"ASTRAEA! Halika ka nga dito!"
Napapikit ako at kabadong tumayo para puntahan si mama sa kusina. H-hindi kaya nakita niya yung mga dugo sa sahig? Pero nalinis ko 'yon lahat, ha?
"B-bakit po, mama?"
Tumambol ang puso ko noong harapin ako nito at paningkitan.
"Nasaan na dito ang mga trash bag?" Taas kilay niyang tanong.
"Ah, hindi ko po alam." Mapait akong ngumiti at nagkibit balikat.
Tumango ito at seryosong tinignan ang mga mata ko. Hindi siya naniniwala.
"Sige, bumili ka nalang ng trash bag at pagkatapos ay itapon mo itong mga basura."
"Sige po." Tumalikod na ako at dali-daling bumalik sa kwarto para magbihis.
Hoo, akala ko ay nabuking na ako sa ginawa ko kagabi. Napakagat ako ng labi at umiling noong maalala naman ang pangyayare.
Pinilig ko ang ulo ko at pumunta nalang kay mama. Nakita ko siya na nasa kusina pa rin at naghihiwa ng karne.
"Mama, asan na ang pera pambili?" Saad ko sakaniyang likuran.
Humarap ito at tinignan ako mula sa paa hanggang ulo. Namaywang siya sa aking harapan at nginiwian ako.
Simpleng puting t-shirt at itim na jogger ang sinuot ko, hindi naman ako maglalakwatsa sa mall kaya ito nalang ang sinuot ko.
"Aba, bakit ganyan ang suot mo? Para kang lalake, magpalit ka nga ng iba." Sabi niya saakin.
Napanguso ako at umiling, "Eh, ayoko, mama atsaka bibili lang naman ako ng trash bag doon sa 7/11. Ilang kanto lang naman ang layo."
Oo, may malapit na 7/11 dito sa amin, dalawang taon palang ito mula nung itayo ito kaya halos palaging dinadayo ng mga kabataan dito sa aming lugar.
Labag sa loob na tumango ang aking ina at naghugas ng kamay bago dukutin sakaniyang bulsa ang pera at binigay sa akin.
"Oh siya, bumili ka na nang makabalik ka agad."
Tumango ako at ibinulsa ang pera. Tumalikod na ako sakaniya at lumakad papunta sa front door.
"Trash bag ang bibilhin, ha. Hindi kung ano-ano!" Sigaw niya saakin.
"Opo!" 'yan ang huling sabi ko bago ko sarahan ang pinto ng aming bahay.
"Hello, miss. Pasensya na sa abala."
Mariin akong napapikit noong maalala ko kung paanong sinalubong ako ng babae kagabi dito.
Dito mismo sa kinatatayuan ko ang pwesto niya kagabi noong katukin niya itong pinto at noong bago niya ako ambahan ng saksak.
Malalim akong huminga para pakalmahin ang sarili at lumabas na ng gate. Isinara ko ito mula sa labas at lumakad papunta sa 7/11.
Napatingin ako sa paligid, maaraw ngayon at maaliwalas ang kalangitan. Pero— para sa aking mata ay medyo makulimlim ang pagtingin ko at para bang walang kulay ang lahat na nakikita ko.
Kanina pa din ako pinapawisan kahit mapresko ang suot ko. Hindi din ako mapakali at maya-maya lang ang pagtingin sa bawat direksyon.
Nagsimula na namang lumalim ang bawat paghinga ko at pati ang tibok ng aking puso ay palakas-palakas.
Ganito ba ang pakiramdam ng mamamatay tao?
Feeling ko ay may nagmamasid sa akin. May nakakita ba sa akin kagabi?
Nakagat ko ang labi ko sa realisasyon. Sigurado ay may nakakita noong pag-drive ko kagabi dahil unang-una, alas onse pa lamang noon at siguradong may mga gising pa.
Napalunok ako at mabilis na naglakad papunta sa 7/11. Shit!
Mayayare talaga ako neto.
——•——
"Mama, andito na ang trash bag, oh."
Sinarado ko ang pinto sa aking likuran at pumunta sa kusina. Pagdating ko doon ay wala si mama.
"Mama!" Tawag ko sakaniya ulit ngunit wala pa ring sumasagot.
Ipinatong ko ang binili at sukli sa lamesa at tinignan ang bakuran. Wala din si mama doon.
Nagsimula naman akong kabahan. Nakita kaya ni mama iyong tinago kong damit. Hindi pwede 'yon!
Tumakbo ako sa ikalawang palapag ng bahay namin at dumiretso sa kwarto. Nanlamig ako noong makita ko si mama na hawak-hawak ang asul na shorts ko na may dugo.
Nanlamig ang sistema ko noong tignan ako ni mama na nakakunot ang noo niya.
P-paano na 'to?!
"Oh, Astraea. Ikaw na bata diba sinabihan na kita na tandaan mo kung kelan ang period mo nang hindi ka matagusan."
Halellujah!
Nakangiwi akong tumango at binawi iyong short sakaniyang kamay.
"Opo, opo."
Suminghal siya at namaywang, "Opo, opo. Eh, hindi mo naman ako pinakikinggan. Siya, labhan mo na 'yan."
Lumabas na siya sa kwarto ko at agad ko namang ini-lock ang ang pinto. Napabuga ako ng hangin at nanlalamig ang kamay na sinapo ang mukha ko.
9:00 PM
———————————————————
Hello, Player! Your parcel will be arriving soon at your house, we hope that it would convince you to play with us!
—MTL
———————————————————