Crown 3 – Choose Your Love
Naghain ng pagkain sa harapan ni Avery at Zeno.
Hindi niya agad naisip kung dito niya dadalhin si Avery dahil dito niya madalas dalhin ang kanyang mga kaibigan.
"Ang dami naman nyan, Axel."
Naasar si Zeno sa pangalan ni Axel pero ayos lang kung para sa binibining ito.
Sana makatulad din siya sa kanyang pinsan na maipares sa isang Marcella.
Iyon ang isa sa kanyang hiling sa kanyang utak ngayon.
Hindi na naman niya, mapigilang ngumiti.
"Lahat ng iyan ay para sa'yo."
Hindi mapigilan ni Avery ang sobrang tuwa.
Hindi niya inaasahan na makikita niya ulit ang lalaking ninais niya lamang sa kanyang panaginip.
"Bakit mo pala ako hinahanap?"
Kating-kati na si Zeno na tanungin sa kanya.
Bakit nga ba si Axel Tresvenor ang swerteng lalaki.
"Kasi kung iisipin, matagal mo na siguro akong hinahanap."
"May pinangako ka na hindi pa natutupad."
Ngiti lang nito bago nilantakan ang pagkain.
Siguro ay nakikitaan na siya na sobrang mahal siya ng kanyang pamilya kaya siya nag-gagala lang sa black arena para magsaya.
Nagiisang anak lamang siya ng mga Augustus.
Dalawa ang kanyang pinsan, na hindi ko pa kailanman nakikilala.
May pagka-isip bata siguro si Kyro base sa naiisip ni Alessia.
Nung una, oo, naiisip niya ito.
Pero naisip din niyang hindi pala.
Normal na pala dito ang maging pala kaibigan.
Kanina pa niya tinitignan si Prinsipe Kyro na nawalan ng malay.
Sobra na siguro kung malalaman mo kung sino siya.
"Mas maganda kung sabihin ko ito bilang Alessia Marcella."
Bulong niya sa sarili.
Nahimasmasan na si Prince Kyro kaya naman ay winisikan ng tubig ni Alessia ang mukha nito para mas magising pa.
"Kumusta ang iyong panaginip, mahal na prinsipe?"
Napalayo ang katawan ni Kyro sa binanggit ni Alex sa kanya.
Ano ba naman ang iniisip niya at bakit siya pa ang nagpaligtas sa babae.
Hindi ba niya kaya ang kanyang sarili. Nakabenda ang kanyang brasong may tama ng daplis ng saksak.
Hindi ba dapat siya ang nagliligtas dito.
Nilinga niya ang paligid.
Napanaginipan niya si Prinsesa Alessia.
Ang kanyang mapapangasawa. Siguro't hinahanap na siya sa kanila.
Napakaganda siguro ni Alex dahil sa kanyang ngiti pero kailangan itago ang kanyang mukha, nakakapanghinayang kumpara kay Prinsesa Alessia na kahit laging seryoso sa mga tao sa paligid niya.
"Hindi ba ako sapat na pagkatiwalaan ngayo't niligtas na natin ang isa't isa sa pag-akyat sa langit?"
"Hindi ka dapat magtagal dito kung gusto mong maabutan ang paligsahan sa mga Marcella."
Yun na lang ang sinagot niya sa makulit na prinsipe.
Nakasuot naman ito nang puting kapa at ang kanyang hindi makamatayang maskara.
Kaya halatang nananaginip lamang siya kanina.
"Siguro kailangan ibalik mo muna iyon."
Itinuro niya ang kabayo habang nakaupo sa lupa malapit sa talon.
Nakaupo naman sa bato si Alex habang pinapanood siyang matulog kanina.
"Siguro ay mahal ang bili mo sa kabayo. Ibigay mo na lang sa'kin bilang bayad sa pagligtas sa iyong buhay."
Natutuwang lumakad ito sa kabayo nakatali sa puno.
"Pamana 'yan ng reyna't hari, kaya dapat mong ingatan."
Seryoso niyang tinignan ang mga mata nito.
"Pero ihatid mo muna ko sa'min."
Natatawa si Alessia sa sunod na sinabi nito sa kanya.
Iniaabot ni Alex ang kamay kay Kyro na balak siyang itaas paakyat ng kabayo.
Bumaba ang kapa na puti ni Alessia.
Nakita ni Kyro ang batok ni Alex.
Naamoy niya ang natural na amoy nito dahil sa sobrang lapit.
Naalala niya bigla ang mga halaman sa kanilang garden.
"Hindi ka ba nahihirapan?"
Tanong ni Alessia sa prinsipe.
Nakatingin din ito sa kanya.
"Kung ikaw ay ipapakasal sa isang tao na idinikta sa'yo. Dapat mo bang sundin ito?"
Nanlaki ang mata ni Alex sa sinabi ni Kyro.
Yumuko na lang siya kasi sobrang lapit nito sa kanya.
Nakayakap na ito halos sa kanya.
"Ang hirap naman pa lang maging prinsipe."
Medyo sumeryoso ang mukha ni Alessia.
Hindi alam ng prinsesa ang mararamdaman niya.
Bata pa lamang silang dalawa.
Dalawang taon ang tanda nito sa kanya.
Kaya hindi alam yung isasagot niya.
"Ang bata-bata mo pa, kasal agad?"
Natatawang banggit ni Alessia.
Pinapakiramdaman ang sarili.
"Hindi ko masasabi pero kung ako iyon, kung gusto ko rin naman ang taong iyon. Bakit hindi? Kung mayroon ka na, bakit mo susundin, hindi ba?"
Sambit ni Alex sa kanya.
Napakunot ang noo ni Kyro, hindi ito ang sagot na gusto niyang marinig.
Natutuwa siya rito.
Nakuha agad nito ang atensyon niya.
Gustong-gusto niyang malaman ang susunod nitong sasabihin.
"Kung ikaw ba, gagawin mo?"
Mapang-asar niyang salita rito.
"Siguro kung makakabuti para sa'kin."
Nakangiting sulyap ni Alessia rito.
Habang lumabas sa kanyang utak ang mukha ni Kyro Augustus na nakasayaw niya noon.
"Hindi mo pipiliin yung minamahal mo?"
Natatawang sagot ni Kyro habang nakatingin sa daanan.
"Pipiliin pa rin."
Makahulugan nitong sagot sa kanya.
Napakunot ng noo si Kyro sa sagot ng dalaga sa kanya.
Para namang nanlumo siya.
Bakit para siyang naghahanap ng kabuluhan pero wala siyang mahanap.
Kaya tumawa na lang siya, baka kasi nagbibiro lang ito.
Nang makita ni Alessia ang palasyo nila.
Nahinto rin si Kyro na parang may iniisip.
Bumaba na rin ito sa kabayo.
Bago pa ito makapagsalita ay umalis na siya.
Kailangan na rin niyang magpalit para makapasok sa loob ng kanilang palasyo sa likuran.
"Magkikita pa rin naman siguro tayo, hindi ba? Ano ang iyong tunay na pangalan?"
Isinigaw nito.
"Sikretong malupit na dapat itago sa baul."
Natatawang sigaw nito pabalik.
Natawa bigla si Kyro sa sagot nito.
Hindi talaga niya matanggal ang ngiti niya.
Napabalikwas nang bangon itong si Kyro.
Nakakumot ang kanyang katawan.
Nagamot na rin ang sugat niya pero wala ang babaeng huli niyang nakita at bukod doon, ang babae rin sa kanyang panaginip.
"Siguro ay nagpapahiwatig na bisitahin ko na si Alessia."
Walang hiya ang tadhana, nahimatay pala siya sa harap ng palasyo ng mga Marcella.
Buti na lamang ay nahanap siya ni Prinsesa Alessia.
Kulang na lang ay higupin ng sahig ang dugo ni Kyro kaya na lamang ay siya'y nahimatay.
Nakakatakot na ang madugo pero mas natakot si Prinsesa Alessia dahil magkasama si Axel Tresvenor at ang kanyang kapatid, si Avery dala ang basket niyang may mga gulay pagkatapos mahimatay ni Prinsipe Kyro.
Isang masamang pangitain ang makasama sa isang silid ang isang Tresvenor.
Isang makabagong hayop.
Hayok kasi ito sa laman ng mga babae, sa madaling salita, isang babaero.
Alam niyang ito ang nasa litrato ni Avery.
Laman ng balita-balita na ang batang nakatira noon sa tabi ng kanilang palasyo ay lumaki matinik sa mga babae.
Pagkatapos noon ay nagsibalikan na sila at pinanood na maglaban ang mga kalalakihan sa palasyo.
Sobrang lala ng sakit na nadarama ni Kyro.
Kumirot ang kanyang pisngi at sugat.
Hindi sumali si Zeno at Kyro sa paligsahan.
Nakangiti silang dalawa na nakatayo sa kanilang mga pwesto.
"Kung ako sa'yo, wag mo muna ipakilala ang sarili mo kay Alessia Marcella."
Nauna si Zeno na magsalita.
Alam ni Kyro na hindi pa pwede sabihin hanggang hindi ito natungtong sa tamang edad.
"Hindi naman ako katulad mo na, nagpapakilala sa lahat ng mga babae."
Banat pa niya rito.
"Kung ikaw tatanungin, Una o pangalawa?"
Turo niya sa mga grupo na magkalaban.
"Syempre, Una. Ipapakilala pa kita kay Avery Marcella kapag ikaw nanalo."
"Sige, akin na ang pangalawa."
Pagkakataon na ata ito ni Zeno para magpakilala bilang Zeno Willard habang maaga.
Lumusong si Axel sa tubig.
May treasure chest na kailangan silang kuhanin sa ilalim ng tubig.
May takot si Zeno sa tubig kaya hindi siya maaaring lumangoy.
Kaya ang isa pa niyang kapatid ang nag-akyat ng bandera ng mga Willard.
Natatawa si Zeno kay Axel na sobrang laki ng ngisi.
"Kung hindi lang sa tubig, siguro ay sumali na ko."
"Hindi ka naman kasi marunong lumangoy."
Pang-asar ni Kyro sa kanya.
Napatayo si Avery nang banggitin ang pangalan ni Axel Tresvenor bilang nanalo sa laban.
Habang nakatitig sa isa pang Axel Tresvenor.
Isang lapastangan. Napakasamang nilalang sa kanyang paningin. Manloloko.
Nagkatitigan si Avery at Zeno sa may gitna ng dagat.
Umalis si Avery sa kinatatayuan at sumunod naman si Zeno.
"Kung ganon, Sino ka?"
Kinuha ni Zeno ang piraso ng buhok ng dalaga.
"Sa totoo lang, Zeno Willard ang pangalan ko at interesado akong kilalanin ka."
Hinalikan ni Zeno ang kapirasong buhok ni Avery Marcella.
**