Chereads / Badboys Bring Heaven / Chapter 2 - Chapter two

Chapter 2 - Chapter two

Napatingin ako sa kaibigan ko ng tapikin niya ako sa balikat habang nakaupo ako rito sa labas ng terrace ng mansyon namin.

"Nakita ko na siya boss." Kinabahan ako sa sinabi niya kaya tumayo ako at kinuha ang isang brown folder na inabot niya sa akin.

"Nandyan lahat ng impormasyon na gusto mong malaman tungkol sa kanya." Sabi niya kaya napatango ako.

Umalis na siya kaya napaupo ulit ako at magkahalong saya at kaba ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.

Aa wakas makalipas ang ilang taon ay hawak ko na ang impormasyon na matagal ko ng hinihintay.

Binuksan ko ito at tumambad sa akin ang larawan niya dalaga na pala siya at napakaganda niya, hindi ako makapaniwala na siya na ito labing limang taon na ang nakakaraan ng makilala ko siya.

Walong taon lang siya noon ng makilala ko siya, ang iyakin pero napakagandang bata na bumihag sa puso ko.

Napangiti ako dahil lumaki siyang masayahin at maraming kaibigan, nawala nga lang ang ngiti sa labi ko ng makita ko sa larawan ang mga magulang nito.

Ang mga tao na dahilan kung bakit namatay ang aking ina at ang kuya ko. Nilukot ko ang larawan at galit na napatingin sa larawan ng pamilya ko na nakakabit sa harap ng lamesa ko.

Magbabayad silang lahat sa mga ginawa nila sa pamilya ko at sisimulan ko ito sa pagbuo ng plano.

Sisimulan ko ang paglapit sa kanilang prinsesa kay Akisha ang magiging susi ko sa kanyang mga magulang.

Hindi ako makapaniwala na sa kabila ng mga ilegal nilang gawain ay natatakpan nila ito sa pamamagitan ng pagiging matulungin nila at maganda ang imahe nila sa publiko dahil dito.

Ito ang ikinayaman nila ang kumitil ng buhay ng mga tao na walang kalaban-laban sa kanila.

Nakabuo ako ng plano kung paano ako magsisimula sa mga plano ko at ang pagkuha sa babaeng pinakamamahal ko.

Isa lang ang ikinatatakot ko ito ang malaman ni Akisha ang totoo kong pagkatao.

"Magpapanggap kang college student?" Gulat na tanong ni Saeki matapos kong sabihin sa kanya ang plano ko.

"Oo mukha naman akong hindi thirty years old diba?" Tanong ko sa kanya kaya tumawa siya ng malakas kaya tinutukan ko agad siya ng baril kaya napatigil ito.

"Hey! Relaks boss ano ka ba hindi ka na mabiro." May kaba na turan niya kaya binaba ko na ang baril ko.

"Pupunta tayo ng Pilipinas at magpapanggap na mga estudyante at para walang makaalam sa pagkatao natin." Sabi ko sa kanya at nagsimula na kaming bumuo ng plano.

Nagpagawa na rin ako ng pekeng birth certificate at pangalan ginamit ko ang Light Davidson na kinuha ko sa pangalan ko na Elijah at ang apelyido ko ay basta ko lang naisip.

Pati ang kaarawan ko at edad ay binago ko rin at wala akong sinayang na oras at hinanda ko na ang lahat para sa pagpunta sa Pilipinas.

Sa wakas makalipas ang ilang taon ay babalik ako sa lugar kung saan binawi sa akin ang pamilya ko.

"Hindi mo ba pupuntahan ang master bago ka umalis?" Napatingin ako sa butler namin si Mr. Iwai isang hapon na ang pamilya nila ay matagal ng naninilbihan sa pamilya namin.

Matanda na ito pero malakas pa rin ang pangangatawan anak niya si Saeki ang personal bodyguard ko at butler.

"Wala naman magbabago hindi naman niya ako maririnig." Wala sa loob ko na turan sa kanya.

"Ilang buwan kang mawawala kaya pakiusap young master." Nakayukod pa rin niyang pakiusap kaya napahinga ako ng malalim.

Nagdesisyon na lang ako na pagbigyan ang kahilingan niya kaya napatango na lang ako at sinukbit ko ang bag ko at lumabas ng silid ko.

Saka ako dumiretso sa isang silid sa thirdfloor at binuksan ang fingerprint scanner at saka ito bumukas.

Rinig na rinig ko ang mahinang pintig ng makina sa buong silid at sa gitna ay ang kama kung saan nakahiga ang aking ama.

Ilang taon na ba ang nakakalipas ng maratay siya dito at hindi na nagising mula noong araw na iyon.

Kahit maraming beses na siyang muntik na mapahamak ay hindi ko siya sinukuan dahil hindi ko pa siya kayang bitawan.

Kaya ito isang makina na lang ang nagdudugtong sa buhay niya salamat sa pinsan ni daddy na hanggang ngayon ay tumutulong pa rin sa akin at sa organisasyon na naiwan ng aking ama na ngayon ay ako na ang namumuno.

"Kaunting hintay lang dad malapit na natin makuha ang hustisyang matagal sa atin na pinagkait." Bulong ko habang nakatingin sa natutulog kong ama.

Ilang sandali pa ay tuluyan na akong lumabas ng silid at bumaba ng hagdan.

Ngayon na handa na ako sa gagawin kong palabas ay alam ko na ito na ang simula ng unti-unti kong pagsingil ng utang ng mga taong dahilan kung bakit ako nawalan ng pamilya.

Napabalik ako sa kasalukuyan ng tapikin ako Saeki sa balikat habang nandito ako sa labas ng bar na kung na saan ang babaeng iyon.

"Pumasok ka na nalalasing na siya at may mga nagsisimula ng lumapit sa kanya." Sabi niya kaya sunod-sunod kong hinithit ang sigarilyo ko at saka ko ito tinapon sa paanan ko at tinapakan ito.

Magkasunod kaming pumasok sa bar at hinanap si Akisha na naglalasing kasama ang kaibigan niya.

Dalawang araw na ang nakararaan ng makilala ko siya sa wakas dahil nagpanggap akong isa sa mga varsity player at syempre isang college student.

Napakaganda talaga niya lalo na sa malapitan kaya hindi ko napigilan na lumapit sa kanya.

At ngayon nga nakikita ko na lasing na lasing siya at may akma na lalapit kaya dali-dali akong lumapit dito.

"Don't your dare touch her or else you will see hell!" Banta ko sa lalake kaya marahas ito na napatingin sa akin.

"Nauna ako sa kanya pare." Lasing niyang sagot kaya nainis ako kaya napatingin ako kay Saeki kaya napatango lang siya.

Agad ko ng kinarga si Akisha kaya nagulat ito pero inakyat ko siya sa taas at pumunta ako sa isa sa mga pribadong silid dito sa taas.

"Ano ba! Gusto ko pa ng alak!" Sigaw niya ng maibaba ko siya at napaupo ito sa kama pero lasing na lasing na talaga ito.

"Mister gusto ko pa ng alak." Napatingin ako sa kanya pero nagulat ako ng bahagyang nakalantad sa akin ang pusod niya dahil sa suot nito na halos makita na ang kalahati ng katawan niya.

Wala ito sa sarili dahil lango na siya sa alak kaya napailing na lang ako.

"Hindi ka na pwedeng uminom." Sabi ko sa kanya pero sinimangutan lang niya ako.

"Boring dadalhin mo ako dito tapos walang alak." Irita niyang turan saka napatingin sa paligid tapos ay sa akin.

Napailing na lang ako at kumuha ng tubig sa ref at nilagay sa baso at muling bumalik sa kanya.

"Here drink it." Binigay ko sa kanya ang isang baso ng tubig at napatingin lang siya rito.

"Ano yan alak?" Wala sa loob niyang tanong kaya napailing na lang ako.

May naisip ako na paraan para uminom siya ng tubig kaya nilagok ko ito at lumapit sa kanya at walang salita na hinalikan siya habang binibigay ko sa kanya ang tubig na nasa bibig ko.

Napaungol siya at napahawak sa balikat ko kaya kahit wala na ang tubig sa bibig ko ay nilaliman ko ang halik sa kanya.

Nagulat lami pareho ng may kumatok sa pinto kaya pareho kaming humihingal na napatingin sa isa't isa.

Napangisi ako ng bigla siya mapahiga sa kama at pumunta na ako sa pinto para pag buksan ang istorbo.

Nakangisi na mukha ni Saeki ang tumambad sa akin kaya napasimangot ako.

"Bilis ha." Komento niya saka sumilip sa kwarto pero hinarangan ko siya.

"Ano ba kailangan mo?" Irita ko na tanong sa kanya pero nakangisi lang siya at tila may gustong sabihin.

"Natapos ko na pinapagawa mo naitapon ko palabas ng bar yong mga asungot at nasa ban list na rin sila." Sabi niya kaya napatango ako.

"Bumili ka ng damit pangbabae at pagkain." Utos ko sa kanya saka siya napangisi at akmang muling sisilip sa kwarto pero hinarangan ko ulit siya.

Tumawa na lang siya at pasipol-sipol na tumalikod.

Bumalik ako sa silid at nakahiga pa rin ang babaeng masarap ang labi.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa kama at tinitigan siya.

Napangiti ako dahil nakatulala lang siya at nakahawak sa labi niya.

"First kiss ko iyon at para lang iyon kay Blue." Bulong niya pero narinig ko kaya medyo nairita ako.

Kinubabawan ko na lang siya na ikinagulat niya.

"Ako na ang ngauon ang nagmamay-ari sa mga labi mo Akisha." Bulong ko sa kanya kasabay ng paghalik ko ulit sa kanya.

Hindi ko siya binigyan ng pagkakataon na mapigilan ako bagkus ay mas nilaliman ko pa ang halik sa kanya na ikinaungol niya kasabay ng pagdala ko sa mga kamay niya sa ulunan niya habang ang isa kong kamay ay humimas sa beywang niya hanggang sa mga dibdib niya.

Ang mga sumunod na sandali ay hindi ko na na kontrol pa lalo na at nagsimula na rin siya na tumugon sa mga halik ko.

"Ang sarap..." Bulong niya kaya napangisi ako at hinalikan siya sa leeg niya pababa sa dibdib niya.

Naramdaman ko na hinawakan niya ako sa ulo ko at napapaungol pa siya sa masarap na ginagawa ko.

Unti-unti kong hinubad ang damit niya dahilan para tumambad sa akin ang kulay puti niyang panloob at sa loob nito ay ang mayaman niyang dibdib kaya napalunok ako.

Tuluyan ko ng hinubad ang panloob niya at tumambad sa akin ang maputi niyang dibdib hindi ako makapaniwala na may ganito siya kayaman na hinaharap kaya lalo akobg nag-init at sumubsob agad ako dito.

Napakabango, at napakalambot halos hindi ako makapaniwala na ginagawa ko ito sa kanya.

Pero may biglang sumagi sa isip ko ang ngiti at tawa ng isang batang babae habang nakatingin sa akin kaya natauhan ako bigla at napatigil sa ginagawa ko.

Na-guilty ako sa ginagawa ko bigla kaya napasabunot ako sa buhok ko.

Tinignan ko siya habang humihingal at nakapikit agad ko siyang niyakap at napapikit.

Hindi pa ito ang tamang oras para gawin ko ito sa kanya muntik na akong magkasala dahil lang sa kapusukan ko.

"I'm sorry mi amore." Bulong ko sa kanya ng muli ko siyang tingnan ay nakatulog na siya kaya napailing na lang ako.

Inayos ko na lang ang pagkakahiga niya at kinumutan siya saka ako tumayo napahinga ng malalim.

Napaupo na lang ako sa upuan at tinitigan lang siya na mahimbing ng natutulog.

Mayamaya pa ay dumating na si Saeki at binigay sa akin ang damit na binili niya at ang pagkain na pinabili ko sa kanya.

Pinapasok ko na siya at tumingin siya sa akin at sa natutulog na si Akisha.

"Anong balak mo ngayong hawakkamay mo na siya?" Tanong niya habang inaayos ang pagkain sa lamesa dito sa kabilang kwarto.

Ang buong thirdfloor pala ay ang tinutuluyan naming dalawa ni Saeki mula noong dumating kami dito at ang bar sa baba ay pagmamay-ari ng isa mga tauhan ko at kabilang sa organisasyon namin.

Dito namin napiling manatili dahil walang ingay at tahimik mula sa magulong lugar at maingay na lungsod.

"Gusto ko ng simulan ang mga plano ko pero mukhang masisira ito." Sabi ko sa kanya kaya napailing na lang siya.

Mukhang susunod na lang kami sa agos ng oras dahil ngayon ay halos hawak ko na ang isa sa mga dahilan kung bakit bumalik ako sa lugar na ito.