nga pala si Crissy pinapakumusta ka." Sabi ko dito mayamaya kaya natigilan ito at napatingin sa malayo.
"May pwede ba akong malaman kung ano ang nangyayari sa inyong dalawa?" Tanong ko kaya napatitig ito sa akin pero napahinga na lang ng maluwag.
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi nito pero napangiti na lang ako at napailing.
"Bakla ako Akisha alam mo yan pero para bang bumabalik ako sa pagiging lalake." Sabi nito na tila hirap na hirap.
Dahil sa sinabi nito ay tumawa ako ng malakas at ako na mismo ang nagsalin ng juice sa baso nito na tila ginawa pang alak.
"What if she got pregnant Kari?" Tanong ko mayamaya na seryoso ko na itong tinignan kaya napayuko ito.
"Pananagutan ko pareho naman namin iyong ginawa." Sabi niya sa mabilis na sagot kaya napatango na lang ako.
"Ikaw wala pa bang nabubuo diyan sa tiyan mo? Baka mamaya mayroob na ha." Sabi nito mayamaya kaya napatingin ako dito at napahawak sa tiyan ko.
"Umiinom ako ng pills kaya alam ko na walang mabubuo." Sabi ko dito kaya napailing na lang din ito.
"Basta ikaw ang magiging ninang." Sabi nito kaya napangiti na lang ako dito.
Mayamaya lang ay bumalik na si daddy at saka ito umupo at binigyan ko ito agad ng juice at nag-slice ako ng cake.
"Kumusta pala ang meeting mo kanina sa board of directors?" Tanong ni daddy kaya napangiti ako.
"It's fine dad they suggest me to make an appointment in different homeowners in the city so we can build the company again." Sabi ko dito na napangiti ito at hinawakan ang kamay ko nang mahigpit.
"Dad tumawag kanina si Aunt Mariko and she's asking about you." Sabi ko dito mayamaya kaya natigilan ito at napatingin sa akin.
"How is she then?" Tanong nito mayamaya kaya napangiti ako.
Noon sa tuwing nababangit namin ang pangalan ng kapatid niya ay nagagalit ito pero ngayon wala akong makitang galit sa mukha nito.
"She want to go back and want to see you." Sabi ko dito kaya napatango na lang ito at nanahimik na.
Napatingin ako kay Kari na napailing na lang kaya iniba ko na lang ang usapan namin.
Then may alaala na sumagi sa isip ko habang nagbabasa ako ng mga reports kaya napatingin ako kay daddy.
"Anak gusto ko na munang magpahinga." Sabi nito kaya tumango ako at nagpatulong na ito sa nurse nito na pumasok na sa loob ng bahay.
"I remember something Kari about a day ago after me and Light go to Japan." Sabi ko dito dahil nga buwan na rin ang lumipas mula nong pumunta kami ng Japan at nagkaroon nga ako ng pagkakataon na makitang muli si Aunt Mariko.
"I remember i ask Light if know my father and he answer me with full of anger about how he loated my father." Sabi ko dito kaya napakunot ang noo nito.
"Then kaya ganito na lang ang galit niya na alagaan mo ang daddy mo ganon?" Tanong ni Kari kaya napailing ako at kinabahan ng husto.
"He just said it's about businesses." Sabi ko dito kaya napaismid ito at tinignan ako ng mataman.
"Akisha do you know Light's real identity or even now wala pa siyang sinasabi sayo?" Sabi nito kaya napayuko na lang ako.
"Hindi ko alam Kari pero isa lang ang alam ko at ito ang wala pa rin akong alam sa totoo nitong pagkatao." Sabi ko dito kaya napatawa ito ng mahina at mukhang pareho pa kami ng nasa isip.
No he can't do this kung walang basehan unless may iba pang dahilan ito at malaki talaga ang galit nito sa ama ko.
Palabas na ako ng opisina namin nang makita ko si Lorraine na naghihintay sa labas ng building.
Lumapit ako dito at napatingin ito sa akin at napakunot ako ng noo dahil sa tila may nagbago dito.
"Pwede ba taying mag-usap Akisha? Please this is important." Sabi nito kaya napatango na lang ako at pinasunod ko ito sa sasakyan ko na nakaparada na sa harap.
Pinasakay ko ito at nag-drive ako patungo sa malapit lang na restaurant.
"Now we are here ano ang gusto mong pag-usapan natin?" Tanong ko dito kaya nanginginig ang mga kamay nito na inabot ang isang baso ng juice na binigay ng waiter.
"About Elijah kung sino siya at kung ano ang mga kabaliwan niyang ginagawa." Sabi nito kaya napakunot ako ng noo.
"What are you talking about Lorraine? Isa na naman ba ito sa mga kalokohan mo?" Tanong ko dito kaya bigla itong umiling at nagsimula siyang magpaliwanag at sabihin ang hindi ko inaasahan na malalaman ko tungkol sa totoong pagkatao ni Light.
Para akong nanghina sa nalaman ko sa mga sinabi nito at alam ko na hindi na ito kasinungalingan dahil napagtagpi-tagpi ko na ang lahat.
Nanginginig ang buo kong katawan dahil sa mga sinabi ni Lorraine.
"He is madman and crazy Akisha, siya ang nagpasunog sa shop dahil ayaw niya na umikot na ang oras mo doon." Sabi nito ulit kaya napatitig ako dito nakita ko ang tila pasa sa braso nito na pilit niyang tinatakpan.
"What happen to your risk Lorraine?" Tanong ko dito kaya napatingin ito sa akin at lumikot ang mga mata at hindi alam kung ano ang sasabihin nito.
"This is nothing Akisha ang mahalaga ay nasabi ko sayo ang tungkol sa paghihiganti ni Light sa pamilya mo." Sabi nito kaya napatango ako at pilit kong kinakalma ang sarili ko.
"I want to go back home Akisha dahil baka madamay pa ang pamilya ko, masamang magalit ang isang Davidson and his father is still alive but he is in coma for three years now." Sabi nito mayamaya kaya napatango ako at saka na ito tumayo.
Kumuha ako ng pera sa wallet ko at binigay ko dito lahat ng cash ko na ayaw pa nitong tanggapin.
"Take it umuwi ka na Lorraine and don't come back here kapag nalaman ko na walang totoo sa mga sinabi mo sa akin ngayon ako mismo ang papatay sayo at idadamay ko rin ang pamilya mo!" Seryoso kong turan dito kaya nakita ko ang takot sa mga mata niya at agad na tumango saka nagmamadaling lumabas ng resto.
Napaupo na lang ako dito sa upuan at napahinga ng malalim.
Sa nalaman ko ay tila ba lalong nadagdagan ang problema ko.