Chereads / Somewhere Only We Know (Completed) / Chapter 5 - Crown 4 – Piece of Art

Chapter 5 - Crown 4 – Piece of Art

Crown 4 – Piece of Art

Hindi lumabas si Alessia sa kanyang silid.

Wala siyang balak na makisali sa paligsahan ng kanyang pamilya.

Hindi katulad kapag siya ay si Midnight.

Kapag siya ay nasa dark arena. Kapag siya ay nandito.

Mas malaya siya dito. Dahil walang edad o kasarian ang pagbabasehan.

Hindi katulad kapag nasal abas siya.

Hindi niya naiisip ang mga bagay-bagay.

Ito ang oras niya para sa sarili.

Napagod siya nang sobra sa black arena kaya dapat ay magpahinga muna siya.

Ito lang ang kanyang pahinga.

Ito lang ang pagkalayaan.

Ito ang kanyang fresh of breath air kumbaga.

Hindi niya alam kung bakit hindi niya maiguhit ng maayos ang mga likha niya.

Ngayon lang, ulit siya nagkaganito.

Wala siyang maiguhit.

Kung wala siyang mapagbabasehan.

Dapat may laman.

Dapat may ibig sabihin.

Dapat mahalaga.

Tumingin siya sa bintana ng kwarto niya.

Hindi katulad ngayon.

Nanunuod lang ang mga kababaihan sa gilid.

Maraming mga babae sa labas.

Nakita niya ang ganda ng scenery sa labas.

"Saan kaya hahanap ng inspirasyon?"

Napadako ang tingin niya sa labas.

Napatitig siya sa gawi ni Prinsipe Kyro at ang kanyang kasama.

Pati kay Deon at Avery sa may kabilang gilid.

Nakita niya kung paano ito nanunuod at magkatabi.

Naisipan na lang niyang sumali at iwan ang pag-gawa niya ng likha.

Medyo naiinip na siya sa loob ng palasyo.

Wala kasi siyang ibang magawa rin.

Kaya wala siyang choice kung hindi manuod na rin.

Hindi niya naisip na mag-isa lamang at mangmukmok.

Bakit kaya hindi na lang niya ilabas ang iginuguhit niya?

Kaya naisipan niyang lumabas ng silid dala-dala ang kanyang mga gamit.

Hindi naman masama diba?

Tinatantsa ni Alessia ang paligid.

Sa dami ng mga nandoon ay maari niya pa bang maiguhit ang lugar.

Hindi pa niya mapagdesisyonan kung anong gagawin.

Kaya ayun, iguguhit na lang niya ang lugar sa labas.

"Parang may kulang."

May nagsalita sa likuran niya.

Sino ang lalaking ito?

Patapos na ni Alessia ang kanyang pinipinta.

Maganda ang kanyang naiguhit.

Magandang tignan. Pwedeng ibenta.

Lumayo sa kanya si Kyro at pumunta kung nasaan ang likuran ng pinipinta niya.

Ano ba ang lalaking ito? Ang kulit-kulit.

"Kompleto na ba?"

Natatawang sambit ni Kyro kay Alessia na nakakunot ang noo.

Hindi niya nagustuhan ang ginawa nito.

Hindi talaga siya lulubayan ng prinsipe.

Kahit saan siya magpunta ay talaga namang makikita niya ito.

Kailangan niya na bang sabihin na siya si Midnight Alex?

Hindi maaari.

Hindi mangyayari.

Kahit kailan.

"Umalis ka dyan, hindi kita iguguhit."

Dahil hindi ako sanay sa pag-guhit ng tao.

Hindi niya masabi.

Pero hindi talaga umalis si Prinsipe Kyro.

Nagpatuloy ang pagpapansin nito sa kanya.

Ngumiti ito sa kanya,

"Bakit naman? Hindi ba ko kanais-nais?"

Panget ba siya?

Ayaw ba niya sa kanya?

Dapat na ba siyang umalis?

Hindi. Hindi niya gagawin.

Kanina pa nakangiti si Kyro pero mukhang hindi pa tapos ang nililikha ni Alessia.

Parang mangingimay na ang kanyang mukha sa sobrang tagal nitong magsabi na tapos na siya. Pinapahirapan ba siya nito?

Tawang-tawa si Alessia sa loob-loob niya kaso bawal.

"Usod ka konti sa kaliwa."

Utos niya dito.

May pagkapilya.

"Dito ng konti sa kanan."

Natatawa niyang sambit pero tinago niya ang kanyang mukha.

Napaniwala niya ito sa kanyang nais.

Hindi naman ito humindi sa kanyang kagustuhan,

Tinaas niya ang kanyang kamay para patigilin.

"Urong ka."

Sabi niya ulit rito.

Pinigilan ang ngiti.

Kanina pa niya tapos ang likha niya pero hindi niya masabi.

Hindi niya talaga ibinalita rito.

"Tapos na?"

Natatakot na sabi ni Kyro.

Hindi niya alam kung pinagtripan lang siya nito o ginawang katuwaan sa kanyang balak.

Natatawa siya sa kanyang loob.

"Saglit lang."

Hindi na napigilan ni Alessia na humalagpak sa tawa.

Kaya ayun, nailabas na niya ang kanyang sikretong pagtawa.

Lumapit si Kyro sa kanya.

Para tignan ang kanyang ginawa.

Tumawa silang dalawa kasi medyo iba ang iniisip nila na kakalabasan.

Ang saya ng kanilang mukha.

Sobrang tuwang-tuwa ang dalawa.

"Ibebenta mo ba kasi kung ako, sa'kin na lang 'to."

Sabi ni Kyro, tuwang-tuwa sa kanyang ginawa.

"Sa'yo na lang."

Nagkatitigan silang dalawa, tumingin naman agad si Kyro sa likha.

"Hindi, ibebenta ko. Hindi ko ibibigay sa'yo."

Bawi ni Alessia rito.

Pero ang totoo, ibibigay niya ito kay Kyro.

"Akin na lang para maalala kita."

Noon pa man ay magkakilala na ang pamilya nila.

Hindi naman kasi talaga sila magkaibigan o kung ano pero alam niya, kilala nila ang isa't isa.

Napapansin niya na ito noon pa man.

"Hindi ba ang remembrance ay para lang sa mga aalis?"

Sabi nito na ikinakunot niya ng noo.

"May balak kang magbakasyon, ano?"

Biniro niya ito kahit walang saysay ang kanyang sinabi.

Kahit alam niyang wala.

Alam niya talaga ay gusto niya lang iyong sabihin.

Nagsasalita ang kanyang mga likha para kay Kyro.

Siguro ay dahil nandoon ang kanyang mukha.

"Ano ka ba, sa papel ko lang ito nilikha. Hindi ko ito maibebenta. Ibibigay ko sa'yo kapalit ng isang hiling."

Hindi na nagdalawang isip pa si Kyro at pumayag.

Tumango siya sa kay Alessia.

"Sa kaarawan ko ay samahan mo ako habang pinapakilala ako ng aking mga magulang."

 Batid ang pagkaseryoso ng mukha ni Kyro sa sinabi ni Alessia pero pagkatapos ay ngumiti rin.

"Wala akong reklamo sa hiling mo. Bakit hindi?"

Agad na sumagot si Kyro kay Alessia.

Natutuwa siya sa offer nito sa kanya.

Tiniklop ni Alessia ang papel at nilagay sa bulsa ng kasuotan ni Kyro.

 "Ayan, ganap na tayong magkaibigan."

Nakangiti si Alessia rito.

Parang ito na lang siguro kabayaran niya sa kabayo na binigay sa kanya ni Kyro.

Bakit kasi hindi pa rin mahalata ni Kyro na iisa lang sila ni Alex?

Hindi ba't dapat siyang matuwa? Oo nga naman.

Seryoso lang ang tingin ni Kyro kay Alessia bago sila tuluyang magpaalam sa isa't isa.

Natuwa siya sa kanilang encounter.

Wala siyang masasabi.

Labis ang paghahanda ng mga Marcella sa kaarawan ng isa sa mga Marcella.

Sabay na gaganapin ang kaaarawan ni Deon Marcella.

Ito ang pinaka-aabangan nilang lahat.

Ang isa sa mga kaarawan ng prinsesa, kilala sila sa buong kabihasnan ng Elysian Kingdom.

**