Chereads / Badboys Bring Heaven / Chapter 10 - Chapter ten

Chapter 10 - Chapter ten

Hindi ako makatulog dahil kahit among gawin ko ay hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang sinabi kanina ni Light.

I feel bad right now at pabiling-biling lang ako dito sa kama ko.

Dito bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si Light na naka-pajama na at dala ang laptop niya.

"Hindi ka ba makatulog? Anong oras na Akisha." Sabi nito na umupo sa gilid ng kama ko pero tumayo rin dahil kinuha nito ang remote ng aircon pinindot ito.

"Light hindi ko maalis sa isip ko ang sinabi mo kanina." Bulong ko kaya napatingin ito sa akin at saka huminga ng malalim.

"I told you not to think of it Akisha." Medyo madiin nitong turan kaya napayuko ako.

"Is this your way para makaganti ka sa kanya, kung ano man ang ginawa niya ay ito ang paraan mo ang mapalapit sa akin ganon?" Lakas loob ko ulit na tanong sa kanya na ikinatitig niya sa akin at nagulat siya dahil tumulo na ang luha sa mga mata ko na hindi ko namamalayan.

"Babe hindi ka kasali sa galit ko sa kanya and that is about business nothing more." Bigla niyang paliwanag na agad akong nilapitan at niyakap ng mahigpit habang umiiyak ako.

Aaminin ko na nakaramdam ako ng kakaibang sakit sa dibdib ko nang sabihin niya ito, pero naniniwala ako sa sinasabi ni Light kaya ito na lang ang iisipin ko.

"Kailanman ay hindi ko inisip na gamitin ka againts your father." Bulong niya kaya napatango ako at yumakap na rin sa kanya.

Dahil sinabi ni Light na huwag ko nang isipin ang sinabi niya ay tinaggal ko ito sa isipan ko at mas pinagtuunan ko na lang ng pansin ay ang bakasyon namin sa Japan.

Excited ako dahil sa dalawang dahilan ang una ay masosolo ko ang oras ni Light at ang pangalawa ay may gusto akong katagpuin sa lugar na iyon.

Isang mahalagang tao at bahagi ng pagkatao ko.

At last nandito na kami sa Japan kaya napangiti ako at sinamyo ang simoy ng hangin.

May kalamigan na pala dito sa Tokyo dahil papalapit na ang winter, tamang-tama dahil mararanasan pa namin ang snow dito.

Ilang taon na rin mula nang huli akong makatuntong dito kaya nakaka-excite, napatingin ako kay Light na mahigpit na hawak ang kamay ko kaya napangiti.

"We need to buy winter clothes tomorrow babe." Sabi nito kaya tumango lang ako at sumakay na ng kotse na maghahatid sa amin sa hotel na kung saan kami pansamantala na titira.

"I have meeting this evening babe and i will not able to join you on dinner, will you be okay with that?" Malambing na tanong ni Light habang inaayos ang tie niya kaya tumayo ako tinulungan siya.

"Okay lang i will meet my old friend here Light, i emailed her already." Sabi ko sa kanya kaya tumango lang siya at hinalikan ako sa noo.

"Okay if something happen just call me okay." Sabi niya kaya tumango ako at napatitig sa kanya.

Napakagwapo ni Light kapag nakasuot siya ng buseness attire lalo na kapag inaayos niya ang salamin niya kaya lalo siyang nagiging gwapo sa paningin ko.

Lihim akong napalunok at pakiramdam ko ay namumula ang buong mukha ko.

"Are you okay babe?" Tanong niya kaya napatitig ako sa kanya at umiling pero nagulat ako ng kabigin niya ako at hindi ko inaasahan ang bigla niyang ginawa.

Napahawak na lang ako sa dibdib niya at sinabayan ang makapamugtong halik niya.

"See you later babe." Bulong niya nang bitiwan niya ang labi ko kaya napangiti ako at inayos ang buhok niya na nagulo.

"Hihintayin kita Light." Sabi ko na lang sa kanya napatingin na lang ako sa likod nito at nahawakan ko ang labi ko na pakiramdam ko ay namamanhid.

Napailing na ako at pumasok na ng banyo para maligo dahil tila ako nag-iinit sa nangyari lang kanina.

Nandito na ako ngayon sa cafe na kung saan kami magkikita ng katagpo ko.

Maganda ang ambiance dito at open area, iilan lang ang tao at tahimik rin ang buong paligid.

Umorder lang ako ng green tea dahil wala pa akong gana na kumain.

Nag-scroll na lang muna ako sa social media dahil wala pa naman ang taong katagpo at napangiti ako dahil may post si Yuki na mukhang nakawala ito sa prisensya ng boss niya.

Nag-react na lang ako ng funny emoji, nakita ko rin si Kari na may post at puting rosas ang pinost niya na may kasamang purple heart, napangiti ako dahil mukhang may secret admirer ang kaibigan ko.

"You look radiant than the last time we met." Napatingala ako sa babaeng nagsalita habang nakangiti ito kaya agad kong binaba ang cellphone ko at tumayo ako at yumakap dito kaya napatawa na rin ito at niyakap rin ako.

"How are you? Aunt Mariko." Tanong ko dito nang makaupo na kami.

Hawak niya ang kamay ko at nakangiti lang ito sa akin.

Aunt Mariko is my father half younger sister, ang ama nito ay isang Japanese at naging kaluguyo ni lola nong panahon na nandito ito sa Japan.

Napaka-komplikado ng pamilya namin at walang alam ang ibang tao sa bagay na ito, ito rin ang dahilan kung bakit napakaingat ng aking ama pagdating sa personal naming buhay.

Isa ito sa dirty little secret ng pamilya nila.

"I've been well hija, ikaw kumusta ka?" Sabi niya nang pisilin niya ng mahigpit ang kamay ko.

"Okay lang rin po ako, after ng lahat ng nangyari in the past few months." Sabi ko dito kaya napatango siya.

Hindi naman lingid sa kanya ang mga nangyari sa pamilya namin, mula sa broken engagement ni ate at kung paano masira ito sa publiko.

Maging ang pag-alis ko sa bahay at sa kumpanya ni daddy ay hindi ko tinago dito, although mababalitaan naman niya ito sa telebisyon ay iba na kasi ang version pagdating doon.

"Sa wakas ay nakaalis ka na rin sa anino ng mga magulang mo hija, and i want to meet that man you talk." Sabi niya kaya napangiti ako at tumango.

"I will let him meet you aunty." Sabi ko dito kaya napangiti na rin siya.

Marami kaming napagkwentuhan tungkol sa mga nakalipas na taon na hindi kami nagkita, nagkakausap naman kami tru phone pero hindi pa rin ito sapat.

Si Aunty Mariko ay may maliit na galery sa Okinawa at tahimik na namumuhay doon.

Mula kasi nang mamatay ang ama nito ay lumipat na ito ng Okinawa para malayo sa siyudad at lalo na sa mga tauhan ni daddy na nakabantay dito.

"Hindi ka pa rin ba mag-aasawa?" Mayamaya kong tanong dito kaya napatawa lang ito at napailing.

"I am almost fifty now hija may magkakagusto pa ba sa akin." Sabi nito kaya napatawa na lang ako at napayuko na lang.

My aunt love story is sad and tradegy, at ang dahilan ng bagay na ito ay ang pamilya ko mismo.

Kung hindi sana namatay ang pinakamamahal niyang lalake noon ay masaya na sana ito ngayon at may buo at tahimik na pamilya.

But my family is the real villain and i really hate them for it.

Akala kasi ng publiko ay perpekto ang pamilya namin pero hindi nila alam na masahol pa kay satanas ang mga ito.

They are pure evil at naranasan ko iyon mismo sa kanila, lalo na kay daddy na isang control freak.

Buti na lang at nagka lakas ako na labanan sila at sa wakas nga ay ito malaya na ako kahit papano, pero nandito pa rin ang takot sa akin hangang lalo na kung hanggang kailan ito.

"Hija you should take care of yourself, ayokong magsalita pero baka gawin rin nila sayo ang ginawa nila sa akin." Sabi ni aunty kaya napatitig ako dito.

Dito ko nga rin naisip na baka may gawin si daddy pero kilala ko si Light, i know na kaya niyang protektahan ang sarili niya.

"I know him well aunty, kaya niyang protektahan ang sarili niya." Sabi ko dito kaya napangiti ito at may tinitigan mula sa likod ko at nagulat ako ng may humalik sa pisngi ko.

Si Light pala na nakangiti at binati si aunty na tumayo at bumati rin dito.

"Nice meeting you Mr. Rosenthal." Bati ni aunty dito na ngayon ay katabi ko na habang nakaakbay sa akin.

"Same to you too aunty." Bati rin nito kay aunty kaya napailing na lang ako.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko kay Light kaya napatingin siya sa akin at tumawa lang ng mahina.

"Nasa malapit lang pala yong meeting place namin at nakita ko sa gps ko na nandito ka lang kaya sinundan kita." Paliwanag niya kaya nanlaki ang mga mata ko at napatingin kay aunty na tumawa lang.

"Masaya ako na nakatagpo ka na ng taong poprotekta sayo hija." Napatitig ako kay aunty na nakangiti kaya niyakap ko na lang ito at hinigpitan ko pa ito.

"Magkikita po ulit tayo." Bulong ko na lang kaya napatango siya at hinaplos ang pisngi ko saka ako hinalikan sa magkabila kong pisngi.

Tinanaw ko na lang ang papalayong bus na sinakyan ni aunty habang nakaakbay sa akin si Light.

"Your aunt is kind woman, you didn't mention her to me before so i was curious when i saw you two." Sabi ni Light mayamaya kaya napatingala ako sa kanya at napahinga ng malalim.

"I never been allowed to talk to her for the past six years, that is why i didn't have the time to mention her to you." Paliwanag ko na lang kaya napatango na lang ito.

Habang pabalik kami sa hotel na tinutuluyan namin ay kinwento ko sa kanya ang tungkol kay aunty.

Hindi ko mapigilan ang hindi maiyak habang nagku-kwento ako kay Light kaya pinatigil na niya ako.

"That was tragic story babe." Sabi naang nito saka kinuha ang kamay ko at hinalikan na lang niya ito.

Dahil nga maaga pala na natapos ang meeting ni Light ay sabay pa rin kaming kakain ng dinner, ayaw na rin kasi na magtagal ni aunty dito sa Tokyo.

May dahilan naman ito dahil sigurado ako na may mga tauhan pa rin sa lugar na ito si daddy.

"What do you want to eat babe?" Napangiti ako nang magtanong si Light habang magkahawak kamay kami na pumasok sa restaurant na kakainan namin.

"Anything that will fit my tummy." Pabiro kong sagot sa kanya kaya tumawa siya ng malakas, hindi alintana na may mga tao sa paligid kaya medyo nahiya ako.

Habang magana kaming kumakain ay may biglang lumapit na dalawang babae sa upuan namin kaya napakunot ang noo ko.

"Elijah is that you?" Tila hindi makapaniwala na tanong ng isa sa mga ito kaya napatingala si Light dito.

Hindi ko inaasahan ang pagyakap ng babae dito at bigla na lang akong nakaramdam ng hindi maipaliwanag na damdamin.

Hindi ko nagustuhan ang ginawa ng babae mismo sa harap ko.