Third Person
...
Nang dumating si Ex sa kinaroroonan nina Mr. Taki ay agad siyang pumasok sa malaking van kung saan naroon ang mga kasama niya. Malayo na sila sa headquarter ng kalaban.
Nakita niya ang mga mukha ng kasama na parang hindi maipinta. Nagtataka pa siya kung bakit nandoon silang tatlo pati na si Veign-- na puno nang sugat at nanghihinang nakaupo sa upuan habang nakapikit ang mata-- eh sana nakapwesto na ito sa kanilang position.
"What happened here?"
Tumingin sa kanya sina Kevin at Natasha habang patuloy na ginagamot ni Mr. Taki si Veign. Nakita pa niya ang mga kagamitan nila sa loob ng van at ang mga mga monitor naka-on pa rin kung saan makikita ang mga GPS at ang iba pang hacking device.
"We don't have any idea dude. Nakita na lang namin si Veign na walang malay sa labas ng headquarter ng Dai-2," napalingo-lingong sabi ni Kevin. Nakaharap pa ito sa mga monitor. "Look hindi ko alam kung may naka-hack ba sa ating system, bigla kasing nawala ang track ko sa Dai-2," pagpatuloy na sabi ni Kevin sa kanya na hindi man lang lumingon.
"Nagulat na lang kami nang may biglang sumabog. Then ugh! My head still aching of what happened!" sabi pa ni Natasha.
"What happened to him?" nguso niya kay Veign na nakapikit ang mata. "How did he escape?"
"We don't know! Tanging si Veign lang ang makakasagot sa mga tanong natin. Let's just wait for him to wake up," sabi ni Mr. Taki na abala pa rin sa pag-gamot kay Veign.
Kung pagbabasehan ang itsura nila, wala man lang kahit isang galos. Para man lang walang nangyari. Hindi niya--nila-- inaasahan na ganito ang magiging resulta. Lahat sila litong-lito. Kahit gamitin man nila ang deduction skills nila ay mukhang hindi pa rin nila ito ma-picture out kung ano ang nangyari. It's like they were monitored by someone. But who?
May kutob naman si Ex na mukhang may idea si Mr. Taki rito kasi nakikita niyang malalim ang iniisip nito. Kilalang-kilala na niya ito. Siya kasi ang unang recruit ni Mr. Taki.
"Let's go back. We will be having a discussion in the HQ not here."
....
Si Kevin na ang nagda-drive habang si Natasha ay nakapikit ang mata at patuloy lang sa pagbuntong-hininga. Composed man ito tingnan pero alam ni Ex na kating-kati na itong tanungin siya sa nangyari kay Lavandeir. Napansin niya kasi itong pasulyap-sulyap sa kanya.
Ex shook his head to remove the scenario about what had he saw in the mini gym.
Nilapitan niya si Veign at sinuri ito. Hindi pa rin mawala sa kanyang isipan kung bakit natagpuan ito sa labas ng headquarter ng kalaban na walang malay. Ito ang unang beses na nangyari ito.
"Did you try contacting the Red Org?" tanong niya sa kanilang founder.
"We did but they still didn't know what happened. They're also puzzled! I also contacted other allies but they're not the one who helped us!"
Kung sa ganon. Sino pa ba ang ibang tutulong sa kanila? Wala naman siyang ibang maiisip na kakampi nila. They don't know. He don't know. They're all unsure.
Paanong hindi sila malilito kung meron na silang perpektong plano at n'ong dumating na sila sa scene, iba ang madatnan nila?
'Yong ililigtas sana nila si Veign pero nakita na nila itong nasa labas ng headquarter ng kalaban at walang malay? The enemies headquarter even explode suddenly. Ang daming pangyayari ang nagpapalito sa kanila, lalong-lalo na kay Ex.
...
Inalalayan nila ni Kevin at Ex si Veign papunta sa kwarto nito na nasa 2nd floor. Inihiga nila ito sa kama na hanggang ngayon wala pa ring malay.
"Ang bigat ng gago!" reklamo pa ni Kevin at umalis na.
Sinuri munang muli ni Ex ang itsura ni Veign. Nakasuot pa rin ito ng maskara na katulad sa kanila, natatakpan ang buong mukha. Nagtataka siya kung bakit hindi pa ito tinanggal ni Mr. Taki eh baka mahirapan pa itong huminga.
Hinawakan niya ang maskara at i-aangat na sana nang biglang umungol si Veign. Hindi niya ito natuluyang natanggal nang bigla siyang hinawakan sa kamay nito na parang pinipigilan siya. Nararamdaman niya ang higpit ng hawak sa kanang palapulsuhan niya.
"D-don't," usal nito. Nahihirapan pa rin itong magsalita.
Kumunot naman ang noo ni Ex kung bakit ito agad nakapagsalita. "So you're conscious," he said sarcastically.
"I-i do."
"Then what's with pretending?"
"I'm not pretending! Can't properly talk right now!"
"What happened?"
Hindi ito sumagot sa kanya kundi tinapik-tapik lang siya nito sa kamay.
Tap. Tap. Means awat muna. Iyan ang sign nila sa kanilang myembro. Marami pa silang sign na sila lang ang nakakaalam at isa na ito.
Nagbuntong-hininga si Ex. "Lend us some explanation later," sabi niya.
Nakita niya itong nag-thumbs up kaya umalis na siya sa kwarto kahit nagtataka sa kilos nito.
Pumunta siya sa sala kung sa'n nandoon sina Kevin at Natasha na nakaupo sa sofa habang kaharap nila si Mr. Taki.
Si Natasha naman ay parang wala sa mood at walang ibang iniisip kundi ang kalagayan ni Vanvan na hanggang ngayon wala pa siyang alam sa nangyari. Naka-crossed legs ito at malayo ang iniisip. Hindi man lang ito nagbihis. Wala ni isa sa kanila ang may ganang magbihis dahil sa nangyari.
"Have this," may inalok si Kevin kay Natasha, isang sprite in can na nakabukas na ang takip. Kinuha naman ito ni Natasha at agad ininom.
Tumabi si Ex kay Mr. Taki na hanggang ngayon ay malalim pa rin ang iniisip. Blanko ang mukha nito pero patuloy lang sa pagbuntong-hininga.
"Someone hacked our system," biglang salita ng kanilang founder. "So as Red Org's system," pagpatuloy nito.
Nagkatinginan sila isa-isa at hindi alam kung anong sasabihin. Tumingin na rin si Natasha sa kanila at isinintabi na muna ang iniisip niya.
"May idea ka ba kung sino?" tanong ni Kevin. Nakatukod ang dalawang siko sa dalawang tuhod nito at seryoso ang tingin.
Walang honorifics sa pagitan nila kasi ayaw ni Mr. Taki na bigyan ng honorifics like tawagin siya ng boss or kahit gamitan ng po at opo. He hates it. It is that he's just cool being their founder. Ayaw niyang magmukhang matanda kahit siya ang pinakamatanda. He's a 37-year-old man.
"I do! But I have to confirm it first."
"How?"
"I don't know."
"Tell me everything what you've witnessed," tanong ni Ex kina Kevin.
"Lahat kami nagulat sa pagsabog na 'yon na galing sa loob ng headquarter ng Dai-2. Papasukin ko sana ang headquarter nila nang may nakita akong nakahilata sa labas nito. Nilapitan ko agad ito nang napagtanto kong si Veign pala. Agad ko siyang inalalayan at agad dinala sa van. 'Yon lang," kwento ni Kevin.
"Right on time, Red Org contacted us that their system's down and some of their members -that's been in position- got unconscious with some unknown reason," paliwanag din ng kanilang founder.
"It's like Dai-2 had been attacked by some groups pero sabi ng Red Org hindi nila nakita kung sino ang gumawa. Hindi rin naman namin nakita ang lahat ng pangyayari since kakarating lang namin sa area..."
"Then the show was already done even before we could act," sabat ni Natasha sa kwento ni Kevin.
"Right!"
Lahat sila napalingon sa isang garalgal na boses na galing sa itaas. Nakita nila si Veign na wala ng maskara na nakatayo sa hagdan. Hindi naramdaman nina Kevin at Natasha si Veign kasi maliban sa sobrang seryoso nila ay magaling din itong magtago ng presenya. Pero maliban kina Ex at ng founder nila, malakas itong makiramdam.
Gan'on pa rin ang suot nito, naka-hoodie at naka-black jeans pero gutay na gutay na ito. Alalayan sana siya ni Kevin pero kumunot ang noo nito. "Dude I'm not a handicap person!"
"Wow dude sinabi mo talaga 'yan no? Ang bigat mo kaya kanina gago ka!"
"Bakla!"
"Don't say that dude! Mamatay ang mga chix 'pag sinabi mo 'yan!"
Hindi na pinansin ni Veign ang kasama nilang umaandar na naman ang pagka-abnoy. Dumiretso siya sa sala at agad umupo sa sofa at tumabi kay Ex.
"What do you mean 'right'?"
"That we've been attacked by someone. It happened like a flash. I couldn't even believe it. I was stunned by his moves!"
"Ano bang itsura niya?"
"He's taller than me. His face was covered with a mask like ours but the color was white. There's spade in the mask's left eye..." Tumingin si Veign sa kanila na parang may ideyang pumasok sa kanyang isipan. "Could it be..."
"ACE OF SPADE!"
Biglang sabi nilang lahat.
Nanlalaki pa ang mata nina Kevin at Natasha pati na rin sina Ex na minsan lang magulat. Ang founder nila ay nagulat din sa nalaman na si Ace iyon.
"OH MY GOD! Nakaharap mo si ACE!" Tili ni Natasha.
"What the hell bro?" Hindi rin makapaniwalang sabi ni Kevin. Tumayo pa ito, napahawak ang dalawang kamay sa kanyang ulo at parang baliw na ginugulo ang kanyang buhok.
"I-I just realized it now! Just wow!" hindi rin makapaniwalang sabi ni Veign. He just mouthed 'wow'.
"You're so lucky!" hindi pa rin mawala ang tili ni Natasha.
He's just goddamn lucky! Lahat sila, ay hindi pa nakakakita kay Ace sa personal. Si Ace ay ang right hand ng Gold Eye Emperor which is ang pinaka-founder ng Dakumasuta.
Walang nakakakilala sa kanila kahit mukha or ang postura --syempre maliban kay Veign-- kaya nga inggit na inggit sila kahit na napuruhan ito.