Chapter 25 - Lav

Napatingin sina Natasha at Xian sa bagong dating na si Ex. Mga isa't kalahating oras silang nag-aantay dito. Nanalangin si Natasha na sana na-trace ng kanyang pinsan ang unknown caller.

"Ano na?"

"Na-trace mo ba insan?"

Isang iling lang ang sinagot nito at sa iling na iyon ay ginulo ulit ni Xian ang kanyang buhok out of frustration. Nawalan din ng pag-asa si Natasha.

"Sorry," maikling sabi nito kay Xian sabay abot ng cellphone nito.

"Salamat," malungkot at puno ng pag-aalalang sabi ni Xian at tumayo na pagkaabot niya sa kanyang cellphone.

Tumango lang ito sa kanila at umalis nang hindi na nagsasalita pa. Kahit naiinis si Natasha rito ay 'di niya maiwasang maawa. Alam niya kasing ito ang pinakanag-aalala sa kanilang lahat.

Nang makaalis na si Xian ay agad nagkatinginan ang dalawang magpinsan.

"We can't trace it. I and Mr. Taki, even Kevin tried tracking it but to no avail, We don't have a lead. At first, we thought we're able to make it since it showed a map and a GPS but it turned out that it was only the location of Xian's phone."

"I'm too worried, insan," malungkot na sabi ni Natasha.

...

Natasha's POV

It's already two weeks since Vanvan was nowhere to be found. 'Till now we're still clueless of her whereabouts. Nakausap namin ang kapatid niya at sabi niya na tumawag daw sa kanya si Vanvan at sinabing sabihan daw kami na huwag ng mag-alala sa kanya.

Nagpapasalamat naman ako ro'n. Nawala ng kunti ang aking pag-alala. I feel now at ease that she's okay. But my cousin cannot calm himself. He didn't give up on finding her.

"Sabi ng kapatid ko na tinraydor daw siya ng kanyang kaibigan pero hindi niya sinabi kung sinong kaibigan iyon. Sana naman hindi kayo 'yon."

"It's not us! Alam namin kung sino."

"Gusto ko lang makomperma. At sana hindi ni'yo rin magawa iyon dahil kayo ang una niyang pinakilala sa 'kin simula nang mag-aral siya sa ECU."

I still remember what Xian told me yesterday. Nakita kong seryosong-seryoso siya and at the same time ay galit. I understand what he feels since it's his sister that we're talking about. Pareho lang din kami ng nararamdaman. Galit ako sa aking sarili dahil hindi ko siya nagawang iligtas. Pero mas galit ako sa ahas!

I won't let that bitch live her life peacefully! Soon I'm gonna tie her in a bungee jump rope, both of her hand and feet tied with another rope and put a packaging tape in her mouth then push her to fall! I'll leave her 'till someone will notice her! Though I don't care! Kating-kati na akong gawin 'yon. Bwesit siya!

Naalala ko pa ang araw kung bakit ko agad nasabi kay Vanvan na don't trust her.

Flashback:

Nasa'n ba si insan? Ang hirap kaya siyang hanapin dito sa laki ba naman ng skwelahan na 'to.

Naglibot-libot lang ako sa paaralan since wala pa akong ganang pumasok. First day pa naman ng semester kaya okay lang siguro.

Whenever I bump some group of students here, I always overheard that they're talking about Elites. Well, kilala ko na sila since sila naman ang pakay namin ni insan dito kaya rito kami nag-aral. And also, naririnig ko rin ang about sa loser na pinagsasabi nila. Base sa kanilang tuno, bullied ang loser na 'yon. How pity!

Like why would she or he let herself or himself be treated that way? Bakit ba kasi magpaka-weak sa harap ng marami?

Kung sa'n-sa'n na ako napunta hanggang sa naisipan kong kumain muna sa cafeteria nila rito. In fairness maganda at magara ang cafeteria nila rito. Parang 'yong mga nakikita ko sa Hollywood movies na cafeteria. Malaki din ang space at magara ang mga mesa at upuan na parang pang-dining restaurant. Well I like it here!

Hindi naman kasi kami rito nag-aaral noon ni insan noong high school kami. Kaming apat n'ong gagong Reid at ni Wilder! Then for 3 years, wala kami sa bansa kaya ngayon lang kami nakapasok dito. Paaralan ito na pagmamay-ari ng ama ni Jax Blaine noon at mukhang siya na ngayon mismo ang may-ari nito.

Pumunta rin ako sa garden. Sa lahat ng rooftop dito at sa mga maaaring exits or sa secret passages. Well, parte ito sa mission namin. Mabuti nang may alam ako sa lugar na ito. Tsaka nakuha ko na rin ang blueprint ng paaralang ito. Chini-check ko lang.

...

'LAVANDEIR TRINIDAD. RANK 2'.

Kumunot ang aking noo habang tinitigan ang isang poster na may mukha ng babae. May malaking bandal ito na malaking ikis sa mukha at nilagyan ng malaking loser. Hindi ako nagkakamali! Ito 'yong dinala ni insan n'on sa kwarto niya!

What the! So... So that's why she's in that state when insan asked me to take care of her? She was the bullied!

Seems like she's kinda popular here in a bad way.

Naisipan ko namang tumambay sa rooftop habang tinawagan si insan at sinabi sa kanyang kilala ko na 'yong babaeng dinala niya sa condo. Wala naman siyang ganang magsalita at pinatayan lang ako ng tawag.

Tumambay pa ako ng ilang oras at nagmamasid sa mga tao sa baba. Mas madali kasing magmasid sa mga matataas na lugar dahil makikita mo ang view sa ibaba at mahirap ka ring mahanap.

Pagkatapos kong magmuni-muni r'on ay pumunta muna ako sa banyo bago hanapin si insan. Of course pumasok sa cubicle... Buti na lang at walang ibang tao. Ilang sandali, narinig kong may pumasok. Hindi ko narinig ang pagbukas or pagsara ng cubicle kaya siguro nasa labas lang siya ng cubicle.

"Clent babe don't worry. Uto-uto naman ang loser na 'yon at isa pa, she trusted me... Yes, babe!... Okay! She won't know. I love you!"

I rolled my eyes heavenward. Dito pa nagtatawagan!

'Like hello? Check the cubicles first if it's empty before you talk like that. So stupid!'

Anong purpose ng pagpunta niya rito kung may nakarinig pala sa kanya? Tsk!

I don't even care what she's talking about and I don't like to stick my nose onto the other's business but I can't help it. She even told the person whom she's talking to about that loser's schedule, what she's doing and her whereabouts!

She's talking about the girl that insan is interested into!

Natapos na ako kaya lumabas ako sa cubicle. Tiningnan ko ang mukha niya sa reflection ng salamin at kinabisado ang bweset niyang mukha tsaka agad umalis para hindi niya makita ang mukha ko habang may tinitipa pa siya sa cellphone niya.

Clent babe my ass!

Sinulyapan ko muna siyang muli at nakita kong bumuntong-hininga siya. And I saw that strange expression she's making right now. It's as if... Hmm! I see!

Pagmamasdan ko muna siya at ang mga kilos niya kaya hindi ko siya kinompronta. I like the girl whom insan is interested into. And I like her for getting insan's attention. That's a big deal for us since ang hirap niyang magkainterest sa isang bagay o tao. Kaya nagagalit ako kapag may manakit sa babaeng 'yon.

Umalis na ako doon at dali-daling pumunta sa ibang restroom. Sa pagnamadali ko kasing umalis, hindi pa ako nakapaghugas ng kamay tangina!

"Yucks!"

Inubos ko ang isang alcohol sa bag ko at inis na tinapon 'yon sa malapit na basurahan at naghanap ng ibang restroom.

Then the next thing happened. Nagkakilala na kami ni Vanvan at palihim kong pinagmamasdan ang ahas kung may time ako.

But to respect Vanvan's decision, hindi na namin siya sinabihan ng tungkol kay Kim dahil ayaw naming magalit sa amin si Vanvan. At naiintindihan namin ni insan iyon. 'Buti na lang talaga walang ibang ginawa ang ahas na Kim na 'yon kundi ang mag-report lang sa kanyang Clent babe!

End of Flashback.

Nabalik ako sa realidad nang pumasok ang human snake sa room ng PE. Yes PE namin ngayon. Hindi ko mapigilang ikuyom ang kamay ko at kating-kati na akong isampal ang kamaong ito sa mukha niya! Because of her, Vanvan is nowhere to be found.

"She's not a saint and she's not what you think. She's an actress..." kanta ko sa harap niya at nginisihan siya ng pamatay na ngisi.

Araw-araw ko siyang iniinis at hindi ko siya titigilan. Mas lalo ko pa siyang gustong patayin nang nakikita kong nagi-guilty ang bweset!

Dahil sabi ni insan na bantayan ko lang siya at hindi pwedeng saktan, wala akong magawa kundi inisin lang siya.

Inirapan niya ako kaya mas lalo kong gustong tusukin ng ballpen ang mata niya. Buti na lang at composed ako na pagkatao... Composed nga ba?

"Fortunately I am not desperate... Desperate to the point that I'll do everything just to let them join me in their group!"

Napalingon siya sa akin at tiningnan ako nang masama at mukhang nagulat pa siyang alam ko ang ginagawa niya.

'I have a source dear! And I trust my instinct!' gusto ko sanang sabihin 'yan sa kanya pero hindi na para mabaliw siya sa kakaisip kung bakit ko 'yon alam.

Nginisihan ko siya nang nakakaloko. Sabi ko nga, pamatay na ngisi.

Lalapitan niya sana ako kaso pumasok na ang professor namin. I gestured my right hand a gun sign and teasingly shot her and mouthed 'bang'.

Natawa ako nang mahina nang nakita ko siyang mas lalong nainis. Hindi mo alam ang binagga mo ahas ka!

...

Almost Four months had pass since nawala si Vanvan.

Wala pa rin kaming idea kung nasaan siya. Ginawa na namin ang lahat. Pati si Mr. Taki, ang Red Org at ang Maroon Org ay tumulong sa paghahanap pero hindi pa rin namin siya nahanap. Ilang beses ko na ngang tinawagan si Xian baka tumawag ulit ang kapatid niya sa kanya pero umiling lang siya.

Kalat na rin na binully si Vanvan ng Elites at biglang nawala. Wala namang nag-abalang nagsumbong sa pulis since unang-una ay takot silang kalabanin ang Elites at pangalawa, wala silang paki kay Vanvan. Ang mga teachers ay hindi rin makapagsumbong since binayaran silang lahat ng triple pay. Takot din silang mawalan ng trabaho.

Hinack lang naman ni insan ang systems ng ECU at in-upload sa system nila ang video kung saan binully siya ng Elites.

May nagbigay kasi sa'min ng video clip na 'yon pero putol at hindi namin alam kung kanino galing. Nakita lang ni Veign sa pintuan ng headquarter ng Black Org. Lahat kami ay galit sa nakita namin sa video. Video nong time na sinasaktan siya ng Elites bago siya nawala.

Gusto ko silang patayin lahat at iparanas sa kanila ang ginawa nila nang mapanuod namin iyon. Galit na galit kami at nakapagtataka ay mas pinakagalit sa amin ay si Veign.

Naalala ko pa ang sabi ni insan noon na dahil daw sa kanya ay ginawa nilang paen si Vanvan to lure insan. Kaya nga galit na galit si insan nang madamay pa si Vanvan. Ayaw niyang matulad si Vanvan sa kaibigan ko dati, na girlfriend ni insan dati.

Minor subject namin ngayon at nakakainis pa dahil magkaklase kami ng ahas sa subject na ito. Same course kasi kinuha namin ni insan at same schedule din. Si Vanvan naman at si snake ay magkaklase sa subject na ito.

Baka 'di pa ako nakapagtimpi ay iwawala ko siya diyan na parang bula! Kung 'di lang talaga ako pinipigilan ni insan, baka missing na din ang isang 'to!

Habang nagle-lecture si prof ay may biglang pumasok dahilan ng pagtigil ni prof sa pagsasalita. Dahilan kung bakit nagulat kaming lahat at nakatunganga sa kanya.

Nakatitig lang ako sa kanya hanggang sa tumabi siya sa vacant seat sa kaliwa ko. Katabi ko kasi si insan sa kanan at katulad ko ay nagulat din.

"N-Natsy! E-Ex! Kumusta?"

Hindi ko alam... Napaluha na lang ako at agad na niyakap siya.

"Vanvan!"