Chereads / Badboys Bring Heaven / Chapter 5 - Chapter five

Chapter 5 - Chapter five

Nakatulog ulit ako dahil marahil sa ininom ko na gamot at nang muli akong magising ay nakita ko si Kari na umiiyak na nakayakap sa akin.

"Akisha diyos ko anong ginawa nila sa iyo?" Umiiyak niyang tanong kaya napaiyak na rin ako.

"Hindi ako makapaniwala na sasaktan ka nila ng ganun na lang." Galit nitong turan ng ikwento sa kanya ni Light ang nangyari.

"May sa halimaw talaga ang pamilya mo alam ko iyon masahol pa sa ama ko." Sabi niya ulit at muli akong niyakap.

Nakatingin lang sa amin si Light na nakahalukipkip katabi niya ang kaibigan niya na nakatingin rin at napapailing na lang.

"Tell me Akisha why did they hurt you?" Tanong ni Light ng masolo niya ulit ako kaya napayuko ako.

"Wala akong kasalanan Light pero diniin nila ako kasi nasira ang pangalan nila." Mahina ko na turan sa kanya at napahawak ng mahigpit ss kumot ko.

"Hindi dapat nila ito ginawa sa'yo." Galit niya na turan kaya napailing lang ako at napahinga ng malalim.

"Hindi mo kilala ang pamilya ko Light." Nasabi ko na lang sa kanya, nagulat ako ng magmura siya kahit mahina iyon ay narinig ko pa rin.

Napatitig na lang ako sa kanya at napatigil rin dahil hindi talaga siya bata umasta, napapansin ko tuloy na parang mas matanda siya kaysa sa akin.

"I will do anything just to clear your name." Seryoso niya na turan kaya napatingin ako sa kanya.

"Anong gagawin mo?" Nagtataka ko na tanong sa kanya kaya napatitig siya sa akin at ngumisi ito.

"Just say yes to me." Sabi niya habang pinapakita na naman niya sa akin ang pilyo niya na ngisi kaya parang gusto ko tuloy siyang irapan.

"Anong yes? sinasabi mo." Inis ko kunwari na turan sa kanya kaya napatawa ito ng mahina.

"Can you be my girlfriend?" Bigla niyang tanong kaya napatitig na lang ako sa kanya.

"Kapag sinabi kong ayoko?" Balik tanong ko sa kanya.

Lalo lang itong ngumiti at napailing saka kinuha ang kamay ko at seryoso akong tinitigan.

"Wala ka naman ng magagawa dahil kahit hindi ka pumayag akin ka pa rin." Seryoso niyang turan kaya ang peste kong puso ay bigla na lang tumibok ng mabilis.

"Tinamaan ka diba?" Tanong niya kaya hinampas ko na lang siya at inirapan.

Nakalabas ako ng hospital at nagulat pa ako ng si Light ang mag-ayos ng lahat kaya hinayaan ko na lang ito, kaysa makipagtigasan pa ako sa kanya na hindi ko naman siya mapipigilan.

Napahinga ako ng maluwag ng makahiga ako dito sa kama kaya napatingin sa akin si Light na agad akong inalalayan.

Gusto ko na lang munang magpahinga dahil maraming nangyari at gusto ko munang kalimutan ang lahat.

"Kung may kailangan ka tawagan mo lang ako." Narinig ko na sabi ni Light kaya bahagya lang akong tumango at nagkumot at pumikit.

Hindi ko maiwasan ang hindi maiyak dahil sa mga nangyari, masama ang loob ko sa pamilya ko dahil hindi nila pinakinggan ang pakiwanag ko.

Ngayon lang sila nagalit ng ganito at hindi talaga ako makapaniwala.

Lagi silang kalmado kung magalit at pinapakinggan ang panig ko kahit alam ko na may mali ako.

Nakatulog ako sa sobrang pag-iisip at nang muli akong magising ay may nakayakap na sa akin mula sa likod.

Si Light pala na mahimbing na natutulog hinayaan ko lang siya na nakayakap sa akin at hindi ko alam kung bakit gustong-gusto ko ang pakiramdam na ito.

Pero naiihi na ako ay dahan-dahan ko nang kinalas ang braso niya sa katawan ko at hindi naman ako nahirapan kaya agad na akong bumangon.

Pumunta na ako ng banyo at napahinga ng maluwag, medyo mahapdi pa ang may mga sugat na parte ng braso at leeg ko kaya dahan-dahan lang ang kilos ko.

Nagbibihis na ako ng biglang bumukas ang pinto kaya nagulat ako at nakita ko si Light na hindi man lang nagulat.

"Good morning sweetheart." Nakangiti niya na bati habang nakatitig sa akin.

Agad ko nang sinuot ang damit ko pero tinulungan niya ako dahil hirap ko pa na ikilos ang braso ko.

"Magandang umaga rin." Nasabi ko na lang sa kanya pumunta siya sa lababo at naghilamos.

Lumabas na ako dahil naninikip ang dibdib ko dahil sa prisensya niya.

Lumabas ako ng kwarto at nakita ko agad ang kaibigan ni Light na hindi ko matandaan ang pangalan.

Napakagwapo rin nito at nakangiti siya ng batiin ako, isang literal na japanese boy.

"Anong gusto mo gatas, kape, tsaa?" Tanong niya kaya napangiti ako.

"Tsaa na lang na may gatas." Sabi ko sa kanya kaya umupo na ako dahil pinaupo na niya ako.

May mga pagkain na dito sa lamesa at natatakam ako sa amoy mga paborito kong agahan ang nakahain.

"Ano nga ulit pangalan mo?" Tanong ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin at ngumiti.

"Saeki Yukihara, personal akong sekretaryo ni Light." Sagot niya kaya tumango ako at ngumiti saka nagpasalamat dahil mabilis lang niyang nagawa ang tsaa.

"Hintayin mo lang ng ilang segundo para hindi mapait paghigop mo." Sabi niya kaya napatango ako at ngumiti.

"Ohayou!." Napatingin ako kay Saeki nang batiin niya si Light sa ibang lenggwahe, nakahubad baro ito at basa ang buhok.

Napayuko ako dahil hindi ko mapigilan na hindi ito titigan lalo na at nakabalandra ang maganda niyang katawan.

"Magbihis ka may bisita tayo." Tila matanda na paalala dito ni Saeki kaya napangiti ako at hinigop ang tsaa ko.

"Oh! Sorry can you?" Sabi ni Light pero inutusan lang niya si Saeki kaya napailing na lang ako.

Agad naman siyang sinunod ng lalake kaya napatingin ako sa dito.

"Don't stare to Saeki, ako lang dapat ang titigan mo." Nanayo ang balahibo ko sa batok ng sabihin niya iyon kaya napalunok ako at kinabahan.

Hindi ko na lang ito pinansin at hinigop ko ulit ang tsaa ko saka kumuha ng pandesal at peanut butter saka ko ito pinalamanan at kinain.

Napangiti ako dahil masarap ang convination nito kaya kumuha ulit ako ng isa pa at masaya ko itong kinain, hindi ko namalayan na naka-tatlo na pala ako at nakita ko si Light na nakatingin pala sa akin.

"I don't know that bread is your favorite." Sabi niya habang nakangisi kaya nnginitian ko lang siya at saka nagsandok ng sinangag at kumuha ako ng pritong tinapa at itlog na pula.

"Malakas ka pala kumain." Komento ni Saeki na nakabalik na at nagbibihis na si Light ng damit niya.

"Just eat Saeki huwag mo siyang pakialaman." Sabi ni Light kaya napailing na lang ako at nagsimula na akong kumain.

"I need to get back to my work kahit late na ako." Sabi ko kay Lightnang matapos kaming kumain kaya napatango lang siya.

"Pero wala akong damit na pang-office dito." Sabi ko sa kanya kaya tumango lang siya at hinawakan na ako sa kamay saka ako hinila patayo.

"May binigay si Kari na damit mo dinaan niya kagabi dito." Sabi niya kaya napangiti na lang ako.

"Are you sure na papasok ka ngayon makikita mo doon ang daddy mo." Sabi niya habang sinusuklay ko na ang buhok ko at siya nakaupo lang sa kama at hindi ako iniiwanan ng tingin.

Hinayaan ko na lang siya at pumasok sa walk-in closet niya para magbihis, salamat kay Kari dahil naisipan nito na dalhan ako ng damit na pampasok sa opisina.

"Pwede ka naman magbihis dito sa labas, i will just staring not touching." Napailing na lang ako sa kalokohan ni Light, kailangan ko nang masanay sa mga green joke niya.

"Ihahatid mo ba ako?" Tanong ko na lang sa kanya kaya tumango siya at ngumiti.

"Sasamahan pa kita maghapon, i will be your bodyguard for all you want." Sabi niya kaya napatawa ako at pumunta sa aparador para kalkalin ang bag ko.

Meron lang akong lipstick, powder and eyeliner dito sa bag ko kaya napahinga ako ng malalim.

Hindi naman ako sanay na mag-make up kahit pumapasok ako sa trabaho ay simple lang ang make-up ko na si Kari ang gumagawa.

Pero ngayon parang gusto ko napatingin ako kay Light na nakatingin pala sa akin kaya iniwas ko na lang ang tingin sa kanya.

Gusto kong maging mas maganda sa paningin niya kaya para akong nahiya sa sarili ko.

"Kahit hindi ka na mag-make up ay maganda ka na." Bigla niyang sabi kaya itong puso ko ay halos tumalon sa lakas ng tibok.

Ginawa ko na lang ay pinatuyo ko ang buhok ko at nilugay ko lang ito, at saka ko kinuha ang face powder at nag-apply ako at ang huli ay ang red lipstick ko.

Napatingin ako sa sarili ko nang matapos ako at napangiti ako.

Napatingin ako kay Light saka ko na siya hinila palabas ng kwarto at wala siyang imik kanina pa.

Oo nga pala nasa baba pala ang shoes ko kaya napatingin ako kay Light pero nakatingin lang siya sa akin.

Napatingin ako sa labas habang nagda-drive lang si Light hindi naman kalayuan ang kumpanya namin pero parang ang bagal ng patakbo niya.

Nag-text na rin ako kay Kari na papasok ako ngayon kaya natuwa ito pero kinakabahan rin dahil may meeting raw at pinapapunta ni daddy ang mga executive ng kumpanya.

Alam ko na kasama ako doon kaya huminga ako ng malalim dahil hindi ko alam kung para saan ito.

Handa naman ako na mapatalsik sa kumpanya nito at matagal ko na itong hinihintay na si daddy mismo ang magpapaalis sa akin.

Two years of working like a robot in that company is hell for me, hindi ko nasunod ang gusto kong gawin ang magkaroon ng sarili kong cafe sa Tagaytay.

Iyon ang gusto ko kami ni Kari ang magkasama na nagplano nito at ngayon dahil sa eskandalo na nangyari sa pamilya namin ay magagawa ko na rin iyon sa wakas.

"Susunduin ulit kita mamaya at uuwi ka sa bahay ko Akisha." Biglang sabi ni Light nang huminto na ang kotse sa harap mismo ng kumpanya namin kaya napatingin ako sa kanya.

"Opo ano pa nga ba ang magagawa ko." Nakangiti ko na turan sa kanya pero nawala ang ngiti niya at hinawakan ang pisngi ko.

"Kung ano ang mangyari na hindi maganda tawagan mo ako darating ako Akisha pangako." Sabi niya kaya napatango ako at ako na mismo ang dumukwang at humalik sa labi niya saka na ako bumaba at nagtuloy na sa pagpasok sa entrance.

Napahinga ako ng malalim at saka ako tumanaw sa labas at nakita ko na umandar na ang kotse nito.

"Bessy!" Napatingin ako kay Kari na palapit sa akin kaya lumapit ako sa kanya.

"Halika ka na ikaw na lang ang wala sa taas." Sabi niya kaya napatango ako at huminga ng malalim.

Pagkarating namin sa conference room ay nandito na sila lahat, ang ama ko at ang aking ina ay nasa kabisera katabi ni mommy si ate.

Umupo na ako sa bakante kaharap si ate at nang mapatingin ako dito ay masama siyang nakatingin sa akin.

Hindi ko kailangan na kabahan o matakot ngayon pa na alam ko na ang totoo nilng pagkatao kaya ipapakita ko rin sa kanila na matuto akong lumaban.