Chereads / Lost Soul (Puerto de Cavite Series #1) / Chapter 10 - Ika-siyam na Kabanata

Chapter 10 - Ika-siyam na Kabanata

Panibagong linggo na naman ang sumalubong sa 'kin sa panahong ito. Habang tumatagal, unti-unting nagsi-sink in sa 'kin na dito na ako mamumuhay. Bagaman mahirap, alam kong makakaya ko.Ilang araw nang nakabalik si Ate Alana, Barbara, at Nanay Conchita sa Casa Real. Gaya ng napag-usapan, agad na pinagplanuhan ng Alcalde ang magaganap na selebresyon sa pista ng Porta Vaga sa ikalawang araw ng Linggo sa Nobyembre.Hindi na bago sa 'kin ang naturang pista. Maging si Nanay Fely ay naggagayak para dito. Ang kaibahan lang, mas bongga ang paghahanda. Mas malakihan rin ang handaan. Bukod sa mga matataas na opisyal at mayayamang panauhing taga-ibang bayan ng Alcalde, magpapakain rin siya sa mga simpleng tao dito.Ang ideyang ito ang siyang nagpaalala sa 'kin kay Diego, ang batang nakilala ko sa simbahan. Sana ay makita ko siya sa araw na 'yon dahil hindi ko man lang napag-alaman kung saan ko siya makikita.Naalala ko rin ang kandilang ibinigay nito. Sa totoo lang ay nakatulong sa pagpapagaan ng aking loob ang mga bagay na hiniling ko sa iisang kandila na 'yon."Naihanda mo na ba ang mga rekados?" tanong ni Ate Alana na nagpalihis sa iniisip ko. Kasalukuyan niyang priniprito ngayon ang mga galunggong na ilalagay sa Sarsiado."Naghihiwa na lang ako ng kamatis," abiso ko sa kaniya. Naihanda ko na ang binating itlog, gano'n din ang dinikdik na bawang, hiniwang sibuyas, at ngayon ay ang kamatis na lang ang inaasikaso ko.Nang matapos ako sa pagtulong kay Alana ay dumiretso naman ako sa likod ng bahay.Doon ay namataan ko si Barbara na nilalabhan ang mga damit ng Alcalde. Hawak-hawak naman ni Nanay Conchita ang mga kurtina at ilang tela na ginagamit sa mga patungang lamiseta."Barbara, kailangan mo ba ng tulong?" pang-aalok ko sa kaniya. Nagpunas muna siya ng pawis sa kaniyang noo gamit ang kaniyang braso bago ako hinarap."Hindi na, Kakaunti lang ang mga ito," sagot nito na ikinadismaya ko. "Ang mabuti pa ay si Nay Conching ang iyong tanungin," pabulong niyang suhestyon. Natawa naman ako sa paraan ng pagkakasabi niya.Naglakad ako papunta kay Nanay Conchita. Ngunit hindi pa man ako nakakalapit nagsalita na siya."Huwag mo nang tangkaing tulungan ako, Monica," babala nito. "Kaya ko na ang mga ito," tugon pa nito."Ngunit Nay Conching—" tanging palayaw na nais naming itawag sa kaniya ang nasabi ko nang putulin niya ang aking sinasabi."Maglinis ka na lamang sa sala," utos nito na nagawa ko na naman. "Manatili ka rin doon upang kung may bisita ay may mag-aasikaso," dagdag pa ni Nay Conching sa 'kin. Napabuntong na lang ako ng hininga. Wala na akong pagpipiliang lugar para magkaroon ng gawain.Wala akong ibang ginawa kundi ang magpunas ng magpunas sa mga mamahaling muwebles na makikita ko sa salas. Halos magkintaban na ang mga 'yon dahil paulit-ulit ako sa aking ginawa.Ilang saglit pa, tumama ang hinala ni Nay Conching na may darating na bisita. Sabagay, ilang araw na kasing puro mga mayayamang tao ang bumibisita kay Don Sergio. Hindi na ako magtataka sa pagkakataong ito.Itinabi ko na muna sa isang gilid ang pamunas na sigurado kong hindi makikita ng bisita, bago ako tumungo sa antesalaPagkabukas na pagkabukas pa lang, bumati na ako."Magandang ara—" hindi ko na natapos ang pagbati ko dahil sa natuklasan kong bisita."Joa-Joaquin?!" gulat kong sambit habang nanlalaki ang mga mata ko. Katulad noong nakaraan, naka-pormal pa rin ito at may hawak-hawak na briefcase.Napatingin sa 'min ang dalawang guwardiya sibil na nakabantay malapit sa pinto. Napatakip ako ng bibig at lumingon sa ibang direksyon. Hindi tama na tawagin ko siya sa pangalan lang niya. Pinahupa ko ang sarili para walang mabuong kaisapan sa mga 'yon."Ako'y lubusang natutuwa na ako'y nakatatak na sa iyong isipan," malaki ang ngiti nito habang nagsasalita."A-anong ginagawa mo rito...Ginoo?" halos pabulong ko na lang na tanong, hindi pa rin ako makapaniwalang nakita ko na naman siya matapos ang ilang araw.Natawa siya bago ako magsalita. "Maaari mo akong tawagin sa aking ngalan...Binibining Monica," walang pag-aalinlangan niyang turan. Tumikhim muna siya bago nagpatuloy. "Natatandaan mo ang itinanong mo sa 'kin noon?" animo'y nakikipaglaro niyang sabi na ikinaliit naman ng mga mata ko. Napabuntong hininga siya."Hayaan mong ipaalala ko sa 'yo," mapaglaro niyang deklara. "Noong araw na tinatanong mo kung ako'y may pinagkakaabalahan, tinuran ko namang mayroon. At sa katunayan ay naririto ako sa dahilang iyon," aniya."At gaya rin ng inaasahan, muli na naman tayong pinagtatagpo ng tadhana," tugon pa nito. Natahimik naman ako sa sinabi niya."Hindi mo pa ba ako papapasukin?" ang tanong na iyon ang nakapagpataranta sa 'kin."Ah sorry— I mean pasensya na. Tumuloy ka at maupo muna sa sala. Tatawagin ko lang sa taas ang Alcalde. Alam kong siya ang pakay mo," dire-diretso kong sabi."At ikaw," pilyo nitong dagdag saka ngumiting muli.Ako naman ay biglang naasiwa at napailing. Kahit kailan talaga ang lalaking 'to.Inimbitahan ko siya sa salas. Samantala, dumako ako agad sa opisina ng Alcalde at kumatok. Narinig ko ang kaniyang pagsasalita, tanda na pinapayagan ako nito sa pagpasok."Ikaw pala, hija. Ano ang iyong sadya?" bungad nito sa 'kin. Natuwa ako sa pagkakataong ito dahil pagkatapos niyang malaman ang isa sa istorya sa buhay ko ay hindi niya ako itinuturing na iba. Gano'n naman talaga siya sa aming apat. Mas lumalim lang ang aking paghanga sa Alcalde Mayor dahil sa kabila ng kaniyang posisyon, hindi siya malupit at may mabuti pang puso."Señor, nandiyan po si Joaquin at mukhang may pakay po sa inyo," pamamalita ko.Binigyan niya ako ng nagtatakang tingin habang nakakunot ang noo nito, sinabayan pa ng panliliit ng mata.Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil naalala ko ang pagkakasabi ko tungkol kay Joaquin. Hindi ko ito in-address ng "Ginoo" o "Señor" at buong pangalan nito, hindi kagaya sa mga bumisita sa kaniya noong mga nakaraan."A-ang ibig ko pong sabihin, s-si Ginoong Joaquin Mercado po," halos ikamatay ko ang pagtatama sa lahat ng sinasabi ko. Mula sa nagtatakang tingin ay binigyan niya ako ng nang-aasar na ngiti at sa kalaunan ay natawa siya ng mahina."Bueno, tayo'y pumanaog na," aniya at sinundan ko siya.Pagkababa ay hindi ko magawang tingnan si Joaquin dahil sa pagkapahiya ko sa harap ni Don Sergio."Don Sergio, babalik lang po ako sa kusina upang tumulong kay Ate Alana," pabulong kong paalam. Isang tango ng pagpayag ang ibinigay niya kaya naman binilisan ko ang paglalakad hanggang sa makarating ako sa kusina."Mabuti at nandito ka—Monica, tila balisa ka?" ani Ate Alana."Wala lang 'to," pagwawaksi ko sa sinabi niya. "Ano nga pala ang maitutulong ko?" pag-iiba ko na lang ng usapan."Ipaghain natin si Don Sergio. Naulinagan ko ring may bisita kaya't ipaghanda na rin natin siya," pakiusap nito kaya sinunod ko siya.Nang maayos na ang lahat ay nagprisenta na si Ate Alana na siya na ang tatawag sa dalawa. Ilang segundo lang ang itinagal at nakabalik na siya kasama ang mga ito.Tahimik lang ako sa isang tabi. Ni hindi ko na nga pinaglalaanan pa ng tingin si Joaquin."Don Sergio, mas makakabuti sigurong isama na natin sila sa hapag nang sa gayon ay maging masagana ang ating pagkain," rinig kong sambit ni Joaquin sa Alcalde Mayor. Nang dumapo sa 'min ni Ate Alana ang tingin ng aming amo ay pareho kaming nag-alangan."Hindi na po siguro Don Sergio, Ginoong Joaquin. Pasensya na po," walang pag-aalinlangan kong sagot. "Baka po ay may mahalaga kayong pag-usapan. At saka, may gagawin pa po kami ni Ate Alana," sunud-sunod kong pagdadahilan.Alam kong gusto ring tumaggi ni Ate Alana. Ako na ang gumawa ng bagay na 'yon."Nawa'y pagbigyan niyo na si Joaquin," ani Don Sergio. Bumaling ito kay Ate Alana at nagsalita. "Alana, tawagin mo muna si Nay Conching at Barbara."Walang sali-salitang umalis ulit si Ate Alana kaya ako ang naiwan dito."Hija, nais ko rin kayong makasabay dahil sadyang nakakalungkot nga naman kung kaming dalawa lamang ni Joaquin ang naririto," patuloy ang pangungumbinsi ni Don Sergio na ikinakangiti naman ni Joaquin. "Ayoko na sanang maulit ang nangyari noong nakaraang linggo," dagdag pa nito.Inalala ko ang sinasabi ng Alcalde. Mukhang ang binabanggit niya ay yung may bisita siyang Kastila na nakakatakot. Bigla naman akong na-konsensyaDumating na si Ate Alana na kumuha ng apat pang mga gamit sa pagkain na madalas naming gamitin, kasama na rin niya sina Barbara at Nay Conching. Kahit ang mga ito ay natahimik. Silang dalawa ni Don Sergio at ni Joaquin ang namimilit kaya wala nang nagawa ang tatlo. Inokupa ni Nay Conching ang upuan katabi ng kay Joaquin. Halatang malapit siya rito. Samantalang si Barbara at Ate Alana ay sa katapat ni Nay Conching at isang hindi okupadong upuan. Tanging ang upuan na lang sa tabi ni Barbara at ng Alcalde sa kabisera ang natitira.Uupo na lang sana ako sa tabi ni Ate Alana o kay Nay Conching nang itinuro pa ni Don Sergio kung saan ba dapat akong maupo. Wala na akong nagawa sa pagkakataong iyon at naupo na lang sa tapat ni Joaquin.Nakukuha pa ni Joaquin na mang-asar dahil pilit niyang pinagtatama ang aming mga tingin na hindi ko hinayaan. Tanging pagyuko lang ang ginawa ko.Habang kumakain, ang boses nina Don Sergio, Nay Conching, at Joaquin lang ang tanging nangingibabaw. Lahat ng kanilang pag-uusap ay patungkol sa pista.Aaminin kong excited na ako pero hindi ko magawang makapaglabas ng sarili kong saloobin. Hindi ko alam kung paano rin makikisaya sa araw na 'yon lalo pa't kami ay isa sa mga maninilbihan sa mga taga-ibang lugar at ilang bisitang taga-rito.Dumating na ang oras ng siesta pero nananatili pa rin sa Casa Real si Joaquin. Sa pagkakaalam ko ay kasalukuyan niyang kasama sa opisina ang Alcalde Mayor ngayon. Mukhang may mahalaga silang pag-uusapan patungkol sa isang negosyo dahil napag-alaman kong negosyante pala si Joaquin.May pagawaan ang kanilang pamilya ng mga pansapin sa paa gaya ng bakya at sapatos. Mayroon rin silang pagawaan na sumesentro sa mga bagay sa bahay gaya ng mga upuan, lamesa, at iba pa. Bukod pa ro'n, sila rin ang nagbebenta nito.Kaya pala noong mga araw na nakakasama ko siya sa labas ay parang kilalang-kilala siya ng tao.Samantala, tahimik naman ang buong kusina kung saan kami laging namamalagi. Nasa kwarto si Nay Conching at umidlip. Lubha itong napagod sa paglalaba ng mga kurtina simula pa lang noong umaga."Monica, may nais lamang sana akong itanong," nananabik na sambit ni Barbara. Kasalukuyan kaming nakaupo ngayon sa may lamesa, habang si Ate Alana ay inaasikaso ang pang-tsaa ni Don Sergio sa may pugon.Ipinorma ko ang mukhang nagtatanong ng "Ano 'yon?" para hindi na ako magsalita. Hinintay ko ang kaniyang idudugtong."Magkakilala ba kayo ni Senor Joaquin? Sa inyong mga mata'y tila--" "Huwag mo na siyang usisain pa, Barbara," sabat ni Ate Alana na ikinahinga ko nang maluwag.Gayunpaman, hindi namin maiwasan ni Barbara na mapansin ang pagiging seryoso nito ngayon lang. Dahil kanina, masaya naman ang awra nito. Kahit pa sa paraan ng pagsasaayos niya ng tsaa ay sadyang mabigat rin ang galaw nito."At ikaw naman, Monica," pagtawag nito sa 'kin kaya kabado ko siyang tiningnan. "Pangalagaan mo ang iyong puso at huwag na huwag mo itong iaalay lalo na sa isang Principalia. Ika'y aking binabalaan," matalim ang kaniyang tingin habang nagsasalita. "Mabuti nang mahulog na lamang ang iyong loob sa katulad nating uri nang sa gayon ay magkaroon ng kapayapaan ang iyong buhay at diwa sa mahabang panahon," mahabang payo nito na para bang alam na alam na niya ang bagay na aming pinag-uusapan.Agad siyang umalis para pumunta sa opisina ng Alcalde. Sabay naman kaming napabuga ng malalim na hininga ni Barbara na kanina pa namin pinipigilang dalawa."Paminsan-minsan ay namamangha ako sa kaniya, at minsan naman ay nagtataka rin ako sa mga itinuturan niya," panimula ni Barbara. "Iba talaga si Ate Alana. Siguro, ganoon na talaga ang mga nakapag-asawa na kahit pa tatlong taon pa lamang ang nakakalipas. Marami na silang natutunan sa mga bagay-bagay," nakapalumbaba pa niyang dagdag.Naalala ko nga palang may asawa na siya. Ngayon ko lalong na-realize na mas matanda talaga siya sa 'kin ng sampung taon. Pero kahit gano'n, iniisip ko kung bakit niya 'yon nasabi. Ang ipinayo niya.Hindi kaya alam niyang si Joaquin ang nagbigay no'n pero pinili niyang huwag na lang ibahagi kay Barbara ang nalalaman niya?Napailing ako. Siguro naman ay hindi."BARBARA, magpunta ka sa may-ari ng mga aarkilahin nating mga lamesa't upuan. Kami na ni Monica ang bahala sa mga telang gagamitin sa mga iyon. Magkita tayo mamaya," utos ni Ate Alana sa kaniya.Napasimangot naman si Barbara. Mukhang nadismaya sa sinabi ni Ate Alana. Sa huli ay naghiwalay kami ng daan. Sa kalye ng pamilihan kami tumuloy gaya ng napag-usapan.Isang masiglang paligid ang bumungad sa amin. Kagaya ng nakasanayan, matao na. naman ang buong pamilihan. Mukhang nakikisaya rin ang araw ngayong umaga."Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Monica. Ngayong wala na si Barbara at naiwan sa bahay si Nay Conching, nais kong ako'y iyong tapatin," may katapangang saad ni Ate Alana habang kami ay naglalakad. Saglitan kaming tumabi sa gilid, sinigurado niya ring walang makakarinig"Magkakilala kayong tunay ni Senor Joaquin, tama ba? Ika'y magpakatotoo," halos bulong niyang paghahanap ng sagot.Nanlaki naman ang mga mata ko. Ikinagulat ko na sa loob lang ng isang araw, paano niyang nadiskubre kung sino ang nagbigay noon?"Kung gayon ay may katotohanan nga ang aking hinala," napahilamos na lang siya ng mukha. Tila problemado siya sa natuklasan.Muli niya akong hinarap nang may parehong ekspresyon katulad ng kanina."Muli kitang binibigyan ng abiso. Mabuti siyang tao ngunit kung maaari lang, huwag kang magiging malapit sa kaniya. Kilala siyang galing sa mayamang pamilya at isa sa mga negosyanteng namamayagpag hindi lang sa Puerto kundi pati na rin sa San Roque na kaniyang bayan. May mga negosyo ring hinahawakan ang kanilang pamilya sa Binondo at Intramuros kaya't ako'y nakikiusap sa iyo," halos magmakaawa na si Ate Alana sa pagkausap sa akin.Bigla naman akong natawa ng mahina kahit pa naiilang ako."Ate Alana, hindi mo kailangang mag-alala. Wala akong nararamdaman sa lalaking 'yon. Tanging pagkakaibigan lang ang meron sa amin," pangungumbinsi ko pa sa kaniya. Kung tutuusin hindi ko alam kung paano kami naging magkaibigan."Ngunit hindi iyon ang maiisip ng iba," pagpilit nito na ikinalito ko. Iba? Anong kinalaman ng ibang tao sa amin?"Ang mga Mercado, marami silang mga kalaban lalo na sa bayan ng San Roque. Ano na lamang na pag-initan ka ng mga iyon at gamitin laban kay Señor Joaquin? Matakot ka," dagdag nito. Kung gano'n ay napakamalaking tao naman pala ni Joaquin."Nasaksihan ko kung paano siyang tumingin sa iyo. Kung ikaw ay magiging kahinaan niya, pareho kayong malalagot," salita pa niya. Mukhang ang sinasabi niya ay yung tungkol sa pang-aasar ni Joaquin noong nasa hapag kami.Isang tango na lamang ang aking isinagot upang matigil na sa pagsasalita. Siguro ay tama rin siya. Noong una pa lang, parang mali na nga ang paglapit niya sa 'kin. Ayoko naman ring may mapahamak. Tumuloy na muli kami ni Ate Alana sa aming pakay. Sa isang panahian kami pumunta at doon namin nakuha ang mga tela.Habang naglalakad pa-Ermita, hindi ko na sinubukang magsalita. Mas mabuti na 'yon.Namataan namin si Barbara sa tapat ng simbahan. Nagreklamo pa ito sa katagalan namin. Ibinigay niya rin ang resibo kay Ate Alana saka siya bumaling sa 'kin."Monica, ngayong tapos na tayo sa Puerto, maisasama ka na namin ngayon upang makita ang San Roque!" masayang tugon sa 'kin ni Barbara. Napangiti naman ako.Ang sabi niya kanina, malapit sa kanilang baryo ang kakausapin nila tungkol sa mga karneng o-order-in para sa fiesta. Hindi ko naman maiwasang maging excited dahil sa sementeryo lang naman kami tumuloy noong nakaraan ni Don Sergio."Hindi siya sasama sa atin, Barbara," deklara ni Ate Alana na ikinalungkot naming dalawa."Ngunit Ate—""Uuwi na siya ngayon sa Casa Real upang may makatulong si Nay Conching," ani Ate Alana saka ibinigay ang mga tela sa akin.Iginaya niya kami sa malapit sa Teatro Caviteño kung saan naroon ang mga nakaparadang kalesa."Sumakay ka na ng kalesa upang makauwi," turan niya sa 'kin. Agad naman akong napailing."Hindi na kailangan, Ate. Malapit lang naman ang Casa at mapapagastos tayo ng malaki," pagtanggi ko."Ako'y sundin mo na lamang," ma-awtoridad niyang utos. Pareho kaming nalilito ni Barbara. Pero may ideya na ako."K-kung iyon ang iyong nais," nauutal ko na lang na tugon."Huwag mong alalahanin ang igagasta dahil nagbigay ng salapi ang Don," bumaba ang tono ng kaniyang boses. Napatango na lang ako.Nauna akong sumakay sa kalesa sa tulong ng kutsero. Si Ate Alana na rin ang nagbayad dahil nasa kaniya ang pera. Hinintay pa nila na ako'y makaalis bago sila sumakay.Nang mapalayo ako sa Plaza Soledad ay humarap na ako sa daan.Alam ko ang taktika ni Ate Alana. Sinisigurado niyang hindi ko makakadaupang-palad si Joaquin kahit anong paliwanag ko sa kaniya. Mukhang desidido ito sa pagpapalayo sa lalaking 'yon.Naiintindihan ko siya. Naiintindihan ko siya dahil ate rin naman ako. Kung gaano siya ka-protective sa 'kin ay gano'n rin ako kay James.Siguro sa mga pagkakataong 'to ay kaya ko pang umiwas. Pero sa kulit ni Joaquin, duda akong mapapalayo talaga siya sa akin.Naging mabilis ang pagbiyahe ko. Pagkababa ay nagpasalamat pa ako sa kutsero saka ako pumasok sa loob.Namataan ko si Nay Conching sa kusina, isasalang na ang nakasunod na palayok. ."Nariyan ka na pala, Monica? Ang akala ko'y pupunta kayo nina Barbara at Alana sa San Roque," bungad niya sa 'kin.Umiling muna ako bago sumagot."Pinauna na po ako ni Ate Alana na umuwi para may makatulong kayo," sabi ko na lang. "Naririto na nga po pala yung mga tela," tukoy ko sa nakabalot ng papel na dala-dala ko.Dinaluhan niya agad ako at kinuha sa 'kin ang mga tela."Ako na ang bahala sa mga ito. Sa ngayon ay asikasuhin mo muna ang tsaa ni Don Sergio at ihatid. Agad kang bumalik upang bantayan ang apoy ng isinasaing," bilin niya at dumiretso sa loob ng aming kwarto.Gaya ng utos ni Nay Conching, ako na ang pumalit sa paghahanda ng tsaa. Mabilisan lang ang pagtatapos ko dito dahil ilang araw ko na rin naman itong ginagawa. Humayo na ako sa opisina ni Don Sergio para ihatid 'to.Kumatok ako bilang tanda na papasok ako. At nang makuha ko ang sagot niya ay tumuloy ako."Don Sergio, naririto na po ang inyong tsaa," saad ko kaya tumayo siya sa kaniyang lamesang punong-puno ng mga papeles at pumunta sa upuang kahoy na katulad nang nasa salas. Doon ko itinuloy ang tray."Tila ang bilis niyo namang makabalik mula sa San Roque?" tanong niya nang makaupo sa kabiserang upuan.Ako na ang nagsalin mula sa babasaging takure sa kaniyang tasa ng tsaa. Nang matapos ako sa gawaing 'yon ay sumagot ako."Nauna na po ako kay kina Ate Alana at Barbara para may makatulong po si Nay Conching sa bahay. Suhestyon po iyon ni Ate Alana," sagot ko na lang kahit medyo dismayado ako sa hindi pagpapasama sa 'kin ni Ate Alana sa San Roque.Sumimsim muna ang Alcalde ng tsaa bago tumingala sa 'kin at muling nagsalita."Gano'n ba? Buong akala ko'y kasama ka nila. Nakiusap pa sa akin si Barbara para sa bagay na 'yon," gulat na turan nito. Inilapag niya muna ang kaniyang cup.Kahit ako ay 'yon ang akala ko. Sabi ko na lang sa isip."Bueno. Kung gayon ay may ipapakiusap ako sa 'yo."Nagtaka ako sinabi ng Alcalde. Tumayo siya at muling bumalik sa kaniyang lamesa ngunit hindi siya umupo. May kinuha lang siya sa isa sa mga cabinet doon. Agad siyang bumalik sa 'kin."Nais kong personal mong ibigay ito kay Heneral Fortuno. Sa kaniya lang at wala nang iba," animo'y protektadong-protektado ni Don Sergio ang halatang isang mahalagang bagay na iniabot niya sa 'kin at ikina-dagundong naman ng puso ko."At ito naman ang magpapapasok sa iyo sa San Felipe," sambit pa ng Alcalde at may ibinigay pa sa 'kin."Pakatandaan mo ang aking sinabi, Monica. Ayoko mang ipadala ka sa lugar na iyon ay wala na akong iba pang pagpipilian," dagdag pa nito. "Matanda na si Nay Conching kaya't ayoko na lamang siyang papuntahin doon. Hindi rin ako lubusang nagtitiwala kahit pa sa ilang mga guwardiyang kasalukuyang nagbabantay rito kaya't ipagpaumanhin mo sana ang aking pakiusap."Sunod-sunod akong tumango saka ngumiti."Huwag po kayong mag-alala. Naiintindihan ko po.""May isa pa pala akong paalala sa iyo," aniya."Ano po iyon?" pagtatanong ko sa kuryosong paraan."Mag-iingat ka," iyon lang ang kaniyang sinabi habang binibigyan ako ng ekspresyong nag-aalala.Dumoble man ang pagkakaba ko, kahit papano ay panatag ang loob ko dahil sa nag-aalalang si Don Sergio. Gayunpaman, hindi ko pa rin maiwasang hindi mapaisip sa maabutan ko sa Fort San Felipe.