Chereads / MURDER TO LIVE: The Abberant / Chapter 7 - [Rules and The Soap Maker of Correggio 01]

Chapter 7 - [Rules and The Soap Maker of Correggio 01]

[The First Task]

———————————————————

[MURDER TO LIVE GAME RULES]

• Players must always accomplish all the tasks in 5 hours.

• Players must not harm any other players unless during the Black Hours.

• Players must always wear the metallic wrist band to monitor their heartbeats and location.

• Players can kill their targets using any kinds of weapons unless the task has a weapon requirement.

• Players must address each other by their given codename.

• They must not disclose any game information to the public.

• Disclosing information about the given task to the fellow players are restricted; orally or written.

• Players must take a picture as evidence of their task and upload it to the mobile phone.

• Players must eliminate all the living organisms sent by the helpers.

[BLACK HOURS]

— During this 5 hours players must accomplish their daily tasks. Players that may meet during this hours may kill each other.

[MURCOINS]

— In game currency that players may obtain when completing a task or killing a player.

— Murcoins can be converted to pesos if a player use a converter card at the shop.

—But if an unregistered person killed a player, all of the MURCOINS will be retrieved by the game management and that person will be invited. (Rare)

[KILLER'S SHOP]

— Players can  buy all kinds of weapons using the murcoins they earned.

—There are limited-time offers that can be brought.

— Can only be accessed at Lvl. 5

———————————————————

"This is totally shit!"

Bumaling ako sa mobile phone na nakapatong sa phone stand ko.

"Ang daming loopholes ng game na 'to. Paano nalang kapag hindi tinapos ng isang player ang task nila, anong mangyayare?"

"Tapos sabi dito sa isang rule 'Players must eliminate all the living organisms sent by the helpers.', sinong helper ang tinutukoy nila?"

Pinalobo ni Chib ang pisnge niya at tinuro ang sarili, [Ako po siyempre, sino pa ba ang akala mong helper? Siyempre ako lang po?!] Sumigaw itong virtual chibi gamit ang matinis na boses nito.

Chibi nga lang ang taray pa, ilublob ko kaya itong phone sa tubig?

Tumango ako at naupo sa upuan ng study table ko. "Well, ngayon? Anong gagawin ko, do I have to for a task tomorrow or may gagawin akong ngayong gabi?"

Napangiti si Chib sa sinabi ko, nasasayahan ata na maglalaro na ako. Ang sabi niya isa daw siyang AI at lahat ng naglalaro nitong MTL ay may kaniya-kaniyang helpers na AI.

Pero. . . AI ba talaga sila? Kung maka-react kasi siya ay parang sa tao lamang. Nagagalit, tumatawa, nasisiyahan, kung totoong AI talaga siya ay nakakatakot na talaga ang pag-advance ng technology ngayon.

[Of course, meron po!]

Mabilis itong umikot at nag-transform na parang teacher but in a chibi form. [For your first task, you must dispose the head given by the game management in 5 five hours. And take note! Kailangan ay hindi matuklasan ng mga police kung nasaan ito!]

Nanlulumo kong tinignan ang box kung nasaan ang ulo ni Tito Gabriel at ibinalik ito kay Chib na maliwanag ang mukhang nakangiti.

[Kaya mo po ba, Ijōna-san?]

H-hindi ko kaya 'to. . . Dapat pala ay hindi ko na pinansin ito.

[Yoohoo! Ijōna-san! Hellooo~]

Pero— nangyare na ang nangyare, hindi ko na maibabalik ang buhay ko noon. Hindi ko pa alam kung anong mangyayare kung hindi ko ito matatapos.

May penalty ba itong game? Kung meron— anong klaseng penalty, is it just a light penalty or something equivalent to death?

I may have killed someone pero dahil iyon sa ayaw ko pang mamatay. Whatever this kind of sick game is this, hindi pwedeng matalo ako nito, dalawang tao na ang namatay dahil sa akin.

Kung kailangan kong maging mamamatay tao ay gagawin ko.

"Chib. . ."

"Kailan magsisimula ang Black Hours?"