Chereads / Somewhere Only We Know (Completed) / Chapter 3 - Crown 2 – Uncleared Identity

Chapter 3 - Crown 2 – Uncleared Identity

Crown 2 – Uncleared Identity

Nagsuot nang kaswal na kasuotan ang dalawang prinsipe ng Elysian.

Hindi talaga maaya ni Kyro si Zeno kaya upang mapapayag niya ito ay sinabihan niya itong ipapakilala sa mga kababaihang kilala niya.

"Hindi ko alam kung bakit nandito tayo? Hindi ba dapat hinahanap natin si Midnight? Para makapasok ulit sa black arena?"

Sunod-sunod na tanong ni Zeno.

Tama naman ito sinasabi niya.

Pero mas importante na ibalik ang kanyang lakas dahil sa sobrang pagod kagabi sa paghahanap nang kabayo nito sa kagubatan.

Ilang araw din nilang pinaghahanap ang kabayong ninakaw ni Midnight.

Wala ring nakakaalam kung sino siya.

Hindi binanggit ang totoo niyang pangalan.

Nakahilera ang iba't ibang uri ng paninda sa kalye.

Hindi alam ni Kyro ang nais ng dalaga. Hindi siya makapili.

Dahil noon ay mga magulang niya ang gumagawa noon.

Ilang buwan na lamang ay kailangan na niyang magpakilala sa kanyang mapapangasawa.

Ang reyna ng kanilang kaharian sa Pristine at ang kanyang ituturing na reyna.

"Ito ang ibibigay mo sa kanya?"

Tanong ulit ng makulit na si Zeno. Hindi makapaniwala.

Dahil madalas ay alahas o kaya kasuotan ang ibinibigay nang kalalakihan sa mga kababaihan.

"Lahat naman siguro ng babae, mahilig sa bulaklak."

Tugon nito sa kanya. Hinawakan ang isa sa mga iyon.

"May punto ka dyan. Kahit sinong babae ay matutuwa sa iyong regalo. Ngunit hindi ba't hindi ito ang palaging ibinibigay sa kanila? Hindi naman dapat ikaw yung gumagawa nito diba? Gaano kaespesyal ang babaeng ito, mahal na prinsipe?"

May sarkastikong tunog sa kanyang boses.

"Hindi siya espesyal, Zeno."

Ginaya nito ang kanyang tono.

"Sabi ng mahal na reyna, kailangan ako daw ang pumili ng regalo dahil sa nalalapit na kasalan."

"Hindi naman nila malalaman na ikaw ang pumili?" Natatawang banggit niya sa'kin.

"Hindi ako makapili at hindi ako pwedeng tumanggi sa aking ina."

Ang dami kasing mga bulaklakna nakahilera.

Hindi ko rin alam kung alin dyan ang magugustuhan nito.

"Ako na lang pipili."

Sambit ni Zeno.

"Hindi pwede."

Sagot naman ni Kyro sa kanyang pinsan.

Nagsalita ang nagbebenta ng mga bulaklak.

"Sa hardin namin, may kaakibat na ibig sabihin ang mga yan. Hindi lang basta pinipili ang mga ito."

Tumango si Zeno sa tindera,

"Ako'y sumasang-ayon doon. Pero mas maganda kung yung pinakamabenta na lang piliin natin."

Yun ang sabi ni Zeno pero ako pa rin ang pumili.

Dala-dala ko yung basket ng bulaklak. Ipapadala ko na sa kanila.

Sana nga'y magustuhan niya ang ipapadala ko.

"Kanino yan galing?"

Inusisa ni Deon ang laman ng basket na may sulat.

Pinsan ni Avery at Alessia.

"Hindi ko rin alam."

"Alam ko na. Isa sa mga anak ng kilalang pamilya? Pwedeng sa mga Tresvenor?"

Mabilis na tanong ni Avery.

Nakasaklop pa ang dalawang kamay. Parang nanaginip.

Inagaw ni Deon ang mga bulaklak,

"Hindi, sa tingin ko ay galing sa mga Willard? Siguro ito ay para sa'kin galing sa kanya."

Hula ni Deon, na seryoso ang mukha kanina na napangiti.

"O baka sa anak ng mga Augustus?"

Ngiti ko sa kanilang dalawa.

Nagkatitigan kaming dalawa ni Avery.

Habang inagaw naman ni Avery kay Deon ang mga bulaklak.

"Ikaw ba si Binibinining Alessia? Hindi naman, hindi ba? Hindi iyan para sa'yo."

Sabi ni Avery kay Deon na nakahalukipkip.

Binalik ko kay Deon ang bulaklak,

"Sayang lang, Nakakalimutan niyo na ba? Hindi ako pwede sa bulaklak, sa'yo na lamang ito, Deon."

 Umaliwalas ang mukha nang kanyang pinsan na si Deon.

Magkaedad lang si Deon at Alessia habang si Avery ang mas bata sa kanilang dalawa ng kanyang kapatid na si Alessia nang isang taon.

Ipinasa ni Deon kay Avery ang bulaklak.

"Hindi ako kumukuha nang pagmamay-ari nang iba. Bukod doon, hindi ako tumatanggap nang hindi ipinadala para sa'kin."

Ngumiti siya kay Avery at naglakad palayo sa'min.

Sa malayo ay hindi nila inaasahan na nanonood si Zeno at Kyro.

"Bakit ba gusto mong malaman kung sino sa kanila?"

Sabi ni Kyro sa makulit na si Zeno na ayaw talagang paaawat hanggang hindi nalalaman ang babaeng nakatakda para sa'kin mula lang nung pinanganak ako.

Nakangiti pa rin si Kyro sa kanya.

Dahil alam niyang hindi mahuhulaan nito.

Dahil pinagpasa-pasahan nila ang bulaklak.

Natatawa si Kyro sa nangyari.

Lalo tuloy maguguluhan si Zeno.

"Si Avery Marcella?"

Tumaas ang boses ni Zeno.

Hindi siya makapaniwala.

"Hindi nga?"

Nagseryoso bigla si Zeno.

"Kapatid niya."

Ngumiti si Kyro kay Zeno.

"Hindi pala dapat ako mag-alala."

Sabi ni Zeno kay Kyro habang nakangiti.

Hindi sinagot ni Kyro iyon.

Kaya naghiwalay na sila nang landas noong pag-uwi para naman sa gabi, ang susunod.

Gamit ni Kyro na mag-isa ang isa pa niyang kabayo.

Sumakay siya at papaalis na nang palasyo.

Natapos din ang lahat ng plano nila ni Zeno.

Pero may isa pa dapat silang gagawin.

Hindi niya pwedeng gamitin ang kurwahe nang kanyang pamilya.

Hanggat hindi pa rin siyang napapakilala bilang hari o kung kailan lang siya lalabas man siyang bilang prinsipe.

Hindi maintindihan ni Kyro si Zeno.

Kung bakit nasa gitna siya nang flea market ay biglang naglaho na parang bula si Zeno.

Hinabol ni Zeno ang kanyang hininga nang mawala bigla sa kanyang paningin si Kyro.

Hindi niya alam kung bakit ba siya minalas ngayong araw.

Muntik nang masira ang araw ni Zeno Willard kung hindi niya nasilayan si Avery Marcella.

Babaeng hindi pa siya kilala.

Nalaglag ang panga ni Avery nang magtugma ang litrato na hawak niya.

Iba lamang ang itsura nito sa litrato.

"Axel Tresvenor? Muli tayong nagkita."

Tumawa si Zeno sa narinig.

Interesado siyang muli sa kanyang pinsan.

"Anong ibig mong iparating, binibini?"

Ngumisi siya at nag-abot ng kamay.

Kinuha ni Zeno ang kamay ni Avery.

"Nagagalak din kitang makita, binibini."

Hinalikan niya ang kamay nito.

Tinitigan muna si Avery si Axel bago tinago sa basket ang kanyang dalang litrato.

Binawi niya ang kanyang kamay.

"Ngunit kailangan ko nang umalis."

"Sasamahan na kita."

May biglang humiyaw nung magsalita si Zeno.

May mga nag-suntukan sa kalye.

"Hindi kita maaring asahan."

Inismiran ni Avery ang kanyang kasama.

"Ngunit ako ang lalaking nasa litrato iyon."

Tanda pa ni Zeno ang pangalan ni Axel sa likod ng litrato.

"Hindi ako nakakasigurado."

Lumakad muli si Avery pero sinundan siya ni Zeno.

"Hindi pa ba sapat ang itsura?"

Binawi ni Zeno ang litrato kay Avery nung muli niya itong ilabas.

Sumunod si Zeno kay Avery na patuloy na naglalakad.

Pawis na pawis si Kyro sa pakikipagbakbakan sa pangalawa niyang kalaban.

Hindi pa rin niya masilayan si Midnight Alex.

Kulang na lang ay mabali ang kanyang leeg kakalingon sa mga tao.

"Bakit ka sumali sa ganitong kaduming paligsahan? Pakiramdam ko ay hindi ka ganitong klase tao."

Tanong ni Kyro sa pang-apat niyang katunggali.

Natatawa si Kyro sa itsura niya dahil hindi man siya nakapag-ayos.

Mukhang kakapasok lamang nito at siya ay mukhang hinabol ang tatlo kabayo sa loob ng isang box.

"Sasagutin ko lamang yan kung matatalo mo ko."

Natatawang banggit ni Alex sa kanya.

Hindi alam ni Alessia kung anong pumasok sa utak niya at nagawa niyang magpatalo kay Kyro.

"Dahil ito lamang ang nagpapalaya sa'kin."

Ngumiti muna siya bago ibigay ang kanyang kamay sa binata.

Inabot ni August ang kamay ni Alex.

Umabot na sa mga tao kung gaano kalakas si Dark Lord o si Kyro sa mga tao.

Bilang Dark Lord ay hindi nila alam ang prinsipe ng kanilang bansa ang kanilang kalaban.

Sobrang mababa ang tingin nila kay Midnight dahil ito ay isang babae.

Ngunit ito ang prinsesa ng kanilang angkan.

Nagbubulungan ang makikisig na lalaki sa gilid habang nag-uusap si August at Alex.

"Hindi mo pa rin ako natalo pero sinagot ko pa rin naman. Dapat mo rin sagutin ang tanong ko."

Dugtong ni Alex nang papaalis sa gitna.

"Hindi ba dapat ang mga prinsipe ay nag-aaral sa kanilang mga silid kung paano maging mabuting hari."

"Shhhhh!"

Tinakpan ni Kyro ang bibig ni Alex.

"Hindi mo alam sa likod ng iyong maskara ay may nakatagong sikreto?"

"Hindi ka magsusuot ng maskara at kapa nang wala lang."

Pinagmasdan ni Kyro ang suot ni Alex ngayon.

Nakaputi itong kapa na may pulang maskara sa kaliwang mukha at itim sa kabila.

Nakasuot ito nang pang-alis na kasuotan.

Panglalaki ang tabas ng suot na may golden lace sa bawat gilid.

"Kung ganon ay hawak mo ang aking buhay."

Tinanggal ni Alessia ang kanyang kapa sa kanyang buhok.

Nang bigla silang tapatan ng mga sandata ng dalawang lalaki.

Nahati sa gitna ang kapa ni Alessia na ikinabahala niya.

Umiwas siya at hinala palayo si Kyro na balak ba sanang ilabas ang kanyang itak.

"Dapat iligtas ang mahal na prinsipe."

Tumatawang banggit ni Alex.

Pero tumigil si Alex nang makitang may tatlo pang nakaabang sa pinto.

Dumako sila sa kabila at tumakbo nang magkahawak ang kamay.

Pero si Alessia ang hindi mapakali dahil kilala niya ang lalaking kasama niya.

Anak ito ng mga Augustus.

Pinsan ito ni Zeno Willard na binanggit ni Deon na kanyang mapapangasawa sa susunod na habang buhay.

Nagkahiwalay si Kyro at Alex.

Natagpuan ni Alex ang gubat kung nasaan ang agusan ng tubig sa gilid.

Ang Pristine Falls.

Umiilaw ito tuwing umuulan. Ngunit dugo ni Alessia ang nagsilbing kulay ng tubig.

Dumudugo ang kanyang kaliwang binti.

May putik sa kanyang buhok at dugo sa iba't ibang parte ng kasuotan niya.

Humamba ng suntok si Kyro sa isang lalaking nakahanap sa kanya.

Dumugo ang kanyang bibig.

Nasa gitna siya ng mga puno na nakapaligid sa kanya.

Naliligaw ata siya.

Hawak niya ang balikat niyang nasaksak.

Naglakad siya pagkatapos niyang takasan ang kalaban.

Nang may makita siyang babaeng nakatalikod na naliligo sa gitna ng mga talon.

May tattoo ito sa likod ng binti sa likod, tatlong ibon na makulay.

Ngumiti muna siya bago nawalan nang malay.

"Alessia."

Sambit niya sa kanyang panaginip.

Siguro matatapos na lang ang buhay niya nang hindi pa naikakasal.

Nalilito siya paano naman makakapunta si Alessia sa lugar na ito.

**