Crown 1 – Steal My Attention
Hindi maintindihan ni Kyro ang ibig sabihin nang kanyang mga magulang.
"Dahil ikaw ang aming panganay na anak, Ikaw ang unang ikakasal."
Yun ang binanggit sa kanya nang kanyang ina ngunit hindi na nadagdagan ang kanilang anak.
"Hindi mo pa maaaring sabihin ito sa mga tao. Ang Augustus ang pinakamalakas na pamilya kaya dapat ikasal ka sa pinakamalakas din na pamilya, ang mga Marcella."
Nakangiting sambit nang kanyang ina.
Medyo kinabahan siya sa kanyang nalaman.
Nakalaan na kay Kyro Augustus ang isa sa mga anak ng mga Marcella.
Laging siya ang nababanggit sa kanya ng aking ina.
Itong babaeng ito ang gusto nila para sa kanya.
Walang iba.
Ito ang tunay na prinsesa na bagay sa kanya para sa kanyang mga magulang.
Nakadugtong na ang apelyido ko sa pangalan ng babaeng hindi pa rin kilala ni Kyro hanggang sa araw na ito.
Kung hindi pa dumating ang kaarawan ng isa sa mga Marcella ay hindi pa niya malalaman kung sino ito.
Nalaman na niya kung sino ito.
Engrande ang lugar.
Sobrang maliwanag at makinang.
Nakakasilaw na mga ilaw ang nakapaligid.
Makinang ang napakalawak na palasyo.
Maraming mga pagkain ang nakahain.
Iba-iba ang potaheng nakahanda.
Nakakatakam sa mata at sa bibig. Nakakapaglaway.
Hindi maaaring hindi dumalo ang nag-iisang anak ng mga Augustus.
Hindi maaaring hindi pupunta ang isang Augustus na katulad niya.
Isang prinsipe ng Elysian Kingdom.
Ang pinagpipilian upang susunod na hari.
Kyro Augustus is a mysterious man.
Hindi siya masyadong nagpapakilala sa mga tao.
Isa siyang misteryosong lalaki, Isa siyang nakakabighani sa kanyang ugali.
Hindi siya matatanggi na isa sa mga nakakapukaw ng atensyon na lalaki.
Hindi maaaring isiwalat na siya ang mahal na prinsipe kaya pumupunta lamang siya doon bilang isa sa mga dumadalo.
Hindi kasi pwedeng malaman hanggang hindi siya ang crowned prince.
Hanggang hindi siya nakokoronohan.
Magkasamang ulit ang dalawang prinsipe.
Ang dalawang magpinsan na kilalang-kilala sa kanilang kagwapuhan.
Sa kanilang reputasyon sa kanilang mga parties na pinapalakad ng kanilang mga pamilya.
Natural na sila ay prinsipe kahit hindi nila ipakilala.
Hindi man alam ng mga commoner na mga tao na sila ang prinsipe pero alam na alam ng mga may mga pangalan na pamilya ang kanilang estado sa Elysian Kingdom.
Ang kanilang estado sa buong lugar at buong palasyo.
Isa rin sa mga pinsan niya ang dumalo.
Si Zeno Willard, ang isa sa mga pinagkakatiwalaan niya sa palasyo.
Pareho nilang alam na pareho silang kandidato bilang itatanghal na tagapagmana.
Hindi pa nila masyadong naiisip kung sino iyon sa kanilang dalawa.
"Sino sa kanilang tatlo ang tinutukoy mo?"
Nakatawang tanong ni Zeno kay Kyro na kanina pa seryosong nakatingin sa mga ito.
Nailinga-linga siya sa paligid para alamin kung sino ang swerteng babaeng binanggit sa kanya ng isa pang prinsipeng matalik niyang kaibigan.
"Malaki ang chansa na ang dalawang magkapatid ng mga Marcella ang mapalad na babaeng iyon. Sino sa kanila at bakit ka nagkakaganyan?"
Dagdag pa ni Zeno na lalong ikinabahala ni Kyro.
Nakasuot ng parehong puting tuxedo ang dalawang nag-gagwapuhang prinsipe.
"Hindi ko pa maaaring sabihin hanggang hindi pa siya tumatapak sa tamang edad."
Nakangiting sagot ng mahal na prinsipeng si Kyro.
Nakangiti si Kyro sa mga dumadaang mga tao.
Hindi niya masabi kung sino dahil hindi pa pwede.
Pero mapipigilan pa ba niya.
Kumuha siya nang baso ng wine sa isa sa mga katulong.
"Kung ganoon, siguro ay hindi siya kaaya-aya sa iyong paningin? Kaya hindi ka masayang malaman?"
Sambit niyang ikinagulat ni Kyro.
Hindi naman ganon ang kanyang ibig sabihin.
Hindi lang niya inasahan kung sino ito.
"Oo naman, maganda naman siya. Hindi siya mababansagan ng kapangitan."
Natawa si Zeno sa sagot ni Kyro,
"Hindi naman ako susuway sa utos ng mga magulang ko kung para naman ito sa aking pamilya."
Dugtong pa nito, sigurado sa kanyang desisyon.
"Ang akin lang naman ay dapat lahat ng katangian niya ay tugma sa'kin."
Natahimik si Zeno sa sunod na sinabi ni Kyro.
Tumango siya at ngumiti rito pabalik.
"Ang akin lang din ay sana hindi tayo magkabanggaan."
Sumagot itong si Zeno sa kanya.
"Hindi iyon mangyayari."
Ngumiti rin si Kyro sa kanyang pinsan at pinagdikit ang kanilang mga baso.
Alam na nila kung sino ito.
Na walang binabanggit kung sino ito exactly.
Nagbigay na sila ng clue sa isa't isa na hindi sila susuway sa kanilang mga principles bilang magkaibigan na prinsipe.
Nagsimulang nang tumugtog ang musika na nagsasabi sa kanilang magsisimula na ang sayawan.
Madaming tao ang dumalo pero hindi ata papayag si Kyro na hindi isayaw ang isa mga binibining kanila pa nila pinagmamasdan.
Maraming sumayaw na mga kalalakihan sa mga prinsesa ng Marcella.
Isa siya sa mga iyon.
Hindi niya palalagpasin ang pagkakataong maisayaw ang mga prinsesang inaabangan ng lahat.
Hindi alam ni Kyro kung maaalala ba siya nito kaya nasabi niya rito na,
"Hindi pa ito ang tamang panahon para ay kami ay magkakilala."
Bago lumiban sa pagsasalo-salo.
Hindi niya muna babanggitin dito kahit magkasayaw sila kanina.
Dumilim na ang paligid sa labas. Malapit nang gumabi.
Talaga naming nagtagal ang salo-salo sa kaarawan ni Deon Marcella.
Pinsan ni Avery at Alessia Marcella.
Isa ito sa mga inaabangan ng may mga pangalan sa palasyo.
Hindi alam ng babae kung paano siya tatakas ngayong gabi dahil hindi niya alam kung paano makakaalis nang maraming may bisita pero naisip rin niyang napakadali pala kung tutusin.
Hindi kasi niya pwedeng sabihin sa iba ang kanyang hangarin, ang kanyang sikreto.
Kumuha siya sa isang silid nang damit na pangkatulong at sinuot iyon.
Dala-dala niya ang sako ng bigas na may tali.
Ihahagis niya ito sa pang-unang palapag para bumaba sa pang-unang palapag galing sa pangalawang palapag.
Kung nasaan pinasok sa loob nito ang kanyang kasuotan ngayong gabi, itim na kasuotan kasama ang maskarang nagtatakip sa kanyang mukha pati ang itim na kapang kanyang susuotin.
Ito ang kanyang trademark.
May lumabas na babae sa kanyang likod,
"Alessia, hindi ka pwedeng umalis nang wala ako."
Mahinang sabi ng babae sa kanya sa labas bago siya umalis.
Isang pamilyar na mukha ang lumabas rito sa kanyang paningin.
"Avery?"
Luminga muna siya bago pa may makakita sa kanilang dalawa sa labas ng bakuran.
May suot rin itong pangmaskara at kapa.
Balak din ata nitong sumama sa kanya.
Hindi niya alam kung bakit rin ito nandito.
Ngumiti ito sa kanya pagkatapos niyang magseryoso ay kinakabahan si Alessia,
"Nagulat ba kita. Pasensya na, Alessia. Hindi nila tayo mahuhuli. Alam kong sa kaarawan ni Deon ka tatakas kaya tayo na baka lalo pa tayong mahuli."
Tumakbo silang dalawa at sumakay sa kabayong itim.
Ito ang kabayong binili niya.
Isang itim na kabayo.
Malapit din sa kanya pero hindi na niya pinangalanan para hindi mahalata ng kanyang ama na ito ay kanya.
Kumakabog ang puso ni Alessia sa sobrang kaba.
Hindi niya alam kung bakit siya sobrang kabado.
Itim na abandonadong palasyo ang lugar sila pumunta.
Sikretong pagpupulong na may sikretong mga salita bago makapasok.
Yun lang ang nag-tatago nito sa ibang tao.
"Alex, Alex! Iyon ang itawag mo sa'kin. Hindi ako si Alessia ngayong araw."
Umiling ito pero mahinang niyang sinabi rito.
Hindi niya dapat banggitin ang pangalan niya kasi baka siya ay makilala sa kanyang kasuotan.
Lalo pa sa lugar na pupuntahan nila.
"Hindi ba, Berry?"
Sabay tawag ni Alessia sa bansag nito.
"Tama ba?"
Dagdag pa niya kay Avery na nagngangalan ding Berry bilang bansag.
Ang kanyang kapatid talaga ay makulit pa sa makulit.
Hindi ba nito alam na manganganib sila kapag nalaman na sila iyon.
"Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit sa dinami-dami ng pwede nating salihan at bakit dito pa?"
Sabi ni Avery habang hawak ang mask na susuotin ko at ipapasa niya kay Alessia.
Kahit madalas na silang pumupunta rito.
Hindi pa ba ito sanay?
"Hindi ka pa ba nasasanay?"
Seryosong sabi nito nang bilang ngumiti.
Sinuot ko ang itim na gloves sa kamay niya.
"Gusto ko nang simulan to."
Hindi niya sinagot ang tanong nito sa kanya.
Basta ang alam niya, kailangan niyang itong gawin.
Gusto niya itong gawin.
At patuloy niyang gagawin.
Dahil dito siya masaya.
"Alex, Itim na itim ang suot mo palagi? Hindi ba maalala ka na nila at baka ikaw ang puntiryahin. Baka may koneksyon na dyan ang bansag sa'yong Midnight?"
Ngumiti siya at ginamit ang kamay habang nagkukwento.
Nakakunot ang noo ni Kyro,
"Anong ganap ngayong gabi?"
Nagkatinginan si Zeno at Kyro habang lumalapit na sila sa mga nakaitim na lalaki na pakiramdam nila ay may kinalaman sa mga krimen na nangyayari sa lugar 'to.
Sobrang dilim at papatay-patay ang mga ilaw sa daan.
Isa ito sa mga delikadong lugar sa palasyo.
Isang madilim at kahina-hinalang lugar na dapat nilang bantayan.
Hindi nila alam na makakatunog ang mga gunggong na ito.
Kaya kailangan nilang maglabas ng mga armas.
Ang mga hayop na mga nagbabantay sa lugar ay nakahalata sa kanilang pagpasok na walang pass. Para makapasok.
Walang patunay na kasali sila roon.
Hinawakan ni Kyro ang paa nung isang gunggong at inihagis.
Isa sa mga Teknik na ginamit niya kay Axel nung bata pa lamang silang dalawa.
Inaral nilang tatlo nila Zeno.
Ang mga Teknik ng pakikipaglaban.
Hindi lamang ang etiquette sa pagkain kung hindi rin ang swordmanship.
Nilabas ni Zeno ang kanyang espada para itutok sa leeg nito.
Dito rin kasi siya magaling, sa espada kahit pa mas maalam si Kyro.
Mas magaling lang si Axel sa ibang technique pero mas maalam siya rito para sa kanya.
Ganun siya katinik sa espada parang sa mga babae.
Muntik nang masaksak si Kyro buti na lang ay inabutan ni Zeno nang espada.
Nalaglag kasi ang espada nito sa baba ng harapan niya kaya inabot niyang muli ito kay Kyro.
Wala itong nagawa kung hindi saluhin ang espada.
Para protektahan ang sarili niya.
Nagsimula na ang totoong away.
Nagkatalikuran sila ni Zeno dahil ang dami pa lang kalaban.
Hindi pa ito nagtatapos ng dito lamang.
Hindi niya lubos maisip na mapapalaban sila rito.
"Parang nagmumultiply ata sila, imbis na nauubos."
Sabi pa ni Zeno, medyo pawisan.
Nababanas sa mga tao rito.
"Gago, ang dami nila."
Naaasar pa nitong sabi pero ngumisi rin siya pagkatapos.
"Naubos na pasensya ko naubos kaya naubos rin sila."
Komento ni Kyro sa mga nakahandunsay na mga kalalakihan.
Ngiti na lang ang sinagot ni Zeno kay Kyro.
Kaya nagpatuloy lang silang dalawa.
Nang makapasok silang dalawa sa loob, hindi nila alam kung anong mararamdaman nila.
Nakapalibot ang mga tao sa gitna kung saan may dalawang naglalaban gamit ang lakas ng katawan.
Nakita rin nila ang hinahanap nilang dalawa.
Ayaw nilang isiwalat na sila mismo ang nagimbistiga sa nangyayari sa kanilang kaharian.
Kasi syempre hindi naman ito ang kanilang trabaho.
Kung hindi ay ang magbantay lamang.
Tumingin habang hindi sila ang hari ng bansa.
Pero hindi sila para tumindig lang.
Hindi naman niya pwedeng ipagkatiwala ang mga ito sa kanyang kawal lalo pa't may koneksyon ito sa isa pa niyang pinsang si Axel Tresvenor na hinala niyang may ginagawang kababalaghan.
Maaari din ama ito ni Axel Tresvenor.
"Nagpapatayan sila para sa pera?"
Umiiling na si Kyro sa kanyang nakikita.
Hindi niya masikmura ang mga nakikita niya.
Dugo ang nagsisilbing disensyo nang lugar na ito.
"Hindi ito tama, dapat hindi nila ipagpapalit ang buhay nila para rito."
Naiiling pa nitong sabi ulit.
Nanliit ang mga mata ko nung may dugo ang lumabas sa ulo nung nasa kaliwang katunggali.
"May kagaguhang taglay pala talaga ang mga ito. Bakit nila sinasayang ang buhay nila para sa kakurampot na pera?"
Sabi ni Kyro sa kanyang sarili.
"Ito lang ba ang kaganapan dito?"
Tanong ni Zeno sa katabi niya. Umiiling ito,
"Hindi, may karera rin dito. Gamit ang karwaheng umaandar gamit ang enerhiya at hindi nang kabayo."
Ayun ang naging tugon nito kaya pumunta sila sa isang tabi muna.
"Wala tayong ebidensyang siya ang may pakana nito. Kaya magmatyag na lang muna tayo dito."
Sagot ni Kyro kay Zeno.
Seryosong sabi nito habang naglilibot sila sa lugar.
Tumingin si Zeno kay Kyro bago tumingin sa mga nanonood,
"Hindi ba't maagaw ni Axel ang iyong trono kung patuloy ka niyang sinisirahan sa iyong pamilya?"
Nanliit ang mata ni Zeno sa kanyang hinala.
"Kaya nga, kailangan natin itong gawin para masabuti ang pamilya ko at ang bansang ito."
Seryoso rin si Kyro sa kanyang sinabi.
Para ito sa kanilang bansa at palasyo.
"Hindi pa kaya tayo sigurado."
Sagot ulit nito sa kanya.
Hinawakan nito ang kanyang baba.
Hindi mapalagay si Zeno kung bakit si Axel ang may kasalanan ng lahat ng ito.
"Kaya kailangan pa rin nating humanap nang paraan para matigil na ito."
Dagdag ni Kyro.
Ito ang kanyang unang plano ang matigil ang dark arena o black arena.
Sa loob nang bilog na tanghalan na napapalibutan nang mga tao ay nandoon siya't nakatayo.
Tuwang-tuwa ito sa sunod niyang narinig.
Hiningal siyang bahagya.
Si Alessia ang nasa gitna.
Alessia Marcella.
Pero hindi niya ito nakilala.
"Midnight!"
Itinaas ng lalaki ang kamay ng babaeng nakasuot nang itim dahil sa pagkapanalo.
Gumana naman sa kanyang ang kanyang narinig na nagpaganda nang kanyang pakiramdam.
Kanina kasi iba ang kabog nang kanyang puso kaya balak pa niyang sumali ulit sa susunod na labanan.
Nakahilata yung kalaban na kanina sa sahig at naghahamon kanina na parang wala siyang laban.
Sumunod na yung karera.
Hindi niya alam kung may natitira pa kong lakas.
Hindi niya na talaga alam kung tama pa ito.
Hindi ba't dahil lamang sa panandaliang saya at nakakatuwang karanasan kaya siya sumali.
Siguro tama si Avery, hindi na ko dapat pang tumuloy kung pagod na ko dahil masama ang kanyang kutob.
Masama kasi ang kutob rin niya dahil nadaplisan siya ng kalaban.
Pero kaya ko pa yan. Hindi naman ako nasanay ng ganito kung hindi ako nag-ensayo diba?
Nagkabungguan sila nung lalaking nakaputi pero parehong pareho ang estilo ng suot kong itim.
Ang pinagkaiba lang ay wala siyang maskara.
Si Kyro Augustus?
Nag-abot siya nang panyo.
"Ayos ka lang ba? Dumudugo ang braso mo pero nagmamadali ako, binibini."
Nagulat si Alessia nang mapansin ng lalaki ang kanyang kasarian.
Hindi ba't hindi naman ito halata sa kanyang suot.
Biglang nag-init ang kanyang dugo.
Nagulat siya nang maisip kung bakit at tinakpan niya ang kanyang dibdib.
Ito ba ang kanyang basehan?
Hindi pwede! Hindi pwedeng malaman na siya si Midnight Alex.
Hindi niya alam kung bakit andito si Kyro Augustus pero naaasar siya.
Hindi niya alam na may makakapansin sa kanyang disguise.
Hindi ba perfect disguise ang kanyang suot.
Tumawa ang lalaki.
"Paano mo nalaman?"
Tanong ni Alessia kay Kyro.
Nakakaasar naman ang tawa nito sa kanya.
Kahit sobrang gwapo nito at pawisan.
"Na babae ka?"
Dugtong niya sa sinabi ni Alessia.
Natumba si Alessia sa dibdib ng lalaki dahil sa pagkahilo.
Hindi niya inaasahan na mangyayari ito sa kanya.
Bakit kay Kyro pa?
Bakit dito pa siya nahulog.
Hindi niya alam na swerte siya na dito siya nahulog at hindi sa iba.
"Okay ka lang ba kasi nagmamadali na talaga ko."
Hinawakan niya ang balikat ni Alessia.
Nagmamadali na kasi si Alessia.
Hindi ba't mas maganda kung umalis na?
Napaurong naman si Alessia kaagad.
Naasar dapat pala hindi ako nagpahalata.
Nagising ang dalaga biglaan sa sinabi nito.
Nanliit ang mata niya
"Paumanhin, ikaw ay nagkakamali dahil ako'y isang lalaki."
Oo, nahuli siya pero hindi aamin.
Bumulong siya sa tenga ko.
"Hindi mo ko kailanman maloloko dahil alam ko na kaagad dahil sa iyong leeg."
Hinipan niya ang tenga ko tapos tumawa at tumakbo paalis.
Tinulak ni Alessia ang lalaki.
Dahil sa kanyang collarbone.
Dahil sa kanyang adam's apple.
Wala siya nito.
Hindi katulad ng mga ibang "lalaki."
Hindi na nakasagot si Alessia.
Tama kasi ito.
Bakit ba siya kasi pinapakialaman ni Kyro?
Ang kanyang kababatang makulit pa sa makulit.
"Sinong lalaki?"
Tanong ni Avery na kakarating lang nakamaskara rin, hindi kilala si Kyro.
Umiling siya,
"Kung kalaban ko siya. Tatalunin ko siya."
Pangako niya sa kanyang sarili at kay Avery.
Hindi niya pwedeng ipagpaliban ang sinabi nito para mapatunayan na siya ay lalaki.
Gagamitin niya ang kapangyarihan niya.
Ang superhuman strength.
Ang lakas niya.
Nagpahinga muna si Alessia sa likuran ng mga tao pagkatapos nang labanan.
Sinalubong siya ni Avery sa loob ng silid sa tabi ng likod ng mga taong nanonood.
Pagkatapos ng mga labanan ay nandito siya.
Nagpapahinga.
"Ikaw ang nagwagi? Hindi na ko nakanood kasi hinahanap ko yung kabayo natin."
Balita niya kay Alessia na ikinakunot ng noo ko.
Ano raw? Hindi nga? Tama ba ang narinig niya.
Hindi yon maaari. Nawawala ang kanilang kabayo?
Dinala siya ni Avery sa may mga taguan ng kabayo.
May pangalan nang may-ari ang bawat isa.
Kaya naman ay nagulat siya ng manakawan siya ng kabayo.
Hindi niya maaaring maiwala iyon.
Paano sila makakauwi ngayon?
"Paano tayo makakabalik ngayon?"
Luminga siya sa paligid.
Dahil wala pa naming tao dahil lahat ay nakafocus sa laro.
"Sino ang walang hiyang nagnakaw ng kabayo natin?"
Naaasar na sabi niya pero medyo mahinhin pa rin.
Kumuha siya ng isang kabayo.
Bahala na kung kanino ito.
Basta kailangan na nilang umuwi.
Kawawang nilalang.
Pasensya na lang sa taong nagmamay-ari nito.
Kung sino man ang August ang pangalan dahil iyon ang nakalagay sa labas ng kabayo.
Kawawa naman ito.
Basta gagawin na niyang nakawin din ang kabayo nito.
Nag-iwan siya ng sulat ng numero niya sa harap ng gate kung saan nakalagay yung kabayo niya.
Wala siyang ibang magagawa kung hindi kuhanin ito.
Sumakay silang dalawa ni Avery na nakasuot pa rin ng itim na damit habang siya ay yung pang alipin at cape.
Nagulat na lang ako ng may nagsalita sa likod.
"En, Nasan ang kabayo ko?"
Nilingon niya pabalik ang kabayo sa narinig niyang boses ng lalaki yung kaninang nakalaban ko sa karera at nakita siyang tumingin sa sulat.
Si Kyro Augustus pala si August at si Zeno Willard si En. Ang may-ari ng kabayo.
"Ayan na siya, Alex!"
Sigaw ni Avery.
Kaya hinampas niya ang tali ng kabayo at kumaripas ng takbo ang kabayo nito.
Medyo kinabahan silang dalawa.
"Wag kang mag-aalala. Wala na silang kabayo kaya hindi nila tayo mahahabol."
Nakangiting sabi ni Alessia sa kanyang sarili.
Natapos ang unang laban sa karera ay hindi na napigilan ni Zeno ang tawag nang kalikasan.
Kaya nagpunta ulit sila sa mga taguan nang kabayo kung nasaan ang banyo.
Hindi alam na matatalo si Kyro Augustus na isang babae pagdating sa karera.
Napakagaling nito.
Siguro dinaya niya ang karwahe ko?
O kaya binayaran lamang siya nang mga ito.
Unang naisip ni Kyro, na isa lamang itong laro na may kadayaan.
Hindi siya makapaniwala.
Kailangan nilang muling magkalaban.
Sa pangalawang pagkakataon.
At doon ay hindi na siya papayag na matalo sa susunod.
Hindi niya kasi maintindihan kung bakit ako nito matatalo kung gayon naman ako ang laging nanalo sa buong kaharian.
Dark Lord ang binansag kay Kyro Augustus.
Dahil sa unang beses pa lang ito ay pumangalawa na siya sa laging nanalong katunggali niyang si Midnight.
Isa pang kapalpalkan ang nangyari ngayong araw.
"En, Nasaan ang kabayo ko?"
En ang itinawag ni Kyro kay Zeno upang hindi sila makilala.
Sulat lang ang nakita niya kung saan niya iniwan ang kabayo niya.
"August, hindi ko alam. Baka hindi mo lang napansin. Kailangan na rin nating magmadali kasi yung mga gunggong sa labas ng dark arena ay nakaabang sa atin."
"Kapag kailangan mo nang tulong ko. Tawagan mo lang ako. Ito ang numero ko. 11xxxx. Kapalit ng paghiram ko ng kabayo mo???"
Nakakunot noo siyang binabasa ang sulat na iniwan nito.
Napataas nang konti ang boses niya.
"Lapastangan! Ibalik niyo yung kabayo!"
Sigaw ni Zeno pero pinigilan siya ni Kyro.
Ang lakas ng boses ni Zeno kaya napalingon siya at pinigilan nito.
Nakamatyag na agad si Zeno at tumakbo sa papaalis na kabayo kahit pinigilan na siya ni Kyro.
"Ayos lang, En, Hayaan mo na."
Nakita ko ang babaeng kalaban ko kanina at nakabunggo kong nagpapanggap na babae.
Bumulong si Kyro sa kanyang sarili,
"Magkikita din tayo muli, Midnight."
Seryoso niyang tinignan ang papalayong kabayo na binigay sa kanya nang kanyang ama at lalo na ang babaeng nagnakaw ng kabayo niya.
**