Chereads / Lost Soul (Puerto de Cavite Series #1) / Chapter 9 - Ika-walong Kabanata

Chapter 9 - Ika-walong Kabanata

Pagkapasok na pagkapasok ko sa Casa, nakita kong nasa salas ang parehong opisyales. Dinaluhan niya ako saglit at pinayuhan niya akong mag-asikaso na lang sa kusina at siya na lang ang bahalang sumalubong sa bisita. Nakakahiya nga para sa kaniya.Masyado akong aligaga sa ngayon, kahit pa naghahain na lang ako. Nang sa wakas ay matapos kong inihain ang kanin, ulam, tubig, mga kubyertos at table napkins, pati na rin ang basket ng prutas, ay pumaroon na ako sa sala para tawagin na sila.Namataan ko si Don Sergio at ang nakatalikod na bisita na nag-uusap sa wikang Español. Kahit pa siguro lumapit ako, hindi ko naman sila maintindihan. Hindi ko alam kung kailan ako tatawag. Urong-sulong ako sa pag-iimbita sa hapag.Hindi ko naiwasang hindi mapatitig sa nakatalikod na bisita, ipinagtataka kung sino siya at anong pakay niya. Ang hitsura ng kaniyang pigura at tangkad, parang pamilyar pero hindi ko alam kung saan ko 'yon nakita. Kasalukuyan siya ngayong nakasuot ng pormal na pananamit katulad na kay Joaquin. Ang kaibahan lang ay kulay kayumanggi ang suot-suot ng bisita, hindi kagaya sa usual kong nakikita na itim o kulay abo."Monica, ayos na ba ang lahat?" tanong ni Don Sergio nang makita niya ako. Tanging tango lang ang isinagot ko dahil sa pagkabigla.Nag-usap pa silang muli, mukhang pinipilit ni Don Sergio ang lalaki na dito na maghapunan. Sa huli ay pareho silang tumayo.Sa pagkakataong 'yon, doon ko pa lang nakita ang mukha ng lalaki. Habang papalapit sila ay hindi ko maiwasang kilatisin ang kaniyang hitsura.Ang halos perpektong panga niya ay bumabagay rin sa porma ng kaniyang matangos na ilong. Pansin ko rin na halos perpekto rin ang hugis ng kaniyang labi. Nang bahagya na siyang makalapit, nakita ko kung gaano katapang at nakakatakot tumingin ang kaniyang tsokolateng mata. Ang kutis niya ay sobrang puti. Isa siyang purong Kastila. Nagtama ang aming mga mata ngunit pinili kong mag-iwas ng tingin sa 'di malamang dahilan. Nagitla ako nang bigla kong maalala kung saan ko siya nakita.

Siya ang lalaki sa Plaza Soledad na nakapang-militar!

Nang makalampas na siya, tila isang pamilyar na amoy ang aking nalanghap. Ngunit hindi ko na ito inisip. Ang naiisip ko lang ngayon ay makaalis na sa dining hall."Monica, kung iyong nanaiisin, maaari kang sumabay sa amin ni Feliciano," pang-iimbita ni Don Sergio na ikinagulat ko. Inilahad niya pa ang kamay sa isang upuan katapat ng kaniyang bisita.Iniimbita niya ako kahit may bisita?Agaran akong napailing. Hindi naman ako isa sa kanila."Mamaya na lang po ako, Don Sergio," saad ko. Alam kong hindi kumbinsido si Don Sergio. Kailangan ko magdahilan.Napaisip ako sa pwede kong gawin."May aasikasuhin pa po ako," pagdadahilan ko pa. "Y-yung mga rosas po, k-kailangan ko pa po palang ibabad dahil nakalimutan ko po," aligaga kong dagdag.Sana ay nakumbinsi ko na ang Alcalde, lalo na't nabanggit ko ang mga rosas na 'yon. Sana lang."Kung iyan ang iyong pasya," halata sa tono ni Don Sergio ang pagsuko."Tawagin niyo na lang po ako kung may kailangan po kayo, Don Sergio," paalam ko pa.Dumako naman ang mga mata ko sa lalaking mukhang isa sa mga alta. Napag-isip-isip kong hindi ko pa pala nababati ang bisita kahit pa noong pagkapasok niya sa Casa Real. Napaka-walang kwenta ko naman palang katulong.Ang turo ni Nanay Conchita, bumati sa mga bisita para magbigay ng paggalang sa kanila. Kung bakit pa kasi nagkabisita nang walang sino mang gagabay sa 'kin!"M-magandang gabi po sa inyo, G-ginoo," nag-aalinlangan ko pang turan sa kaniya na sinabayan ko pa ng pagyukod. Nang hindi siya umimik ay hindi na ako lumingon pa pabalik at dumiretso na sa kusina. Mabuti na rin 'yon dahil 'yon rin ang inaasahan ko. At least, hindi ako naging bastos.Gaya ng idinahilan ko kay Don Sergio, lumabas ako ng likod sa bahay para lang kumuha ng isang timbang tubig na ipapasok ko sa unang palapag ng bahay para doon ibabad ang mga puting rosas. Nang matapos ako ay umakyat akong muli sa sa itaas at nakitang natapos na sila sa pagkain. Inurong ko ang mga pinagkainan nila. Pagpasok sa kusina ay hindi na ako lumabas pa.Hindi ko maintindihan kung bakit ayokong lumabas. Basta, hindi ko alam kung bakit hindi ako komportable lalo na't may bisita siyang Kastila at nakakatakot pa ang awra. Ilang beses ko pa lang nakikita ang lalaking 'yon pero hindi ako mapalagay. Mas mabuting nandito na lang ako, kahit pa gustong-gusto kong obserbahan ang bisita ni Don Sergio dahil hindi ako mapakali patungkol sa lalaki. Kaya lang baka mamaya ay kung ano pang isipin no'n.Bawat konting galaw mo pa naman sa panahong 'to ay may problema na agad. Hindi ko naman sila masisisi dahil namumuhay sila sa konserbatibong panahon. At sa koloniyalismo.Hindi ko namalayan kung ilang minuto ang lumipas. Nakapalumbaba akong nakatitig sa pinapakuluang tubig na ngayon ay nawalan na ng apoy ang pugon at tanging baga na lamang ang nagbibigay ng init do'n. Hinihintay ko ang pagtawag ng Alcalde ngunit wala naman akong naririnig kanina pa.Hindi nagtagal, isang pagkatok sa nakabukas na pinto ang narinig ko. Napataas pa ako sa upuang inuupuan dahil sa gulat. Namataan ko na si Don Sergio pala 'yon."Señor, may gusto po ba kayong ipag-utos? Sana po ay tinawag niyo na lang ako," salubong ko sa aking amo. Nagtataka ako kung bakit nandito siya. Pero baka siguro wala na ang bisita niya."Wala naman. Nais ko lamang tingnan ang iyong kalagayan lalo na't wala si Nay Conching upang ika'y gabayan," sagot sa 'kin ng Alcalde.Hindi ko naman maiwasang matuwa sa sinasabi ni Don Sergio. Kahit pa sabihin mong amo ko lang siya ay may pagpapahalaga siya hindi lang sa 'kin, kundi kina Ate Alana, Barbara, at kay Nanay Conchita rin, mayroon bilang isang katiwala sa Casa Real. Kung nasa ibang amo kami at matapobre pa, lalo na sa panahong 'to, siguradong ituturing lang kami na parang gamit lang nila. "Siya nga po pala, saan ko po ihahatid ang inyong tsaa? Sa inyong kwarto po ba o sa inyong opisina?" biglaan kong tanong nang dumapo ang mata ko sa sinasalang na tubig mainit."Sa aking opisina mo ituloy ang mga tsaa. May mga papeles pa akong kailangan tapusin.""Ipagpapaalam ko rin po sana na mag-iigib rin po ako sa inyong palikuran para sa inyong pagligo bukas," muli kong pagpapaalam. Mahirap na kung papasok ako ng kwarto niya na walang pahintulot."Hindi mo na kailangang problemahin ang tungkol doon. Mabuti pang maghapunan ka na pagkatapos mong ihatid ang tsaa sa 'king opisina," payo niya na lang sa 'kin."S-sige po. Maghahatid rin po muna ako ng makakain ng mga guwardiya." Napakamot na lang ako sa batok.Nang mapatingin ako kay Don Sergio ay dumapo na pala ang kaniyang mga mata sa rosas na nasa gilid lang ng pintuan. Bumalik ang mga tingin niya sa akin at kita ko sa kaniyang mga mata na may gusto siyang itanong pero pinili na lang niyang manahimik."Bueno. Bukas ay maaga kang gumising dahil may mahalagang lugar tayong paroroonan kaya't huwag mong papagurin ng masiyado ang sarili," abiso na lang ng Alcalde at humayo na papunta sa kaniyang opisina.KINABUKASAN, gaya ng ibinilin ni Don Sergio, maaga ako nagpahinga kagabi. Kaya ngayon ay maaga rin akong nagising. Tanging ang Alcalde Mayor na lang ang hinihintay ko habang hawak-hawak ang bungkos ng puting rosas.Nakatayo lang ako sa tapat ng piano at tinititigan kung gaano 'yon kaganda. Napaisip tuloy ako kung ilang beses na itong napatugtog sa Casa Real dahil parang display lang ang piano sa salas.Narinig ko ang tunog ng mga yapak ni Don Sergio sa mga palapag ng hagdan. Naka-pormal siyang damit gaya ng inaasahan.Mabuti na lang at maayos ang panlabas na suot-suot ko ngayong baro at saya na tinernuhan ko pa ng alampay at tapis. May kabigatan rin ang bakyang suot-suot ko. Lahat ay galing kay Sister Rosanna. Pinili kong maging pormal para naman hindi nakakahiya.Isang tango lang ang ginawa niya bilang pagyaya kaya sabay kaming lumabas ng Casa Real.May ilan pa siyang inihabilin sa mga guwardiya habang ako, nauna na sa pagsakay sa may kataasang kalesa. Inalalayan rin ako ng matandang kutserong nagngangalang Mang Julio. Nakasunod naman agad ang Alcalde.Isang bulong lang ginawa ni Don Sergio na hindi ko naman naintindihan bago umandar ang kalesang aming sinasakyan.Tama lang ang bilis ng kalesa sa tahimik na kalyeng napapalibutan ng mga kabahayan kahit pa umaga na. Kaunting tao ang naglalakad dito at nakukuha pa nilang magbigay-galang kapag nakikilala kung sino ang lulan ng kalesa. Nahihiya rin ako dahil kita sa mukha nila ang pagtataka kung sino ba ang kasa-kasama mg kanilang Alcalde Mayor. Baka isipin nilang kerida pa ako nito. Iwinaksi ko na lang sa isipan ang ideyang iyon dahil nasa bandang harapan naman ang Don at nasa likurang bahagi ako ng kalesa.Hindi kami nagtagal sa loob ng Cavite Puerto at nakalabas na rin sa gate ng Porta Vaga. Taimtim kong inobserbahan ang labas. Ito ata ang unang pagkakataon na mapapagmasdan ko ang manipis na daan (isthmus) na nagdudugtong sa San Roque at Cavite Puerto. Para akong nalulula dahil parang dumaraan kami sa gitna ng dagat. Ibang-iba kasi ito sa kalsadang maayos na sa modernong panahon.Ang unang bahagi ng San Roque na aming nadaanan ay isang barrio. Mga kubo na magkakalayo sa isa't isa ang aming namataan. Habang binabaybay ang kalye ay unti-unti na kaming nakarating sa nakahilerang mga naggagandahang bahay na gawa sa kahoy at bato. Gano'n ang senaryo hanggang sa makalabas kami sa sibilisadong parte ng San Roque.Matapos ang ilang minutong pagbiyahe, tumigil ang kalesa sa isang pamilyar na istruktura ng isang arko. Nakabukas ang rehas na pinto nito. Bantay-sarado ang apat na guwardiya sibil na nagbabantay sa loob at labas ng arko."Narito na po tayo sa sementeryo, Don Sergio," pagbibigay-abiso ni Mang Julio. Nanlaki naman ang mata ko sa gulat dahil nakumpirma ko ang isang bagay.Ito nga ang sementeryo ng mga Kastila at Pilipino na ayon sa mga nakalap kong impormasyon ay ngayong siglo lang naisakatuparan. Ilang litrato na rin ang nakita ko.Nanguna sa pagbaba Alcalde, si Mang Julio rin ay pumanaog sa lupa para alalayan ako sa pagbaba."Salamat po, Mang Julio," magalang kong sambit. Ginawaran niya ako ng isang ngiti."Walang anuman, hija," aniya.Umikot ako sa kalesa upang samahan siya sa pagtayo sa tapat ng entrada ng sementeryo.Tahimik siyang nakamasid sa kaloob-looban ng sementeryo na kung pagmamasdan pa lang ay masyadong eerie sa pakiramdam."D-don Sergio, bakit po pala tayo nandito?" magalang kong tanong habang mahigpit na nakahawak sa bungkos ng puting rosas.Alam kong araw ng mga patay ngayon pero masiyado akong naguguluhan. Hindi ko maiwasang hindi magtaka.Sa halip na sagutin ang tanong ko ay ngumiti na lang siya sa 'kin."Tayo na sa loob. Naghihintay na sila," tugon na lang nito at nanguna na sa pagpasok. Agad ko naman siyang sinundan.Hindi ko naiwasang obserbahan ang sementeryong 'to. Sa entrada pa lang ay may ilang puno ng nakahilera sa daan. May iilang puntod na rin akong nakikita. At ang iba sa mga 'yon ay binibisita na. Kung tutuusin, kaunti lang kaming mga buhay na tao na naririto sa lugar ng mga patay ngayong umaga.Hindi ko namalayan kung nasaang parte na kami. Ang alam ko lang ay nakapasok kami sa loteng napapalibutan ng isang kawayang bakuran. Isang puno ang nakatayo sa parteng ito at ang mga dahon ay patuloy sa pagbagsak dala ng lakas ng hangin.Nanigas ako sa kinatatayuan nang mapagtanto kung kaninong puntod pala ito. Hindi ko man maintindihan ang sinasabi sa lapida, nakakasiguro ako sa pangalan ng mga ito.Ang asawa ni Don Sergio na si Doña Elena Fernandez at ang anak nilang si Señorita Felona Fernandez.Iyon din ang mga pangalang nakasulat sa likod ng litrato.Minabuti kong si Don Sergio ang mag-alay sa lahat. Sa bulaklak, kandila, at pati sa pagdarasal ay inaalalayan ko lang siya.Sa totoo lang, kahit nakatalikod si Don Sergio sa 'kin, hindi niya maitatanggi sa 'kin na nalulungkot siya. At napatunayan ko 'yon nang kunin niya ang handkerchief sa kaniyang coat upang magpunas ng takas na luha.Pinapakiramdaman ko kung maglalabas siya ng hinanakit. Pero lumipas ang ilan pang minuto ay hindi siya umimik. Sa huli, pinili ko na lang na itikom ang sariling bibig.Nahahawa ako sa kalungkutan ng Alcalde. Kaya pala gano'n ang mga aksyon niya dahil ang dalawang mahalagang tao sa kaniyang buhay ay namatay na. Naalala ko kung paano siya nag-react noong sinabi kong ulila na ako.Nang mapunta ako dito ay para akong namatayan ng tatlong kapamilya. Bagaman nandiyan si Nanay Conchita para naman ako ay magabayan niya, hindi ko pa rin maitangging nangungulila ako kay Nanay Fely, Mama, at James.Hindi naman ako nagsinungaling sa panahong 'yon. Dahil ang kalahati ng sinabi ko ay totoo."Papa," wala sa sarili kong bulong. Halos pagsakluban ako ng langit at lupa sa tuwing maaalala ko siya. Magkahalong pait at tamis ang pagnamnam ko sa nakaraan kung aking ituring."M-Monica, hija," pagtawag niya sa 'kin habang ang tingin niya ay puno ng sakit at pagkaawa."D-don Sergio, pwede po ba akong magsimba?" biglaan kong pagpapaalam.Hindi niya ako binigo. Isang tango at ngiti ang natanggap ko mula sa kaniya.IBINABA ako ng kalesa sa tapat mismo ng simbahan ng San Pedro Apostol. Kasalukuyan itong nakabukas kaya naman hindi ako nag-alinlangan sa pagpasok.Kalmadong atmospera ang bumungad sa 'kin. Tahimik ang buong simbahan.Mula sa entrada ng simbahan, hindi ko maiwasang hindi obserbahan ang looban nito. Apat na column ng mga upuan ang matatagpuan dito. Ang altar ay nahahati sa tatlo. Maraming imahen doon at hindi ko makikita 'yon sa malayo. Samantalang ang pulpito, o ang mataas na pabilog na platform kung saan tumatayo ang pari sa pagmimisa, ay nasa bandang gitnang kanan.Pinili ko ang pinakahuling upuan sa pinaka-kanan. Masiyadong malayo sa mga matatandang babaeng nagrorosaryo sa harap at sa ilang mga taong piniling magsimba na lang.Lumuhod ako at nagdasal ng taimtim. Si Mama, Nanay Fely, James... at si Papa. Sila lagi ang laman ng mga dalangin ko. At ngayon, taimtim ko ring pinagdarasal ang mga taong naging katulong ko sa buhay ko rito sa lumang panahon.Hindi ko alam kung ilang minuto ako sa ganoong posisyon pero hindi ko 'yon iniinda. Sa pagdarasal lang ako nakakalma lalo na kapag nararamdaman ko ang Kaniyang presensiya.Kahit pa natapos na ako ay hindi pa muna ako umalis. Kung tutuusin, wala akong ideya kung anong oras na ba. Hindi ko naman kailangan masyadong alalahanin ang pagkain sa tanghalian dahil sa San Felipe tumuloy ang Alcalde. Ang sabi niya ay doon na siya manananghalian.Maya-maya, isang pagkalabit ng maliit na daliri ang naramdaman ko. Nang tingnan ko ang direksyon kung sa'n 'yon nagmula ay isang batang lalaki sa edad na walong taong gulang naman ang namataan ko."Anong kailangan mo?" malambing kong pagtatanong nang may ngiti. Gusto ko siyang hawakan sa pisngi kaso hindi naman ata tama 'yon.Nagulat ako nang hinawakan niya ang kamay ko at hinihila patayo."Pwede niyo po ba akong tulungan upang magtirik ng kandila?" nakanguso nitong pagtatanong. Pinigilan kong matawa dahil sa inakto nito. Ngiti na lang ang ginawad ko sa huli.Sabay kaming naglakad sa isang gilid ng simbahan kung nasaan nakahilera ang ilang mga kandilang may sindi rin, malapit sa isang pinto sa gilid ng simbahan."Anong tulong ba ang iyong gusto, munting ginoo?" tugon ko habang papaupo sa harap niya upang siya ay mapantayan ko. Inayos ko pa ang buhok nito."Hindi ko po kasi abot yung mga may sinding kandila kaya hindi ko po alam kung paano ko sisindihan ang akin," malungkot na sagot ng bata sa 'kin. "May gusto po akong hilingin kaya gusto ko po talagang makapagtirik ng kandila," dagdag niya pa.Napansin kong nasa mataas na parte ang mga 'yon. Hindi makasindi ang bata ng kaniyang kandila."Gusto mo ba, buhatin kita?" pang-aalok ko sa batang lalaki. Biglaan siyang napangiti ng maliwanag at tumatango sa 'kin.Hindi ko rin naman matitiis ang bata kaya agaran ko siyang binuhat. Sinindihan niya ang isa sa mga kandila niya. Tinulungan ko siyang itayo iyon upang hindi matumba ang kandila. Nag-antanda muna siya. Pagkatapos ay pinagdikit ng batang lalaki ang kaniyang mga palad at ipinikit ang mga mata para magdasal.Habang buhat-buhat ang bata, hindi ko maiwasang hindi alalahanin si James.Mas gusto niyang nagpapabuhat sa 'kin noong bata-bata pa siya. Ako ang madalas na tagapag-alaga no'n simula noong baby pa siya hanggang sa...mawala ako.Ang kapatid ko, kumusta na kaya siya?"Ate, maaari niyo na po akong ibaba. Tapos na po akong magdasal at humiling," masayang sambit nito kaya sinunod ko siya."Hindi naman sa gusto kitang usisain pero pwede ko bang malaman kung ano ang hiniling mo?" kuryoso kong tanong sa batang lalaki. Binigyan niya ako ng mapait na ngiti habang ang mga mata niya ay puno ng pag-asa."Payapa, masaya at masaganang buhay po," aniya. Parang hinaplos ang puso ko sa kaniyang sagot. Alam ko, sa pagkakataong ito, may matindi siyang pinagdaraanan. Gusto kong iabot sa kaniya ang kamay ko ngunit hindi ko alam kung paano."Siya nga po pala, may isa pa po akong kandila upang kayo ay makapagdasal at humiling sa Diyos," pag-iiba ng usapan ng paslit. "May isang tao po ang nag-abot sa 'kin nito at sabi niya ay matutulungan ako nito para dinggin ng Diyos ang aking hiling," dagdag niya pa."A-ayaw mo bang humiling ulit? Bubuhatin kitang muli para doon," emosyonal ko pang pangungumbinsi sa bata."Nahiling ko na po ang aking ninanais. At bilang pasasalamat, gusto ko pong ibahagi 'yan sa iyo," sagot nito sa 'kin at kaniya ng iniabot sa 'kin ang kandilang iyon."S-salamat sa iyo... Ano nga pala ang iyong ngalan?" tanong ko nang maalalang hindi ko pa pala nakikila ang bata."Diego po, Ate...""Erem—Monica. Pwede mo akong tawaging Ate M-Monica," nauutal kong pagsagot.Sa sandaling naging emosyonal lang ako, parang nakalimutan ko pa ang pagkakakilanlan ko dito."Kung gano'n po, maaari na kayong humiling, Ate Monica," malawak na ngiti ang iginawad sa 'kin ni Diego. Isang tango ang aking ibinigay sa kaniya.Dumako ang aking mata sa kandila. Kung may hihilingin ako, ano pa dapat ang bagay na 'yon?