Chereads / Badboys Bring Heaven / Chapter 14 - Chapter fourteen

Chapter 14 - Chapter fourteen

After three months of stress and tiring days atlast our cafe is almost finish.

Ang dalawang palapag na pinagawa namin na cafe ay sa wakas buo na at kagamitan na lang ang kulang.

Ang taas ay ang cafe at ang sa baba ay ang flower shop na napakaganda ng naging kinalabasan ng ilang beses kong pagbabago sa design.

Napahinga ako ng maluwag habang nakatitig sa pinaghirapan namin.

Inakbayan ako ni Light habang nakatitig rin dito kaya napangiti ako.

"Atlast babe it's almost done." Sabi nito kaya napatango ako.

Bukas ay idi-deliver na ang mga kagamitan na pinasadya pa namin na mga lamesa at upuan sa kilalang furniture shop ni Kari.

Sa nakalipas na buwan ay naging tahimik ang buhay namin at naging maayos ang lahat.

May tampuhan at hindi naging pagkakaunawaan na dumaan sa amin ni Light pero kinabukasan ay nawawala rin nagkakaayos naman kami kaagad.

Si Kari at Yuki ay tila aso't pusa pa rin pero magkasundo sa negosyo at may kinalaman lang talaga sa negosyo.

Mula nang mabalita sa telebisyon ang pamilya ko ay wala ba rin akong naging balita sa kanila.

Pero gusto kong bumisita sa mga ito at pumayag naman si Light na wala naman raw problema dito.

Kapag hindi na ako abala at may oras na ay uuwi ako para mabisita sina mommy, at maging si ate na nasa rehab ay gusto ko rin na mabisita.

"Uwi na tayo nagluto ng masarap na hapunan si Yuki." Sabi ni Light mayamaya kaya napatango ako at ni-lock ko na pintuan ng cafe.

Magkahawak kamay kami na pumunta ng parking pero napakunot ang noo ko dahil may nakaparada rin na dalawang kotse.

"Mga bantay sila babe humingi sko ng tulong sa kaibigan ko na may agency." Sabi nito na pinasakay na muna ako bago ito nakipagusap sa dalawang lalake na lumabas ng kotse at nakipagkamayan pa ito kay Light.

Base sa tingin ko ay mukhang hindi lang ordinaryong bodyguard ang mga ito.

Bakit ko nasabi eh tila modelo ang dalawang lalake na napatingin dito sa gawi ko.

Ilang minuto rin itong nakipag-usap kay Light at saka na ito bumalik dito sa kotse.

"Bakit kailangan ng guwardiya Light?" Tanong ko kaya ngumiti lang ito at hinawakan ang kamay ko.

"May umaaligid kasi na mga langaw sa paligid kaya dapat bantayan na natin." Sabi nito na hindi ko agad nakuha ang sinasabi nito pero mayamaya ay naintindihan ko na ang ibig sabihin niya.

"Mukhang may gustong sumabotahe sa negosyo namin ni Kari na hindi pa nga nagsisimula." Nasabi ko na lang saka ko kinabit ang seatbelt ko at napahinga ng malalim.

"Don't worry walang pwedeng makagawa ng hindi maganda sa cafe mo Akisha." Sabi ni Light kaya napangiti na lang ako at inalis sa isip ko ang posibleng mangyari.

Nakauwi kami na nakahain na si Yuki at Kari na agad akong hinila sa isang sulok kaya nagtaka ako.

"Nakita ko kanina ang nanay mo nasa mall siya pero hindi ako nito nakita." Sabi nito na ikinakunot ng noo ko.

"Paano siyang nandito sa Tagaytay? Ang alam ko nasa Amerika sila ni daddy." Sabi ko dito kaya napakibit balikat lang ito.

Napatingin ako kay Light na nakatingin rin pala sa amin at nakakunot ang noo.

Sinabi ko dito ang sinabi ni Kari kaya napakuyom ito ng kamao at naalala ko bigla ang kanina na napagusapan namin.

"Sinabi na eh kontrabida talaga hay naku!" Galit na turan ni Kari kaya pinakalma ko ito.

"Hindi pa naman natin alam kung si mommy ang nagpapaaligid sa cafe na ipinatayo natin." Sabi ko dito perk hindi imposible na ito nga ang may pakana nito.

But i know my mother kaya alam ko na gagawin nito ang lahat para masundan ang bawat galaw ko.

"Magpapa-imbestiga ako at hindi ko hahayaan na sirain nila ang pinaghirapan niyo." Sabi ni Light sa seryoso na boses.

"Ah Light pwede ba akong magtanong?" Sabi ni Kari dito ikinatitig ko sa kaibigan ko.

"What it is?" Tanong ni Light kaya napatingin ako sa kaibigan ko na mukhang mahalaga ang itatanong nito.

"How old are you exactly? I mean don't get me wrong ha but i don't think your attitude is the same in your age." Tanong ng kaibigan ko kaya tumawa ng malakas si Yuki at ako naman ay napatitig sa kaibigan ko at nang titigan ako ay pinanlakihan ako ng mata.

"Okay so dahil naitanong mo na rin ay siguro kailangan ko nang magsabi ng totoo." Sabi ni Light na napatitig sa akin kaya napangiti lang ako.

"Yeah, kasi i feel awkward everytime you are talking like a forty years old man." Singit pa ni Kari kaya lalong napatawa si Yuki na sinamaan naman ng tingin ni Light.

"Well i am not really twenty years old, i am thirty two years old that is my real age." Sabi ni Light na ikinatitig ko dito at napailing na lang.

Sinabi ko na nga ba at hindi ko naman na ito ikinagulat dahil alam ko naman na mas matanda pa ito sa amin.

"I am two year younger than Light." Sabi ni Yuki na nakangiti pero tila nahihiya.

"So bakit kayo nag-panggap na mga bata pa o nasa college eh matanda na pala kayo?" Tanong ni Kari na hindi pa rin nasiyahan sa nalaman.

"Kari ano ka ba." Saway ko sa kaibigan ko na tumawa lang.

"Because i want to know Akisha and maybe that is the easiest part to know her." Sabi ni Light na napatitig sa akin kaya napailing na lang ulit ako.

Nakatapos kaming kumain na iniisip ko pa rin ang sinabi ni Light kanina na kung bakit ito nagpanggap na college student nong araw na una kaming magkita.

Isa pala sa pinsan ni Yuki ang isa sa mga studyante na kasama ni Light noon.

Pero una akong nakita ni Light sa telebisyon dahil pala doon sa asia summit last year na ginanap sa Singapore kasama ko ang mga magulang ko.

I remember that day dahil ako ang naging spokesperson in behalf of our company, at maraming investor na nagkaroon ng interes sa negosyo namin.

And that day is not so good to me dahil may lasing na matandang chinese ang binastos ako sa garden ng grand hotel noon.

Napatitig ako kay Light na kakalabas lang ng banyo at bagong ligo at nalatapis lang ng tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan nito.

"Ikaw yong lalakeng nagligtas sa akin one year ago?" Tanong ko kay Light nang maalala ko ang araw na iyon kaya napatitig ito sa akin.

The man whos wearing helmet, naka-all black ito at muntik nang mamatay yong matanda na nambastos sa akin dahil pinalo niya ito ng malakas sa ulo ng hawak nitong baston na hindi ko alam kung saan nito nakuha.

So nandoon pala siya at ito ang lalakeng iyon, yong dahilan kung bakit ganon na lang ang galit sa akin noon nina mommy dahil sa nalaman nila.

Imbes na magpasalamat sila na nakaligtas ako sa manyak na matandang iyon ay sinabi pa nila na kasalanan ko dahil nawalan sila ng mahalagang investor ng gabing iyon.

"So you remember that day now?" Tanong nito na lumapit sa akin kaya napatingala ako dito at tumango.

"How can i not forget that day, the day that i felt disgusted in myself because of that old man who almost rape me." Bulong ko kaya pinatigil ako nito sa pagsasalita sa pamamagitan ng halik.

Nauwi ang halikan namin sa isang mainit sa sandali kaya naman ito masakit ang ibabang parte ng katawan ko.

Light said that is the second time he saw me, dahil nandoon siya nong nagsasalita ako sa harap ng maraming tao.

And he said he fell in love with me at first sight.

Napatitig ako kay Light dahil hindi ako makapaniwal siya ang lalakeng iyon kaya naman nakaramdam ako ng sobrang kasiyahan.

Hindi ako nakapagpasalamat sa kanya noon dahil bigla na lang itong nawala.

But i am thankful because i know him now, and this beautiful man beside me is always be my savior.

The man i love and the man i will always cherish in my whole life.

Nagising ako nang maaga dahil ngayong araw ang soft opening ng resto namin ni Kari.

Magpapa-bless na rin kami at piling mga tao lang ang imbitado namin sa ngayon dahil hindi pa naman ito ang main opening.

Isang linggo pa bago ang totoong grand opening nito kaya excited pa rin ako na kinakabahan.

Kinakabahan ako pero nasa tabi ko ang mga espesyal na tao sa buhay ko kaya nababawasan ito kahit papano.

"Babe look at this don't wear this, it's showing your back it's too sexy." Sabi ni Light habang nakatingin sa dress na isa sa mga pinagpipilian ko na isuot.

Napatawa ako dahil sa sinabi nito kaya napatango ako at kinuha ang simpleng dress na alam ko na babagay sa event namin.

"How about this?" Tanong ko dito kaya napangiti ito agad at tumango saka ako tinulungan na magbihis.

Magkahawak kamay kami na bumaba ng hagdan at naghihintay na si Kari at Yuki na parehong gwapo sa suot.

Kari is like a man kung unang tingin mo dito pero kapag nakilala mo siya ay bakla pala.

My three special man in my life, Light, Kari and Yuki who always in my side.

Parang nagkaroon na rin ako ng mga kapatid sa pamamagitan ng mga ito.

The soft opening of our business is successful, i am tired but happy and contented.

Sa loob ng ilang buwan ay pagod at stress rin ang pinagdaanan namin pero sa wakas nairaos namin ito at proud sa sarili ko at syempre sa bestfriend ko.

Kinabukasan ay may hindi ako inaasahan na bisita at dahil ayokong maging bastos ay pinatuloy ko ito dito sa bahay namin.

"Mukhang mas maganda na ang buhay mo ngayon Akisha." Sabi ni mommy na tulad pa rin ng dati ay walang pinagbago.

"Are you not even proud of me mom?" Tanong ko dito kaya napatawa ito ng mahina kaya na-offend ako dahil sa paraan ng tawa nito.

"Well how can i be proud to a ungrateful child like you? Sa tingin mo sa ganitong paraan ay matutuwa na ako dahil lang may naabot ka nang ganito sa buhay mo?" Tanong nito kaya tila ba ako naparilasado sa sinabi nito kaya napakuyom ako ng kamao.

"How can you say this to me mom? I am your daughter-" Napatigil ako sa pagsasalita dahil tumawa ito ng malakas.

"Akisha you are not my daughter bobo ka ba talaga? You are the reason why i am like this!" Sigaw nito kaya nanlaki ang mga mata ko at nag-init ang mga mata ko.

"Get out now madam if you don't want me to drag you out in our house!" Napatingin ako kay Light na nandito na agad sa sala.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ng aking ina na hindi raw ako nito anak.

Nakaalis na ito dahil natakot ito kay Light sa hindi ko malaman na dahilan dahil okupado ng sinabi nito ang isip ko.

Tumulo ang luha sa mga mata ko dahil ngayon ko lang napagtanto kung bakit ganon na lang ang galit nito sa akin.