Sumapit na ang araw ng pagdating ni Luvan—
Katatapos lamang ng pagsasanay ni Elysia kay Gertrudis nang sakto namang dumating si Luvan sa training ground. Malapad ang pagkakangiti nito sa dalaga at magiliw na bumati sa kaniya.
Bukas-palad namang tinanggap ng dalaga ang pagbati nito at magiliwa na pinapasok si Luvan sa palasyo.
"Mabuti naman at naisipan mong mag-aral ng ibang uri ng pakikipaglaban. Mas makabubuti kung marami kang alam dahil kahit saan ka masuong ay magkakaroon ka ng laban." wika ni Luvan at napangiti naman si Elysia.
"Sa katunayan nga, suhestiyon ni Loreen ang mag-aral ako sa ilalim ng pagtuturo ni Gertrudis at lubos ko naman itong ikintauwa. Salamat nga pala at naisipan mong pumunta na lamang rito. Mahirap na kasing lumabas ngayon, nakabantay rin sa bawat kilos namin si Vincent at ayaw ko ng maulit pa ang nangyari noon sa bayan niyo. Marami ang madadamay kapag nagkataon," paliwanag ni Elysia at napatango lang naman si Luvan.
Kahit malayo ang naging byahe ni Luvan ay hindi na ito nag-aksaya ng panahon. Agad na silang nagtungo sa training ground upang subukin ang mga natutuhan ni Elysia.
Unang pinakita ni Elysia ang natutuhan niya kay Gertrudis. Napatango naman si Luvan at napapalakpak nang makitang tinamaan ni Elysia ang target nito na sampong metro ang layo sa kanila.
Pangalawa niyang ipinamalas ang kakayahan niya sa paggamit ng espada hanggang sa maputol niya ang isang may kalakihang kahoy sa pamamagitan ng isang hampas lamang. Nanlalaki ang mga mata ni Luvan at halos mahulog ang kaniyang panga sa pagnganga sa kaniyang nakita.
Hindi niya inaasahan ang galaw na iyon. Napakaswabe ng ginawang paghiwa ni Elysia na animo'y napakagaan lamang ng espadang dala niya.
"Ano sa tingin mo Luvan?" tanong ni Elysia at doon lang bumalik sa huwisyo si Luvan.
"Magaling, napahanga mo ako Elysia. Mukhang wala na akong kailangang ituro sayo." Natatawang wika pa ni Luvan. Matamis na ngiti naman ang itinugon dito ng dalaga.
Bagamat iyon ang sabi ni Luvan, maayos pa rin niyang itinuro kay Elysia ang lahat ng basics na kailangan niyang malaman. Sa Paglipas pa ng mga araw na naging abala sa pagsasanay si Elysia ay unti-unti na ngang nabago nito ang pananaw ng dalaga. Naging mas mapagmatyag siya sa kaniyang paligid at ang mga simpleng pakulo naman ng pinsan niya ay hindi na nakakaligtas sa matalas niyang pakiramdam.
Bagamat pinagkikibit-balikat lang niya ang mga ito. Isa-isa niya itong iniipon at ibabalik sa kanila sa tamang panahon. Sa ngayon ay iba ang uunahin niya at kabilang doon ang tulungan si Vlad sa mga plano nito.
"Handa na si Elysia. Ngunit kailangan niya ng aktwal na pagsasanay at hindi sapat na kami-kami lang lagi ang nakakalaban niya." wika ni Luvan, kasalukuyan siyang nasa bulwagan ng trono ni Vladimir nang mga oras na iyon.
"Luvan, isa ka sa mga mandirigmang sumailalim sa aking pagsasanay at isa ka rin sa mga matatalino at magagaling, ano ang maipapayo mo sa pagakakatong ito?" tanong ni Vladimir habang tahimik lang na nagmamasid sa kanila si Caled.
"May kaguluhang namumuo ngayon sa bayan ng Muntivor, matagal nang humihingi ng tulong ang pamunuan ng bayang iyon subalit dahil da kakulangan ng mga tao aya palagi itong naisasantabi. Iminumungkahi ko sana na ipadala mo kami doon sa bayan bilang royal envoy sa ilalim ng utos mo at ang magiging lider ng envoy ay si Elysia bilang iyong prinsesa."
Napaangat ang kilay ni Vlad dahil sa sinabi ni Luvan. Maging si Caled ay biglang napatuwid ng upo at napatingin sa reaksiyon ng kaniyang kaibigan.
"Isang pagpapakamat*y ang naiiisip na plano ng tao mo Vlad, minsan ko nang nadaanan ang bayan ng Muntivor, kung hindi mga halimaw ang makakapat*y sa kanila, may posibilidad na ang mga taong gutom na gutom na. Larawan ng kamat*yan ang lugar na iyon. Kahit saang sulok ka tumingin ang gutom at kahirapan ay naroroon," saad ni Caled.
"Isa rin iyon sa dahilan kung bakit nais kung puntahan namin iyon kasama si Elysia. Isang magandang karanasan para kay Elysia ang magiging pagsubok sa lugar na iyon. Mapanganib, oo, pero hindi matututo si Elysia kung palagi lang siyang nandito sa loob ng palasyo." muling paglilinaw ni Luvan at napatango naman si Caled habang malalim na napapaisip si Vlad.
"May punto ang tao mo Vlad, matalinong pag-iisip." sambit pa ni Vlad habang pumapalakpak.
"Kakausapin ko muna si Elysia patungkol rito, kapag pumayag siya, tutuloy tayo sa pagpaplano, kapag naman hindi magpapadala ako ng ibang grupo para ayusin ang Muntivor." wika ni Vlad at doon na natapos ang kanilang pag-uusap. Malakas ang loob ni Luvan na buksan ang topikong iyon sa harap ng hari dahil alam niyang hindi siya bibiguin ni Elysia.
Sa muling paglamon ng kadiliman sa buong kalupaan ay siya namang pagkikita ni Elysia at Vlad. Sa ilalim ng malamyos na ilaw na siyang naging tanglaw nila, kasalukuyan silang nasa harap ng maliit na mesa sa kanilang silid at pinagsasaluhan ang isang simpleng hapunan. Hindi naman mawawala sa hapag ang isang baso ng dugo para kay Vlad.
"Bakit parang kakaiba naman yata ang ganap natin ngayon?" natatawang tanong ni Elysia nang makita ang simple ngunit nakakatuwang handa nila. May ilang putahe rin ang nakalatag sa kanilang munting mesa at halos lahat ay paborito niya. May mga pulang rosas rin na nakalagay sa gitna ng lamesa na siyang nagpatingkad pa atmospera sa silid nila.
"Narinig ko na natapos na kanina ang iyong pagsasanay kay Luvan at natutuwa ako. Marapat lamang na magkaroon tayo ng munting selebrasyon para sa tagumpay mo. Puring-puri ka ni Luvan at labis din akong nasisiyahan sa narinig." tugon ni Vlad at muling natawa naman si Elysia. Pero sa loob-loob niya ay lumulobo ang puso niya dahil sa labis na tuwa.
Mayamaya pa ay nagsimula na silang kumain. Karne lamang ang kinakain ni Vlad gayunpaman ay naihanda ito ng normal. Naisalang ito sa apoy na kaya ring kainin ng mga tao. Napapangiti lamang si Elysia dahil sa konsiderasyong ibinibigay ng binata sa kaniya. Simula't-sapol, wala nang ginawa ang binata kun'di ang pasayahin siya at ibigay sa kaniya ang lahat ng wala siya noon.
Hindi niya namalayang, napatulala na pala siya sa binata at tila ba huminto ang pag-ikot ng oras sa kaniya. Napapitlag na lamang siya nang maramdaman ang pagdampi ng malamig na daliri ni Vladimir sa gilid ng kaniyang labi. May kung ano itong pinahid, kaya napaawang nang wala sa oras ang kaniyang labi. Nanlaki naman ang mata niya ng dalhin ng binata ang daliri nito sa bibig at dinilaan ito na tila ba hindi man lang ito nandidiri.
"Bakit mo ginawa 'yon, hindi ka ba nandidiri, galing 'yon sa bunganga ko." Natatarantang pinahid ni Elysia ang labi na nagpatawa naman sa binata. Umugong ang malulutong nitong halakhak na siyangnagpasikdo naman sa kaniyang dibdib. Nagrigudon ang puso niya na tila ibig na nitong tumalon.
"Bakit ako mandidiri, galing lamang 'yan sa bunganga mo, may iba pa nga akong nais tikman. Pero dahil bata ka pa, hindi muna tayo aabot doon. Sa ngayon, hahayaan kong sulitin mo ang kabataan mo." Makahulugang wika nito habang may malapad na ngisi ang nakapaskil sa kaniyang mga labi.Nang-aakit din ang mga titig nito na pilit namang iniwasan ng dalaga.
Pinamulahan naman ng husto si Elysia dahil sa narinig. Oo at bata pa siya ngunit alam niya kung ano ang tinutumbok ng binata. Lalo namang nagwala ang puso ni Elysia dahil sa isiping iyon.
"Kumain na nga lang tayo, kung ano-ano na naman ang pinagsasasabi mo." Saway ni Elysia at muli nang itinuon ng binata ang atensyon sa pagkain niya. Nakahinga naman ng maluwag ang dalaga nang mapansing hindi an ito nanunukso pa. Naipaypay na lamang niya sa nag-iinit niyang mukha ang kaniyang kamay bago muling nagsimulang kumain.
Matapos kumain ay nakahiga na isla pareho sa higaan. May mga gabi talagang sumasabay na matulog si Vladimir sa kaniya. Ngunit alam niyang umaalis din ito kapag nakakatulog na siya. Likas na sa mga bampira ang gising sa gabi kaya labis niyang ikinalulugod ang ginagawang ito ng binata. Ngunit nang gabing iyon, isang topiko ang binuksan ni Vladimir sa kaniya na labis na nagpasabik sa kaniya.
"Talaga Vlad,Ipapadala mo ako sa isang misyon, kasama si Luvan?" hindi maitago ang labis na tuwa sa mukha ni Elysia.
"Oo, isang mapanganib na misyon, alam kung nais mong mas matuto pa at ang misyong ito ang magiging unang pagsubok mo bilang isang manunugis. Isang oo at hindi lang muna ang kailangan ko ngayong gabi at bukas paggising mo saka tayo magpaplano." Marahang hinahaplos ni Vlad ang ulo ng dalaga.
"Oo naman, papayag ako. Kahit anong misyon pa 'yan, pangako hindi ka mapapahiya sa akin," masayang tugon ni Elysia.
"Wala akong pakialam kahit mapahiya man ako, ang dapat na ipangako mo, babalik kang buo at ligtas sa piling ko." Malambing na wika ni Vlad. Tila ba ang mga salita nito ay sinasalungat ng malalim at baritono nitong boses.
"Babalik ako ng ligtas, 'yong tipong sa pagbalik ko, maipagmamalaki mo ako—na masasabi mo na hindi ka nagkamali sa kupkopin at sanayin ako," saad naman ng dalaga at napangisi naman si Vlad.
"Hindi ako nagkamali, kahit maging dekorasyon ka pa sa palasyo ko habang-buhay, hindi ko ito matatawag na pagkakamali. Dahil ikaw lang ang tama na dumating sa buhay ko," halos pabulong naman na wika ng binata bago dumampi ang mga labi nito sa labi ng dalaga.
Saglit na natigilan si Elysia at tila naestatwa dahil sa ginawa ng binata.
Nasaan ba siya?
Anong pangalan niya?
Nag-uusap lang naman sila bakit may halikan?