Maaga akong nagising dahil aalis kami ngayong umaga ni Light at uuwi ako sa amin.
Habang nagbibihis ako ay nakita ko si Light na nagpu-push up na at nakahubad baro kahit malamig ang aircon kaya napailing na lang ako.
"Good morning babe hindi mo ako hinintay sabay sana tayong naligo." Sabi nito na may kakaibang kislap ang mga mata kaya napatawa ako ng mahina.
"Kung hinintay kita hindi tayo makakaalis ng maaga." Sabi ko dito kaya tumawa lang ito at kinuha na ang tuwalya na pinatong ko sa kama at ininom na nito ang kape na tinimpla ko na bago ako naligo.
Ewan ko ba sa lalakeng ito kung bakit ayaw ng kape na mainit ang gusto ay yong malamig na at isang lagukan lang kung uminom.
Gusto rin nito ay kape lang at walang asukal basta puro at yong mapait talaga.
Ako naman ay gusto ko sa kape ay yong may gatas at may asukal at mainit na mainit para natatangal ang lamig sa katawan ko, lalo na at malamig dito sa Tagaytay at nasa taas na bahagi pa ang bahay namin.
Wala pang tao sa baba dahil alas-singko pa lang may pasok at si Kari muna ang bahala sa shop.
Hindi na rin kami nag-almusal at umalis na para hindi kami abutan ng gabi mamaya at makauwi kami agad.
Nakatingin ako sa labas ng bintana habang nagda-drive na si Light.
Naiwanan ko na rin naman kay Crissy at Dryle ang shop kaya wala akong problema.
But my problem now is my father who wants to talk to me, nakauwi na pala ito nong nakaraang araw pa at hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang kaba sa dibdib ko.
Napatingin ako kay Light na kinuha ang kamay ko at pinagsalikop niya ang mga kamay namin.
"Everything will be alright babe." Sabi nito kaya napangiti ako at tumango.
"Hindi ko alam kung paano ba ako magsisimula mamaya." Sabi ko dito kaya hinalikan niya lang ang kamay ko.
"Buong buhay ko kasi ay ni katiting na pagmamahal ni mommy ay hindi ko naramdaman pero hindi ko naisip kahit minsan na hindi siya ang aking ina." Sabi ko dito kaya napatango lang ito.
"Family has always dirty little secret Akisha." Makahulugan nitong turan kaya napatingin ako dito at tumango lang.
Hindi ko alam kung ano nga ba ang sasabihin ni daddy mamaya tungkol sa kung sino ang totoo kong ina at kung bakit nagkaganito ang pamilya namin.
Kung sa bagay ay isa ang tiyahin ko sa mga tinatagong sikreto ng pamilya namin na ayaw nilang malaman ng mga tao, lolo has good reputation in public eyes kaya nang magkaroon ito ng anak sa ibang babae ay ginawa ng pamilya namin ang lahat para hindi ito makalabas sa publiko.
At isa pa ay sa main house kami pupunta ibig sabihin ay doon na rib pala namamalagi si daddy at umalis na raw ito sa bahay namin sa Makati.
As usual ay mahigpit ang security dito sa village kung saan kami nakatira pero nagpakilala ako sa guwardiya na agad akong nakilala.
Ang bahay namin sa Makati ay binili nina daddy nong nasa college na kami at bihira kami umuwi sa main house nong buhay pa si lolo ang ama ni daddy.
Nang makarating kami sa mansyon ay napatingala ako dito at matapos ang ilang buwan ay ngayon na lang ulit ako makakauwi.
The paascode of our gate is still the same kaya naman napatingin ako kay Light na nasa likuran ko.
"Your house still give me a creep." Sabi nito kaya napangiti ako at napatango.
Yeah, tama naman si Light our house is almost fifty years old until to this day marami na ang pinagdaanan nito at dito rin dati nakatira ang mga magulang ni daddy.
Last time kasi ay sinama ko siya dito para kuhanin ko ang ilan kong gamit nong lumipat ako sa bahay nito at dito niya unang nakita ang mansyon na makaluma nga raw kaya napailing na lang ako.
Pina-renovate lang ni daddy ito dahil nga luma na rin ang ilan sa mga haligi at nang dito na rin tumira sina daddy kaya wala na halos ang mga lumang kagamitan dito pero still the same vibe pa rin.
It was an spanish old house at may napakalawak na maze garden at lawn na madalas ko noon pagtambayan kapag gusto kong mapag-isa.
Nang bumukas ang main door ay si manang ang nabungaran namin na agad kong niyakap dahil miss ba miss ko na ito.
"Kumusta ka hija ang tagal mong hindi nakauwi." Sabi nito kaya napangiti lang ako.
"Okay lang po ako manang, kayo po kumusta kayo dito?" Tanong ko rin dito na sinagot naman nito na maayos sila dito at saka nito nakita si Light.
"Manang si Light po pala boyfriend ko, babe si Manang Minda siya ang nagpalaki sa akin." Pakilala ko sa kanilang dalawa sa isa't isa at magalang naman na nagmano si Light kaya nakita ko ang saya sa mukha ni manang.
Niyaya na kami nitong pumasok at nasa veranda raw sina daddy ang ibig sabihin ay mukhang narito rin si mommy kaya kinabahan ako.
Nang makita ako ni daddy ay agad itong tumayo at niyakap ako at hinalikan ako sa noo kaya niyakap ko na rin ito.
Pero natigilan ito dahil kasama ko si Light.
"Nice to meet sir. madam. My name is Elijah Davidson." Pakilala ni Light sa mga magulang ko na halata ang gulat sa mga mukha.
"So ito pala ang nagbabahay sa'yo ngayon." Napanting ako sa sinabi ni mommy pero hinigpitan lang ni Light ang hawak sa kamay ko.
"Stop it Mirabel!" Saway ni daddy kay mommy kaya napailing na lang ako, kahit kailan talaga basura na ang bibig nito kaya medyo magaan ang loob ko na hindi ito ang totoo kong ina.
"Bakit hindi mo na lang sabihin diyan sa anak mo ang totoo niyang pagkatao na anak mo yan sa labas." Sabi ni mommy kaya napatingin ako dito at nakita ko ang pagkatigil ni daddy at saka kami pinaupo.
"Dad totoo po ba ang sinabi ni mommy?" Tanong ko kaya napatitig ito sa akin at huminga ng maluwag.
"Yes Akisha you are my daughter and your mother is my first love." Sabi ni daddy na ikinatayo ni mommy.
"Your first love!? So matagal ka nang may affair sa babaeng iyon!" Galit na sigaw ni mommy kaya napahawak ako ng mahigpit sa kamay ni Light na tahimik lang na nakikinig.
"Yes my first love mula noon hangang sa mga oras na ito isang babae lang ang minahal ko at hindi ikaw iyon." Sabi ni daddy na ikinasinghap ni mommy at hindi makapaniwala sa narinig.
It was big slap for my mother of what my father said to her.
Hindi ako makapaniwala na may ganito palang kwento sa buhay nila.
"Dahil sayo kung bakit sinaktan ko ang babaeng pinakamamahal ko." Patuloy pa ni daddy na napatingin sa akin.
"Muli kaming nagkita after so many years at nabuo ka namin sa pagmamahalan Akisha." Sabi ni daddy kaya nanubig ang mga mata ko hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
"Hindi ka pa rin nagbabago Sergio wala ka pa ring puso matapos kong ibigay sayo ang lahat!" Sigaw ni mommy na nag-histerikal na kaya napatayo na si daddy para pigilan ito.
"Akisha i love you so much like how i love your mother, ikaw ang pinakamagandang regalo ng mama mo sa akin but i feel so sorry dahil hindi kita naprotektahan noon dahil naging mahina ako at naging sunudsunuran ako sa mommy mo." Patuloy ni daddy habang yakap nito si mommy na nagwawala at pinapalo ni mommy ito sa dibdib.
"Dad your words today is enough for me na mahal mo ako ito lang sapat na sa akin." Umiiyak ko na sabi dito saka tinignan si Light na nasa tabi ko.
"Go now hijo maybe some other time i want to have a proper cobversation for the two of you." Sabi ni daddy kay Light na tumango lang ito.
Saka na ako nito hinila paalis at tinignan ko pa ang mga magulang ko na nag-aaway. Gusto kong pigilan ang dalawa pero mabigat na masyado ang dibdib ko at gusto ko na lang umiyak ng umiyak.
Nagda-drive na si Light pauwi na kami pero kanina pa ako umiiyak hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
Basta napakabigat ng loob ko pero nandito pa rin ang kaunting saya ko na nasabi rin ni daddy kung gaano niya ako kamahal.
"He doesn't want anything bad happen to me kaya naging sunudsunuran siya kay mommy." Iyak ko habang nagkukwento ako kay Kari dahil nakauwi na kami.
"Kung ganon ay may ganito palang kwento ng buhay ang pamilya mo pang-teleserye." Sabi ni Kari na alam ko na pinapagaan lang ang loob ko kaya napangiti na lang ako.
Dahil nga sa nalaman ko na katotohanan ay pinayuhan ako ni Kari at Crissy na huwag na munang isipin ang bagay na iyon.
Nag-focus na lang ako sa trabaho at sa nakalipas pa na araw ay naging maayos naman ang lahat.
Tahimik kami at masaya nakakatangap naman ako ng tawag kay daddy at lagi raw itong abala kaya hindi pa kami nagkikita.
Naging maganda ang relasyon ko dito mula nang malaman ko ang totoo at mas lalo ko itong minahal.
Kahit na hindi na kami nagkita mula nong umuwi ako ay madalas itong tumawag at mangumusta sa akin na parang ngayon lang ito nagkaroon ng pagkakataon na maging maayos ang relasyon namin bikang mag-ama.
While Light is always busy in his work but he didn't forget to go home early to petch me to my work and have dinner together.
Minsan naman kapag hindi ito abala ay tumutulong ito at si Yuki sa cafe kaya naman mas marami ang nagiging costumer namin.
Sa loob lang ng halos anim na buwan ay naging maayos ang cafe at flower shop namin at mas minamahal ko ang trabaho kong ito.
Nag-aaral na rin ako na maging florist katulad ni Crissy na suportado ako lagi kaya naman naging mas malapit na rin ako dito.
But i thought we will never face mess until to this day but i am wrong.
Hindi talaga kami magiging masaya at tahimik hangga't may mga taong gustong sumira sa amin.
Napahinga ako ng malalim habang nakatitig sa shop namin na halos kalahati nito ay natupok ng sunog.
The culprit even broke the CCTV camera na sana ay magiging susi namin kung sino ang gumawa nito.
"Mukhang professional pa ang sumira sa shop natin Akisha." Malungkot na turan ni Kari kaya napahigpit ang hawak ko sa kamay nito.
Napatingin ako kay Light na may kausap sa telepono at kinabahan ako dahil tila ba hindi maganda ang kung ano man ang sinasabi ng kausap nito.
I feel like i want to cry but my tears didn't want to fall down, parang wala nang luha ang natira pa sa akin sa mga oras na ito.