Malapit ko nang maluto ang tanghalian namin at mayamaya lang ay parating na si Light at Yuki.
Napangiti ako dahil nag-request ang dalawa ng sinigang na ulo ng salmon at lichong kawali para sa tanghalian kaya hindi naman ako nag-reklamo.
Kahit natututo pa lang ako sa mga gawaing bahay at pagluluto ay tiniyak ko na masarap ito.
Tamang-tama lang ang asim at lasa kaya napangiti ako, yon nga lang namumula ang magkabila ko na braso dahil sa talamsik ng mantika habang nagpiprito ako.
Hindi ko naisip na pwede ko pala itong iluto sa air fryer at huli na ng mapagtanto ko, ramdam ko ang hapdi nito kaya napahinga ako ng malalim.
Parte naman ito ng pagkatuto ko kaya ininda ko na lang ito.
Nang marinig ko na bumukas na ang authomatic na gate at napangiti ako at nilabas ko na rin ang guyabano juice na tinimpla ko.
"Wow! Mukhang nakahanda na ang tanghalian natin." Bungad ni Yuki kaya napangiti ako at napatingin kay Light na agad akong nilapitan kaya medyo napalunok at napaatras.
"Amoy kusina ako at amoy pawis rin." Sabi ko sa kanya kaya napakunot ang noo niya pero nakatingin ito sa kamay ko kaya nagulat ako ng kunin niya ito at namula ako.
"You have a lot of bruise here, is this because of hot oil?" Tanong niya na tila guilty pa kaya binawi ko sa kanya ang kamay ko.
"We're so sorry Akisha." Sabi ni Yuki na nakita rin ang mga paso ko.
"Okay lang ito ano ba kayo." Sabi ko sa kanila na pinaupo ko na sila dahil lalamig ang sabay kaya napaupo na sila at saka napatingin sa mga pagkain.
"You've work hard to cook this and i am thankful babe." Sabi ni Light na nagsimula nang magsandok ng sabaw kaya napangiti ako.
Halos maubos ang kanin at ulam na niluto ko dahil parehong malakas kumain ang dalawa, kahit ako ay naparami ang kain ko pero hindi ko na iniisip kung tataba ba ako o ano dahil wala na akong pakialam.
Si Light na mismo nagsabi sa akin na kailangan kong kumain dahil masyado akong payat kaya sinunod ko siya.
Ang isa pa physicaly fit naman ako dahil may gym dito sa bahay si Light at tuwing umaga ay sabay kaming nag-eexercise kaya hindi ako takot na kumain ng marami.
Dagdag pa ang ginagawa ko sa maghapon which is ang mag-alaga ng mga halaman ko.
Oo nga pala ang mga gulay na hinalo ko katulad ng labanos, kangkong, sitaw, kamatis at okra ay galing sa garden ko kaya nakakatuwa.
Hindi na ako kailangan bumili ng mga gulay sa grocery na masyado nang mahal.
Natuto rin akong hindi gumastos sa walang kwentang bagay, tulad na lang ng sapatos, bags at damit dahil wala na akong trabaho ngayon at isa pa ay marami na akong napagtanto mula nang makawala ako sa anino ng mga magulang ko.
I am free now to do whatever i want and syempre may sumusoporta na sa akin na hindi ako hinusgahan.
Habang nagliligpit ako ng pinagkainan namin ay naramdaman ko na nandito pa rin si Light at nakahalukipkip lang na nakatingin sa akin kaya naiilang ako sa kanya.
"May problema ba Light?" Tanong ko dito kaya lumapit siya sa akin at tinulungan ako sa ginagawa ko.
"Later we will put an oinment to your hand." Maikli niya lang na turan kaya napangiti ako at tumango.
Napapiksi ako dahil naramdaman ko ang malamig na bagay sa paso ko na ang ointment na nilalagay ni Light.
"Next time wear something that will cover this beautiful hand of yours." Sabi niya na nakataas ang kilay kaya tumango ako.
Dati ay tumama lang ang mga kamay na ito sa kung saan ay grabe na ang takot ko dahil iniingatan ko ang balat ko.
Halos apat na beses sa isang linggo kung pumunta ako ng salon para mamintina ko ang ganda ng balat ko.
Dalawang beses sa isang linggo rin kung mag-shopping ako ng mga bagong damit, pero ngayon pinanghihinayngan ko na ang lahat ng iyon.
Hindi ko na maamtim pa ang mga luho ko na iyon, marami akong napagtanto sa bago kong buhay na ito.
Money can't buy happiness ito ang totoo, pero noon oo inaamin ko na pera lang ang nakakapagpasaya sa tao.
Napatigil ako sa pag-iisip ng tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito at napangiti ako dahil si Kari pala ang nag-message.
Nag-reply ako at napangiti lalo at saka huminga ng maluwag, siguro maswerte pa rin ako dahil may kaibigan ako na laging nagpapaalala na laban lang.
I want to keep Kari forever and i don't know if i can't lose that partially male or woman.
Napatawa ako sa mga naiisip ko at napatitig kay Light na nasa harap ko pa pala, namula ako dahil sa paraan ng pagtitig niya.
"Who is texting you?" Tanong nito kaya napatitig ako sa kanya at saka ko pinakita na si Kari ito.
"Nangungumusta lang siya." Sabi ko sa kanya na ikinatango lang niya.
"Kung hindi bakla yang kaibigan mo magseselos ako." Diretsa niya na turan kaya napatawa na lang ako at akma na akong aalis pero pinigilan niya ako at hawal na niya ako sa braso.
"You want to go to Japan?" Bigla nitong tanong kaya napatingin ako sa kanya.
"As in nagtanong ka lang kung gusto kong pumunta ng mall Mr. Rosenthal." Sabi ko sa kanya na ikinatawa niya at saka ako pinaupo sa kandungan niya kaya nagulat ako.
Yakap na niya ako ngayon at pigil ko ang sarili ko na hindi lalong mahulog sa lalakeng ito na misteryoso pa rin sa akin.
"I want you to have a vacation with me, i have meeting there so i want you to come with me." Sabi niya mayamaya kaya napatango na lang ako.
"Ilang araw tayo doon?" Tanong ko kaya napaangat siya ng tingin sa akin at saka ngumiti.
"Three days? If you wanna tour and go to a beutiful places there we will have maybe one week vacation." Tila excited niya na turan kaya napatawa ako at tumango na lang.
I guest i want this vacation too, at ngayon kasama ko si Light.
Nakapag-bakasyon na rin naman ako sa Japan pero kasama sina mommy kaya hibdi ako masyadong nakakapag-enjoy, tila ako asong sunod ng sunod lang sa kanila ni ate noon.
Naiinis ako sa isipin na iyon dahil marami akong napagtanto kung gaano ako katanga para hindi ko malaman na kontrolado nila lahat ng kilos ko.
Pero ngayon i can do anything now by myself at kasama ko si Light and this is more enough now for me.
Tuwang-tuwa naman si Kari nang sabihin ko sa kanya na sasama ako kay Light sa Japan.
Nandito siya ngayon dahil binisita niya ako at may mga pasalubong na naman ito para sa akin.
Kari has new job now in a magazine company at isa siya sa mga editor in chief na pangarap niyang trabaho.
Madalas siyang nasa labas ng bansa dahil siya ang representative ng kumpanya nila, that is why i am so proud of her.
"Gusto ko rin magbakasyon doon pero grabe ang kabisihan ko lately." Sabi niya na sinandal ang katawan sa sofa kaya napangiti ako.
"Huwag mong masyadong pagurin ang sarili mo Kari, remember your health." Paalala ko sa kanya kaya napatitig siya sa akin at nakangiti na tumango.
"Yes po ate." Sabi niya sabay tawa, sakto naman na bumaba si Light at mukhang may lalakarin dahil nakabihis ito.
"I am going somewhere for awhile babe, i will be back before dinner." Paalam niya na hinalikan ako sa noo kaya namula ako at to think na nasa harap lang namin si Kari.
"May langgam pala dito." Parinig nito kaya tumawa lang si Light at binati ang kaibigan ko saka na ito lumabas ng bahay.
"That is so sweet of him Akisha, i am glad that someone like him is consider you as precious gem." Sabi niya kaya napangiti na lang ako.
Dahil si Yuki ang nakatoka sa pag-luluto ng hapunan ay hinayaan niya lang kami ni Kari na makapag-usap na hindi maalis ang titig sa lalake kaya pinalo ko ito sa braso.
"Huwag mong pagpantasyahan si Yuki dahil baka tutukan ka niya ng baril." Saway ko sa kanya na nakapagpatawa ng malakas dito kaya napailing na lang ako.
"I am not kasi alam mo may limitasyon ako sa sarili ko ayoko nang ma-broken ulit." Sabi niya na nakatawa kaya alam ko na nagsasabi siya ng totoo.
I remember his past boyfriend who taking just money to him at nalaman namin na may asawa na pala at muntik nang magpakamatay ang baklang ito kaya nadala na ito.
Mas nag-focus na lang siya sa self love niya at syempre sa trabaho niya.
Mukhang hindi na rin ito umuuwi sa kanila kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Speaking of your family Akisha, i have some scoop for them nasa magazine na naman pala ang pangalan ng ate mo." Sabi ni Kari kaya napatingin ako sa kanya at napatango.
"Nasa Amerika na siya at bumalik na sa pagiging modelo niya diba?" Tanong ko kaya tumango siya.
"Hindi rin naman na ito makakabalik pa sa dati knowing na malalaman na ng lahat ang totoo niyang ugali." Sabi ni Kri kaya napakunot ako ng noo.
Dito niya kinwento ang ilalabas nila balita at nagulat pa ako dahil magiging malaking pasabog nga ito, they saw my sister na lumabas sa isang hotel at kasama nito ang congressman ng lalawigan kung saan ito nag-guest judge sa isang pageant.
That will be embarassing indeed, hindi ako nakaramdam ng awa sa kapatid ko at hinayaan ko na lang ito.
"Mukhang babalikan na siya ng sarili niyang karma ngayon Kari." Sabi ko sa kaibigan ko na tumango lang at natawa.
Sumapit ang alas syete ng gabi ay sakto na dumating si Light at sakto naman na nakapaghain na kami.
Tumulong kami ni Kari kay Yuki na madaldal at kung ano-ano lang ang pinag-uusapan nila ni Kari.
Nawala na rin ang pagkailang nito sa kaibigan ko kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Hi, babe." Lumapit sa akin si Light at niyakap ako kaya napangiti ako.
"Magbihis ka na muna para makapaghapunan na tayo." Sabi ko sa kanya na sinunod naman ako at umakyat na muna sa taas.
"Malaki na nga ang pinagbago ni Light mula nang tumira ka dito." Nakangiti na turan ni Yuki kaya napangiti na rin ako at ang kaibigan ko na kakaiba ang ngisi kaya sinimangutan ko na lang ito.
Masaya at maingay ang naging hapunan namin, masarap ang sinigang na ulo ng salmon na niluto ni Yuki, may prito rin na liempo at pakbet.
Wala akong paglagyan ng kasiyahan ko sa mga oras na ito dahil sa mga taong ito.
Hindi ko na kayang ipagpalit pa sa kahit anong bagay ang tagpong ito dahil napakasaya ko.
At sana ay dumating ang araw na maramdaman ko rin ito sa pamilya ko mismo, yong kasalo ko sila sa pagkain at pawang mga nakangiti.
Pero alam ko sa sarili ko na napakaimposible nitong mangyari pero may kaunti pa rin akong pag-asa na sana ay mangyari iyon.