Chereads / MURDER TO LIVE: The Abberant / Chapter 2 - [New Player]

Chapter 2 - [New Player]

[WARNING: DISTURBING SCENES AHEAD. READ AT YOUR OWN RISK.]

Nakinig dapat ako kay Mama, dapat ay hindi ko na binuksan ang pinto. Basta-basta ko itong binuksan na hindi manlang inaalam kung sino ang nasa labas ng aming bahay. Kaya ngayon ay pinagbabayaran ko ang mali kong ginawa.

Nanginginig kong itinaas ang kamay ko tapat sa aking mukha. Hindi ang porselang balat ko ang nakikita kundi ang mainit-init pang dugo ng babaeng walang buhay.

P-pinatay ko siya. May p-pinatay ako!

Lumandas ang mga luha ko pababa sa aking pisnge, hindi ko mapigilang hindi humikbi dahil sa takot, pagsisisi, at nerbyos.

Makukulong ako, makukulong ako dahil dito! Pero, hindi ko naman sinasadya ang nangyare. Hindi ko talaga sinasadya ito. . .

Nabahiran ng dugo ang mukha ko noong mapahilamos ako sa duguan kong kamay. Kagat labi akong tumingin sa babae at napalunok.

Hindi ko pwedeng sabihin ito kahit kanino, kahit kay mama ay 'di pwede.

Kahit nanghihina ang tuhod ay tumayo ako at pumunta sa kusina. Kinuha ko ang supot ng trash bag at bumalik sa kinalalagyan ng katawan

Hindi pwedeng makulong ako!

HINDI!

Kung itatapon ko ito ay saan ko 'to ididispatsa? Hindi ko kayang maghukay ng malalim sa isang gabi.

Wala rin akong mga chemicals na pwedeng gamitin para dito. Kung bibili ako ay suguradong panghihinalaan ako ng wala sa oras.

Paikot-ikot akong naglakad sa isang pwesto at habang hindi mapakaling napapatingin sa bintana dahil sa takot na may makakita.

Paano?

Paano ko ito itatago?

Napatigil ako at napaangat ng tingin, alam ko na!

Napatingin ako sa kutsilyong nakasaksak pa sa dibdib nito. Huminga ako ng malalim at pinunas ang luha na nagsisimula namang tumulo mula sa aking mata.

Lumuhod ako sa tabi nito at paulit-ulit na huminga ng malalim. Hinawakan ko ang kutsilyong nasa dibdib nito at pumikit.

Isa

Dalawa

Tatlo!

Hinugot ko ang kutsilyo mula roon at napaupo. Nanghihina kong itinukod ang isang kamay ko sa sahig upang masuportahan ako.

"S-sorry, sorry, sorry. . ." Humihikbi kong saad at inilapit ang dulo ng patalim sa kaliwang bahagi ng dibdib niya.

Idiniin ko ito hanggang sa bumaon ito sa dibdib niya. Tumalsik sa akin ang dugo niya ulit na nagpabigla sa akin.

Napalunok ako at idiniin pa ang kutsilyo, hindi ko ito tinigil hanggang sa umabot sa sahig ang matalim na dulo ng patalim. Hindi pa ako nakuntento at pinihit ito at halos isuksok ko ang buong kamay ko dahil sa lalim ng pagkakabaon nito.

Bodies won't float if you puncture the lungs.

Nagngingitngit kong binaon ang buong kamay ko sa katawan para masiguradong natamaan ko ang baga niya.

Napaupo sa tabi nito, mas dumami ang dugong kumalat sa sahig dahil sa ginawa ko pero pinabayaan ko lamang ito. Tumingin ako sa wall clock.

11:01 PM

Tumayo ako at hinablot ang mga trash bag. Hirap na hirap kong isinild ang katawan sa loob. Inubos ko ang laman nitong mga trash bag at pinuluputan ito ng isang rolyo ng duct tape.

Pinunas ko ang pawis sa aking noo at tinignan ang buing katawan ko. Halos naliligo na ako sa dugo at natutuyo na rin ito.

Nagmamadali kong lininis ang katawan at siniguradong walang kahit anong bahid ng dugo ang natira.

Kailangan ko nang itapon itong bangkay.

Hinila ko ang trash bag na naglalaman ng nakabaluktot na bangkay ng babae papunta sa kusina. Binuksan ko ang pinto papunta sa garahe at itinulak ito pababa.

Napuknit ang isang layer ng trash bag dahil sa ginawa ko pero pinabayaan ko ito at binuksan ang likuran ng kotse. Inilagay ko doon ang bangkay at isinara ito.

Pumunta ako sa pinakamalapit na dagat, palagi itong walang tao dahil isa itong private property. Pero kahit ganoon ay walang mga cctv ang nakakabit sa bawat sulok kundi ang mga bakal na harang. Hinila ko ang bangkay papunta sa isang bangin, sa ibaba nito ay ang malalim na dagat.

Tumingin ako sa ibaba at nakita ang nagraragasang mga alon na tumatama sa ibaba. Sa huling pagkakataon ay lumuhod ako at hinawakan ang nakasilid na bangkay.

"Pasensya na. . ."

Malakas kong itinulak ang bangkay pababa sa bangin, lumapit ako kaunti upang tignan ang pagkahulog nito sa tubig.

Namayani ang katahimikan at tanging ang pagragasa ng alon at ang malakas na ihip ng hangin ang naririnig ko.

Ring

Inabot ko sa aking pantalon ang cellphone noong tumunog ito. Napapikit ako naging puti ang ang screen ng aking phone noong buksan ko ito. Unti-unting kumunot ang noo ko noong may lumabas na mga letra at dalawang rectangular buttons na red at black.

———————————————————

[Welcome, new player! Would you like to continue the game?]

[If yes, please press the black button below and confirm the given codename.]

[But if not, please press the red button and wait for the parcel that will be delivered to you.]

NOTE:

You will be given a second chance if you choose to press the red button. The management will be giving you a 'gift' to convince you to join.

———————————————————