Chereads / MURDER TO LIVE: The Abberant / Chapter 6 - [The Game: Murder To Live]

Chapter 6 - [The Game: Murder To Live]

"Ma, ako na ang maghuhugas nito." Saad ko at mabilis na lumapit sakaniya noong maghuhugas na sana siya.

"Hm, sige at pagkatapos mo diyan ay magwalis ka muna sa buong bahay." Nagpunas siya ng kamay at hinarap ako.

"At siya nga pala, kailangan kong umalis ngayong gabi at baka bukas na ako makabalik,"

Nanghihinayang akong tumango at sinimulang hugasan ang mga pinagkainan namin.

Palagi nalang, eh. Halos gabi-gabi ay umaalis si mama kahit wala naman siyang night shift ay madalas siyang wala dito pag gabi. Kaya nangyare 'yon. . . Kasi iniwan niya akong mag-isa.

Bumuntong hininga naman siya at humawak sa isang balikat ko. "Astraea, alam mong kailangan ko 'tong gawin diba?"

"Hmm."

Hinaplos naman niya ang likuran ko at ngumiti, "Pangako, pagkatapos na lahat ng ginagawa ko ay hindi na ako aalis ng gabi, okay?"

Tumango ako at mapait na ngumiti sakaniya, sinuklian naman niya ito at pumunta sa kwarto niya para magpalit.

Si Tito Gabriel. . .

'You will be given a second chance if you choose to press the red button. The management will be giving you a 'gift' to convince you to join.'

Napailing ako at napabuga ng hangin, ang tinutukoy nilang gift ay ang ulo ng aking tiyuhin. Para lang sa ano? Para lamang kumbinsihin ako na maglaro sa kung anong hinayupak na laro ang meron sila.

Bwisit! hindi ito mangyayare kung hindi ko napatay ang babaeng 'yon o— kahit ba na hindi ko napatay ang taong 'yon ay papadalhan pa rin nila ako ng imbitasyon?

"Astraea, aalis na ako! Huwag kang magpapapasok ng kung sino, ha?!"

"Opo, mama!" Sigaw ko mula sa kusina, narinig ko naman ang pagsarado ng pinto sa sala at namayani na naman ang katahimikan.

Nagpapitlag ako noong makarinig ako ng isang boses, boses ng babae.

"Nandito ba si Micheli?"

"Po?"

Humarap ako para tignan kung sino iyon ngunit sa pag lingon ko ay walang tao. Sandali. . .

Yung babae, iyon ang itinanong niya saakin noong gabing 'yon.

"Haa, nag-hahallucinate na ako." Napatingin ako sa kisame at itinukod ang dalawang kamay sa lababo.

Simula noong gabing 'yon ay palagi nalang ako nakakarinig ng boses, to be exact ay yung boses ng napatay ko. Maririnig ko ang mga sinabi niya noong gabing 'yon.

Pero ang pinagtataka ko ay kung paanong kilala niya si mama, kaibigan kaya siya ni mama? Pero napaka-imposible naman yata, may kaibigan bang papatay sa anak ng kaibigan niya?

Guilt.

Sigurado akong dahil na-guilty ako sa ginawa ko kaya ako nagkakaganito. Kailangan ko nang magdesisyon.

Mabilis kong tinapos ang hugasin at pagwawalis sa buong bahay kahit na nakararamdam pa rin ako ng takot dahil mag-isa na naman ako.

Paano kung maulit 'yon? Paano kung may pumunta na naman dito? Papatay na naman ba ako ulit?

Patakbo akong pumunta sa kwarto at ini-lock ang pinto, nagbihis ako ng pantulog at kinuha ang 'gift' sa ilalim ng kama.

Napatakip ako ng ilong at napaubo, "Bakit bigla 'tong sumangsang?"

Kung kanina ay mahalimuyak ito na parang bulaklak ngayon ay amoy nabubulok na bangkay na ito. Ang baho!

Imbes sa study table ay sa sahig ko lang 'to ipinatong, kumuha din ako ng face mask at gloves.

"Kaya mo 'to, Astraea. Tandaan mo kapag nahuli ka ni mama ay mas malalagot ka."

Binuksan ko ang karton at inilabas ang box na kinalalagyan ng ulo ni Tito Gabriel. Itinabi ko ito at inilabas ang isa pang box mula sa rectangular package.

Ito ata ang nagpapabigat dito, ano bang laman nito?

Pagkabukas ko ay nangunot ang noo ko, may baril itong laman na may kasamang sulat at isang mettalic wrist band. May isang cellphone din doon.

Kinuha ko ang baril at sinuri ito, totoo nga itong baril at may kargang mga bala. Saan ko naman 'to gagamitin?

Nangilabot ako sa pumasok sa isip ko at ibinalik ito. Kinuha ko ang sulat at binasa ito.

———————————————————

"Would you like us to send another gift like the head of that man?"

"If not, please wear the bracelet to your left wrist."

———————————————————

Napaigting ang panga ko, pinatay nila si tito dahil lamang sa isang laro! Pero— kung pumayag ba akong maglaro sa simula ay sana hindi nangyare ito sakaniya— sana buhay pa siya ngayon! Kung sana hindi ako iniwan ni mama noong gabi—

Mariin akong napapikit at pinunas ang luha, "Walang silbi ang pag reklamo mo ngayon, Astraea. Nangyare na ang nangyare, wala ka nang magagawa." Pagkakausap ko sa sarili.

Isinuot ko ang bracelet sa kaliwang pulsuhan, dumampi ang malamig na metal sa aking balat kasunod ang masakit na sensasyon.

"Aray!"

May naramdaman akong may tumusok sa pulsuhan ko, parang karayom. Tatanggalin ko sana ito noong umilaw ang parang maliit na screen nito.

———————————————————

[Unregistered. Please confirm the identification.]

———————————————————

Paano?

Ring

Tumayo ako at kinuha ang cellphone sa study table.

———————————————————

[Welcome, new player! Would you like to continue the game?]

[If yes, please press the black button and confirm the given codename for you.]

[But if not, please press the red button and wait for the parcel that will be delivered to you.]

———————————————————

Ah.

Ma, sorry pero makapapatay pa yata ako ng ibang tao.

Nakapikit kong pinindot ang black button at nagmulat noong nag-vibrate ito.

———————————————————

[GIVEN CODENAME:]

Ijōna

[Confirm]

———————————————————

Ijōna? What does it mean?

Bahala na basta't matapos na 'to. Pinindot ko ang confirm button at nag black out ang screen.

[Please use the given phone inside the package.]

Ah, kaya pala.

Inabot ko ang nasabing phone at binuksan ito.

———————————————————

[Welcome, new player! Please enter your codename for verification.]

———————————————————

Pagka-enter ko ng codename sa phone ay naramdaman ko ang sakit sa kaliwang puksuhan ko, pagkatapos ay may lumabas na 'registered' sa maliit na screen.

[Hello, Ijōna-san!]

Halos mabitawan ko ang black and red na cellphone sa aking kamay na hawak-hawak ko.

Sino 'yon?

Pakshet, paano kung multo 'yon ng babae?!

[Hello, Ijōna-san? Yahooo~]

Napalibot ako ng tingin at dumapo ito sa cellphone sa aking kamay.

[Ah, Ijōna-san, hello!]

What on the actual fucking fuck?!

Chibi?!

Sa screen ng phone na gawak ko ay may chibi na parang batang tumatawa habang nakatingin saakin.

A chibi? Seriously, don't tell me mahilig sa mga bata ang creator nitong game.

"H-hello?" Alanganin akong kumaway at hilaw na ngumiti.

Kumaway naman ito saakin pabalik na para bang nakikita niya ang ginagawa ko.

[Finally, binuksan mo na ito! Akala ko ay hindi mo na ako bubuksan.]

May mga lumabas na luha sa mga malaki niyang mata at nag-pout ito.

"Ah," awkward akong tumawa at tinignan lamang siya.

Ang mata at buhok niya ay kulay blue, nakasuot din siya ng sailor uniform at naka-medyas lamang.

[Hehe, sorry, Ijōna-san. Excited na excited lang kasi ako!]Saad niya at tumalon-talon.

Excited?

"B-bakit naman?"

"Kasi makaka-help ako sa isang player, ikaw po, Ijōna-san. Yay!" May lumabas na pompoms sa magkabilang kamay niya at nagtatalon-talon.

Ang weird, AI ba ito or isa lamang itong avatar at binobosesan ng isang tunay na tao?

"Ano pala ang pangalan mo?" Tanong ko dito.

[Hindi ko po alam! Hindi niyo naman po ako binibigyan ng pangalan.] Napaismid ako at napaayos ng upo sa sahig.

Ako pa talaga?

"Chib. Iyan ang itatawag ko saiyo mula ngayon." Pinal na sabi ko, ngumuso naman ito at pinagkrus ang braso.

[Chib? Eeeh, ayaw ko po ng pangalan na 'yan!] Pinalobo nito ang pisnge. Cute.

"Final na 'yon, ang hirap mag-isip ng pangalan." Ani ko at sinuklay ang buhok gamit ang isang kamay ko.

[Hmp! Sige na nga po,] nagtatampo nitong sagot. [Ah! Ijōna-san, alam niyo na po ba ang larong ito?]

May mga lumabas na stars sa mata nito at parang naging wiggly ang maliit na katawan niya. Umiling ako at tumalon-talon naman siya.

[Ijōna-san, welcome saaaa Murder To Live. Where you kill to live!] May lumabas na fireworks at banner na may nakasulat na 'WELCOME!'.

Suminghal ako at dismayadong tinignan ang chibi, pangalan pa lang ng laro ay pamabaliw na, paano nalang kaya pag naglaro na talaga ako nito? Baka unang round palang ay patay na ako.

[Katulad ng ibang pipitsuging game ay mga rules ang MTL. Gusto mo po bang basahin ang rules, Ijōna-san?] Nag-puppy eyes ito saakin.

"Sige."