Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Lost Soul (Puerto de Cavite Series #1)

🇵🇭astrayed_star
--
chs / week
--
NOT RATINGS
13.2k
Views
Synopsis
Si Eremielle Bailen ay isang mapagmahal na anak, kapatid, at apo sa kaniyang pamilya. Ngunit dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari, ang kaniyang buhay ay nag-iba. Tila isa siyang ligaw na kaluluwa. Napunta siya sa makalumang panahon. Ang panahon kung saan minsan nang umusbong ang tinaguriang Puerto de Cavite. Kasabay nito, malalaman niya ang sistema at kalakaran sa panahon ng mga Kastila. At doon, hindi niya inasahang makakaranas siya kasiyahan, paghihirap, at pagmamahal. Samahan si Eremielle na libutin ang ganda ng Puerto de Cavite--ang isa sa mga unang bayan na itinatag sa Pilipinas--na nalimot na ng panahon.
VIEW MORE

Chapter 1 - Paunang Salita

Paalala:Ang akdang ito ay kathang-isip lamang. Ang mga pangalan, tauhan, kanta, kaganapan o insidente ay nilikha lamang gamit ang malikot na imahinasyon ng manunulat o ginamit lamang upang mabuo ang akda. Ang pagkakatulad sa aktwal na tao, nabubuhay pa o namayapa na, o totoong kaganapan ay tunay na hindi sinasadya.Mensahe:Kumusta kayo! Bakit ko nga ba pinasok ang historical fiction? Ito ay sa pag-alala ko sa kasasayan at kultura ng Pilipinas, lalo na ang isa sa mga unang bayan na itinatag sa ating bansa sa pagsakop ng mga Kastila sa atin, ang Puerto de Cavite.Ilang mga lugar ang nabanggit ko sa istoryang ito. Ito ay pag-alala rin sa mga gusaling naglaho na at limot na ng panahon, lalo na ang mga taong naninirahan doon. Ngunit ipinapaalala ko lang na walang kasiguraduhan ang pag-depina ko sa mga iyon. Iyon ay base lamang sa mga impormasyong nakalap ko at mga teyoryang nabuo ng isipan ko. May mga litrato akong maaaring maibahagi sa media para naman maisa-imahinasyon niyo rin kung ano ang nakikita ng aking isip habang sinusulat ko ito.Nagpapasalamat ako sa mga taong pumiling basahin ito. Nawa'y magustuhan ninyo.Iniaalay ko ang nobelang ito para sa mga Pilipinong naghirap at nagsakripisyo sa panahon ng Kastila. Para rin ito sa mga tunay na bayani ng ating bayan.Isang paalala sa huling pagkakataon, anuman ang mga pangyayari, trahedya, at pati na rin ang mga tauhan sa loob ng istorya ay likhang-isip lamang at hindi itinala sa anumang sulatin. Kung magkataon ma'y hindi ko iyon sinasadya.Muli, maraming salamat!Ang inyong lingkod,

Sola Stella