Chereads / Lavandeir's Revenge (Revised Version) / Chapter 16 - Brutal Natsy

Chapter 16 - Brutal Natsy

Lavandeir

...

"Oh? What's with your face?"

Napatingin ako kay Natsy na umupo sa harapan ko. Kakarating lang niya. Nandito kami sa Cafeteria, nag-text kasi siya sa akin na manlilibre raw siya.

"Wala. Marami lang talaga akong iniisip ngayon," sabi ko tas nagbuntong-hininga. Itinukod ko ang aking siko sa mesa at ang kamay ay nakatukod sa aking kanang pisngi. Tumitingin sa mga estudyanteng naglalakad sa labas.

Isang linggo na ang nakalipas at laging si Natsy lang ang kasama ko, minsan kaming tatlo ni Ex. Pero ngayon wala na naman siya, busy siguro. Napakatahimik kasi ng taong 'yon. Hindi man lang sinabi kung saan siya pumunta. Pero pinabayaan na namin, sanay na kasi kami sa biglaang pagsulpot at biglaang pagwala niya.

"Hahah okay lang 'yan. Oh ito pampa-good vibes." May pinatong siya sa mesa. Isang Vcut. "By the way, what's yours?"

"Ikaw na bahala, ikaw kasi nanglibre."

Ngumisi siya sa 'kin at tumayo.

"Something's really bothering you. I wonder what it is," sabi niya tsaka um-order na.

Kinuha ko ang Vcut na bigay niya. Ipinatong ko ang ulo ko sa Vcut na nakapatong sa mesa habang hinihintay si Natsy tsaka nagbuntong-hininga ulit.

Una kong problema ay si Kim. Bakit hindi na siya namamansin sa akin simula noong nando'n kami sa garden last week, noong nakita ko ang text sa phone niya.

Marami akong gustong itanong sa kanya, isa na 'yong about sa text. Iniiwasan nga niya ako eh. Alam ko namang iniiwasan niya talaga ako. Maraming bagay kung paano malaman ang isang taong umiiwas sa isa pang tao eh. Tsaka iyon ang pinakamadaling basahin sa lahat.

Ang ipinagtataka ko sa lahat, ay noong isang araw na nakita ko siyang kausap si Clent. Nacu-curious talaga ako at the same time ay kinakabahan. Maraming tanong ang tumatakbo sa isipan ko noong araw na 'yon.

'Anong meron sa kanila? Ba't niya kausap ang isang Elites?'

Sinubukan ko siyang tawagan nang ilang beses. Sumagot siya pero may sinabi siya sa aking kakaiba.

'Stay away from me! Don't make it hard for me!'

Ano ang ibig niyang sabihin n'on? Ni hindi ako makapag-react dahil bigla na niyang pinutol ang tawag.

Pangalawa ay ang Elites, nakapagtataka na hindi nila ako ginugulo nitong mga nakaraang araw at malakas ang kutob kong may kinalaman dito si Kim.

'Tulad nang sinabi ni Ex noon na may mga na-conclude na nga ako pero hindi ko inaamin sa sarili ko. Takot ako.

Pero kahit pa gaano kalakas ang aking kutob ay hindi muna ako mag-akusa kung hindi ko alam ang totoo at kung hindi pa klaro ang lahat.

Isang rason lang kasi ang pumasok sa isip ko bakit nagkaganito si Kim, posibleng bina-blackmail siya ng Elites. O kaya tinakot nila ito o kung ano man. Katulad ng ginagawa nila noon sa mga kumausap sa akin. At sa isipang iyon, mas lalo akong nasaktan para sa amin ni Kim. Nadadamay siya dahil sa akin.

Tiningnan ko si Natsy habang umu-order sa unahan. Alam kong madadamay din sila sa akin balang araw. Kilala ko ang Elites. At nasasaktan ako sa isipang iyon.

Mabuti na lang at hindi na binanggit nina Ex at Natsy ang about sa pagdududa nila kay Kim. Nirerespeto nila ako at sa desisyon ko.

At pangatlo ay 'yong si Mr. Taki. Nalaman ko kasing siya 'yong nag-text sa akin no'ng 'be ready'.

Magkatulad kasi ang number sa text, sa unknown number na nag-missed call sa 'kin noon at sa number na nakalagay sa card ni Mr. Taki. Hindi ko pa rin alam kung saan ako magre-ready. Hindi na rin naman ako nakatanggap ng message ulit galing sa kanya pero palagi kasing bumabagabag sa isipan ko.

Naalala ko pa pala ang project namin sa P.E. Hindi ko pa iyon nagagawa. Hindi naman nabanggit ni Ms. Lovely ang deadline no'n pero tinanong ko rin siya no'ng mga nakaraang araw, at next week na daw ang deadline since next week na siya papasok.

Hindi ko alam kung sobrang busy ba talaga siya or tamad lang talaga pumasok. Araw-araw mag-a-attendance lang siya, minsan ako pa inuutusan niya na mag-check ng attendance. Pero dahil nga hindi ako nire-respeto ng mga ka-klase namin ay titingnan ko na lang kung sino ang present. Kilala ko naman ang mukha at pangalan ng lahat. Minsan tinutulungan ako ni Natsy.

"Oh kain ka muna."

Umupo si Natsy sa harapan ko at pinatong niya ang tray ng pagkain. "Don't be bothered by your thoughts. Sometimes it can lose your mind."

Kinuha niya ang dalawang cheese cake at isang spaghetti. Kinuha niya rin ang dalawang sprite in can. Magkatulad talaga sila ni Kuya, mahilig sa sprite. No'ng last time kasi na hinatid ako ni Natsy pauwi, timing at nandoon si kuya. At ang kapatid kong magaling eh inirapan si Natsy. Ewan ko ba sa kanila, mukhang may nangyari yatang sila lang nakakaalam. Parang mainit ang ulo sa isa't-isa. At kahit gano'n, pareho sila ng hobbies and likes.

Kinuha ko naman ang iced tea at sinimulang laruin ang mga ice tubes.

"Feeling ko nga wala na akong utak eh. Sana wala na lang akong utak," sabi ko tsaka bubuksan sana ang Vcut pero tinampal niya ang kamay ko at sinamaan ng tingin. Ininguso niya ang chocolate cake at cassava cake na binili niya para sa'kin.

Tinitigan ko ito nang matagal. Nagtataka talaga ako, ang liit ng slice pero sobrang mahal.

"I can guarantee your wish. What tool would you want me to use? Hand drill or knife?" baliwalang sabi niya habang kinakain ang cheese cake. Ito siya, nakakatakot mag-isip.

Nalasahan ko ang sobrang matamis na chocolate cake. Masarap siya. Nilunok ko ang cake bago nagsalita.

"Eh hindi lang utak ang mawala ko niyan eh. Wala bang ibang option?"

"Meron."

"Ano?"

"Zombie! Zombie eats your brain," seryosong sabi niya habang seryosong nilalantakan ang pagkain.

Naging blanko naman ang expression ko sa sinabi niya. Napatigil nga ako sa pagkain. Gusto ko talagang sabihin sa kanya na magkatulad na magkatulad sila ni kuya eh. Waley ang jokes.

Naalala ko ang araw na nakita ko si Natsy na mukhang sinapian. Dahil nga do'n ay wala nang bumu-bully sa akin kapag kasama ko siya. Katulad ngayon, sinasamaan na lang nila ako ng tingin kapag nakatalikod si Natsy sa kanila. Marami ng takot sa kanya.

Flashback:

Nandito kami sa loob ng CR sa cafeteria. Tinitingnan ko ang aking mukha sa malaking salamin at inaayos ang aking eyeglasses. Si Natsy naman nasa isa sa mga cubicle at ginagawa ang dapat niyang gawin.

Napayuko ako nang may tatlong babaeng pumasok. Nakasanayan ko na ito. Yumuyuko kapag may ibang tao na hindi ko kakilala.

"What the? Am I really dreaming or nakakita talaga ako ng eww na bagay rito?" sabi ng isang naka-red na high heels habang lumalapit sa akin.

"Feeling maganda! Sumasama pa kay Ex, hindi naman maa-attract sa kanya! Though whoever she's with, she's still a trash!" sabi ng isang naka-doll shoes.

Hindi ko alam kung bakit sikat si Ex sa kanila. Mabuti na lang at hindi sila sumisigaw tuwing dumadaan si Ex, sinasamaan lang nila ako ng tingin.

"Omo! Nasa mood pa naman akong mang-trip ng mga loser ngayon," sabi ng isang naka-black na high heels. Hindi ko pa rin sila tinitingnan kaya hindi ko alam ang itsura nila.

Narinig ko ang malakas na tunog dulot ng biglaang pagbukas ng isang pinto ng cubicle. Lumabas si Natsy doon.

"Omo! Nasa mood pa naman akong pumugot ng ulo ng hipon," sabi niya. Sinunod pa niya ang tuno ng babaeng huling nagsalita. "Unfortunately, you don't even look like a shrimp since you don't have a nice body. What do you want me to call you then? Grasshopper or lamppost since you have a big head?"

Gusto ko sanang tumawa sa kakaibang lait niya pero hindi ako makatawa sa ganitong sitwasyon. Inakbayan ako ni Natsy. Hindi ko man tingnan ang reaction nila pero alam kong naasar sila sa sinabi ni Natsy.

"Huwag kang mangialam dito bitch! Porket pinsan mo si Ex ganyan ka na umasta? We still hate your guts! We won't like someone who befriend with that loser!"

Tiningnan ko na sila na ngayo'y parang ready nang mang-away.

"Besides, mas sexy pa nga kami sa'yo. Hindi mo ba alam na model kami sa isang sikat na brand ng mga damit?"

"Do you think I even care about your blah blahs?" sabi ni Natsy na mukhang walang paki. Bored pa ang mukha niya na nakataas ang kaliwang kilay. Tiningnan niya ng head to foot ang babaeng naka-red na high heels. "Oh! Pity to that company."

"Pwedeng bang tumabi ka diyan? Huwag ka ngang epal!"

"Okay, if that's what you want. Madali lang naman akong kausap." Umalis siya sa tabi ko at pumunta doon malapit sa cubicle at sumandal.

Ngumisi naman sa akin ang tatlo. Akmang lalapit sila sa'kin nang magsalita ulit si Natsy. "Pero hindi ako mangingialam kung wala kayong gagawin sa kanya," sabi niya na ngayo'y may hawak ng lighter. Hindi ko man nakita kung kelan niya iyon nakuha at kung saan.

"As if we're scared tsk!" sabi no'ng isa. Lumapit pa 'yong isa sa 'kin at agad akong sinabunutan.