Sinabi ko kay Light ang nalaman ko at wala itong sinabi na kahit ano.
Pero si Kari ay galit at hindi ito tumitigil sa pagsasalita ng masama sa aking ina.
Hinayaan ko lang ito dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
Napagod na rin ako na umiyak kanina pa kaya nakatulog ako at nang magising ako ay gabi na.
Bumangon ako pero nagulat ako dahil nandito pala si Light at nakaupo ito sa sofa pero tulog habang nakasalikop ang mga braso.
Hindi ba ito nangangawit sa itsura nito kaya naman lumapit ako dito at akma ko siyang hahawakan pero mabilis niyang nahuli ang kamay ko.
Nagulat ako dahil sa matalim nitong mga mata na nakatitig sa akin pero agad rin iyong nawala at kinabig ako payakap sa kanya.
"I'm sorry babe nagulat ba kita?" Tanong niya agad habang yakap ako ng mahigpit kaya napailing lang ako.
"Ako nga dapat ang magtanong niyan sayo." Sabi ko dito kaya napatawa ito ng mahina.
"Natakot ka ba? It was just my reflex." Sabi niya kaya napayakap na lang din ako ng mahigpit sa kanya.
Ilang sandali pa kami sa ganitong posisyon hangang sa isang tunog ang nagpatawa kay Light.
Namula ako at napahawak sa tiyan ko kaya naman lalo akong napahiya dito.
"Your already hungry come on baba na tayo para makakain na tayo ng hapunan." Sabi nito na agad akong tinayo at inayos muna ang buhok ko na gulo.
Bago kami bumaba ay naghilamos muna ako at nagbihis ng damit saka na kami magkahawak kamay na lumabas ng kwarto at bumaba.
Niyakap ako ni Kari nang makita ako nito kaya sinabi ko dito na okay na ako.
"Uuwi ka ba para tanungin mismo ang daddy mo?" Tanong nito kaya napaisip ako sa sinabi nito.
Sa ngayon ay hindi muna ako magsasalita dahil alam ko na nasa Amerika pa si daddy.
"Kapag nakauwi na si daddy wala siya dito sa bansa." Sabi ko na lang dito kaya napatango na lang ito.
"Sasamahan kita sa pagpunta mo sa inyo babe." Sabi ni Light mayamaya kaya napatingin ako dito at tumango.
"Okay kung yan ang gusto mo." Sabi ko dito kaya inakbayan na ako nito at saka kami pumunta ng hapag-kainan.
Bukas ay maaga kaming pupunta ng Manila para mamili mismo ng mga kagamitan sa cafe.
At pagkatapos doon ay ang flower shop naman namin ang aasikasuhin namin.
Magiging abala na naman kami sa mga susunod na araw bago ang launch talaga ng business namin ni Kari.
Si Yuki ang nagda-drive ng sasakyan kinabukasan, nasa harap sila Light na gusto nga dito sa tabi ko kaya lang ay hindi ako pumayag.
Isang malaking wearhouse ang pinuntahan namin kaya naging abala na kami sa buong maghapon.
Hindi na kami nakauwi ng Tagaytay kaya kumuha na lang kami ng hotel dito sa Makati at bukas na lang kami uuwi.
Natapos ang buong maghapon namin na nakakapagod kaya pagkalinis ko ng katawan ko ay napahiga akp agad ng kama.
Si Light ay nagpaalam na may kikitain raw dahil may tumawag kanina dito.
Mukhang seryoso ito habang kausap nito ang kung sino sa kabilang linya.
Nakakapagtaka nga na kahit si Yuki ay mukhang hindi maganda ang naging mood ng mag-usap ang dalawa.
Hindi ko na lang ito masyadong inisip dahil wala naman akong pakialam dito.
Nakatulog ako sa sobrang pagod pero nanf muli akong magising ay nakayakap na sa akin si Light.
"Napagod ka ba?" Malambing nitong turan kaya napatango ako at yumakap dito ng mas mahigpit.
"Mag-hapunan muna tayo babe." Sabi nito ulit kaya napatango lang ako.
"Sino nga pala yong kausap mo kanina?" Tanong ko habang nagbibihis ako dahil bababa kami dito sa hotel at kakain nasa baba lang kasi ang restaurant at hindi na kami lalayo pa.
"Kinakapatid ko anak ng ninong ko." Sagot nito kaya napakunot noo ako at napaisip, babae ba ito o lalake?.
"Ah bakit raw nandito siya?" Tanong ko ulit kaya napahinga ito ng malalim.
"She's here in the hotel sinundo ko siya kanina nakiusap ang ama nito na kung pwede ay ako ang sumundo dito." Sabi nito kaya napatigil ako sa pagsuklay ng buhok ko.
So babae pala ang kinakapatid niya kaya tila hindi ito mapakali.
Mukhang alam ko na ang kwentong ito, kakapanood ni Kari ng koreanovela na may ganitong tema ay alam ko na ang kwento.
Napailing na lang ako, mukhang magkakaroon ako ng kaagaw kay Light pero i am who i am.
Hindi ako magpapa-apekto sa ganitong senaryo kaya napailing na lang ako sa naiiisip ko.
Magkahawak kamay kami ni Light na sumakay ng elevator at nasa baba na raw si Yuki at Kari at ang kinakaptid nga raw nito.
Nasa bungad pa lang kami ng resto ay nakita na namin ang mga ito at ang mukha ni Kari ay mukhang hindi nag-eenjoy.
"Light nandito ka na pala, i save your chair come sit with me." Sabi ng babae na tila hindi nagpapaaraw sa puti.
"No need Loraine, i will sit with my girlfriend." Sabi ni Light dito sa malamig na boses kaya napatingin sa akin ang babae.
"Babe this is Lorraine my god-father daughter." Pakilala niya sa akin sa babae. "And Lorraine this is Akisha my gurlfriend." Pakilala rin nito sa dito sa akin.
Tumango lang ako dito at umupo na at lumipat si Yuki sa tabi ng babae dahil si Kari ay nakaupo sa kabisera.
Sinenyasan ako ni Kari ng magkatitigan kami at alam ko na ang nasa isip nito kaya sumenyas rin ako na tumigil.
"Akala ko ay wala kang hilig sa mga babae pero ito pala ang pinagkakaabalahan mo." Sabi nito kay Light na tila nagtatampo kaya lihim akong napaingos.
"I don't need to tell everything to you Lori dahil may kanya-kanya na tayong buhay." Sabi na lang ni Light kaya napangiti ako ng lihim.
"Babe what do you want to eat?" Tanong nito sa akin kaya napatingin ako sa menu at tinuro ko ang adobong pusit at sinigang na hipon.
"Yum, okay ako rin ito na rin ang kakainin ko and white rice." Sabi nito habang nakangiti kaya napatango ako.
Hindi ko sinasadya na mapatingin sa babae na kaharap lang namin at masama ang tingin nito sa akin.
Nginitian ko lang ito at nag-extra lambing pa ako kay Light para lang ipaalam dito na hindi pwede sa akin ang ugali niya.
"Ako naman ito baby back ribs and chapsuey ikaw Kari ano gusto mo?" Sabi ni Yuki at tinanong si Kari na napatawa na lang at saka napatingin sa akin at iningusan ako.
"Mahilig ka na rin pala sa gay ngayon Yuki, it's like don't get me wrong ha pero nakakadiri lalo na at ganyan ang papatulan mo, it's kinda disgusting for me." Nagpanting ang tenga ko dahil sa sinabi ng babae kaya hindi ako nagdalawang isip na tumayo at sampalin ng malakas ang babae dahil sa pang-iinsulto nito sa kaibigan ko.
Nagulat sila sa ginawa ko lalo na si Yuki na napatitig sa akin tumayo na rin si Light para pigilan ako.
"Alam mo hindi ko alam kung anong klase kang tao o ano pero huwag mong ipakita sa akin yang madumi mong ugali dahil baka mata mo lang ang walang latay, and don't you dare insult my friend infront of me!" Galit kong turan dito na hawak ang pisngi nito at tila gulat na gulat.
"Light did you see she slap me." Tila bata nitong turan sa boyfriend ko na inakbayan ako dahil nanginginig ako sa galit.
"Stop it Lori come on just go i don't want a person like you ruin our dinner, pinagbigyan kita na makasalo kami pero ininsulto mo hindi lang si Yuki kundi pati na rin si Kari at ang girlfriend ko." Napakalamig nang boses na turan ni Light na kahit ako ay kakaiba ang naramdaman dahil ngayon ko lang ito narinig sa ganitong boses.
Tumayo ang babae at nagmamadaling umalis sa harap namin kaya napaupo na lang ako at napatingin kay Kari at Yuki.
"She insult me and specially Kari so be it." Sabi ni Yuki na halata rin ang galit sa mukha.
"Come on friends kalimutan na lang muna natin ito ang mabuti pa hintayin na lang natin ang masaral natin na dinner." Sabi ni Kari na nakatawa lang pero alam ko na nasaktan rin ito sa sinabi ng babaeng iyon.
Kumain kami na nakabalik naman ang sigla namin dahil kay Yuki na nagpa-lighten na ng atmosphere sa amin.
Nakabalik na kami sa kwarto namin pero may pupuntahan pa raw si Light at Yuki kaya nandito muna ako sa kwarto ni Kari.
"Hindi naman ako nainsulto sa sinabi ng babaeng iyon pero nag-alala ako kay Yuki, you know i don't him to feel that way lalo na at lagi tayong magkakasama." Sabi ni Kari mayamaya habang magkatabi kami na nakaupo dito sa sofa niya at nanonood ng movie.
"Kari hindi ka naman mukhang bakla sa itsura mo minsan nga kapag magkasama tayo ay para lang tayong magkasintahan." Sabi ko dito sabay kiliti sa tagiliran nito na ikinatawa nito ng malakas.
"Ikaw talaga halika nga ditong babae ka!" Sabi nito dahil alam ko na kimilitiin rin ako nito kaya naman tumakbo na ako dito.
I love Kari as my own brother at hindi ko hahayaan na may umapi o mang-insulto dito dahil lumalabas talaga ang pagiging amazona ko.
Nakatulog ako dito sa sofa ni Kari at ito naman ay sa kama na niya dahil antok na raw ito.
Naramdaman ko na may nagbubukas ng pinto ng kwarto ni Kari kaya alam ko na si Light na ito.
"Did you wait for me babe?" Bulong nito habang karga na ako.
Napayakap na lang ako dito at muling pumikit.
Kinabukasan ay maaga akong nagising at tulog na tulog pa rin si Light kaya naman pumunta ako ng banyo para maligo na.
Hindi ko ni-lock ang pinto ng banyo dahil kami lang naman ni Light dito.
Hinubad ko na ang damit ko at hubo't hubad akong lumubod sa bathtub.
Pero hindi pa ako natatagalan dito ay naramdaman ko na si Light na nandito na rin, dahil nakapikit ako ay hindi ko ito nakikita.
"You left the door open babe." Bulong nito na hinihimas na ang magkabila kong dibdib kaya napangiti ako.
Ang pagligo namin ay nauwi sa mainit na sandali at bumigay na naman ako sa lalakeng ito na hindi na nagsawa kagabi pa.