Chereads / Lost Soul (Puerto de Cavite Series #1) / Chapter 2 - Unang Kabanata

Chapter 2 - Unang Kabanata

October 2023

"Remi besh, 'pinapatawag ka sa Library sa baba. Magbubunutan na raw!" ani ng bakla kong kaklase. Ang pagkakatungo ko sa aking armchair ay nasagabal dahil sa mga salitang 'yon.Napatingin ako sa may bandang pintuan sa harap kung saan nanggaling ang boses. Kasa-kasama niya ang mga kaibigan niya, lahat sila ay may dalang pagkain. Mukhang galing sa canteen outlet.Tumayo na ako sa aking kinauupuan at inayos ang buhok, gayon na rin ang mukha at ang leeg kong napawisan ay pinunasan ko ng panyo. Naglagay rin ako ng pulbo sa mukha. Sa ganitong paraan, sa tingin ko ay mukha naman akong presentable.Nang akma na akong lalabas sa aming silid ay lumikha naman ng ingay ang mga kaklase ko."Rems, galingan mo sa pagbunot!""Yung madali lang bunutin mo para easy-easy lang tayo!"Sabay-sabay na nagsalita ang mga kaklase ko habang halos lahat sila ay may lamang pagkain sa mga bibig. Nilawakan ko ang aking ngiti saka nag-thumbs up. "Ako nang bahala sa 'tin!""We love you, Pres!" halos sabay-sabay nilang tugon. Napahalakhak ako.Nang tuluyan na akong makalabas ay sumalubong sa akin ang may kalakasang hangin. Ginhawa kung aking ituring kahit pa nagulo na ang inipit kong buhok.Mula sa ikaapat na palapag ng aming building ay kitang-kita ko ang buong tanawin. Mula sa ginagawang oval sa malawak na damuhan, ang isang Multi-purpose hall sa kalayuan, hanggang sa kabuuan ng sentro ng munting siyudad at ang parokyang simbahan ay tanaw dito. Gano'n na rin ang karagatan at anino ng kabundukan, na sa tingin ko ay nasa kabilang ibayo pa, ay maaaring makita dito.Isang pag-akbay ang aking naramdaman. Malakas ang impact ng kaniyang braso sa batok ko, mukhang tumakbo papalapit sa 'kin. Sa tingin ko tuloy ay parang nabalian ako."Attorney Eremielle, I miss you," pag-iinarte ng aking matalik na kaibigan. Hindi muna ako umimik nang lumingon sa kay Pauline. Ipinakita kong naiirita ako sa ginawa niya.Nakalugay ang may kahabaan niyang buhok, unat na unat iyon. Ang bilugan niyang mukha ay ginamitan niya ng pulbo kaya mukha siyang maputi. Ang may kanipisan niyang labi ay ginamitan ng sa tingin ko'y pink liptint gaya ng iba pang estudyanteng babae. Gayunpaman, hindi maitatangging maganda talaga siya kahit morena pa. Pilipinang-Pilipina talaga ang kaniyang hitsura."Beast mode 'te?" Pang-aasar niya nang humaba ang pagtitig ko. Pinipigilan kong makiayon sa kaniyang mood kahit pabigay na ako. "Siguro naistorbo na naman ang tulog mo," dagdag pa niya saka tumawa na para bang walang bukas. Hindi ko na napigilan mahawa sa kaniyang tawa.Mukhang siya rin ay makakasama ko sa baba. Naalala kong kagaya ko, presidente rin pala siya ng kaniyang klase.Lumiko kami sa parteng hagdanan pababa. Sinuyod namin ang sunod-sunod na hagdanan bago marating ang unang palapag.Sa baba ay walang ibang madadatnan kundi ang laging senaryo sa oras ng lunch break. Hindi mahulugang-karayom ang canteen na nasa pagitan ng aming building at ng kabila pa. Kaliwa't kanan ang mga naglalakad sa hallway, pati na sa labas nito. May ilan namang tumatambay sa may kataasang covered court sa tapat rin naman ng building kung nasaan kami. At nang humangin nang malakas, ang mga alikabok na nagmumula sa labas malapit sa damuhan ay dinadala papunta sa direksyon ng school gate kung saan labas-masok ang mga estudyanteng sa labas ng school bumibili ng makakain.Dumiretso kami ni Pauline sa ikalawang room pagbaba. Kumatok muna kami sa berdeng pintuan saka pinihit ang pahabang door knob. Hinila ko na ang pintuan saka pumasok. Si Pauline na ang nagsara noon."Good Morning, Ma'am," sabay naming bati sa dalawang babaeng guro na may kabataan pa na nasa harapan. Tumango lang ang isa sa kanila at inilahad ang kaniyang kamay sa tatlong puting mahahabang mesa.Gaya ng kaniyang instruksyon ay iyon nga ang ginawa namin. Pinili namin ang pangatlong lamesa at umupo sa puting monobloc chair.Pinagmasdan ko ang paligid at walang pinagbago ang munting library. Isang malaking metal na electric fan lang ang nagbibigay ng hangin sa silid. Mukhang ayaw ipagamit ang air conditioner. Nakasalansan ang mga bago-bago pang librong hindi naman pinapagamit sa mga estudyante sa bookshelves na hanggang bewang lamang namin. Nakapatong doon ang ilang mga tropeyo at sertipiko na natanggap ng Senior High School ng aming eskwelahan.Sa unang lamesa, makikita doon ang dalawang babae at dalawang lalaking estudyante na STEM (Science, Technology, Engineering, and Mathematics) students. Natukoy ko iyon dahil sa kanilang ID lace. Halatang-halata sa kanila na umaapaw ang katalinuhan. Kahit sino ay ganoon ang impresyon. Pare-pareho silang mga nakasalamin at disenteng-disente sa polo at blusang puti at itim na slacks. Mukha pang mga rich kid. Ang kanilang tindig ay masasabi mong kabilang talaga sila sa kanilang strand. Hindi ko alam kung bakit iyon agad ang una kong nahahalata sa kanila.Sa ikalawang lamesa ay dalawang babaeng ABM (Accountancy, Business, and Management) students. Ayos na ayos sila. Ang isa ay simple lamang habang ang isa naman ay puno ng kolorete sa mukha.Mukhang kami lang ata ni Pauline ang basang sisiw na pumunta dito.Isang sunod-sunod na pagkatok ang maririnig sa pintuan at bigla iyong bumukas."Good morning, Ma'am Jess, Ma'am Lory," sabay na bigkas ng dalawa pang bagong dating na babae mula sa ABM strand at dumiretso sa ikalawang lamesa. Huling pumasok ang isang babae at ang kaniyang kasamang bakla na pamilyar sa akin."Harley, Joey," si Pauline ang pabulong na bumungad sa dalawa. Ngiti lang ang ibinungad ko dahil dalawang pares ng mata ang nakabantay sa amin. "Good Morning, Grade 12 Academic Track students," si Ma'am Jess ang nagpanimula para makuha ang aming atensyon. Sabay-sabay kaming lumingon sa kaniya."I know we are interrupting your lunch but we need to settle things down as soon as possible," aniya."All of you were informed that you need to perform a theater play as your performance grade for the 2nd quarter in CPAR (Contemporary Philippine Arts and the Region) for the 1st semester. And today, you'll pick your main genre," si Ma'am Lory naman ang nagsalita, ang mismong may hawak sa aking section at ng kay Pauline."You've team up with another section and whether you like it or not, you'll work with them. As the president of your classes, you are responsible to disseminate the information and lead the whole group," paalala pa nito.Nagsimulang magdiskusyon ang dalawang guro patungkol sa criteria sa gagawing play. Mula raw sa script, costume at make up, hanggang sa mismong presentasyon ng stage play ay huhusgahan ng iba't ibang mga tao. Sinigurado nila sa amin ang bagay na iyon. Kami na rin daw ang bahalang maghati-hati ng trabaho sa mga kagrupo namin.Nang dumating na sa wakas ang oras na magbubunutan na ay napahinga na ako ng maluwag."Remi, ikaw na ang sa atin," ani Pau paukol sa 'kin. Hindi na ako nagreklamo dahil siya naman ang masipag na nagsusulat ng mga impormasyon.Nang makarating ako sa harap ay siyang pagbalik naman ng mga STEM at ABM sa kanilang mga upuan. Inilahad nila ang maliit na papel sa kanilang kapares. Nagsimula ang maliliit na ingay.Isang nakatiklop na papel na lang pala ang naroroon. Kakaalis lang rin ng kasamahan ko sa HUMSS at pumunta sa aming lamesa. Iyon na lang ang nabunot ko.Nang makabalik sa tabi ni Pauline ay agad kong ibinuklat iyon para ipakita sa kaniyaNapamaang ako sa nakita."Joey, anong inyo?" tanong ko sa katapat."Comedy?" Kahit siya ay nag-aalangan sa kanilang genre. "Ang inyo?" Balik na tanong nito."Historical?" Kahit si Pauline ay nagtataka. Sino ba naman kasing hindi magtataka sa genre na nakuha ko? O sa madaling salita, ang mag-aalinlangan."Hindi ba mahirap 'yan?" Usisa ni Harley. Napakibit-balikat na lang ako."Remember, originality is a must. Own story, own script must be written by your group. It's up to you if you want to mixed it with another genre as long as you can show your main genre. If you still have some question, you can approach us," ani Ma'am Jess."It's just October when we gave you the task. You have a lot of time to prepare for your performance in the third week of January after examinations."Hindi na rin naman nagtagal ang meeting at nagsilabasan na ang ilang estudyante. Ang iba ay nanatili pa."Remi, hindi ka pa ba tatayo diyan?" Tanong ni Pau. Umiling muna ako bago sumagot."May itatanong lang ako kay Ma'am Lory," sagot ko habang nakatitig pa rin sa maliit na papel. Bigla akong nag-alinlangan sa nabunot ko at gusto ko munang maliwanagan. Alam ko naman ang depinisyon ng "historical" pero sa ngayon ay para bang gulong-gulo ako."Gano'n ba?" Parang nagulat pa siya sa sinagot ko. "Una na muna ako sa taas, may tatapusin lang ako sa isa naming subject," paalam niya. Bago pa siya makaalis ay muli kong kinuha ang kaniyang atensyon."Pau," panimula ko. Agad naman siyang napalingon. "Mamaya, meeting tayo. 2:30 pm after class. Pasabi na lang sa 12-B," abiso ko sa kaniya. Sumang-ayon na lang siya at nagmadaling lumabas sa library.Hinintay kong matapos magtanong ang dalawang pares sa dalawang guro na nasa harapan. At nang makalabas na sila sa silid ay tumayo na ako at agad tumungo kina Ma'am Jessica at Ma'am Lory."Ma'am, question lang po," kabado ko pang panimula. Naghintay lang sila sa akin na ipagpatuloy ang sinasabi ko."About sa historical na genre po namin. Medyo naguguluhan lang po ako kung paano po ba dapat ang gawin," pagtatapat ko sa kanila.Kung ibang genre lang 'to, malamang ay hindi na ako magtatanong. Alam kong uso ang internet pero gusto ko munang sa guro mismo manggaling ang sagot."Nag-aalinlangan ka ba sa nabunot mo?" Malumanay na tanong ni Ma'am Jess. Tumango lang ako."Don't worry, Miss Bailen. Hindi mo naman dapat ipag-alala ang genre na 'yan. It may be hard and different from the others pero malakas ang impact niyan sa audience," si Ma'am Lory ang nagsalita. "All you need is to research well and be careful about the informations you'll gather. As long as the setting and time ay naganap sa isang historical timeline, it will be fine. Challenging man pero iyan na ata ang pinakamagandang genre," masaya niya pang dagdag.Nagpaalam na siya sa amin ni Ma'am Jess nang biglaang may tumawag sa kaniyang cellphone. Katahimikan lamang ang namutawi sa natitirang guro na katapat ko.Napalunok ako dahil sa pagkailang na nararamdaman ko kay Ma'am Jessica. Nag-iwas rin ako ng tingin dahil hindi ko siya kayang tingnan ng diretso. Kahit pa man na pang-apat ko nang semester dito ay isang beses ko lang siya naging teacher kaya ganito ako sa harapan niya.Bumwelo ako sa pamamagitan ng paghinga ng malalim para sana mamaalam nang ibuka niya ang bibig at tuluyang nagsalita."Siguradong isa ka sa mga magsusulat ng inyong istorya. Ikaw na ang bahala kung paano mo iyon papatakbuhin dahil nasa kamay mo ang tadhana," aniya.Napatigil ako sa kaniyang sinabi at hindi ko inaasahang mapatitig kay Ma'am Jessica. Para bang napakahiwaga ng mga salita niya. Hindi rin ako sanay na nakukuha niyang mag-Tagalog ng ganoong kalalim gayong sanay akong nagi-English siya dahil sa hinahawakan nitong subject."Palawakin mo ang iyong imahinasyon. Buksan mo rin ang isipan mo. Siguradong makakaisip ka, kayo ng mga kasama mo, ng ideya bukod pa sa mga mahahanap niyong impormasyon," isang tingin ang itinapon niya sa akin at nakuha pa niya ngayong ngumiti."Better take your lunch. Malapit na mag-time," paalam niya saka ako tinapik sa balikat.Napatagilid ang ulo ko. Pinanood ko Ma'am Jessica hanggang sa lumabas siya ng silid. Puno ako ng pagtataka sa mga sinabi niya. Gano'n pa man ay pinili kong itatak sa isip ko ang mga sinabi niya. Mukhang makakatulong 'yon sa amin.Napagdesisyunan ko na umakyat na lamang ulit sa taas para ipabalita na rin ng agaran sa mga kaklase ko ang dapat naming gawin. Siguradong kakainin nitong play ang halos lahat ng aming oras sa susunod na sem kaya para hindi mag-hectic ang schedule, kailangang agad na kaming magplano.