Chereads / Badboys Bring Heaven / Chapter 13 - Chapter thirteen

Chapter 13 - Chapter thirteen

Akala ko madali lang ang lahat pero hindi pala.

Nakaka-stress rin pala lalo na at sa pagtatayo ng negosyo ay kailangan handa ka sa magiging consiquence.

Masakit sa ulo lalo na at hindi kami nag-hire ng designer ni Kari dahil ako lang ang nag-sketch ng details ang ideas.

"Babe come on bukas naman yan." Napatingin ako kay Light na nagising yata dahil hindi pa ako pumapasok ng kwarto namin.

Namin dahil ayaw na nito na hindi kami magkatabi sa pagtulog kaya napailing na lang ako.

"Kailangan ko kasi itong matapos Light dahil bukas kailangan na ito." Sabi ko dito na napakamot pa ako ng ulo.

"Stop that nakikita ko na nahihirapan ka kaya bukas may pupuntahan tayo." Sabi nito na kinuha na sa akin ang ballpaen ko at sinara na ang laptop ko.

Tinangal na rin niya ang salamin ko sa mata kaya napatingala ako dito.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko na yumakap dito pero bigla niya akong kinarga kaya nakasaklang na ako dito.

Yumakap na lang ako dito at inamoy ang leeg nito na paborito kong halikan sa parte ng katawan nito.

"Stop that hindi tayo makakaakyat." Saway niya kaya napatawa ako ng mahina.

Minsan hindi na talaga ako naniniwala na dalawang taon ang agwat ng edad ko dito.

Nang makapasok kami sa kwarto ay agad niya akong hiniga sa kama at kinubabawan.

"I love you Akisha." Bulong niya kaya napangiti ako at tumango lang.

Mahal na mahal ko din siya pero dahil antok na ako ay yumakap na lang ako ng mahigpit dito.

Nang magising ako kinabukasan ay napangiti ako sa tanawin na bumungad sa akin.

Dream place ko talaga ang Tagaytay kaya naman hindi na kami nagdalawang-isip ni Kari na tangapin ang offer ni Light na dito na tumira sa townhouse niya.

Hindi naman simpleng townhouse ito dahil napakaganda na tila ba isang princesa na matayog na nakaharap sa Bulkan Taal at kung ganitong scenery ba naman makikita mo tuwing gigising ka sa umaga ay araw-araw talaga na maganda ang gising mo.

"Good morning sunshine." Napatingin ako kay Light na gising na pala kaya napangiti ako at lumapit dito at humalik dito.

"Good morning din Light." Sabi ko dito kaya napatawa ito at bumangon na.

Sanay na ako dito na naka-boxer short lang ito sa tuwing nandito sa kwarto kaya tila ba kami mag-asawa na.

Natigilan ako dahil biglang pumasok sa isip ko ang pag-aasawa at napaisip rin ako dahil parang ganito na nga kami ngayon.

Magkasama sa iisang bahay, sa iisang kwarto may nangyayari na sa amin at hindi ko na lang siya boyfriend lang kung tutuusin.

Napakabilis lang ng pangyayari pero nakikisakay na lang ako sa agos ng buhay.

Takot ako na malaman ang katotohanan sa pagkatao ni Light pero mas takot ako na baka hindi ko kayanin kapag muli akong mabigo sa pag-ibig na ito.

Nagluluto na ng agahan si Yuki nang bumaba kami ni Light na dala ang laptop namin pareho.

Magtatrabaho raw ito at sa sala ito pupwesto.

Binati kami nito na naka-apron ng isang cartoon character kaya napailing na lang ako.

Ang agahan namin ay laging mabigat dahil abala kami sa buong umaga at sa tanghalian ay minsan nalilipasan kami dahil nakakalimutan na namin ang oras.

Si Kari ay bumaba na rin pero antok na antok pa kaya binigyan ko ito agad ng kape.

"If he is not gay i will jealous with him because of you treat him well." Sabi ni Light na nakatingin sa amin kaya pareho kaming napatawa ni Kari at ang kaibigan ko na likas na pasaway ay tila naduduwal pa.

"Excuse me Mr. Smith hindi ko papatulan ang kaibigan ko dahil magkapareho kami ng gusto na gender." Sabi nito kaya napailing na lang ako.

"Kumain na nga lang tayo at magiging abala na naman tayo maghapon." Sabi ko na lang sa kanila at nagsimula na akong magsandok ng sinangag na pinakapaborito ko na niluluto ni Yuki.

Sinandukan ko na rin si Light kaya napangiti na ito at nagpasalamat sa akin.

"Mamaya maglinis ka Yuki may langam yata dito kinakagat ako eh." Parinig ni Kari kaya pinalo ko lang ito sa braso pero napatawa lang.

At dito nagsimula ang masaya naming umaga, peaceful at puni ng tawanan.

This is the life that i want eversince i am young, kahit alam ko noon na imposible dahil sa estado ng buhay namin ay hindi pa rin ako makapaniwala na mararanasan ko ito ngayon na malaki na ako.

Habang nag-dadrawing ako ay tumunog ang cellphone ko at nagulat ako dahil si daddy ang tumatawag.

Napatingin sa akin si Light na abala rin sa ginagawa nito at napakunot ang noo.

"Si daddy tumatawag." Sabi ko dito kaya nagiba ang buska ng mukha nito.

"Sagutin mo para malaman mo kung ano ang kailangan." Sabi nito mayamaya kaya nang tumunog ulit ang cellphone ko ay sinagot ko na ito.

Napahinga ako ng maluwag nang bumaba ako ng sasakyan na si Light ang nag-drive.

Nandito kami sa sentro ng Tagaytay at isang restaurant ang nasa harap ko kung saan naghihintay ang aking ama.

After a month ngayon ko lang makakaharap muli si daddy kaya kabado ako.

"Everything will be alright Akisha, i am just here waiting for you." Sabi ni Light na niyakap ako kaya napatango ako.

Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko at saka na ako naunang umakyat papasok sa resto na may sampung step para makapunta sa pinaka-restaurant nito.

Binati agad ako ng waiter kaya napatango lang ako at dinala ako sa dulong bahagi at dito ko nakita si daddy.

As always ito pa rin ang prominenteng tao na kinalakihan ko walang nagbago.

Nang makita ako nito ay tumayo ito at sinalubong ako at niyakap ng bahagya.

I was amaze of his gesture na para bang walang nangyari sa pamilya namin.

"It's nice to see you hija." Sabi nito na pinaupo na ako kaya tumango lang ako.

"You too dad how are you? And mom?" Tanong ko kaya napangiti ito.

"We are fine you know busy always, pero dahil nalaman ko na narito ka ayon sa source ko ay tinagpo ko na hindi ko kasama ang mommy mo." Sabi nito na napakamot ng ilong nito na alam ko na kabado ito.

This old man, not that old because he is just in his fifties and he is still handsome man.

Many women want him until now but he is loyal to my mom to the point that he shove every woman who try to seduce him.

"So what about you hiji, how are you?" Tanong nito kaya napatitig ako dito at saka bahagyang ngumiti.

"I am fine now dad, i've been busy lately for my new venture." Sagot ko dito kaya napakunot ang noo nito kaya sinabi ko dito na nagpapatayo ako ng negosyo dito sa Tagaytay.

The one that i really want since i was in highschool and together with my bestfriend Kari.

"So that man didn't really live by yourside until now." Sabi nito na nakangiti kaya tumango ako.

"Kari is like a brother/sister to me dad." Sabi ko dito mayamaya kaya tumango lang ito.

Nag-order si daddy ng black coffee and cheesecake para sa akin dahil alam nito na paborito ko ito at sa kanya naman ay tsaa at muffin.

Nagkwentuhan kami about sa business na itatayo ko at nagbigay ito ng ilang tips kaya nakita ko na suportado naman nito ang ginagawa ko.

Napagusapan rin namin si ate na madalas raw kaaway ni mommy pero sabi nito ay kasalanan naman daw ito ni ate.

And about that happens before ay humingi ito pasensya dahil naniwala rin daw agad ito sa kapatid ko at sa mga naglabasan na balita.

Dahil tumawag na ang secretary nito ay kailangan na raw nito na umalis dahil uuwi na ito sa Manila.

May business meeting pala ito dito kaya naisipan na rin nito na makausap ako.

"If you need anything Akisha just call me okay." Sabi nito nang makalabas kami sa cafe at nandito na rin ang sundo nito.

Binati ako ng personal driver nito at ang secretary nito na kasama pala ni daddy.

Yumakap ako dito at saka ako nito hinalikan sa noo kaya napangiti ako.

Napatanaw na lang ako sa papalayo nitong sasakyan at napahinga ng malalim.

Napatingin ako kay Light na papalapit sa akin at napangiti ako.

Now that i talk to my father maybe this is the sign that maybe and i hope that one day my mom did the same thing too.

Bumalik kami sa bahay na naghihintay si Kari at agad ako nitong tinanong kung ano ang sinabi ni daddy.

I told him that my dad just want to talk to me at kinumusta lang ako.

Pero hindi kumbinsido si Kari sa bagay na iyon dahil alam naman nito ang pinagdaanan ko sa pamilya ko.

"Maybe he is being sincere Kari." Sabi ko na lang dito kaya napaingos ito.

"Basta huwag kang masyadong maging kampante sa bagay na iyon dahil hindi basta-basta magbabago ang isang tao na saksakan ng sama." Sabi nito na pinagpatuloy ang ginagawa.

Napatitig na lang ako dito at napahinga ng malalim.

Napaisip rin ako sa sinabi ni Kari kaya tama ito hindi ako pwedeng maging kampante.

I saw the news about my sister whom my parents put her in the rehab.

One week since i talk to my dad at naging maayos ang lahat mula nang araw na iyon.

But today we are watching news while eating breakfast at nataon na ang pamilya ko ang nasa balita.

"Your sister is consume by this drugs they called formula x." Nakakunot ang noo na turan ni Light kaya napatango ako dito.

"I don't know exactly what they called that but that kind of drugs is making people believe that they are superior." Sabi ni Yuki na napapailing na lang.

"Bakit niyo alam ang bagay na iyan?" Tanong ni Kari na nakakunot ang noo kaya napatawa ng mahina si Yuki.

"We are part of organization who is preventing that illegal drugs to scatterd in asia." Sabi ni Light na ikinatitig ko dito.

Hindi na lang ako nagsalita dahil panibago na naman ito na nalaman ko kay Light kaya nagpatuloy na lang ako sa pagkain.

Napatingin ako sa telebisyon na ini-interview si daddy kaya napakunot ako.

Pero nang marinig ko ang pangalan ko dahil tila nagtanong ang isa sa media ay nakita ko ang pagngiti ni daddy.

He said that i am fine and he told to the press that he is proud of his youngest child.

"Wow bago yan ah mukhang nakakain ng kung ano ang ama mo." Sabi ni Kari kaya napailing na lang ako at napangiti.

Siguro nga medyo may pagbabago na sa aking ama pero dahil publicity para sa kanila kaya hindi ako umaasa na totoo ito at bukal sa loob ng aking ama.