Chereads / Kasangga: Ang Pagtuklas / Chapter 37 - Chapter 37

Chapter 37 - Chapter 37

Naging palaisipan din kay Milo kung bakit ganoon na lamang ag pagkainteres ng mga tao sa sungay ng mga Tagubaybay. 

"Mahirap talaga intindihin lalo na sa mga tulad mong walang bahid ng kasakiman ang budhi. Kung para sa iyo ay walang halaga ang mga iyon, para sa mga taong mabilis masilaw ay isang kayamanan ang mga ito. Wala silang pakialam kung may buhay na mawawala ang mahalaga lamang sa kanila ay ang mga bagay na nais nilang makuha," mahinahong salaysay ni Simon habang inaakyat na nila ang matarik na parte ng kagubatan. Pansin na din ni Milo ang mga batong nag-uuslian sa mga parte ng gubat na animo'y sinadyang ilagak roon bilang tanda.

Napahinto naman sila nang sa 'di kalayuan ay may nasipat silang isang malaking usa ang nakatanaw sa kanila. Napakalaki ng usang iyon na kulay abo ang balat. Alam nilang hindi ordinaryong usa iyon dahil kasinglaki ito ng isang matandang kabayo. Nangingintab ang kulay-abong balat nito, kapansin-pansin rin ang mahahaba nitong sungay na mayroong pitong sanga sa magkabila. Kulay pilak ang sungay nito na napapalamutian ng kulay berdeng mga bato sa bawat dulo ng mga sanga nito.

Nakita ni Milo ang pagyukod nina Maya at Simon rito bilang paggalang na hindi naman niya agad nagawa dahil sa labis na pagkamangha. Nang unti-unti na itong lumapit sa kaniya ay may kung anong puwersa ang nagsasabi sa kaniyang yumuko. Napayuko naman si Milo habang tila nanginginig sa pagkasabik ang kaniyang buong katawan. 'Yong tipong ramdam na ramdam niya ang pagkulo ng kaniyang dugo na ang tiyan niya ay parang kinakalikot ng kung anong bagay dahil sa pagsilay niya sa nilalang na iyon.

Nang muli siyang mag-angat ng kaniyang mukha ay nasa harapan na niya ang nilalang. Sa pagkakataong iyon ay wala na ito sa kaniyang anyong usa bagkus ay malatao na ang wangis nito. Nakasuot ito ng kulay abong kasuotan, na napapalamutian ng mga berdeng diamante na animo'y bulaklak na namumukadkad dito. Kulay berde rin ang mga mata nito na halos wala siyang makitang itim, purong berde lang talaga.

Napalunok naman si Milo at tila ba biglang naglaho ang kakayahan niyang magsalita dahil sa pagkakatitig sa kaniya ng nilalang. Pakiramdam niya ay hinahalungkat ng nilalang na iyon ang kaniyang buong pagkatao.

"Nakikita ko ang mga mata ni Riyana sayo binata." Bigla ay wika ng nilalang sa malamyos ngunit baritono nitong boses.

Napalunok muli si Milo at bigla niyang naalala na Riya ang pangalan ng kaniyang Ina. Iyon kasi ang madalas banggitin ni Lolo Ador sa tuwing nagkukuwento ito nang tungkol sa kaniyang mga magulang. Agad na nangislap ang kaniyang mga mata nang ngumiti sa kaniya ang nilalang at nagpakilala ito sa pangalang Mael.

"Mabuti at ligtas kayong nakarating rito. Mabuti at hindi kayo nawala sa nagyo ng buhay at kamatay*n. Marami ang nagtangka ngunit iilan lang ang maayos na nakarating rito. Nang maramdaman ko ang pagpasok niyo sa harang ng isla ay agad akong bumaba upang salubungin kayo," wika ni Mael.

Napapasulyap si Milo sa nilalakaran nito at doon niya napagtanto na hindi man lang lumalapat sa lupa ang mga paa nito. Tila ba naglalakad ito sa hangin kaya naman kahit nakayapak lamang ito ay hindi nadudumihan ang talampakan at paa nito.

"Hindi kami masyadong nahirapan dahil itinuro sa amin ng aming ina ang tamang paraan para malagpasan ang bagyo," tugon ni Simon.

Bahagyang tumango si Mael at ibinaling ang titig kay Maya.

"Pero batid ko rin na hindi pa nakakabawi mg lakas itong kapatid mong gabunan. Marahas ang dagat sa mga tulad mo, kahit may dugo ka ng isang babaylan ay mas kinikilala ng dagat ang dugo mong gabunan. Pero natutuwa akong nakaligtas kayo," muli ay wika ni Mael. Manghang napapatitig na lang si Milo rito dahil sa boses nitong tila ba tinatangay ng hangin.

Ilang sandali pa ay narating na nga nila ang isang malawak na espasyo sa gitna ng gubat kung saan namataan nila ang mga Tagubaybay na masayang nag-uusap-usap. May iilan na nasa anyo ng pagiging usa at maiilan naman na nasa kaanyuan ng tao. May mga bata silang nakikita ngunit kapansin-pansin na wala silang nakikitang matatanda.

"Wala bang matatanda sa lugar niyo Mael?" Inosenteng tanong ni Milo. Napangiti naman si Mael at hindi muna sumagot. Nagpatuloy sila sa paglalakad at halos pagtinginan sing mga Tagubaybay.

Naiilang na kumakaway naman si Milo bilang pagbati sa mga ito hanggang sa makapasok sila sa isang malaking kuweba di kalayuan sa espasyong iyon. Agad na namangha si Milo dahil sa nakita, napakaliwanag ng kuwebang iyon kahit pa wala silang nakikitang lampara o mga sulo man lang at hindi madilim kumpara sa mga kuwebang minsang napapasok niya sa mundo ng mga tao.

Nang mabagtas na nila ang mahabang daan ng kuweba ay doon bumulaga sa kanila ang nagtataasang mga puno na animo'y dalawampung ulit ang taas sa mga normal na puno. Malalaki rin ang mga punong ito na hindi kayang yakapin ng singkwenta katao.

Ang buong akala nila ay amg unang gubat na nakita nila ang pinakalugar ng mga tagubaybay ngunit nagkamali sila dahil ito pala talaga ang totoong tahanan ng mga nilalang. Napansin din nila ang mga tahananh nitong nasa mismong katawan ng kahoy. May matataas silang pintong nasisilayan sa bawat punong kanilang nadadaanan hanggang sa marating nga nila ang napakalaking puno na nasa gilig ng isang sapa.

"Nandito na tayo." Sambit ni Mael at marahan itong kumatok sa malaking pinto.

Hindi pa man din natatapos ang pangatlong katok ni Mael ay bigla naman bumukas ang pinto at lumikha iyon ng kakaibang tunog. Tila mga kristal na nag-uumpugan ang tunog na iyon na masarap sa tainga. Agad na bumungad sa kanila anh isang binatang may ginintuang buhok at malaporselanang kutis na hindi tulad ni Mael na may kulay abong buhok at kulay kayumangging balat.

Nang magtama ang mata ng nilalang at ni Milo ay tumahip naman sa kaba ang dibdib niya.

"Ikaw na ba ang anak ni Riyana?" Tanong nito habang sinisipat ang buong mukha ni Milo. "Tama, ikaw na nga. Nakikita ko siya sa mga mata mo."

"Sino ka, kilala mo din ang Inay ko?" Tanong ni Milo

"Pumasok muna kayo at nang makapagpahinga, malayo pa ang inyong nilakbay makarating lang dito." Anyaya ni magiliw na hinatak si Milo papasok sa puno. Sumunod naman ang magkapatid at naiwan sa labas si Mael at ito na din mismo ang nagsara ng pinto para sa kanila.

Nang makapasok na sila ay magkahalong gulat at mangha ang kanilang nakita dahil sa loob ng puno ay ubod ng lawak. May mga kasangakaoang gawa sa kahoy na may bahagya pang tumutubong dahon sa mga ito at mga gamit na halos lahat ay gawa sa pilak at ginto.

Pinaupo sila ng nilalang at pinainom ng tubig sa mga basong gawa rin sa ginto. Agad na napalingon si Milo sa mga kasama niya at mang makita niyang walang pag-aalalang uminom ang mga ito ay uminom na din siya. Ang totoo ay kanina pa siya nauuhaw ngunit dahil dire-diretso ang kanilang paglalakad ay nahiya naman siyang sabihin ito.

Nang makainom na sioa ay doon naman nagsimulang magsalita ang nilalang.

"Ako si Rilan, kapatid ni Riyana at kasalukuyang hari ng mga Tagubaybay. At oo Milo, bilang kapatid ng iyong ina, tiyuhin mo ako sa mundo ng mga tao." Wika ni Rilan bago pa man makapagbigay ng reaksyon si Milo.

Hindi makapaniwalang napatitig siya sa mukha ni Rilan, bakas ang pagtataka dahil sa wangis nitong halos kasing edad lamang nila.

"Hindi tumatanda ang mga tagubaybay sa mundong ito. Ang iyong ina ay piniling iwaksi sa kaniyang sistema ang dugo ng pagiging immortal alam kung meron lang kuwentas na galing sa kanya, nasa loob ng kwentas na iyon ang dugo ng ina mong, pilit niyang inalis sa kaniyang pagkatao upang mabuhay ng normal sa mundo ng mga tao." Kuwento ni Rilan at namilog ang mga mata ni Milo. Totoo kasi na may kuwentas na iniwan ang kaniyang ina at may bilog doon na bato na kulay pula. Hindi naman niya alam na dugo pala iyon.

Nagpatuloy pa sila sa pagkukuwentuhan at napadako na nga ang kanilang usapan sa tunay na dahilan bakit sila kailangang pumunta roon.