Chereads / MURDER TO LIVE: The Abberant / Chapter 9 - [The Beetle Crusher 01]

Chapter 9 - [The Beetle Crusher 01]

[The Second Task]

"Astraea, anak. . ." Dahan-dahan akong napalingon sa aking likuran noong marinig ko ang boses ni mama. "Anong ginagawa mo?"

I looked at her in pure confusion, "Po?" What does she mean by that?

With a trembling hand she slowly pointed at my hands making me look down.

Halos manlamig ang buong sistema ko noong makita ang kamay ko. Puno ng dugo ang dalawang kamay ko- pati ang suot kong damit ay kulay dugo.

And for unknown reasons, I am seated in the middle of the pool of blood. With shaky breath, I traced where it was coming from and the truth drained all the colors of my face.

Tito Gabriel. . .

He is in front of me— sitting on a chair while both of his hands and feet are tied. His clothes were painted by his own crimson blood and his head is nowhere to be found, and his neck was profusely bleeding out.

Napatingin ako sa isang banda noong may marinig akong kung anong gumugulong. Slowly and slowly, terrifyingly slow paced but when I finally saw it, every ounce of bravery left my body.

"A-ah-!"

I wanted to scream so bad but fear made me not do so. Tumingin ako kay mama at inabot ang kamay sakaniyang direksyon ngunit tinignan lamang niya ako umiling.

M-mama, tulungan mo 'ko! Ayoko dito, please!

My uncle's head rolled onto my feet, his lifeless eyes were intensely staring at me.

"Astraea. . . Astraea. . . Astraea. . ."

P-paanong?

"Tulungan mo ako, Astraea. . ."

The next thing I knew, a cold hand was on my shoulder and when I looked up. I saw my uncle's headless body, seemingly looking down at my trembling bloody figure.

"Astraea. . . T-tulong- tulungan m-mo 'ko-"

"HOY!"

"AHH!"

Nakakalokong ngumiti ang taong gumising sa akin at naupo sa gilid ng kama.

"Sa wakas at nagising ka na din, kanina ka pa ginigising ni Tita Mich pero para kang bato at hindi manlang magising kahit yugyugin ka na niya." Ani niya at pinitik ang noo ko.

Malalim akong huminga at inirapan lamang siya, tumayo ako at dumiretso nalamang sa banyo. Pagkalabas ko ay nakita ko siyang may binabasa pero hinayaan ko na lamang siya at ibinagsak ang sarili sa kama.

Akala ko talaga ay mayayari na ako kagabi, buti nalang ay may 'Protection Card' lahat ng mga newbie sa MTL.

Ayon kay Chib ang 'Protection Card' ay automatic nang meron lahat ng baguhan at pwede rin itong bilhin sa shop. But, each player can only buy five cards, meaning ay limang beses lang sila makakagamit ng effect noon, plus pag bago pa lamang sila, 6 times.

Ang effect ng card na iyan ay maitatago nito ang presence ng players sa radar, normally ay for 24 hours and effect nito but kung baguhan ka ay mawawala lamang ito pag na-reach ng newbie ang Lvl. 2.

And for my case was the latter, I'm safe- for now. But once I reached Lvl. 2 ay paniguradong malalagay ako sa peligro every Black Hours.

To reach another level ay kailangan ko ng 200 killpoints at kagabi ay naka-receive ako ng 90 kpts. and 90 murcoins as a reward for my first task, and I still need 110 kpts.

"Hmm, 'hope you like it, xoxo'."

Shit.

"Damien!" Tumayo ako at inagaw sakaniya ang sulat.

Pinaningkitan naman niya ako ng mata at masuyong tinignan. Para bang imbistigador na sinusuri ang isang kriminal. Well. . . medyo ganoon na nga ako pero! Hindi ko naman ito ginusto.

Paanong nasa kaniya ito? Diba ay natapon ko na lahat kagabi? At tsaka, bakit nandito pa itong lalakeng 'to, wala ba 'tong pasok?

"Ikaw, Astra. May boyfriend ka na 'no?"

"HA?! Wala 'no, asa!" Singhal ko at pinunit ang sulat na galing sa MTL, tinapon ko ito sa trash bin malapit sa aking study table.

Lumapit ito sa akin at halos mapaatras ako dahil sa sama ng tingin. Tinaasan niya ako ng kilay at pinagkrus ang dalawang braso.

"Talaga?" Seryosong tanong niya kaya tumamgo naman ako habang pilit na ngumingiti. "Eh, bakit may paganoon pa? XOXO, XOXO, ano 'yan candy?"

Kumibit balikat ako at tumalikod sakaniya, naupo ako sa kama ko at nagtalukbong ng kumot. Ayoko pang lumabas ng kwarto at wala akong sapat na energy para makipag-bardagulan kay Damien.

"Ewan."

Narinig ko ang pagsinghal niya at hinarap ako ulit. "Sige na, aalis na ako. May nakalimutan pala akong gawin." Biglang pagpapaalam niya at lumapit sa pintuan ng kwarto.

Binuksan niya ang pinto at walang salitang lumabas. Ano bang ginawa ko sa taong 'yon?

Nasaan ba kasi si mama at nakapasok iyong si Damien dito?

——•——

I felt like I dreamt of something. . . Horrifying.

A part of me wanted not to feel this aftermath eerie yet there's a small part of myself who wanted to remember what it is.

I wonder what truly it is?

Napabuga ako ng hangin at napaupo sa pahabang couch dito sa aming sala. Tumingin ako sa wall clock at napangiwi, its already 1:30 in the afternoon and I have been dazing out for hours. Was that even possible?

Nagluto nalang ako ng pancit canton para sa aking tanghalian at meryenda, dahil hindi pa pala ako nakakain mula kaninang umaga.

Pagkalabas ko ng kwarto, maya-maya lamang noong pag-alis or pag walk out ni Damien ay wala na si mama. Walang pagkaing nakalatag sa lamesa at paniguradong may kumain na ng mga 'yon.

Tumawag ako kay mama kanina at ang sabi niya, as usual, ay sa susunod na araw pa siya makakabalik. Ang weird talaga ng pinagtatrabahuan ni mama, palagi silang pinag-oovertime, as in.

Halos nakalakihan ko na yatang ganito ang scehdule niya kaya medyo nasanay na rin ako. But of course, nagbago iyon dahil doon sa babaeng pumunta dito noong nakaraan.

[Ijona-san! May notification ka po!]

Nahatak ako sa reyalidad dahil sa matinis na boses ni Chib, pumunta ako sa sala at kinuha ang nakapatong na phone sa coffee table.

[Hehe, good morning, Ijona-san!]

Pagbati ng AI chibi sa akin pagkakuha ng device, tumango lamang ako sumalampak sa isang single couch.

"Eh?"

———————————————————

[GOOD DAY, PLAYER!]

[For your second task, kill 2 beetles.]

[Requirement: Players can't use any tools; weapons, gloves.]

[Time limit: 5 hours (can only be done during the Black Hours) ]

[Reward: 4 kpts. and 20 murcoins]

———————————————————

"Beetles?" Pag-uulit ko, napalunok ako ng laway at napatingin sa labas ng bintana.

Beetles. . .

[Ijona-san?]

Insects. . .

Must be killed using your own hand.

I looked down on my one hand and clenched it, then open it again.

[Ijona-san, eh?]

Kill. . . By my bare hands. I- I n-need to kill an insect with my hands, without any tools?!

[Eh? eeeeeehhhhh?!]

I blacked out.