Chereads / Badboys Bring Heaven / Chapter 6 - Chapter six

Chapter 6 - Chapter six

Nagsimula ang meeting na masama ang tingin sa akin ni daddy at ate pero tinititigan ko lang sila at wala akong pakialam.

Hindi ako natuwa sa pagpapalit nila ng mga tauhan dito sa kumpanya at magtatangal rin sila ng mga empleyado, nalulugi na pala ito dahil may nadespalko na pera dito sa kumpanya.

"Can you explain this Akisha?" Napatingin ako kay ate na masamang nakatingin sa akin kaya napatuon ang mga mata ng lahat sa akin.

Alam ko na ang susunod ang magbintang kaya napahinga ako ng maluwag saka ako tumayo, binigay ko ang hawak ko na hard drive kay Kari.

"Play it Kari so that anyone here has learned that i am not the stealer but my older sister." Sabi ko sa kanila saka ako napahalukipkip, buti na lang ay natulungan ako ni Light para malaman ko kung sino ang taong nagnanakaw ng malaking halaga sa kumpanya.

Nagbulungan ang lahat akma na tatalikod si ate pero napigilan siya ni daddy kaya napangiti ako.

"Where are you going!? What is happening!?" Galit na turan ni daddy na pigil ang galit magpapaliwanag sana ito pero nag-play na ang video.

At lahat ng kalokohan na ginagawa ng magaling kong kapatid ay nasa video na ito at lahat ng ito ay si Yukihara ang lahat ng gumawa.

Hindi ko alam kung anong mahika ang ginawa nito pero malaki ang pasasalamat ko dito lalo na kay Light.

Nilabas ko ang papel na kanina ko pa gustong ilapag sa lamesa.

"I am resigning in this company!" Sabi ko sa kanila saka ako napatingin kay Kari na tumango sa akin saka kami lumabas ng conference room.

Napahawak sa kamay ko si Kari at nakahinga ako ng maluwag.

"Akisha!" Napatingin kami kay ate na galit na galit akong lalapitan pero humarang si Kari at napahawak ako sa bibig ko ng malakas niyang sampalin si ate dahilan para mapaupo ito sa sahig.

"Matagal ko na yang gustong gawin sayo bruha ka at buti na lang at nakahanap na ako ng tamang oras!" Galit na turan dito ni Kari kaya napangiti ako at sabay na kaming pumasok sa elevator at nag-apiran na lang kami.

"Ano ngayon ang balak mo bessy?" Tanong ni Kari habang nandito kami sa isang coffee shop.

Napatingin ako sa kanya at napangiti at saka ako napatingin sa labas, napakunot ang noo ko dahil nakita ko si Light at Saeki na papalapit dito kaya napailing ako.

"Gagawin ko na ang matagal ko nang gustong gawin Kari." Sabi ko sa kanya kaya napangiti siya at napatawa.

"Hi babe, hello Kari." Bati ni Light sa amin at saka umupo sa tabi ko, si Saeki naman ay nag-order ng kape.

"Hi, anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko sa kanya na hawak na ang kamay ko kaya napatitig siya sa akin at ngumiti.

"Bakit bawal ba na makita kita?" Balik tanong niya kaya napangiti ako at napailing na ako at napahawak sa kamay namin na magkasalikop na.

"May langgam yata dito! Kinikilabutan ako." Napatingin kami kay Kari na nakatikwas pa ang kilay na nakatingin sa amin kaya natawa ako.

"Kung babae ka siguro ay liligawan ka ni Saeki pero pareho kayong lalake kaya maghanap ka o magpakalalake na lang." Sabi sa kanya ni Light kaya napatawa ako ng malakas at pinalo ko ito sa braso.

"Sana nga naging lalake na lang ako para hindi ako naiingit sa inyo." Tumatawa na sabi ni Kari na hindi man lang na offend sa sinabi ni Light.

"Ano na ang balak mo ngayon Akisha?" Tanong ni Light kaya napatingin ako sa kanya at napahinga ng malalim.

"Balak kong mag-aral ulit at ipagpatuloy ang pangarap na maging isang floris." Sabi ko sa kanya kaya halatang nagulat siya.

Dito na nagkwento sa kanila si Kari dahil alam nito ang lahat ng bagay sa buhay ko.

"Gawin mo yan babe ipagpatuloy mo kung ano ang gusto mo." May pagmamalaki na turan sa akin ni Light.

Nag-kwento rin kami sa nangyari kanina sa meeting at alam na ni daddy ang mga kalokohan na ginawa ng kapatid ko.

Buti na lang at nandito ang dalawang ito dahil nakahinga na ako ng maluwag.

Nagising ako na may nakayakap sa akin kaya napatingin ako sa paligid, oo nga pala nandito ako sa bahay ni Light at nandito ako sa kwarto niya.

Ang kulit talaga nito dahil kahit gusto ko na sa kabilang silid ako matutulog ay mapilit siya na sa silid niya ako gustong matulog.

Umalis na ako kahapon sa condo ko at dito ako mananatili pansamantala sa bahay ni Light habang naghahanap ako ng bagong bahay.

Pero mapilit ang lalakeng ito dahil gusto niya ay dito na ako titira, hindi niya maintindihan na kapag ginawa namin ito ay may masasabi na naman ang mga tao.

Tumunog ang cellphone ko at napakunot ako ng noo dahil si mommy ang tumatawag.

Tumayo ako sinagot ko ito alas-sais na pala ng umaga kaya napakusot ako ng mga mata.

Binaba ko ang tawag at napahinga ng malalim.

Hindi naman ako galit kay mommy pero parang may panunumbat ang mga salita niya kanina kaya napaupo ako sa kama at nainis.

"Is that your mom?" Tanong ni Light na gising na pala kaya napatingin ako sa kanya at tumango.

"Ang hirap unawain ang mga magulang." Sabi ko sa kanya na wala sa sarili dahil hindi ko alam kung saan pa ba ako nagkulang sa pag-unawa sa kanila.

Niyakap na niya lang ako at napahiga ulit sa tabi niya kaya napatitig ako sa kanya na ngayon ay nakakubabaw na sa akin.

Ang bilis tuloy ng tibok ng puso ko at dumagdag pa ang itsura namin, amoy na amoy ko ang bango ng hininga ni Light na nakahubad baro pa.

"Can i kiss you instead?" Tanong niya mayamaya kaya napatitig ako sa kanya kaya napalunok ako pero dahan-dahan akong napatango.

Napayakap na lang ako sa kanya at hindi ko alam kung saan kami nito makakarating ang gusto ko lang ay ang mainit na hininga ni Light na dumadampi sa pisngi ko.

Napatigil kami ng may kumatok kaya pareho kaming humihingal at napatingin na lang ako sa kisame at napahawak sa labi ko.

"Shit! Istorbo!" Bulong niya na napakamot pa at lumakad papunta sa pinto.

Napatalukbong na lang ako ng kumot at pumikit.

"Anong kailangan mo Saeki?" Narinig ko na pigil ang inis sa boses ni Light at narinig ko na napatawa si Saeki at may sinabi ito pero sa ibang lengwahe kaya napakunot ako ng noo.

Narinig ko ang boses ni Light at napahinga ako ng maluwag dahil sa napakasarap sa pandinig habang nagsasalita siya kahit na hindi ko maintindihan.

Mayamaya lang ay sinara na ulit nito ang pinto at saka ko tinangal ang kumot at napatingin kay Light na mukhang aalis.

"Aalis ka?" Tanong ko dito kaya napatingin siya sa akin at tumango.

"I need to get something." Sabi niya na tila nagbago ang boses kaya kinabahan ako at pinanood ko lang siya habang nagbibihis ito at nakita ko ang tattoo sa likod niya.

Napakaganda nito at mukhang kakaiba kaya napahiga ulit ako at kinuha ang cellphone ko at nag-scroll na lang.

"Don't go outside Akisha, i will be back before lunch." Sabi ni Light kaya napatingin ako sa kanya at tumango.

"Okay ingat ka." Sabi ko sa kanya kaya napatitig siya sa akin.

"You know how to cook right?" Tanong niya kaya napatingin ako sa kanya at tumango, marunong ako pero hindi ganun kagaling.

"I can cook anything but don't expect to much okay." Sabi ko sa kanya kaya napangisi siya at lumapit sa akin saka ako tinitigan at hinalakan niya ako ng madiin.

"I can't wait to eat you…your food baby." Bulong niya na ikinalaki ng mga mata ko at napatitig ako sa kanya.

Lumabas na ito ng pinto kaya napahiga na lang ako at napahinga ng malalim saka ako napahiga ulit at napahawak sa labi ko.

Nakakainis talaga ang lalakeng iyon malakas ang tibok ng puso ko dahil sa kanya, para tuloy akong tumakbo ng mabilis.

Naligo muna ako bago ako bumaba ng bahay at mag-isa lang pala ako dito kaya dumiretso na ako sa kusina at halatang lalake talaga ang nakatira.

Black, Gray and White ang motif ng buong bahay tatlong kulay lang at walang buhay.

Nagbukas ako ng refregerator at maraming pagkain at nakakita ako ng liempo at hipon.

Pwede akong mag-sinigang na hipon at letchong kawali perpect dahil matagal na akong hindi nakakakain ng ganitong pagkain.

Lagi kasing nakabantay si mommy sa mga kinakain naming magkapatid at madalas ay walang lasa ang kinakain ko.

I need to maintain my diet pero ngayon na wala na ako sa bahay ay malaya na akong kainin lahat ng gusto ko.

Nakakita ako ng mga panghalo sa hipon kaya napangiti ako at saka ko pinusod ang buhok ko at nagsuot ng apron.

Nagsimula na akong magluto at nag-enjoy ako lahat ng kailangan ko ay nandito na sa kusinang ito at mukhang mahilig magluto si Light o kaya ay si Saeki.

Dagdag pogi points ito sa dalawang iyon kaya napangiti ako.

Hinuli ko ang letchon masarap kasi kapag bagong prito ito kaya nag-text ako kay Light pauwi na sila, mayamaya lang ay nag-reply ito na pauwi na kaya nag-prito na ako.

Ilang beses akong nakipaglaban sa mantika dahil pumuputok talaga ito kaya ang siste ay may mga talsik ng mantika ako sa braso at meron din sa leeg ko at pisngi.

Mahapdi pero ayos lang ang mahalaga ay cravings satisfied ako ngayon.

Alas dose ng tanghali ay sakto na umuwi na si Light at kasama niya si Saeki kaya inayos ko na ang lamesa.

"Hali na kayo at kumain na tayo." Aya ko sa kanila kaya napatitig sa akin si Light kaya napangiti ako.

"You cook our lunch but look at you." Sabi niya na hinaplos ang pisngi ko kaya napangiti lang ako lalo.

"Wala ito sanay na ako tara kain na tayo." Sabi ko sa kanya kaya pareho na silang umupo at sabay na hinigop ang sabay ng sinigang kaya napangiti ako.

Mayamaya lang ay magana na kaming kumakain at masaya ako dahil nagustuhan talaga nilang dalawa ang luto ko.

How i wish na laging ganito ang makita na pareho silang masaya.

"You are amazing Akisha thank you for the yummy lunch." Sabi ni Saeki kaya napatango lang ako at napangiti.

Napapaigtad ako sa tuwing dadampian ni Light ng ointment ang namumula na naputukan ng mainit na mantika kanina.

"Sa susunod ay huwag ka nang magluto ng ulam na iyon dahil tignan mo." Sabi ni Light na may halong sermon kaya napangiti lang ako.

"Ang mahalaga nakakain ako ng paborito ko." Sabi ko sa kanya kaya napailing na lang siya.

"I just hope that you always like this baby." Sabi niya kaya napangiti ako at tumango lang.

Ako rin sana laging ganito wala nang mga magulang ko na dumidikta sa lahat at malaya na akong gawin ang mga bagay na gusto ko.