Chereads / MURDER TO LIVE: The Abberant / Chapter 5 - [Gift]

Chapter 5 - [Gift]

[WARNING: DISTURBING SCENES AHEAD. READ AT YOUR OWN RISK.]

"Astraea! Halika nga dito!"

S-shet!

Nangangatog akong napapunta kay Mama sa labas at iniwan ang niluluto kong karne sa stove.

Goodbye, youth! Goodbye, freedom! Hello, prison!

"B-bakit po, m-ma?"

Nakasilip kong saad sa pintuan, pinapunta naman niya ako sa tabi niya habang pinapalo-palo ang walis na hawak sa isang kamay.

"Halika dito at kunin mo 'to."

Napalunok ako at kinakabahang naglakad sa tabi niya. Nakita ko naman sa labas ng gate ang isang lalake na may hawak-hawak na malaking kahon.

"Astraea V-viellere Lucero po, ma'am?" Nakangiting saad ni kuya saakin.

"O-opo." Nauutal kong saad at mabilis na tumango.

"Delivery po, galing sa— Moriantre University." Inabot niya ang package saakin at halos matumba ako sa bigat.

Hilaw akong ngumiti sakaniya at tahimik na nagpasalamat bago ito tumalikod at sumakay sa motor.

Whew

Napatingin ako kay mama at nagkibit balikat, tumango siya at pinaningkitan ako ng tingin.

"Hmm, akala ko kung may binili kang libro na hindi nagpapaalam o galjng iyan sa boyfriend mo."

"Si mama. . ." Ungot ko sakaniya at nagmamadaling pumasok.

Pagdating sa kwarto ko ay ini-lock ko ang pinto at pinatong ang parcel sa study table. Huminga ako ng malalim at kumuha ng pambukas.

Bakit naman kaya magpapadala ng parcel ang M.U, hindi pa naman magpapasukan, ah?

Ginunting ko ang bubble wrap na nakabalot sa package at itinapon ito sa sahig. Nagtaka ako noong makitang nakabalot pa ito sa isang itim na papel base sa tekstura nito pagkahawak ko.

Nag-iba na ba ng kulay ng uniform ang M.U at pinalitan ito ng black?

Kibit balikat kong pinunit ito at nangunot ang noo, hindi—hindi 'to galing sa M.U.

M.T.L

Iyan ang nakasulat na senyales sa unahan ng takip nitong gray box. Elegante ang font na gamit kaya malinis at hindi nakakasawang tignan.

Dahan-dahan kong inangat ang takip at sumalubong saakin ang isang sulat.

Napatingin ako sa isang box na nakalagay sa loob nito, sakop nito ang kalahati ng rectangular na box na ito at malaki-laki. May silver na tela na nakatali dito at scented, amoy bulaklak.

Ano kaya ito?

Kinalas ko ito mula aa pagkakatali at binuksan ito.

"!"

Napaatras ako at napatakip ng bibig, nabitawan ko ang takip ng kahon at bumagsak ito sa sahig.

Naramdaman ko ang umuusbong na kaba at takot sa kaloob-looban ko. Mabilis ang tibok ng aking puso at halos sakupin nito ang pandinig ko. Nanlalamig at nanginginig ang dalawang kamay ko na nakatakip sa aking bibig.

Ulo. . . May ulo ng tao!

At ulo ito ng aking tiyuhin— Tito Gabriel!

Nangangatog ang mga tuhod kong linapitan ito. Napahawak ako sa tiyan ko noong maramdaman ko ang pag-ikot ng mga kinain ko.

Tumakbo ako sa banyo sa aking kwarto at sumuka. Naluluha akong tumingin sa repleksyon ko sa salamin, binuksan ko ang gripo at naghilamos.

Panaginip.

Panaginip lang 'to.

Nanghihina akong lumabas sa banyo at nanlumo. Totoo nga ang nakita ko, ulo nga iyon ni Tito Gabriel.

Naiiyak akong lumapit doon at tinakpan ang bibig ng isang kamay upang pigilan ang mga hikbi ko. Sorry. . .

Sorry, Tito Gabriel— kung sana ay hindi ko pinindot ang pulang button noong gabing 'yon ay sana—sana buhay ka pa.

Napalingon ako sa pinto noong may kumatok. Shit!

"Astraea, nandito si Damien!"

D-damien? Na naman?

Natataranta kong binalik ang takip ng ulo at isinilid ito sa rectangular box na kinalalagyan nito kanina. Itinago ko ito sa ilalim ng kama ko at tinakpan ito ng carpet.

Inayos ko ang sarili at pinunas ang mga luha sa mukha bago nakangiting binuksan ang pinto.

"Damien, h-hello!" Pilit kong siniglahan ang ngiti ko sa harap ng kaibigan ko.

Tinaasan niya ako ng kilay at humarap kay mama, "Tita, kausapin ko po muna itong si Astra, pwede po ba?"

Tinignan kami ni mama sa mga mata namin, "Sa loob ng kwarto niya?"

Nalilitong tumango si Damien, "O-opo."

"Sige," pinagkrus ni mama ang dalawang braso niya at matalim na tinitigan si Damien. "Basta't hindi niyo i-lock ang pinto, intindes?"

"Yes, ma'am!" Nakangiting sagot ni Damien at mahina akong tinulak papasok. "Salamat po, tita!"

"Huwag kayong mag-chukchukan, ha?!"

Ha?!

"Ch-chuk—?!"

Tumingin ako kay Damien na natatawa sa narinig, inilipat niya ang mukha sa akin at malokong ngumiti saakin.

"Gusto mo mag-chukchukan, Astra?"

Nandidiri akong tumingin sakaniya at hinampas ang kaniyang braso.

"Kung gusto mong makipag-chukchukan, doon ka sa hindi minor, ulol!" Sinirangan ko siya ng mata at naupo sa harap ng study table ko.

"Oy, Astraea. Diba sabi ko ay 'wag kang magmumura?" Narinig ko ang mabibilis niyang paglakad papunta saakin.

"Nye-nye." Mahina kong saad at binuksan ang cellphone ko.

"Oy, Astraea. Kinakausap pa kita."

Napa-igik ako noong paikutin niya ang swivel chair at iharap sakaniya. Hinawakan niya ang magkabilang armrest ng kinauupuan ko at pababang tinignan ako.

"Astraea," tinanggal niya ang cellphone ko at ibinulsa ito. Napaangat ako ng tingin at napalunok.

Nagalit ko yata si Damien. . .

"Huwag na huwag kang magmumura, okay?" Hinawakan niya ang magkabilang pisnge ko at mahinang pinisil ito.

Nakasimangot akong tumango at hindi sinalubong ang mga mapanuri niyang mata.

"Masama ang pagmumura at bata ka pa." Napabuntong hininga siya at binitawan ang ako.

"Nagmumura nga ang mga kaklase ko, eh. . ." Pagrarason ko at sumandal sa swivel chair.

Pinagtaasan lamang niya ako ng isang kilay niya at binuksan ang kurtina. Napapikit ako at tumalikod, sakit sa mata, shet.

"Edi, 'wag ka nang gumaya sakanila." Rinig kong saad niya at naupo sa gilid ng kama ko.

"Hmm,"

Haay, ano pa bang magagawa ko. Mas matanda siya sa akin kaya mas mature siya saakin mag-isip.

Inikot ko ang swivel chair at humarap sa study table na nasa likuran ko lamang. Dinampot ko ang phone ko at in-open ang Youtube.

"Siya nga pala, ba't hindi mo sinasagot ang mga tawag ko nitong mga nakaraan?"

"Hm, palaging nakasara ang cp ko noong mga nakaraan."

Lies.

Sa totoo niyan ay hindi ko lang talaga sinasagot ang mga tawag niya dahil naabutan niya ako noong isang araw na umiiyak. . . At alam kong tatadtarin niya ako ng mga tanong kung bakit ako nagkaganoon. Pero— hindi ko naman yata pwedeng sabihin na nakapatay ako, no?

Baka—baka magalit si Damien saakin at isumbong ako  kay mama— o sa mga pulis. Tapos ay baka hindi na niya ako kausapin. . . kahit kailan.

"Tumawag saakin si Tita kagabi at nagtanong kung alam ko ba kung bakit palagi kang nagmumukmok sa kwarto mo this past few days."

"Sabi pa niya ay palagi kang balisa at nerbyoso," napakagat ako sa labi ko.

Nahahalata ni mama, d-delikado!

Anong gagawin ko?!

Kinagat-kagat ko ang kuko ng kamay ko, h-hindi ako makahinga ng maayos.

Nahalata naman ata niya ito dahil mabilis itong lumapit at lumuhod sa tabi ko. Hinawakan niya ang isang kamay ko at hinaplos ang likod.

"Astra, ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong niya. "Ang lamig ng kamay mo at namamawis ka, hindi ba maganda ang pakiramdam mo?"

Napatitig ako sa mga maamong niyang mata, "D-damien. . ." Ngumiti ako at pinitik ang noo niya.

"Aray, Astra!?" Hindi makapaniwalang tumingin siya saakin at pinitik din ako sa noo.

"Aray!" Nginiwian ko siya at hinaplos ang parteng iyon.

Petty.

Pareho kaming natawa sa pinaggagawa namin. Gumaan ang loob ko, slight lang since may pugot na ulo pa sa ilalim ng kama ko.