Chereads / Badboys Bring Heaven / Chapter 4 - Chapter four

Chapter 4 - Chapter four

Pinasakay ako ni Light sa sasakyan niya at wala siyang imik na linalagyan ng oinment ang braso ko na nangingitim na.

"Salamat Light kung hindi ka dumating-" Pinutol niya ang sinasabi ko sa pagdiin niya sa pagpahid sa braso kaya napaigik ako.

"Wag munang ipaalala dahil baka anong magawa ko sa lalakeng iyon." Seryoso niyang turan ngayon ko lang napansin na napaka-gwapo talaga nito sa malapitan kaya naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko siya maalis sa isip ko.

"Saan kita ihahatid?" Mayamaya niyang turan matapos niya ayusin ang pagkakakabit ng seatbelt niya, saka niya ikinabit rin ang sa akin.

"Sa condo ko gusto ko ng magpahinga." Sabi ko at napapikit ako hindi pa rin ako makapaniwala na maririnig ko iyon kay Blue all i know is he is gentle and kind person.

Mula pagkabata ko ay hinahangaan ko na siya at nangarap na pakasalan ito dahil para siyang prinsepe pero nawala lahat ng paghanga ko sa kanya ng malaman ko ang totoo nitong ugali.

"Sino ba ang lalakeng iyon at muntik ka pa na mapahamak?" Napatingin ako kay Light na seryoso lang na nagmamaneho.

"No one that i don't really care at all anymore." Sagot ko sa kanya na may konting irita sa boses ko.

Naalala ko nga pala ang kotse ko kaya napatingin ako sa kanya.

"What about my car?" Tanong ko dito.

"My friend will take care of your car don't worry."

Turan kaya napatango na lang ako.

"Salamat Light." Bulong ko kaya napa preno siya at pinatay ang sasakyan kaya nagtataka ako napatingin pero sinalubong niya ako ng halik kaya nagulat ako.

Hindi ako makapaniwala sa bilis ng pangyayari dahil nakikipaghalikan na ako sa lalakeng ito na kandong na ako ngayon na hindi ko na namalayan pa.

Napapaungol ako sa tuwing sisipsipin niya ang dila ko at gagalugadin kaya napapahawak ako ng mahigpit sa batok niya.

Naramdaman ko na kinapa niya ang dibdib ko kaya nagulat ako at napabitaw ako sa halik niya at nagkatinginan kami.

"Ayoko ng simpleng salamat lang ganon dapat." Humihingal niyang turan at amoy na amoy ko ang bango ng hininga niya.

"Hinalikan mo ako pangalawang beses na." Nasabi ko na lang sa kanya kaya hinapit niya ako bigla kaya lalo akong napalapit sa kanya.

"Pangatlo at pang-apat." Sabi niya saka niya ako muling hinalikan kaya napaungol na lang ako.

Naaadik na ako sa halik niya at hindi ko mapigilan ang sarili ko na tumugon sa kanya.

"Bakit lagi mo akong hinahalikan?" Naitanong ko na lang sa kanya matapos niyang bitiwan ang mga labi ko at pareho pa kaming humihingal.

"Masarap ang mga labi mo malambot at matapis." Sagot niya kaya napapikit na lang ako.

Hindi ako makatulog ng gabing iyon halo-halong mga isipin ang nasa utak ko ang nangyari sa pahitan namin ni Blue kanina ang pagligtas sa akin ni Light at ang paghalik niya sa akin ng paulit-ulit.

Nahawakan ko na lang ang mga labi ko totoo nga ang sinabi ni Kari masarap ang isang halik lalo na at kung gusto mo ang humahalik sa iyo.

Napamulat ako bigla at kinastigo ang sarili ko gusto napahiyaw na lang ako sa sobrang inis sa sarili ko.

Dahil hindi ako makatulog ay kinuha ko na lang ang loptop ko at binuksan ito at ng makita ko ang itsura ng linalaro ko ay napangisi ako mukhang mapupuyat ako ngayong gabi.

Nagising ako na may tumatawag sa akin kaya kinuha ko ang cellphone ko at sinagot ito na hindi ko tinitingnan ang panglan ng tumatawag.

"Akisha! Gising ka na ba magbukas ka ng cellphone mo dali may i-sesend ako." Napanting ako sa lakas ng boses ni Kari kaya napabalikwas ako mg bangon.

"Ang aga Kari ano ba." Reklamo ko pero muli niya akong pinabukas ng cellphone kaya napilitan ako na buksan ito.

Bigla akong kinabahan dahil sa mga litrato na nakikita ko kasama si Blue sa restaurant kagabi at ang paglapit niya sa akin kung titingnan sa angulo ng camera ay parang naghahalikan kami.

Nasa post rin ang pag-iyak ni ate na nagsasabi na we are cheating her parang lumaki ang ulo ko dahil sa mga nabasa ko sa article.

"Nandyaan ka pa Akisha?" Narinig ko ang boses ni Kari sa kabilang linya kaya kinuha ko ang telepono.

"Oo Kari nabasa ko ang article hindi ako makapaniwala na mangyayari ito kung wala doon si Light na linigtas ako kagabi kay Blue." Kwento ko sa kanya napasinghap siya sa kabilang linya.

"Jusko Akisha wag ka munang lumabas malamang aabangan ka diyan ng mga press." Sabi niya sa akin kaya napailing na lang ako.

"Bessy nandyaan ka pa? iyan ang sinasabi ko sa iyo dapat sinamahan kita kagabi." Sabi niya kaya napahinga ako ng malalim at parang gusto kong humiyaw ng malakas.

Pinatay ko na ang tawag at nagpaalam kay Kari napahiga ulit ako at parang gusto kong maiyak sa sobrang sama ng loob.

Sigurado ako na magagalit ang mga magulang ko sa balitang ito at kung sino man ang nagpakalat g maling balitang ito ay mananagot talaga siya sa akin.

Napatingin ako sa cellphone ko ng makita ko ang hindi ko kilalang numero kaya kinabahan ako pero kinuha ko pa rin ito ng hindi ito tumigil sa pagtunog.

Nakita ko ang pamilyar na numero kaya nanginginig ko ito na sinagot.

"Hey! Akisha are you okay?" Bungad agad ng boses ni Light kaya napapikit ako at hinawakan ang dibdib ko na malakas ang tibok.

"Ayos lang ako bakit ba?" Lakas loob ko na sagot sa kanya napahinga ito ng malalim sa kabilang linya.

"Where are you? wait for me okay." Sabi niya na tila natataranta.

Parang gusto kong maiyak dahil sa boses niya na na nagaalala kaya kahit hindi niya nakikita ay napatango ako.

Nang ibaba ko ang tawag ay dito ako napaiyak at napahigang muli at hinawakan ang dibdib ko na sumasakit dahil sa lakas ng tibok ng puso ko.

Ilang sandali pa ay bumangon ako at napapitlag akong muli ng tumunog ulit ang cellphone ko pero kinabahan ako g pribadong numero ni daddy ang tumatawag.

Galit ito alam ko iyon dahil tinawag niya ako sa buo kong pangalan kaya nagmadali ako na magbihis at nanginginig na lumabas ng condo ko at nagdrive pauwi ng bahay.

Nasa bungad pa lang ako at natanaw ko na si mommy at daddy na parehong tila naghihintay sa akin.

Pagpasok ko pa lang ay nakatikim agad ako ng sampal mula kay daddy kaya napapikit ako dahil sa hapdi nito.

Puro masasakit na salita ang narinig ko sa kanila at nakayuko lang ako kahit magpaliwanag ako ay hindi nila ako pinakinggan.

"Wala kang utang na loob pinahiya mo lang ang pamilya natin at hindi ako makapaniwala na magagawa mo ito!" Galit na sigaw ni daddy nagulat ako sa biglaan na ganito ang naging ugali ng mga magulang ko.

Nagalit sila dahil may mga pangit na balita na lumalabas tungkol sa pamilya namin at ayaw nito ng mga magulang ko.

Ang madawit ang iniingatan nilang pangalan sa lipunan kaya para akong hindi makahinga dahil sa sama ng loob.

"Please dad don't blame me for this i did'nt even know about this." Turan ko sa mahinang boses.

"Ang sabihin mo malandi ka lang talaga at dahil alam mo na magpapakasal na kami ni Blue kaya sinira mo ang lahat!" Sigaw ni ate saka ako sinampal at naramdaman ko ang mga palo at sabunot niya kahit pinilit ko siyang pigilan ay hindi ko magawa lalo na at hindi ako tinulungan ng mga magulang namin.

"Dapat lang yan sa'yo dahil sinira mo ang pangalan ng pamilya natin!" Ito ang huli kong narinig bago nila ako iwanan na halos hindi na makatayo dahil sa pananakit ng katawan ko.

Umiiyak ako na pinilit na tumayo pero hindi ko maigalaw ang braso ko dahil ito ang pinangsangga ko sa mukha ko kanina.

Tadyak, sabunot at sampal ang natamo ko sa kamay ng kapatid ko at hindi ako makapaniwala na mararanasan ko ito.

"Ma'am naku tulungan ko na po kayo." Napatingin ako kay manang na nagaalala akong linapitan.

"Manang wag na po baka madamay pa kayo kaya ko po." Pinilit ko na magsalita halos maiyak si manang na inalalayan pa rin ako iyak lang ako ng iyak habang palabas kami ng gate ng bahay namin.

May narinig ako na parang may sasakyan na pumarada at sa nanlalabo ko na paningin ay nakita ko na lumabas mula dito si Light kaya napangiti ako.

"Anong nangyari sa kanya!?" Malakas na tanong niya kay manang agad ako nitong niyakap kaya nakahinga na ako ng maluwag.

"Sir kayo na ho bahala kay Akisha ilayo niyo na siya dito." Ito lang ang narinig ko kay manang kaya naramdaman ko na kinarga ako ni Light at nagmumura ito na isinakay ako sa kotse.

Unti-unti ko ng pinikit ang mga mata ko dahil hindi ko na kaya ang nararamdaman ko na pagkahilo.

Nang muli akong magising ay minulat ko ang mga mata ko na medyo nanlalabo pa.

"Hindi ako makapaniwala na sasaktan siya ng ganyan ng pamilya niya Light." Narinig ko ang boses na iyon na tila galit.

"Hindi ko ito mapapalampas sisiguruduhin ko na magbabayad sila!" Napapitlag ako sa lakas ng boses na iyon galit kaya kinabahan ako dahilan para mapaungol ako dahil naramdaman ko ang sakit sa mga braso ko.

"Akisha?" Napatingin ako bigla kay Light na nalalapit na sa akin at agad akong hinalikan sa noo.

"Light..." Bulong ko na naiiyak kaya pinatahan niya ako at niyakap.

"Ito pa ilang subo na lang." Napatingin ako kay Light habang sinusubuan niya ako ng soup na ginawa niya.

Masarap ito pero halos hindi ko maibuka ang bibig ko dahil sa pamamanhid kaya naiiyak na naman ako dahil nahihiya ako kay Light.

Umiling na ako ng nakailang subo ulit ako dahil mahapdi na ang labi ko.

"Okay na ito inumin mo na itong gamot mo para mawala na ang pananakit." Malambing niya na turan napatango lang ako.

Sa bawat kilos niya ay hinahalikan niya ako sa noo at tila pinipigilan na hindi makapagsalita pero kanina ay paulit-ulit siyang nagmura.

Nakakatakot kanina ang itsura niya na halatang galit na galit kaya wala akong masabi dahil kahit ako ay natakot sa nakita ko kanina sa kanya.

Para bang hindi siya labing siyam na taong gulang na bata kundi isang mature na lalake na dahil sa paraan ng pagkilos niya o siguro mature lang talaga siya.

"Tinawagan ko na yong kaibigan mo at sinabi ko sa kanya kung na saan ka." Mayamaya niyang sabi kaya naalala ko si Kari at napatango na lang.

"Sa-salamat Light." Pinilit ko na makapagsalita kaya napatingin siya sa akin at hinalikan na naman ako sa noo.

"Walang anuman Akisha at hindi na ito mauulit pa dahil hindi ko na hahayaan na masaktan ka nila." Seryoso niyang turan kaya napatango na lang ako.

Hindi ako makapaniwala na sa lahat ng tao na pwedeng tumulong sa akin ay sa estranghero pa at ang masaklap ay tila ba mapanganib na tao si Light dahil nakikita ko sa mga mata niya ang pinipigilan niyang galit.