Chereads / Badboys Bring Heaven / Chapter 12 - Chapter twelve

Chapter 12 - Chapter twelve

Finally we got home and Yuki is the one who pick us to airport.

Nakangiti ito habang kumakaway sa amin kaya napangiti na rin ako at kumaway rin.

But Light is not responding mula kasi kagabi nang may kausap ito sa telepono ay nagbago na ang aura nito at naging tahimik na rin.

Ayaw kong magtanong dahil baka hindi ko lang magustuhan ang isasagot nito kaya hinayaan ko na muna ito.

"Kumusta ang byahe?" Masayang tanong ni Yuki pero nawala ang ngiti nito nang makita na seryoso si Light kaya napatitig ito sa akin at kumibit balikat lang ako.

"Ihatid mo na sa bahay si Akisha at may kailangan pa akong puntahan." Sabi nito kaya napatingin ako dito na napatitig rin sa akin.

"Where are you going?" Tanong ko kaya hinalikan lang ako nito ay niyakap ako ng mahigpit.

"I will come home early babe." Sabi lang nito saka na ako pinapasok sa loob ng kotse at napatingin na lang ako dito.

Mayamaya ay pinaandar na ni Yuki ang sasakyan at maiwan namin si Light na nakatayo lang sa parking area.

"May problema ba Yuki?" Tanong ko dito na tahimik rin na nagda-drive.

"I don't know Akisha but if Light is like that one thing is for sure in my mind." Sabi nito na binitin pa ang sasabihin.

"What it is?" Tanong ko kaya napatingin ito sa akin mula sa salamin.

"May problema sa trabaho niya." Sabi nito pero alam ko na hindi lang dahil dito may mas malaki pang dahilan.

Nakauwi kami na matamlay ako si Yuki na rin ang nag-asikaso na buhatin yong maleta namin dahil ayaw naman nito ng tulong ko.

Pumasok ako sa kwarto ko na basta ko lang hinubad ang damit ko at naghalungkat ng pambahay na damit.

Nang makapagbihis ako ay kumuha ako ng wipes at tinangal ang make-up ko na hindi naman makapal.

Hindi na kasi ako naglalagay ng kung ano-ano sa mukha ko kaya halata na ang pekas ko sa magkabila kong pisngi.

Kausap ko si Kari sa telepono at nagrereklamo ito sa trabaho kaya napailing na lang ako.

Hangang sa may maisip ako na ideya kaya nang matapos kaming mag-usap ni Kari ay kinuha ko ang laptop ko at ang notebook at ballpen ko saka ako lumabas ng kwarto ko.

Pagbaba ko ay nasa sala si Yuki at nanonood ng football at nang makita ako nito ay agad itong tumayo.

"Nagluto na ako ng hapunan natin sabi ni Light ay pauwi na raw siya." Sabi nito kaya napangiti lang ako at saka umupo sa counter table.

"Yuki can you come here for a second?" Tanong ko dito kaya lumapit ito sa akin na nagtataka.

"I have some idea right now i really want to have a cafe and i need help to find a space just not so far from here." Sabi ko dito at saka ko binuksan ang laptop ko.

"Yan pala gusto mong gawin sigurado ako na matutuwa iyon si Light." Nakangiti nitong turan kaya napatango ako.

Tinawagan ko si Kari na kung pwede ay pumunta ito ngayon at dito na matulog dahil kailangan naming mag-usap.

"May ipon naman ako na pwede kong gamitin sa pagsisimula ng negosyo ko." Sabi ko dito kaya napangiti ito.

Nakarinig kami ng pagbukas ng pinto kaya napangiti ako at dumating na si Light.

"Light nandito ka na." Nakangiti kong turan at saka ako yumakap dito pero naamoy ko ang alak dito kaya napatitig ako dito.

"Uminom ako pero konti lang." Sabi nito na umupo sa sofa at naghubad ng damit kaya napatingin ako kay Yuki.

Dahil lasing si Light ay nagpatulong ako kay Yuki na dalhin na ito sa kwarto nito.

"Bakit ka ba uminom?" Tanong dito ni Yuki na tinawanan lang nito at nagpahila na lang dito at ako naman ay sumunod dito.

Pahirapan pa kami sa pagdala nito sa taas dahil ayaw nitong umakyat at baka daw mahulog ito.

Ganito pala ito kapag nasobrahan sa alak kaya napailing na lang ako.

Nang maihiga ni Yuki ang kaibigan nito ay napailing na lang ito at binato nito ng unan si Light.

"Suraulo to iinom tapos sobra kaya nakakahiya tuloy sayo Akisha." Sabi nito kaya ngumiti lang ako.

"Sige na ako na bahala dito maghanda ka na ng hapunan darating si Kari." Sabi ko na lang dito kaya napatango ito at lumabas na ng kwarto.

Ako naman ay pumasok sa banyo ni Light at kumuha ng maliit na bimpo at binasa ito ng may maligamgam na tubig.

Saka ako lumapit dito at tinangal ko ang kamay nito na nasa hubad nitong dibdib.

Buti na lang at naghubad na ito ng damit kaya pinunasan ko na ang mukha nito pero umungol ito.

"Mainit ano ba tigik mo nga yan!" Tila galit nitong turan kaya napailing na lang ako.

"Light pinupunasan lang kita para mawala kahit papano ang kalasingan mo." Sabi ko dito na pinagpatuloy ang ginagawa ko.

"You are the daughter who killed my family why should i trust you! You will kill me too right?" Nagulat ako sa sinabi nito kaya napatitig ako dito at nakaramdam ako ng kaba.

So this is the reason why he is like this since our last day in Japan?

It is his family death anniversary? Maybe because of this.

"Anak nga niya ako pero Light i don't know that my father is capable of this." Bulong ko kaya tinabig niya ang kamay ko na may hawak na bimpo.

"He is a monster and i don't want to have a connection in his own blood." Sabi nito na tila nagpakirot sa puso ko.

Napatayo na ako at bigla na lang tumulo ang luha sa pisngi ko dahil nasaktan ako sa sinabi nito.

Alam ko na lasing ito at nasa vulnerable side pero masakit pa rin ang katotohanan na ito.

Dahil humihilik na ito ay kinumutan ko na lang ito at inayo ako unan sa gilid niya at saka ko ito hinalikan sa pisngi.

"You maybe don't remember what you said but i do Light and i am so sorry for causing you so much pain by my father." Bulong ko saka ko pinunasan ang luha ko at huminga ng maluwag saka ako lumabas ng kwarto nito.

Pumunta muna ako sa kwarto ko at naghimalos dahil halata ang pag-iyak ko at mitekuloso pa naman si Kari kaya ayaw kong may mahalata ito.

Bumaba na ako at naabutan ko sa hapag-kainan si Yuki na iniinit na ang adobong manok at ang ginisang monggo na niluto nito.

"Sayang naglasing si Light paborito pa naman niya ito." Sabi nito sabay tawa kaya napangiti na lang ako.

"Tirhan mo na lang baka mamaya magising at maghanap ng pagkain iyon." Sabi ko dito kaya tumango ito at nakarinig na kami ng doorbell kaya baka si Kari na ito.

"Hello friend na-miss kita sobra." Masaya nitong bati saka ako niyakap at hinalikan sa magkabilang pisngi.

"Kailangan ba talaga na ganyan ang batian niyong dalawa?" Tanong ni Yuki kaya nagkatinginan kami ni Kari at sabay na natawa.

"Bakit gusto mo rin?" Nakangisi na tanong ni Kari kaya minura lang ito ni Yuki kaya napatawa ako ng malakas dahil sa kulitan ng dalawa.

"Don't get me wrong ha my respeto ako sa katulad mo pero man pareho pa rin tayong may bola sa hita." Sabi ni Yuki sa kaibigan ko na napasimangot na lang.

Kari has a boyfriend at alam ko na kahit ganito ang gender nito ay mahal na mahal ko ito dahil napaka-loyal, maalaga at mapagmahal itong kaibigan na hindi ko naranasan sa iba.

Nagsimula na kaming kumain at magana akong kumain kahit iniisip ko pa rin ang sinabi ni Light kanina.

"Today is Light parents death anniversary." Napatingin ako kay Yuki na nagsalita habang nagpupunas ng lamesa kaya nagkatinginan kami ni Kari.

"So kaya pala siya naglasing." Sabi ko na lang kaya tumango ito.

"Magiging loko-loko na rin naman kapag lumipas na ang sumpong niya." Sabi nito ulit na tumawa pa kaya napatango na lang ako.

Dahil nga nandito si Kari ay sinabi ko dito ang gusto ko na pag-usapan namin.

"What about we build a business Kari at the same time flower shop." Sabi ko dito na napatingin sa akin at napaisip.

"The things we want since we're in highschool." Sabi niya kaya napatango ako.

At dito na kami nag-usap sa magiging concept ng itatayo namin na negosyo.

Naghanap naman si Yuki ng lugar na pwede naming bilhin para makapagsimula na rin kami ng idea para dito.

Dahil lahat kami ay conpetetive ay marami kaming napagkasunduan at sabi ni Yuki ay gusto rin nitong mag-invest sa magiging negosyo namin ni Kari.

Magre-resign na si Kari sa trabaho at dahil pareho kaming may sapat na ipon ay itutuloy na namin ang pangarap namin na negosyo.

I want to share this too to Light when he wakes up but i remember he said last night it never leave my mind.

Kinabukasan ay nagising ako na nakayakap na sa akin si Light na hindi ko naman naalala na natulog ako sa kwarto nito.

Pero kwarto ko pala ito at baka lumipat ito dito hindi naman kasi ako naglo-lock ng pinto.

Kari is sleeping in another room na nasa baba.

"Good morning babe, i'm sorry i got drunk last night." Bulong nito na hinalikan ako sa batok kaya napangiti na lang ako at siniksik ko pa ang sarili ko sa kanya.

"Alam ko na magiging succesful yang negosyo niyo at susuportahan kita lagi." Sabi ni Light habang kumakain na kami ng agahan at dito ko na sinabi sa kanya ang balak namin ni Kari at Yuki.

Gusto nga nito na katulad ni Yuki ay mag-invest rin pero hindi na ako pumayag, dahil baka mapahiya lang ako kapag hindi nag-boom ang unang negosyo namin.

"Bigyan mo ako atlist two one kapag naging maayos ito ay saka ko tatangapin ang offers mo." Sabi ko na dito na napatawa naang at tumango.

"Bihira ka naman mag-invest sa newly businesses kaya ibigay mo na muna sa akin ito." Sabi ni Yuki na nakangisi kaya sinamaan ito ng tingin ni Light.

At dahil naging abala na kami ay sinasamahan ako ni Light at Yuki na maghanap ng magandang area na pwedeng pagtayuan ng negosyo.

"What about we go to Tagaytay i heard na maraming lupa doon na pwedeng-pwede sa mga cafe at maganda pa ang klima doon." Sabi ni Yuki habang nagda-drive at pauwi na.

"It is okay for you babe? I have townhouse in Tagaytay at pwede tayong lumipat doon ano man na oras." Napatingin ako kay Light na nakangiti sa akin.

"Tagaytay is my dream place Light." Sabi ko dito kaya hinawakan nito ng mahigpit ang kamay ko.

Nang sabihin ko ito kay Kari na kausap ko sa cellphone pagkauwi namin ay tumitili ito sa tuwa napatawa na lang ako dahil alam ko kung gaano rin nito na ka-gusto na tumira sa Tagaytay.

Then everything settled at tila ba napakabilis ng pangyayari pero unti-unti na rin akong nagiging malaya at wala ang prisensya ng mga magulang ko.