Lavandeir
...
Nandito kaming apat ngayon sa garden para pagplanohan ang about sa assignment na binigay sa amin ni Ma'am Lovely.
Nakaupo kaming lahat sa grass pero mukhang ako lang ang may pake sa project namin. Si Kim nagte-text, si Natsy busy sa pagkain ng Mcdo, at si Ex na natutulog habang nakasandal sa puno.
Hindi ko na inisip pa ang sinabi ni Natsy kahapon tungkol kay Kim. Hindi ko pa rin alam kung bakit niya iyon nasabi eh hindi naman sila magkakakilala. Isa pa ayaw kong pagdudahan si Kim.
Tiningnan ko si Ex. Naisipan kong lapitan siya, balak ko sana siyang tanungin kung bakit niya ako tinulungan noong nakaraang araw. Bakit niya alam na dinala ako roon sa mini gym. At n'ong tinulungan niya ako, bakit sa huli pa at noong umalis na ang Elites?
Hindi ako satisfied n'ong sinabi niyang 'di daw niya alam kung ba't niya ako tinulungan.
Tinitigan ko muna siya, nagdadalawang-isip kung gigisingin ko ba siya para tanungin.
"Pst!" Tiningnan ko si Natsy na nanitsit sa akin. Nakita ko ring huminto si Kim sa pagte-text at nakatingin na rin sa 'kin.
"Ano'ng ginagawa mo?" tanong niya nang walang tunog. Tinaasan din ako ng kilay ni Kim.
"May itatanong ako sa kanya," sabi ko nang wala ring tunog habang tinuturo si Ex.
Nagtaka naman ako nang bigla silang umiwas ng tingin sa akin. Tiningnan ko pabalik si Ex at nagulat at napaatras nang makitang nakatingin na siya sa akin habang nakataas ang isang kilay.
"Pft!" narinig ko ang mga pigil na tawa nilang dalawa habang ako napasimangot.
"M-may gusto lang p-po akong itanong sa 'yo."
'Yan na naman 'yang galit niyang mukha.'
"Pft! Hekhek!" Sumimangot naman ako sa mga pigil nilang tawa. Nagkasundo yata si Kim at Natsy. Kahapon kasi hindi pinapansin ni Natsy si Kim.
"Let's go somewhere," sabi ni Ex at tumayo. Pinagpagan niya muna ang damit niya tsaka naunang naglakad.
Tiningnan ko muna ang dalawa pero inunahan na nila ako ng tango. Bumuntong hininga ako bago sumunod kay Ex.
Nasa likod kami ng basketball court kung saan malapit lang din sa garden. Walang ibang tao dito maliban sa aming dalawa. Isa ito sa napagtaguan ko noon n'ong nagtatago ako sa mga alagad ng Elites. 'Di pa rin nagbago, madami pa ring upos ng sigarilyo.
"B-bakit dito?"
Tumingin siya sa malayo, parang nag-iisip.
"Just like what Natasha said, I don't trust your friend," sabi niya nang hindi pa rin tumitingin sa'kin.
"Bakit niyo ba kasi pinagdududahan ang kaibigan ko?" Tumingin siya sa'kin na nakakunot ang noo.
"What do you think is the reason?"
Natahimik ako. Parang ayaw kong malaman kung anong rason niya. At kung sasabihin man niya, parang ayokong maniwala... na ganoon si Kim.
"So what do you want to hear?"
Bumuntong hininga muna ako bago ako nagtanong.
"B-bakit mo pala ako tinulungan noon? Ayoko ng sagot ng hindi mo alam."
"I really don't know the exact reason but... it's just that..."
Kinabahan naman ako nang umiwas siya ng tingin. Ilang segundo pa siyang naging tahimik na parang nagdadalawang-isip kung sasabihin ba niya o hindi.
Nagi-guilty naman tuloy ako. Ako na nga tinulungan, ako pa demanding. Pero kasi...
"I just don't want you to be like her..."
"Her?"
"Are you really sure you can still endure? You already know what Jax Blaine can do. I don't know what you're reason for staying but I hope it's worth the risk. Any question?"
Alam kong iniiwasan niya ang topic na 'her' kaya hindi ko na din inungkat pa. Kahit curious na tuloy ako doon, wala akong karapatang ungkatin iyon. Nakuha ko na ang sagot ko.
"Iniiwasan mo ba sina Jax?"
Nakita ko siyang ngumisi saglit pero nawala din iyon.
"You are really impressive!"
"..?"
"It's not that I'm avoiding him."
"Eh bakit par---"
"I think you're done asking me. Why don't you try to analyze about what happened last time? When your friend was there to help you?"
Iyon lang at umalis na siya. Bakit niya gustong ipa-analyze iyon?
Hindi ko man gustong alalanin ang nangyari noon pero nadadala ako sa sinabi niya. Para kasing may ipinapahiwatig siya or ewan, hindi ko maiintindihan.
Binu-bully nila ako noon.
Tumatakbo papalayo sa mga estudyanteng humahabol sa 'kin na alagad ng Elites. Hanggang sa hindi ko inaasahan doon ako napadpad malapit sa mini gym at naisipan kong magtago sa isang punuan kaso nahuli pa rin nila ako.
Kinaladkad nila ako patungo sa loob ng mini gym at tsaka doon na pinagtulungang saktan. Nakatali ang dalawa kong kamay sa likod ng monobloc chair na inuupuan ko pati na rin ang aking paa.
Patuloy nila akong binabato ng mga kamatis at itlog. Sinasabigan ng malamig na tubig at sinasampal. Nakatingin lang sa akin ang mga Elites na parang tuwang-tuwa pa. Sinasabihan nila akong 'wag ko raw kakalabanin si Jax at dapat umalis na ako rito. Iyak ako ng iyak at umaasang may sasagip sa akin.
Nanghihina na rin ang aking katawan no'n. Sunod ay tinali rin nila ang monoblock nang makapal na lubid tsaka hinihila. Kaya nahihila ako habang nakatali sa upuan. Nagkasugat-sugat ang mga balat ko n'on. Madami pang mga pasa ang natamo ko.
Ganoon din ang nangyari, may mga sampung babaeng estudyante ang naroon maliban sa Elites. Pinagtutulungan nila akong tadyakan tsaka umalis.
Katulad din kay Ex, pumasok na si Kim sa loob nang umalis na ang Elites at wala ng tao roon. Nanginginig pa ang mga kamay niya no'ng tinulungan niya ako. Naiiyak sa nasaksihan niya. Takot na takot.
Tinanggal niya ang tali at binigyan niya ako ng tuwalya. Humingi siya ng sorry kung bakit matagal siyang pumasok kasi natakot din siya. Doon na siya nagpakilala sa akin.
Ilang araw pagkatapos no'n ay siya na mismo ang lumapit sa akin at nagpakilala. Gusto niya raw makipagkaibigan.
Araw-araw naman kaming magkasama at lahat nakakita no'n pero hindi siya kinakalaban ng Elites. Sa tuwing may bu-bully sa akin, pinagtatanggol niya ako palagi, hanggang ngayon. Kaya hindi ko makuha ang punto nina Natsy at Ex kung bakit ayaw nila kay Kim.
Gusto ko nang kalimutan pa iyon. Noong itinali nila ako sa upuan at hinihila. 'Yong pinagtatadyakan habang pinagtatawanan. At n'ong nakaraang araw, nong huhubaran sana nila ako.
'Are you really sure you can still endure? I hope it's worth the risk.'
Naalala kong muli ang sinabi ni Ex. Nasasaktan ako sa hindi malamang dahilan. Nasasaktan ako sa tanong na 'yon. Nasasaktan ako para sa sarili ko.
Ang pangarap namin ni kuya... Kaya ko bang i-give up iyon? Gusto ko lang naman makapagtapos. Kung aalis ako dito, alam kong titigil si kuya sa pag-aaral dahil ako ang uunahin niya. At ayokong mangyari iyon.
Hindi ko mapigilan ang luha ko dahil nasasaktan ako. Ang sakit sa damdamin.
Biglang may mabilis na dumaan sa aking harapan. Naka-mask at naka-cap at mukhang lalaki. Sinundan ko siya ng tingin at nakitang tumakbo na siya palayo. Nakasuot siya ng hoodie na brown at naka-sneakers na black and white.
Tiningnan ko ang daan na pinanggalingan niya at kumunot ang aking noo nang bakod na iyon. Saan siya dumaan? Saan siya nanggaling?
Napatingin naman ako sa isang bagay na nahulog niya yata sa harapan ko.
Isang puting panyo.
Kinuha ko ito at tiningnan. Mabango ito at pamilyar ang amoy, parang may naalala ako sa bango nito na hindi ko na matandaan pa. Binuklat ko ang panyo at may nahulog na isang tinuping papel. Binasa ko iyon at nagtataka sa aking nabasa.
*Don't cry everything will be alright.*
Napatayo ako agad. S-sino 'yon?