Chereads / Badboys Bring Heaven / Chapter 3 - Chapter three

Chapter 3 - Chapter three

Nagising ako na parang may nakayakap mula sa likod ko kaya nagulat ako at napabangon pero biglang pumintig ang sakit ng ulo ko kaya napabalik ulit ako sa pagkakahiga.

Kinabahan ako ng may gumalaw sa tabi ko at braso ng isang lalake ang nakita ko na nakayakap sa beywang ko.

Naalala ko na nagpunta ako ng bar mag-isa kagabi at naglasing kaya parang gusto kong maiyak sa mga oras na ito.

Lalo na at may lalake na nakayakap sa akin gumalaw ito at bahagyang umungol pero hindi naman nagising.

Dahan-dahan kong inalis ang pagkakayakap niya sa akin at pigil ang hininga ko na hindi ito magising, nakahinga ako ng maluwag ng matanggal ko ito at agad akong bumangon kahit masakit ang ulo ko.

Natigil ako at pinakiramdaman ang sarili ko kung may kakaiba sa akin para akong aatekihin sa kaba dahil baka naisuko na ang sarili ko dahil lang sa alak sa lalakeng ito.

Pero wala naman kaya nakahinga ako ng maluwag saka ko nilibot ang paningin ko sa paligid at kung wala ako sa ganitong sitwasyon ngayon ay mamangha ako sa buong silid.

"Tatalikod ka na lang ba at tatayo diyan na parang tuod?" Marahas akong napatingin sa likod dahil sa pamilyar nitong boses at ganun na lang ang gulat ko ng mamukhaan ko ang lalake.

"Ikaw!?" May kalakasan ko na tanong dito paano na siya ang lalakeng ito.

"Surprice indeed." Wala sa loob nitong turan at tumayo pero naka pajama lang ito at walang damit pang-itaas kaya kitang-kita ko ang ganda ng katawan nito.

Napatingin siya sa akin at napangisi kaya napatalikod ulit ako.

"Anong ginagawa ko dito bakit nandito ka?" Tanong ko sa kanya ng maalala ko kung bakit ako nandito.

"You drank too much last night woman and i brought you here." Wala sa loob nito na sagot sa akin at sinundan ko siya ng tingin habang inaayos ang hinigaan namin.

Hindi ako makapaniwala na makikita ko ang isang lalake na nag-aayos ng tinutulugan niya.

"Nandyan sa kaliwa ang banyo kung maghihilamos ka at may pambabae na damit diyan na binili ko kagabi."  Sabi niya kaya napatingin ako sa isang pinto.

"Uuwi na ako." Wala sa loob ko na turan kaya napatingin siya sa akin.

Nakita ko ang pagkunot ng noo niya at napailing ito.

"Mamaya na kumain ka muna ng agahan." Sabi niya pero nahagip ko ang bag ko at nakahinga ako ng maluwag na suot ko pa rin ang damit ko kagabi.

Pagkakuha ko nito ay akma na ako na lalabas ng pinto ng bigla itong bumukas at isang matangkad na lalake ang pumasok halata itong nagulat ng makita ako.

"I bought breakfast." Sabi nito at itinaas ang isang plastic bag na may logo ng isang fastfood restaurant.

"Ilapag mo na muna diyan pare kakausapin ko lang si Miss Mataray." Nagsalita ito na nasa likod ko na pala kaya napigil ko ang hininga ko.

Lumabas ulit ang lalake at agad akong pumunta ng pinto pero nagulat ako ng makita ko ang braso niya na nakasandal na sa pader at nakulong ako sa kanya napasandal ako sa dibdib niya at hindi ako makapaniwala na mas matangkad pa pala ito sa akin.

"Sinabi ko naman sa iyo na hindi ka muna aalis diba." Seryoso nitong turan malapit sa tenga ko ang mainit niyang hininga kaya kinilabutan ako.

"Uuwi na nga ako wala ng dahilan pa para magtagal ako dito at salamat kasi dinala mo ako dito at ligtas ako masaya ka na?" Tuloy-tuloy ko na turan sa kanya pero napatawa lang ito ng mahina li-nock niya ang pinto at umalis na ito sa likod ko.

"Ihahatid na kita sa baba." Turan na lang nito kaya napatingin ako dito nakatalikod na siya sa akin at dito ko nakita ang tatoo niya na halos sakop ang buong likod nito.

"Tara na?" Nakabihis na ito at nakalapit na sa akin ng hindi ko namamalayan dahil iniisip ko pa rin ang tatoo niya para bang pamilyar ito sa akin at hindi ko alam kung saan ko ito nakita.

"Anong lugar ito?" Tanong ko sa kanya ng naglalakad na kami sa isang mahabang pasilyo.

Ang nag-iisang pinto na kung saan kami lumabas lang ang pinto ng buong lugar na ito.

"Bababa tayo take note nandito pa rin tayo sa bar nasa baba lang ito pero hindi tayo doon bababa." Sabi niya habang nakapamulsa.

Napasimangot na lang ako dahil dito ito nakatira napatigil ako ng huminto ito sa paglalakad at humarap sa akin.

"Nakikitira lang ako dito kaya alisin mo sa isip mo yang iniisip mo." Napatingin ako dito habang nakangisi ito at napairap na lang.

Kung tutuusin ay parang hindi siya twenty one years old kung mag-salita at kumilos base na nakikita ko sa kanya.

Para siyang badboy na laging tambay sa mga bar at babaero.

Napailing ako sa iniisip ko naglakad na ulit siya at sa gilid ng pinakadulo nitong hallway ay may elevator.

Nang makababa kami ay diretso kami sa parking area nitong bar at nakita ko ang kotse ko.

May mangilan-ngilan ng tao sa piligid at napailing na lang ako at kinuha ko ang susi sa bag ko at binuksan ko na ang kotse ko.

"Hindi ka man lang ba magpapasalamat sa akin?" Napatingin ako sa dito.

"Salamat Light." Mabilis ko na turan sa kanya saka ako pumasok sa kotse ko at nagulat ako ng nakadungaw na pala siya sa bintana ng nakabukas ko na kotse.

"By the way Akisha you are a good kisser when your drunk." Nagulat ako ng halikan niya ko sa labi ko at hindi ko agad na proseso sa isip ko ang sinabi niya.

Nakita ko na lang na naglalakad na ito pabalik sa bar at saka lang ako natauhan kaya nag-iinit ang pisngi ko dahil sa hiya.

Napahilot ako ng ulo ko ng nararamdaman ko pa ang hangover ko kagabi at ang nakakinis na alaala ng lalaking makulit na iyon.

"Kanina ka pa Akisha ano bang nangyari sa iyo?" Napatingin ako kay Kari na lumapit sa mesa ko.

"Dahil ba iyan sa engagement party ng ate mo?" Tanong niya.

Naalala ko ang puno't dulo ng lahat kung bakit ako nagbar at malasing ng mag-isa at nakita ko ulit ang lalakeng antipatikong iyon.

"Napailing ako at napahawak sa ulo ko." Napapitlag ako ng tapikin ni Kari ang lamesa ko.

"Naglasing ka kagabi ano?" Nanlalaki niyang mata na tanong sa akin kaya napatigil ako sa ginagawa ko.

Wala talaga ako na maitatago sa kanya kahit anong gawin ko na pagtago.

"Mag-isa kang uminom sa bar!?" Gulat niyang tanong ng sabihin ko sa kanya na naglasing ako.

"Ikaw talaga paano kung napahamak ka? Hindi mo man lang ako tinawagan." Inis na turan niya sa akin.

"Wala naman nangyaring masama sa akin Kari." Sabi ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin.

Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko sa kanya na nakita ko ulit yong lalaki na nakilala namin sa restaurant.

Sa huli ay nag-kwento na lang ako sa kanya at ng matapos ako ay nakangisi na siya kaya napailing na lang ako.

"Tadhana na pinagtagpo kayo." Wala sa loob niya na turan kaya napailing na lang ako sa kanya.

"Hindi na ulit kami magkikita ng lalakeng iyon." Naiinis ko na turan sa kanya pero nagkibit balikat lang ito kaya lalo akong nainis.

Maghapon na naging abala kami dahil patapos na naman ang taon tatlong buwan mula ngayon ay mas marami na kaming trabaho.

"Kain tayo mamaya may masarap na resto malapit lang dito at sigurado ako na magugustuhan mo ang mga pagkain nila." Napatingin ako kay Kari mukhang excited sa sinabi kaya napatango na lang ako.

Nakabukas ang telebisyon dito sa opisina ko kaya nakita ko ang balita na ikakasal na si ate at Blue kaya halos gusto kong batuhin ang screen.

"Hindi ako makapaniwala na mabilis ang engagement nila kahit mag-aapat na buwan pa lang." Komento ni Kari kaya napatingin ako sa kanya.

"Buntis si ate kaya minadali ang kasal." Bigla na lang itong lumabas sa bibig ko na nakapagpalaki ng bunganga ni Kari at lumapit sa akin.

"Talaga?" Tanong niya na hindi makapaniwala tsismosa talaga ang baklang ito.

"Si daddy ang nagdesisyon kaya wala silang nagawa at yan ginawan nila ng paraan." Wala sa loob ko na turan.

Tatlong araw lang ang nakakaraan ay nagkagulo sa mansyon ng dahil sa sinabi ni ate sa mga magulang namin at ito ay buntis siya at si Blue ang ama.

Nasaktan ako ng sobra pero after ko malaman na ayaw niyang panagutan ang anak ni ate ay nawalan ako ng amor sa kanya dahil hindi siya lalake sa pag-ayaw niya sa anak niya.

Mga magulang ko at ni Blue ang nag-desisyon mismo na ipakasal sila sa lalong madaling panahon.

Naglasing ako kagabi hindi dahil sa engagement nila kundi sa sinabi ni ate sa akin.

Ayaw niya na mapunta sa akin si Blue kaya ginawa niya ang lahat para hindi kami mabigyan ng tyansa bagay na muntik ko na itong maingudngod sa pader.

Buti na lang nakita ko agad ang mga ugali nitong nakakadiri kaya imbes na masaktan ito ay umalis ako agad sa lugar na iyon.

Bigla na lang sumagi sa akin ang mukha ng lalakeng iyon kaya napabuntong hininga na lang ako.

Malaki ang pasasalamat ko dahil wala itong ginawang masama sa akin kaya nakahinga ako ng maluwag.

Hindi ko alam kung bakit malakas ang dating ng lalakeng iyon sa akin kaya ako naiinis sa sarili ko, nakapagtataka na hindi ko ito naramdaman kay Blue.

Napatingin ako sa cellphone ng may tumatawag at nakita ko ang number ni Blue nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ito o hindi pero sinagot ko na lang.

"Sino kausap mo?" Nagulat ako ng tapikin ako ni Kari kaya napailing na lang ako.

"Blue want to talk to me." Sabi ko sa kanya kaya napailing na lang rin siya.

"Pupunta ako Kari para makausap ko na rin siya." Sabi ko sa kanya kaya napatango na lang siya.

"Gusto mo samahan kita?" Sabi na lang niya.

Pero umiling lang ako at sinabi na kaya ko naman sandali man lang iyon kaya napapayag ko na rin siya.

Pagkatapos ng office work ko ay nagpaalam na ako kay Kari na aalis na kaya tumango na lang siya at sabay kami na bumaba ng opisina.

Pumunta na ako sa lugar kung saan makikipagkita si Blue at hinanda ko ang sarili ko sa sasabihin ng lalaking iyon.

Nakita ko agad ito na nakaupo habang nasa cellphone ang tingin pero binaba niya ito ng makita ako.

"Mabuti naman dumating ka." Nakangiti niyang turan kakaiba ang itsura niya alam ko na nakainom ito kaya napailing na lang ako.

"Mabilis lang ito ano ang sasabihin mo?" Tanong ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin.

"Akisha i love you at hindi ko gustong magpakasal sa ate mo napilitan lang ako." Bigla nitong sabi kung hindi ko pa nakikita ang totoo niyang ugali ay baka kinilig na ako ng sobra pero napangisi ako ng lihim.

"Panagutan mo siya dahil nakabuo kayo ng bata at saka maging responsable ka." Nasabi ko na lang sa kanya pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko kaya nagulat ako.

"No! Hindi sa akin ang batang iyon promise." Tila desperado niyang turan kaya napatayo ako at iwinaksi ang kamay ko na hawak niya pa rin.

"Let go of me Blue please you're drunk okay." Pinipilit ko na bawiin ang kamay ko pero hindi niya binibitiwan kaya nainis ako sa kanya.

"No! Akisha ikaw ang gusto ko please makinig ka sa akin sumama ka sa akin tatakas tayo." Desperado niyang turan kaya lalo akong nainis sa kanya.

"Let me go now!" Medyo tumaas na ang boses ko at nakakakuha na kami ng atensyon sa ilang costumer dito.

"Diba sinabi niya na bitiwan mo siya?" Nagulat ako ng may magsalita na lalake sa likod ko at pamilyar ito sa akin.

Agad niya akong hinawakan at sinuntok bigla si Blue ng magmura ito dahilan para mabitawan nito ang braso ko dito ako nakahinga ng maluwag.

Hindi na ito nakabangon dahik mukhang nakatulog na.

Hinila na ako ni Light at hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero nakahinga ako ng maluwag dahil niligtas niya ako kay Blue.