Sari-saring senaryo ang agad na bumuo sa aking isipan nang sinabi niya iyon. Ayokong maniwala sa kanya na may kinalaman si Kim. Kilala ko si Kim, hindi niya ako tatraydorin. Kasi anong makukuha niya kung traydorin niya ako?
"B-bakit may kinalaman si Kim sa 'yo? D-diba delikado ang pinaggagawa mo? Diba masama ang ginagawa mo? B-bakit?"
Alam kong namumuo na ang luha ko dahil nag-blur ang aking paningin at humahapdi ang aking mata. Pero hindi ko pa rin iniwas ang tingin ko sa kanya.
"You saw the message on her phone. I know you're already concluding some ideas..."
Umiiling ako. Ayokong pangunahan ng iba. Baka nagkakamali lang ako. Ayokong tanggapin kung totoo man ang mga pagdududa ko. Ayoko rin magduda sa kanya.
"Akala ko sabi mo 'di mo na babanggitin ulit ang tungkol dito? Tsaka... tsaka..."
Nagbuntong-hininga ako tsaka yumuko. Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang aking sarili.
Hindi ko kasi gustong isipin na ang nag-iisang tinuring kong kaibigan ay tatraydorin ako. Takot ako, takot na akong mag-isa. Kaya kung maaari, hindi ko dapat isipin iyon.
Pinagkakatiwalaan ko si Kim at alam kong hindi niya iyon magagawa sa akin. Sa lahat ng oras na palaging may umaapi o nananakit sa akin nandiyan siya. Kahit no'ng nag-home study ako, palagi niya akong kinukumusta. Siya nagse-send sa akin ng mga ibang notes at assignment. Hindi man siya pumupunta mismo sa bahay ko, pero palagi niya akong kino-contact. Matagal ko na siyang kilala at siya lang ang kaibigan ko.
Oo tinulungan ako ni Ex pero hindi ko pa rin siya kilala nang lubusan. Ilang araw pa kang kaming nagkakakilala at madaming misteryo ang pagkatao niya. Kaya kung papipiliin ako kung sino ang pagkakatiwalaan ko, si Kim 'yon.
Isa pa, kilala ni Ex si Jax. Malakas ang kutob ko d'on. Kaya possibleng pinadala siya ni Jax sa akin para may magbabantay ng mga kilos ko.
"Ayaw ko nang pag-usapan ang tungkol dito. Please lang Ex," pakiusap ko sa kanya. Hindi siya sumagot at nakakunot-noo akong tinitigan. 'Di kalauna'y umiwas siya ng tingin.
"You don't trust me and I understand you."
Hindi na ulit kami nag-uusap since naging awkward ulit. Hindi na rin naman siya nagtanong ng kahit ano sa akin.
Kalahating oras na ang nakalipas.
Kinuha ko ang keypad na cellphone sa bulsa ng palda ko at tiningnan ang oras. Malayo pa ang 9pm. Hay!
May nakita akong unknown number na naka-missed call. Isang beses lang.
Kanino kaya ito?
Hindi ko na pinansin. Tatawag naman siguro ulit 'yon kung importante. Binalik ko na lang ang cellphone sa bulsa since wala naman akong ka-text.
Tiningnan ko si Ex nang may maalala akong itanong sa kanya. Naka-cross arms na naman siya at bored na bored ang mukha.
"Ex talaga ang totoo mong pangalan?" Tiningnan niya ako nang hindi makapaniwalang tingin.
"You're quite unique. You still want to talk to me after that? I thought you're mad at me?"
"Basta't hindi mo na uungkatin pa ang tungkol kay Kim, kakausapin pa rin kita. Kaibigan ko si Natsy at gusto din kita maging kaibigan... K-kung okay lang sa 'yo. "
"It's better not to be friend with me."
"Kung gano'n, bakit ka pa nandito at nakipaghintayan sa akin?"
"..."
Sumimangot ako nang hindi siya sumagot at nakatingin lang sa akin. Alam kong wala siyang balak sagutin iyon base sa mukha niya kaya bumuntong hininga ako.
"Gusto ko lang malaman ang totoo mong pangalan. 'Yon lang..."
"Tss! Ex is just a shortcut of my name."
"Eh ano pala full name mo? So hindi pala Ex Hayate?"
"Guess my full name and I'll give you a prize."
"Huh?"
Tumayo naman siya at umalis. Sinundan ko naman ng tingin kung saan siya pupunta. Pinuntahan niya pala si kuya at may sinabi pagkatapos ay bumalik siya. "We'll go somewhere." sabi niya at agad akong hinila.
"T-teka? Saan tayo pupunta?"
Hindi siya sumagot at patuloy lang niya akong kinaladkad. Nahihirapan pa akong makasunod agad kasi mas lalong dumami ang mga tao na nagsipasukan.
Ang init ng kamay niyang nakahawak nang mahigpit sa aking palapulsuhan. Mukha siyang nagmamadali kaya halos napatakbo ako para makasabay sa kanya.
Nang makarating na kami sa kotse niya ay agad niya akong pinapasok at siya naman ay agad pumunta sa driver's seat at nagsimulang nag-drive, nang hindi man lang umimik. Ito 'yong ginamit namin papunta rito. Si Natsy ay nag-taxi lang kasi 'di raw niya dala ang kotse niya. Hindi na ako nagtataka. Ako lang naman ang hindi mayaman sa ECU.
"Saan ba talaga tayo pupunta? Ex!"
"Mall."
"Eh ano naman gagawin natin doon? Paano na si kuya?"
Kahit naka-side view siya sa akin. Nakita ko pa rin na naging sarcastic ang mukha niya. Alam ko na ang sasabihin nito.
"What do you think?" sabi ko na nga ba eh!
"Alam kong may bibilhin ka. Kaya ba pinuntahan mo si kuya para magpaalam?"
"Very good." bored niyang pagkasabi. Oo at hindi lang ang gusto kong marinig eh. O kahit isang tango lang!
"Pero bakit mo ako sinama?"
Again naging sarcastic na naman ang mukha niya at handa na namang sabihin ang line na iyon. "What..."
"What do I think?" inunahan ko na siya tsaka nagbuntong hininga. Hindi ko man alam kung bakit niya ako sinama pero tumahimik na lang ako. Hindi rin naman iyan sasagot tsaka papaisipin pa ako. hay!
"Excellent." bored na naman niyang pagkakasabi.
At pwede bang tigilan niya iyang one-word-praise niya!
"Akala ko ayaw mo akong makipagkaibigan sa 'yo? Ba't sinasama mo ako rito?"
"It's better that we have something to do than waiting there doing nothing. I'm afraid you will ask everything about me. I'm also afraid I'm gonna tell you something again about your friend so it's better this way."
"Ayaw mo talaga akong may malaman sa 'yo?"
Bigla siyang mabilis nagpatakbo ng kotse at may tinitingnan sa front view mirror at kumunot ang kanyang noo. Lilingon na sana ako sa likuran nang bigla niyang hawakan ang aking kamay.
"Lav!"
Bigla niyang ginapang ang kamay niya sa braso ko nang dahan-dahan dahilan na napatingin ako sa ginawa niya.
"How's your bruises? Are they now healed?"
"O-Oo." Lumayo ako nang kunti sa kanya dahil biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa ginawa niya. May something akong naramdaman na hindi ko ma-explain kung ano. Bigla akong na hiya na ewan!
Itinaas ko ang manipis na long sleeve ng blazer ko para tingnan ang mga sugat. Naka-long sleeve ako para hindi makita ni kuya.
"Okay na ako. Sanay naman na ako..." mahinang sabi ko habang sinusuri ang malilit na pasa sa braso ko. Mabuti na lang hindi ito kasing dami at kasing lala noon.
Huminga ako nang malalim at muling tumingin sa kanya.
"So ayaw mo talagang makipagkaibigan?"
Mga dalawa o tatlong minuto siyang tahimik kaya nakatingin lang ako sa kanya. Pinagmamasdan ang kanyang mukha, ang kanyang suot at ang kanyang porma. Hindi ko kasi maiwasan. Para siyang sikat na artista.
Sinulyapan niya ako saglit tsaka bumuntong-hininga siya at naramdaman kong mabagal na siyang magpatakbo.
"I really can't get away from your curiosity..."
"...Knowing me is dangerous. Just like you don't want me to get involve with you, we're on the same page. I also don't want you to get involve with me... Though it looks too late..." Hindi ko narinig ang huli niyang sinabi at natahimik na lang ako.
May point siya. Delikado siyang tao at ayaw niya akong madamay sa kanya. Sa isiping iyon, alam kong mabait siya. Kaso mahirap magtiwala sa taong napaka-misteryoso.
...