Chereads / MURDER TO LIVE: The Abberant / Chapter 8 - [The Soap Maker of Correggio 02]

Chapter 8 - [The Soap Maker of Correggio 02]

[The First Task]

[Black Hours will start exactly at 11 PM tonight, Ijōna-san.]

"Chib, can you suggest any ways to d-dispose my Tito's. . . head?"

[Hmm, dissolving it with acids will be the best way po.]

[But meron ka po ba ng mga chemicals?]

"Ha, shit."

Napaupo ako sa gilid ng kama ko at napatingin sa kisame. Sure, using acid is much more efficient than any other methods, it will dissolve the human body, from its flesh to bones and teeth.

Ang kaso nga lang ay mahirap itong makuha, ang weird naman ata kung bibili pa ako. Baka mabuko pa ako niyan ng wala sa oras, hindi rin nag-istock si mama ng mga ganon dito sa amin.

"Ahhh, bakit ko ba 'to tinanggap?!" Naiiritang kong saad at tumingin sa ulo ni Tito Gabriel pero mabilis din na tumingin sa ibang direksyon.

Guilt.

Very, very guilty.

[Hm, Ijōna-san. Kilala niyo po ba si Leonarda Cianciulli?]

Tumingin ako kay Chib through my phone na nakapatong sa phone stand sa aking study table. Umiling ako habang siya naman ay mabilis na umikot and-

Voila! Parang teacher siya ulit. Nakasuot si Chib ngayon ng isang black pencil skirt at white shirt na pinatungan ng isang blue blazer.

[Ehem! Ehem! Teacher Chib will now explain! Better listen, Ijōna-san!]

Wow, the creator of this shitty game must be really a lolicon.

[Leonarda Cianciulli also known as The Soap Maker of Correggio, killed three women; Faustina Setti, Clementina Soavi, and Virginia Cacioppo. She drugged them, killed them with her axe, butchered them and baked their blood into a crispy teacakes!]

Yikes, teacakes. . . Don't tell me kinain niya 'yon?

[The thing is, Leonarda Cianciulli used lye to dissolve her victim's flesh and disposed it to the nearby septic tanks, awesome isn't it?!]

[And you too, Ijōna-san can do that too! If. . . you have a lye.]

Ngumiti ito sa akin at nagpalit ulit ng kasuotan, ngayon ay naka-sailor uniform naman ito.

Don't have any choices, are we?

"Well, we don't have any lye here but pwede akong bumili sa pinakamalapit na store dito sa amin."

Pinabili na ako noon ni mama ng lye dahil gumawa siya ng homemade soap noon. Kaya may alam na ako kung papaano ko ito gagawin.

Tumayo ako at itinago sa ilalim ng kama ko ang ulo ni Tito Gabriel ulit. Nagpalit lamang ako ng damit pang-itaas para lamang makasiguradong hindi amoy ang nabubulok na amoy.

Ibinulsa ko ang phone sa bulsa ng hoodie na aking suot, agad namang nagreklamo si Chib pero hindi ko ito pinansin at tinago ang metal wrist band sa manggas ng suot.

Patakbo akong pumunta sa pinakamalapit na store sa aming lugar dahil wala ang kotseng ginamit ko noon, nasira daw kasi ito sabi ni mama noong isang araw lamang.

Sana lang ay hindi nangamoy patay ang likuran ng kotse.

Habol hininga kung dinadaanan lahat ng mga nakakasalubong ko papunta roon, may mga makakabangga pa nga ako buti nalang ay pareho kaming nakaiwas sa isa't-isa.

Pumunta ako agad sa section ng store kung nasaan ang lye, alam kong may nakita akong ganoon noong nakaraan pag punta namin dito.

Ayon!

Kumuha ako ng marami at pumunta sa cashier. Nalilitong tumingin saakin ang cashier noong makita ang mga binili ko, pero gumalaw rin siya at binalot ito sa paper bag.

"Thank you po, ate!" Pagpapasalamat ko at patakbong lumabas sa store.

May mga nakita pa akong mga pamilyar na pigura paglabas ko at narinig kong tinawag nila ako pero hindi ko sila pinansin at tumakbo ulit pabalik sa aming bahay.

Dapat pala ay nagdala ako ng extra money para sa pamasahe ko!

Tuliro kong isinara ang gate at pinto ng bahay, patakbo akong pumunta sa kwarto at naghanda. Inilabas ko ang phone at ipinatong ito sa phone stand, nakita ko naman si Chib na may lumalabas na usok sa ilong at magkabilang tainga nito pagkabukas ko.

"Sorry, Chib."

[Hmp!]

Sumimangot ang chibi saakin at tumalikod, napabuntong hininga ako at binuksan ang isang phone ko.

Nag-search ako sa google about sa case ni Leonora Cianciulli at pinag-aralan ito ng kaunti. Nakita ko naman si Chib na humarap ulit at tumingin sa nakatayong pigura ko.

"Chib, anong oras na?" Tanong ko ng hindi pinupuknit ang mata sa binabasa.

[10:01PM, Ijōna-san. . .]

Napatango ako at lumabas ng kwarto, narinig ko naman ulit ang reklamo ni Chib bago ko maisara ang pinto ng kwarto.

[Ijōna-saaaan!]

Tumungo ako sa maliit na bakuran namin at pumunta sa shed kung nasaan naka-imbak ang iba't-ibang tools na ginagamit namin.

"Aha!"

Kinuha ko ang isa sa mga lumang pinaglalagyan noon ng mga binili naming biskwit. Tamang-tama lamang ang laki nito at siguradong mailalagay ko dito ang ulo!

"Wait, dito ko nalang 'yon gawin."

Bumalik ako sa loob at kinuha ang biniling panhalo, si Chib, at si Tito Gabriel. Maingat akong bumalik sa shed at iniiwasang makita ng mga kapitbahay namin.

[Whew- akala ko ay nalimutan niyo na po ako, hehe.]

"Mask, check."

"Gloves, check."

"And lastly, googles. Check na check."

Kumuha ako ng tubig mula sa gripo sa labas ng shed at inilagay ito sa lata. Tapos ay paunti-unti ko nang idinagdag ang lye sa tubig habang hinahalo ito ng nahanap kong kahoy sa labas, noong masigurado kong nahalo ko na ito ng mabuti ay maingat kong inilublob ang ang ulo ni Tito Gabriel.

"Sorry, sorry po, Tito Gabriel." Naluluha kong aniya habang dahan-dahan na binitawan ang buhok niya.

[I think you should stir it po.]

Tumango ako at pinanood kung paanong unti-unting matunaw ang balat ni tito, hanggang sa laman niya.

"Bluueggh-!"

Hindi ko mapigiling tumakbo sa labas ng shed at sumuka, ang tindi ng amoy. Nakakasulasok!

Tinanggal ko ang suot na PPE at naghilamos sa gripo.

Walang gana akong napatingin sa madilim na kalangitan at napapikit. Pagod na pagod na ako, kahit ito pa lamang ang ginagawa ko. Paano nalang kaya sa mga susunod, makakaya ko pa ba?

Napamulat ako noong marinig ang matinis na boses ni Chib sa loob.

[Ijōna-saaan, may notification ka po!]

Sumistsit ako kay Chib at sumenyas sakaniya na huwag mag-ingay.

"Baka may makarinig sa atin dito, Chib!" Pabulong na sigaw ko sakaniya at tinignan ang nasabing notif.

[BLACK HOURS HAS FINALLY BEGAN.]

Napatingin ako sa avatar ni Chib na mas lumiit ang size, nakatingin lamang ito saakin at nag-thumbs up.

[Good luck, Ijōna-san!]

Magpapasalamat sana ako noong may matandaan ako. Napatakip ako ng bibig at ilong, at mabilis na nagsuot ng PPE.

Shit! Paano ko ba 'yon nalimutan?!

——•——

[Yey! Don't forget to take a picture, Ijōna-san!]

"Yeah, yeah." Napakamot ako at tumingin sa oras gamit ng isang phone ko.

12:43 PM

It's been an hour and 43 minutes since magsimula ang Black Hours, and kanina ko pa din nakikita ang notif ng system saakin.

[THERE'S A NEARBY PLAYER, APPROXIMATELY 1KM AWAY FROM YOUR LOCATION.]

Nandidiri akong sumilip sa lata kung nasaan ang natunaw na ulo ng tiyuhin ko. Kung kanina ay para lamang hindi malinaw na tubig ito, ngayon ay naging dark brown ang kulay nito, parang kasing kulay ng dumi ng tao, lumapot din ito at idagdag mo pa ang nakakasulasok na amoy.

Nakakapanghina talaga ng tiyan.

Hinarap ko si Chib at nasusukang nagsalita, "Chib, saan ko ito pwedeng itapon?"

[Hm, sa kanal po ay pwede. Meron po ba ng ganoon dito?]

"Yep."

Wait, 'yung picture!

Nag-picture muna ako ng ginawa ko (siyempre ay hindi ako kasama sa litrato) at ipinadala ito sa isang groupchat na lumabas nalang bigla kani-kanina lamang.

Sabi ni Chib, dito daw isesend ang mga picture ng mga tasks namin at lumilitaw lamang ito kapag Black Hours. Ang players na daw ang bahala kung gusto nilang isabay ang hitsura nila sa picture pero ay may consequences ito.

Pwede kang ma-hunt ng ibang players na mahilig talagang pumatay ng iba o yung mga looters na nangunguha ng mga weapons at murcoins mula sa mga biktima nila.

[IJŌNA HAS SENT A PHOTO] 12:50 PM

[ALICE HAS SENT A PHOTO] 12:50 PM

[AKUMA HAS SENT A PHOTO] 12:51 PM

[JEFF HAS SENT A PHOTO] 12:52 PM

[Oooh, may mga kasabay ka, Ijōna-san!]

Mapakla akong tumawa at ibinulsa muna ang phone. Binuhat ko ang lata at patagong pumunta sa kanal na katapat lamang ng bahay namin.

Hindi pwedeng lumayo ako dahil baka magtaka na ang mga security kung anong pinaggagawa ko, may mga cctv pa naman dito.

Maingat kong binuhos ang laman nito at itinapon ito sa basurahan. Tinabunan ko ito ng ibang trash bag at pinailalim ang ginamit, pati ang PPE na suot ko ay hinubad ko na.

Kinapa ko ang phone sa bulsa ng hoodie nokng maramdaman naman itong mag-vibrate.

[THERE'S A NEARBY PLAYER, APPROXIMATELY 637 METERS AWAY FROM YOUR LOCATION.]

Shit.

[Ijōna-san, you need to hide! It is way dangerous to face a player right now.]

Yeah, she's right. Delikado, pwedeng matagal nang naglalaro itong papalapit na player at pwedeng isa ito sa mga sinasabing mga looters.

"Chib, nalalaman ba ng ibang players pag mag bago?" Tanong ko habang papasok sa bahay, ini-lock ko ang pinasukan ko kanina pati ang mga ilaw dito ay isinara ko na bago pumanhik sa ikalawang palapag.

[Hindi ko lang po alam. . .]

How can she be a helper kung hindi niya alam ang tungkol doon?

[But maybe, some of them knows if there's a new player.]

[THERE'S A NEARBY PLAYER, APPROXIMATELY 521 METERS AWAY FROM YOUR LOCATION.]

"Chib, do you think this player knows that I'm new?" Napalunok ako noong hindi ito sumagot at tinignan lamang ako.

I'm so fucking dead!

"Chib, ayoko pang mamatay! What should I do?!"

501

441

421

329

201

Shit, shit!

108

They are getting nearer!

69

47

32. . .

[THERE'S A NEARBY PLAYER.]