Napaunat ako ng mga braso ko at nakita ko si Kari na pumasok ng opisina ko.
"How's the tiring day my bestfriend?" Tanong nito na umupo sa sofa na tila pagod rin.
"Nakakapagod pero masaya Kari." Nakangiti ko na sagot dito kaya napatawa ito at umupo sa sofa at napaunat ng mga braso nito.
It's been a month since we open this flower shop and our cafe but the first two weeks of our business are really tiring pero may mga tauhan kami na mababait at masisipag.
Ang mga tauhan namin dito ay mga estudyante na part-timer dahil malaki ang tulong nito sa kanila.
May pang-umaga kami at may pang-gabi kaya hindi kami hirap sa araw-araw.
Ang regular lang namin ay ang barista namin at ang dalawang waiter sa cafe.
Dito naman sa akin ay si Crissy na isang florish na nakilala namin nong nagpunta kami ng Bagiou para maghanap ng flower farm na kukuhanan namin ng mga bulaklak na ititinda dito sa shop.
Si Kari ang nakiusap dito na maging regular employee namin dahil naghahanap rin naman pala ito ng bagong trabaho.
"Ma'am may costumer po ulit tayo." Sabi ni Crissy na binati si Kari kaya tumango lang ang kaibigan ko dito.
Mukhang may tensyon na namamagitan sa dalawang ito na hindi ko mawari.
Tumayo ako at hinarap ang costumer namin at sabi nito ay mag-oorder sila ng mga bulaklak for wedding na dito gaganapin sa Tagaytay.
Dahil dito ay nawala ang pagod ko at masigla kong kinausap ang costumer ko.
Pagbalik ko sa opisina ko ay nakahiga na sa sofa si Kari at mukhang nakaidlip na.
Napatitig ako dito dahil tila ba may nagbago dito lalo na may manly na ang mga sonusuot nito.
Natigilan ako dahil tila ba nawawala na ang pagkabakla nito.
Well i met Kari when i am in first year highschool at hindi pa ito bakla noon.
Nagladlad nga lang ito nong graduate na kami ng highshool at nagkaroon na rin ito ng mga boyfriend.
Ako ang takbuhan nito noon kapag nagtatalo sila ng ama nito na nauuwi sa pananakit nito kay Kari.
At dito rin nila nalaman ang malubha nang sakit ng mama nito dahilan para lalong ikagalit ito ng ama niya.
Hangang sa tuluyan na ngang nagpaalam si tita at dito na rin umalis sa bahay nila si Kari na ang totoong pangalan ay Kayden.
Pero dahil nga sa mga masasamang nangyari sa buhay nito ay pinalitan niya iyon ng Kari kaya nasanay na rin ako na tawagin ito sa bago niyang pangalan.
Napatingin ako kay Crissy na maya't mays ay nakatitig kay Kari kaya napangiti na lang ako.
Tinulungan ko na ito sa pag-aayos ng mga vase namin at nakita ko ang pagsulyap nito ng lihim sa kaibigan ko.
"You like him?" Hindi ko na napigilan na tanong dito na ikinagulat nito na napatingin sa akin.
"Akisha no i mean he is gay come on." Sabi nito na namumula ang pisngi.
"He is not before but some circumtances put him into that gender but he is a good man." Sabi ko dito kaya napatitig ito sa akin at napahinga ng malalim.
"Maybe i may like him pero lalake rin ang gusto niya kaya wala akong pag-asa." Sabi nito at dito ko napagtanto na nagsabi na ito sa kaibigan ko kaya napatawa ako.
So this is the reason why he is acting like that kaya napatawa ako ng mahina.
"Did you tell him?" Tanong ko para makumpirma ko pa rin kaya namumula itong tumango.
"Unang kita ko pa lang sa kanya kaya nga agad akong tumango nong tinanong niya ako kung gusto kong magtrabaho dito sa flower shop mo." Sabi nito kaya napangiti ako at hindi makapaniwala.
"Hindi ko naman kasi alam na bakla siya kasi hindi naman siya mukhang bakla kung kumilos akala ko na nong una ay mag-boyfriend kayo." Sabi nito ulit kaya lalo akong napangiti.
"Well Crissy kung gusto mo ang kaibigan ko at desidido ka na baguhin siya ay susuportahan kita." Sabi ko dito na hawak na ito sa kamay kaya nagulat siya at mayamaya naman ay napangiti na.
"Ano ba yang pinagbubulungan niyo diyan at tila kayo kilig na kilig?" Tanong ni Kari na gising na pala kaya pareho kaming napatawa ni Crissy at nagpatuloy na lang sa ginagawa namin.
This is so exciting ang pagpapabalik ng totoong kasarian ng kaibigan ko at dahil ito sa babaeng tinamaan ng kamandag nito.
Natapos na naman ang isang araw na kahit nakakapagod ay masaya ang puso ko.
"Uwi na tayo?" Tanong ni Kari na inalalayan akong makababa sa anim na baitang na hagdan pababa sa shop.
"Mag-grocery muna tayo sabi ni Yuki ay wala na tayong mga kailangan sa bahay." Sabi ko dito na napatingin kay Dryle na agad na ngumiti at binuksan ang pinto ng sasakyan.
"Hello Dryle kumusta ang araw mo?" Tanong ni Kari dito kaya napatingin ito sa kaibigan ko at ngumiti lang.
"Maayos naman." Simple lang nitong sagot kaya napailing na lang ako.
Dryle is a man of mystery pero napagkakatiwalaan na namin ito lalo na kapag nagde-deliver kami ng mga bulaklak sa costumer namin.
Nakita ko na tumatawag si Light kaya agad ko itong sinagot.
"Maaga kang uuwi? Okay what do you want for dinner then?" Tanong ko ulit kaya napangiti ako at tumango.
"Letchong manok raw ang gusto ng boss mo." Sabi ko kay Dryle na napangiti lang at tumango.
Nasa counter na kami nina Kari nang makita ko si Lorraine na nandito rin kaya napakunot ako ng noo.
Mula nang pagbawalan ito ni Light na bumalik ng cafe ay hindi na ito pumunta pa sa akin dahil tiyak ako na magkakagulo na naman kami.
"What a coinsidence." Sabi nito at may kasama pa itong isa pa na babae kaya napangiti lang ako at hindi na ito pinansin.
Si Kari naman ay masamang tinitigan ang dalawa kaya agad itong nanahimik.
Takot ito kay Kari dahil sa pagtututok nito ng kutsilyo dito nong isang araw.
Hindi ko na lang sila pinansin at nagbayad na ako gamit ang card na pinapagamit sa akin ni Light.
This card has no limit kahit anong bilhin ko pero dito ko lang kinukuha ang pambayad ng kuryente sa bahay at tubig at ang pang-grocery namin.
Sabi nga ni Kari ay pwede kaming makabili ng bahay at lupa sa card na ito o kahit mamahaling kagamitan kaya napapatawa na lang ako dito.
May sarili naman akong pera lalo na at kahit papano ay nakikita na namin na kumikita ang maliit na negosyo namin.
"Ginagamit mo na rin pala ang pera ni Light ngayon, how cheap." Parinig nito kaya sinamaan ko ito ng tingin.
"Don't start your filthy mouth here Lorraine." Banta ko dito kaya napatawa lang ito at walang pakialam sa ibang tao na narito.
Lalo na ang cashier na napapatingin sa amin.
"Ako na dito Akisha, ikaw na babae ka ayaw mo bang tumigil o gusto mo ako mismo pumutol ng matabil mong dila!" Galit na turan diti ni Kari at napalapit na rin sa amin si Dryle na nilagay ako sa likod nito.
How bless i am na nandito sa tabi ko ang dalawang ito kaya hindi ako naaapektuhan sa mga pinagsasabi ng babaeng ito.
Nakauwi na kami na maingay pa rin si Kari kaya pinatigil ko na ito.
"Nakakainis lang kasi bakit ba kasi hindi na lang paalisin ni Light yong babaeng iyon dito sa bansa natin." Sabi nito kaya pinalo ko na ito braso dahil nandito si Dryle at ang lakas pa ng boses nito.
"Hindi naman niya kontrolado ang babaeng iyon." Sabi ko dito na pinatigil ko na ito kaya napahinga na lang ito ng maluwag.
Napatingin ako kay Yuki na mukhang narinig ang sinabi ni Kari kaya napahinga ng malalim ang kaibigan ko at napatingin kay Yuki.
"Pumasok na ako sa loob at nauna sa kanila na nilabas na sa sasakyan ang mga pinamili namin.
"I will talk to Light about it Akisha." Sabi ni Yuki na nandito na rin sa kusina at inaayos na namin ang mga pinamili namin.
"Don't Yuki makakadagdag lang ito ng alalahanin kay Light at isa pa ay kaya naman namin ito." Sabi ko dito kaya napatitig ito sa akin at tumango.
"I just don't want you to have more problem with Lorraine, i know her since we we're young and i know how she overly obsesse to Light." Sabi nito kaya napahinga na lang ako ng malalim at napailing.
"Kaya ko naman na harapin ang babaeng iyon, hindi ako ang tipo ng babae na magpapaapekto sa mga pinagsasabi nito at kilala mo ako Yuki atlist in the past month mula nang magkakilala tayo." Sabi ko dito habang nakangiti kaya napatawa na ito at tumango.
"Alam ko hindi ikaw ang tipo ng babae na magpapa-bully na lang sa kahit sino, mas nakakatakot ka nga kapag mahinahon ka lang eh." Sabi nito kaya napangiti ako at tumango dito.
Nagkasundo kami ni Yuki na huwag nang sabihin kay Light ang tungkol dito.
Ayoko na kasi na lumaki pa ito kaya hahayaan ko muna ang babaeng iyon na malapit sa amin.
Pero kapag naging sobra ito ay saka na ako kikilos sa paraan na hindi na ito makakagulo sa amin.
Nagluto na ng hapuan sina Yuki at ako naman ay umakyat sa taas para magbihis.
Napakunot ako ng noo dahil naiwan ni Light ang laptop nito kaya napailing ako.
I want to open it dahil curious ako pero i know my limitation kaya hindi ko ito gagawin.
May respeto ako sa privacy nito at alam ko na ganon rin ito sa akin kaya hindi ko sisirain ang tiwalang iyon.
Respeto at tiwala sa isa't isa ang mga sangkap sa masayang pagsasamahan ng isang relasyon kaya hinding-hindi ko sisirain ang kahit isa sa mga iyon.
Naglinis lang ako ng katawan at saka na ako nagbihis ng pambahay at nilabas ko sa bag ko ang isa ko pa na cellphone.
For business ito at pa-lowbat na kaya icha-charge ko na.
Pababa na ako ng hagdan nang marinig ko na nagbukas ang gate sa labas kaya alam ko na nandito na si Light.
Sinalubong ko ito at agad akong niyakap at hinalikan sa labi.
"Hows your day babe?" Tanong nito kaya napatitig ako dito habang tinutulungan ko ito na magtanggap ng butones ng polo niya.
Umakyat ulit kamk dahil magbibihis ito at sinama na ako paakyat.
"Okay naman i have big client today at nag-order sa amin ng flowers for the wedding." Sabi ko kaya napatitig ito sa akin at napangiti lang.
Palagi ko naman nababangit ang kasal pero ngayon lang ito bahagyang natigilan kaya kinabahan ako.
I know masyado pang maaga para isipin ko ang salitang kasal pero hindi na rin mawala sa isip ko ang bagay na ito na sana balang araw ay si Light na ang lalakeng pakakasalan ko.