Lumipas ang isang buwan na nakatira pa rin ako dito sa bahay ni Light at nasanay na rin ako dito.
Kahit ayaw akong pagtrabahuin ng gawaing bahay ni Light ay sadya akong makulit kaya wala naman na itong magawa.
Naging kontento na ako sa kung ano ang ginagawa ko at hindi ako naiinip dahil sa garden ng bahay na ito.
Nagtatanim ako ng iba't ibang halaman at may mga gulay na rin hindi nga ako makapaniwala sa sarili ko na kaya ko itong gawin kaya natutuwa talaga ako sa sarili ko.
Tulad ngayong araw nag-didilig ako ng mga alaga kong bulaklak at hindi pa gaanong mainit ang araw.
Maagang pumasok si Light kaya mag-isa lang ako dito pero uuwi raw ito sa tanghalian kaya mayamaya ay pag-tapos ko dito ay mamimili ako.
Malapit lang ang grocery dito pag pumupunta ako doon ay naglalakad lang ako at saka na ako nag-tatraysikel kapag pauwi na.
Yes! Traysikel ang sinasakyan ko na nakasanayan ko na dahil bihira kong gamitin ang kotse ko na binigay ni Light.
Kapag umaalis lang ako saka ko ito ginagamit, ang mga kapitbahay naman ay mababait at walang mga tsismosa.
Isa kasi itong subdibisyon na tahimik at payapa kaya wala akong problema.
Wala na rin akong balita sa pamilya ko na naging pabor sa akin dahil gusto ko na lang ng katahimikan.
Habang papasok ako sa grocery ay tinitignan ko ang listahan ko dahil ayokong mag-isip pa kung ano ang wala sa bahay, kaya ang ginagawa ko ay tinitignan ko muna ang pantry o ref kung may kulang at kung wala na ay ililista ko.
"Akalain mo nga naman na dito pa tayo mag-kikita my dear sister." Nagulat ako dahil sa boses na iyon at nasa harap ko ito kaya napakunot ang noo ko.
Si ate na may kasama at pareho silang nakatingin sa akin.
Inilagay ko na ulit sa bag ko ang listahan at akma na akong aalis pero pinigilan ako nito.
"Yan ba ang napapala mo sa pagiging katulong!" Gigil nitong turan kaya napakunot ang noo ko at napatitig dito.
"Pwede ba ate wala akong oras sa mga pinagsasabi mo!" Inis ko na sabi sa kanya saka ko piniksi ang braso ko na hawak niya at sa lakas nito ay napaatras siya.
"Aba matapang ka na ngayon!" Galit nitong turan medyo nakakuha na kami ng atensyon sa mga costumer kaya napahinga ako ng malalim.
"Kung wala kang ibang sasabihin, huwag kang gagawa ng headline na naman na makakasira sa image ng mga magulang natin!" Seryoso kong sabi dito saka ako naglakad palayo dito at dumeretso na ako sa cart area, huminahon ako at pumunta na ng can goods section.
Hindi ko na naisip ang pagkikita namin ni ate at inabala na lang ang sarili ko sa pamimili.
Nakauwi na ako at nagpasalamat ako kay manong na tinulungan pa ako sa pagbubuhat ng mga bag ng grocery.
"Salamat po manong ingat po." Nakangiti kong pasasalamat dito at saka na ito umalis na nakangiti.
Akma na akong tatalikod pero may tao pala sa labas ng gate at napahawak na lang ako sa noo ko.
"At dito ka pala nakatira! Not bad mukhang nag-change career ka na talaga!" Si ate na naman na hangang dito ay sinundan pa rin ako.
"Ano ba ang kailangan mo ate at hindi ka pa rin tumitigil!" Inis ko nang sabi dito habang nakakuyon ang kamao ko.
"Hindi ako titigil hangga't hindi ko nakikita ang pagiging miserable mo!" Sigaw niya kaya napakunot ang noo ko at natawa at napagalukipkip at saka ko siya tinignan mula ulo hangang paa.
"Mukhang sa ating dalawa ay ikaw ang miserable ate." Namula ito at akma na lalapit sa akin pero may biglang nag-busina ng malakas kaya pareho kaming nagulat ni ate at napatingin dito.
Great nandito na si Light at mukhang nakaharang ang kotse ni ate kaya napailing na lang ako.
"Babe kanino itong kotse na nakaharang dito?" Tanong nito na napatingin kay ate na gulat na nakatitig kay Light.
Pumasok ito sa gate na hanggang beywang lang namin kaya kitang-kita ako ni ate.
"And who are you woman!?" Seryosong tanong ni Light at saka ako kinabig payakap sa kanya.
"So ito ang ipapamukha mo sa akin ngayon Akisha!" Galit na sigaw ni ate na nanggigil at nakakuyom ang kamao.
"Leave woman kung ayaw mong ipakaladkad kita sa guwardiya." Napatingin ako kay Light na nag-iba ang boses dahil naramdaman ko ang lamig sa boses niya, mahinahon lang ito pero kita ko ang panganib sa mga mata niya na nakatitig kay ate.
At si ate na mukhang natakot at agad na tumalikod at saka pinaandar ang kotse, dito ako nakahinga ng maluwag at nauna na akong pumasok sa loob.
"Yeah, don't ever let that woman enter here understand!" Napatingin ako kay Light na kausap ang guwardiya sa gate.
"Pasensya ka na kanina Light, hindi ko alam na susundan ako dito ni ate." Hingi ko ng paumanhin dito kaya napatitig siya sa akin at saka ako kinabig payakap sa kanya.
"It's okay babe ang mahalaga ay hindi ka nasaktan ng babaeng iyon." Sabi niya kaya napangiti ako at lalo akong yumakap ng mahigpit sa kanya.
"Nag-grocery ka pala." Sabi ni Light habang tinutulungan ako na ilagay dito sa counter top ang bag ng grocery kaya napatango ako at kinwento ko sa kanya kung paano kami nagkita ni ate.
"I think hinahanap ka niya dahil o pinahanap at natagpuan ka nga niya dito." Sabi nito kaya napaisip ako at tumango na lang.
"Anyway wala naman na akong concern pa sa kanya kaya hayaan mo na lang, kaya ko naman si ate kaya huwag kang mag-alala para saan ba at tinuturuan mo ako ng self-defence." Sabi ko sa kanya sabay tawa kaya napatawa na rin siya.
Tama nag-tatraining ako ng iba't ibang self-defence at si Light ang nagtuturo sa akin, napaka-istrikto nito nong una pero ngayon nasasabayan ko na ito dahil madali akong natuto sa kanya.
"That's good babe hindi na ako mag-aalala pa." Sabi na lang niya kaya napangiti kami pareho.
"Oo nga pala ang aga mo yata ngayon." Sabi ko sa kanya kaya napangiti siya at napakamot ng batok.
"I ditch Saeki and left him after our meeting." Sabi niya sabay tawa kaya napailing na lang ako.
Tiyak akong mag-aaway na naman ang dalawang ito mamaya at ako na naman ang aawat kaya napailing na lang ako.
"Magpalit ka na muna ng pambahay at tulungan mo na lang akong magluto, para pag-uwi ni Saeki ay kakain na lang siya." Sabi ko sa kanya kaya tumawa ulit siya at bago lumabas ng kusina ay nagnakaw muna ng halik sa akin kaya napatawa na lang ako.
Tamang-tama naman na tapos na kaming magluto ni Light nang dumating si Saeki na masama ang tingin kay Light.
"Nagluto kami ng adobong manok at chapsuey para sa hapunan." Sabi ko kay Saeki na napangiti at binati ako agad, alam ko na paborito niya ito kaya para na rin sa peace offering ni Light sa kanya.
Pero wala pa rin mukhang inis talaga siya kay Light dahil pinasa na naman sa kanya ng lalakeng ito ang trabaho ngayong hapon.
Yan magsisimula na naman ang bangayan ng dalawa kaya inayos ko na lang ang lamesa para makapag-hapunan kami ng maaga.
Napangiti ako ng makatagap ako ng mensahe mula ss kaibigan ko nag-text si Kari na pupunta kaya napangiti ako lalo at nagdagdag ng isa pa na plato para dito.
Malakas na tumawa si Kari at Saeki habang nagkukuwento ako sa kanila na pinuntahan ako dito ng kapatid ko.
"That desperate woman is looking for you to mock you." Sabi ni Kari na napapailing na lang.
"Akala niya ay nangangatulong na lang ako at nag-change career na raw ako." Kwento ko pa sa kanila na napatawa na lang silang tatlo.
"Don't worry babe, hindi na yon makakapasok pa dito sa subdivision." Sabi ni Light kaya napatango na lang ako at napangiti.
Natapos kami sa pagkain at kami na lang dito ni Kari sa kusina at nagliligpit na ng pinagkainan namin.
Tinabihan ko na rin siya ng ulam para sa almusal niya bukas.
"Pinahanap ka pala talaga ng ate mo para makita nito na miserable ka at nang makita niya na maganda ang kalagayan ay mo ay gusto ka niyang sirain!" Inis na sabi ni Kari kaya napaiking ako at napatitig sa kawalan.
Nasasaktan ako dahil hindi man lang naging concern sa kalagayan ko sina mommy pero alam ko naman wala itong magiging pakialam.
"But i am glad that she remember me." Sabi ko kay Kari na nanlaki ang mga mata at hindi makapaniwala sa sinabi ko kaya napatawa ako.
"Hindi concern ang tawag doon malamang inutusan ng parents mo ang kapatid mo na tignan kung miserable ang buhay mo!" Inis pa rin na sabi ni Kari kaya pinakalma ko na siya.
"Masaya ako na nakawala ka na sa mga magulang mo na abusado kaya sinasabi ko sayo Akisha huwag ka nang babalik pa sa inyo." Sabi ni Kari na ikinatango ko na lang.
Aaminin ko na nong mga nakaraang araw ay gusto kong umuwi at humingi ng tawad sa mga magulang ko.
Nasabi ko ito kay Kari at halos sabunutan niya ako dahil sa inis sa akin, alam ko na ayaw niya akong nakikita na nahihirapan kaya nagalit ito sa desisyon ko.
Nangako na ako sa kanya na hindi ko na iyon iisipin pa at hindi na muna babalik sa pamilya ko.
After all masaya ako sa bahay na ito na kasama ko ang lalakeng nagbigay sa akin ng ganitong pakiramdam, ang masaya at kuntento na sa kahit maliit na bagay lang.
Hindi na nagpahatid si Kari at nag-book na lang ng taxi kaya tinanaw ko na lang ito paalis.
Inakbayan ako ni Light kaya napatingala ako dito at napasandal na rin sa kanya.
"Come on i wanna show you something." Sabi ni Light mayamaya kaya magkahawak kamay kami na pumunta ng likodbahay.
Namangha ako dahil sa isang table settings na may wine at chips sa lamesa kaya napatawa ako.
"Ano ito?" Tanong ko sa kanya kaya napangiti lang siya at pinaupo ako at saka siya nagsalin ng wine sa glass wine.
"I just want you to taste this our new brand." Sabi niya na ang tinutukoy ay ang bagong gawa na wine sa kumpanya niya kaya kinuha ko ito at inamoy.
Napakabango at mukhang masarap kaya dahan-dahan ko itong ininom, napangiti ao dahil napakasarap nito.
"Ano masarap ba?" Tanong niya kaya napangiti ako at tumango.
"I like the taste and the little bit of sour it's complement the flavor." Sabi ko sa kanya na ikinangiti niya at proud na naman sa sarili.
Light is wine company owner in Italy who start to invest here in the Philippines at ngayin nga ay may sarili na siyang kumpanya dito.
I thought before that he is just an college student who has a badboy awra but now i can know more of him day by day.
Kahit na iba-ibang at misteryoso ang pagkatao niya para sa akin ay alam ko na mabuting tao ito at sapat na ito para pagkatiwalaan ko siya.
Pinakiramdaman ko ang puso ko kung bakit napakalakas ng tibok nito at dahil ito sa lalakeng malambing na nakatitig sa akin.