Biglang tumibok ang puso ko sa kaba at parang nanayo ang balahibo ko. Hindi ko alam pero ang creepy naman. May nagmamasid pala sa akin nang hindi ko alam?
'Dalawang leader? So pangatlo na si Kern na nagmamasid sa akin? Sinong leader?'
Naalala ko bigla ang puting panyo na bigay ng misteryosong lalaki noong nasa garden kami. Tiningnan ko si Kern at tatanungin sana kung may alam ba siya tungkol doon. Or baka siya pala mismo iyon.
Saglit siyang natigilan pero hindi halata. Nakita ko lang ang expression niya dahil nakatitig ako sa mukha niya.
'May alam ang isang 'to!'
"I can't say I don't know but I can't also tell you."
"At bakit? 'Di ba may karaparan akong malaman dahil ako 'yong inii-stalk?"
"Because if I answer you about any of your question involving them, our identity will be at risk since you're still not our member. "
"Anong ibig mong sabihin?"
"Hay nako! Malalaman mo lang talaga kasi ang lahat ng iyon kung in-accept mo na ang offer ni Master. We're willing to wait for you so you can take your time. And even if you accept it now, you still need time to heal your wounds, to heal yourself mentally and physically... so refrain yourself in asking and recover first. Your brain might explode because of too much information."
Hindi ako makapaniwalang nakatitig sa kanya kaso umiinom lang siya ng tubig at walang pake kahit binato ko siya ng nakakainis na tingin.
Huminga ako nang malalim. Mukhang wala talaga akong makuha sa Mais na 'to!
"At kung hindi ko in-accept ang offer niyo?"
"I don't know. It never came to our mind that you won't accept it. We know you will dahil hinding-hindi mo maiiwasan ang ganito."
Muli akong nagbuntong-hininga. Mas lalo niya akong pinapaisip sa mga sinasabi niya. Sana hindi na lang niya sinagot ang mga katanungan ko kung hindi rin naman buo ang sagot.
Isa ako sa mga taong hindi mapapakali kapag hindi malalaman ang sagot. Hindi ako tatantanan ng curiosity.
...
Gabi na at nandito ako sa kwarto ko since wala naman akong ibang lugar na pupuntahan. Nakahiga sa kama at nakatitig sa puting kisame. Suot ko nang muli ang eyeglasses ko kasi binigay ni Kern iyon kanina, kasama na ang bag ko.
Sinabi niya sa 'kin kung bakit nila ako nadala rito. At tama nga ang nakita ko noong mukhang natumba ang isa sa Elites bago ako nawalan ng malay. Sabi niya na may ginamit silang spray para mahimatay ang kung sino man ang makakalanghap n'on kaya pati ako ay nawalan din ng malay.
Binigyan pa nga niya ako ng isa. Mukha siyang perfume base sa lalagyan. Binalaan pa akong takpan ko ang aking ilong kung i-spray ko 'yon. Delikado ito kaya hindi ko dapat susubukan lang dahil sa curiosity. Pero gusto ko ito i-try sa Mais na 'yon, baka kasi niloloko lang niya ako.
...
Kakatapos ko lang tawagan si kuya. Naikwento ko rin sa kanya ang totoo na tinraydor ako ng isang kaibigan pero 'di ko sinabi ang lahat. Humingi naman ako nang permiso ni Kern. Hindi ko rin sinabi kay kuya kung sino ang tumulong sa akin at kung nasaan ako.
Nag-aalala ako kay kuya dahil alam kong hindi iyon napapakali kaya ilang beses ko siyang tinawagan nitong nagdaang linggo.
'Di ko alam bakit eh kahit malaman niyang nasaan ako ay 'di naman iyon makakapunta dito. Kaso may rebuttal si Kern at sabi niya ay baka may ibang pupunta at hindi si kuya. As always puro mga cryptic pinagsasabi niya.
Nandito ako sa CR at nakahubad ang pang-itaas. Mahigit tatlong buwan na akong nandito kasi hindi nila ako pinapauwi kung hindi pa ako okay.
Naging busy din naman ako dahil gumagawa pa rin ako ng school activity na parang nagho-home study lang ako. Hindi ko alam kung paano nila nagawa 'yon at pa'no nila napakiusapan ang ECU na mag-home study.
Sabi pa ni Kernel na wala pa ring nakakaalam kung nasaan ako at walang nakakaalam na nagsu-submit pa rin ako ng mga project, exams at assignment. Palagi ding busy ang Mais na 'yon. Minsan ay umaalis siya nang ilang araw at 'di ko alam kung anong pinaggagawa niya. Mahirap kasi siyang basahin. Kahit umaakto siyang abnoy palagi na parang si kuya kung kumilos minsan ay alam kong mautak siya katulad ni Ex.
Nabanggit pa niya na si Master ay kilala bilang Ace at hindi ko daw dapat ipagsabi iyon sa iba. Pinilit ko kasi siya nang pinilit tungkol kay Master kaso ginagago lang niya yata ako.
Tinanong ko kasi siya kung bakit may codename pa na Ace, sabi niya Ace of Spade daw 'yon at si Kern ang joker. If ever na sasali ako sa kanila, maging baraha daw ako. Ganyan siya, kapag may impormasyon akong tinatanong o kung hinuhuli ko siya sa salita, kung ano-ano pinagsasabi niya.
'Di talaga maiisahan ang mais na 'yon!
Naging okay naman na ako ng mga dalawang buwan. Kaso sabi ni Kernel dapat mag-e-exercise daw ako para hindi patpatin.
Everyday ako nag-exercise. Kapag nandito siya at sinasabay niya ako sa physical activity. Tinuruan niya din ako ng simple self-defense. Pinuri nga niya ako dahil madali akong matuto. Pati ang stamina ko ay pinupuntirya niya at nilalait noong una kaya iyon ang pinaka-purpose niya bakit need kong mag-exercise.
Tiningnan ko ang aking reflection sa salamin at wala na ang mga sugat at pasa. May palagi silang pinapa-maintain sa akin na vitamins para raw maganda ang kutis ko at mayroon ding parang Gel na ipapahid ko palagi sa mga pasa kaya naghilom na ang mga ito.
Parang hindi ko dinanas ang mga kagaguhan nila nang tingnan ko ang aking sarili sa salamin kasi wala na nga ang mga pasa. Isa lang ang naiwan... 'Yong sa likod ko na sinunog nila. Tumalikod ako at nilingon ang salamin habang pinagmasdan ang aking likuran.
Isang peklat na letrang L. Hindi ko ito pinatanggal dahil ayokong makalimutan ang lahat ng ginawa nila sa akin tuwing makikita ko ang peklat na 'to.
"Isn't it great? Others may think that L symbolizes loser but it isn't. It symbolizes you... Lavandeir."
"That scar will make you remember your past someday. Make it your motivation."
Naalala ko pa ang mga sinabi sa akin ni Mr. Jackson kahapon. Tama nga ang sinabi niya. Sa tuwing tinitingnan ko ang peklat na 'to ay maaalala ko ulit ang lahat na ginawa nila at ang pagiging mahina ko. Nawala nga ang mga sugat at pasa ko, pati na rin ang hapdi nito... Pero hindi nawawala ang poot at galit ng aking nararamdaman.
Narinig kong may nagbukas ng passcode sa pinto kaya agad kong sinuot ang t-shirt at lumabas sa CR. Isa lang naman ang feel at home kung makapasok sa room ko.
"Lava! Akala ko nagpakamatay ka na!" May pa-acting pa siyang nalalaman. Wala nga si kuya rito, nandito naman ang mais. Hay nako!
Sa ilang buwan akong nandito ay siya lang ang naging kausap ko at immune na ako sa pagiging abnoy niya.
"Kaluluwa lang niya ito," sagot ko naman sa kanya.
"Yieeehh! Pinapakita na mo na ang totoong ikaw," sabi pa niya na may nakakalokong mukha.
"Bakit ano ba ako?"
"Nagpapanggap na mahina at mahinhin yon pala mataray."
Sinimangutan ko siya. Ganito lang naman ako kapag kaharap ko ang mga taong komportable ako. Isa pa feel ko ang kaluluwa ni kuya sa kanya.
"Ano bang ginawa mo rito?"
Nilapitan ko siya at manghihingi sana ng kinakain niyang kernel corn. Agad niya naman itong inilayo sa 'kin at sabay sabing, "no way!"
"Damot!"
Nagmake-face pa siya sa akin. Hindi talaga ako naniniwala sa sinabi niya na magka-edad lang kami kasi parang bata naman ang kaharap ko eh.
"By the way, nakapag-decision ka na ba?" tanong niya sa 'kin. Sa ganitong oras ay seryoso siya kapag 'yon na ang topic. Hindi ko ma-explain kung bakit parang big deal nila iyon. Pati nga si kuya Hero tinanong ako eh.
"Bakit ba parang big deal sa inyo ang decision ko?"
"Big deal talaga! You'll become our last and 6th member if you'll accept his offer. It's been five years since may nadagdagan sa amin. Excited kaming makasama ka!"
Nagulat ako sa sinabi niya. Gaano na ba katagal silang nabuo?
"14 ka pa lang n'ong ni-recruit ka nila?"
"Obviously! Ako ang bunso at ang last na na-recruit. At pwede ba 'wag na nating pag-usapan ang buhay ko at sabihin mo na sa akin ang decision mo."
"Bakit ko sasabihin?"
"Eh kasi kapag pumayag ka na, ako ang naatasang maging partner mo since kaedad lang tayo. Isang buwan na akong walang mission kaya excited ako sa mission na ito. Gusto ko ring makasama ang Black O--, I mean ang makasama ka. Yiieeehh!"
Hindi ko mapigilang mag-face palm.
"Hindi ako pumayag," sinabi ko na lang para matikom na ang bibig niya.
"Huh? Bakit?"
"Nararamdaman ko kasing ikaw ang makakasama ko," sabi ko at agad na lumabas ng kwarto. Natawa naman ako nang mahina sa reaction niya. Magpapahangin na lang ako kesa makasama ang abnoy na 'yon. May garden pa naman sila rito.
Medyo malamig nga sa labas pero makapal naman ang jacket na suot ko.
Totoong hindi ako pumayag pero binigyan niya pa rin ako ng oras para makapag-isip.
"I know you're still bothered but I told you I'm willing to wait, lady. Know them first then you can make a decision."
"S-salamat po."
"One thing. Don't trust too much. You already know what are the consequences by easily giving your trust to everyone around you."
"So ibig sabihin hindi rin kita pagkakatiwalaan?"
"Including me. Learn to depend to yourself only. Trust is made when you start to lean on someone."
"Tatandaan ko po 'yan. Pero... Bakit ako ang napili mo?"
"It's just that you'll need my help and I need your cooperation. We have different goals so I'll appreciate it if you'll accept my offer."
Natatandaan ko pa ang pinag-usapan ni Mr. Jackson kanina. Base sa tono niya, parang may pinaghuhugutan siya or parang ang tagal na niya akong hinintay para lang sa offer na ito. Hindi ko man alam ang goal niya pero parang may kinalaman sa personal niyang buhay maliban sa pagiging master.
Bumuntong-hininga ako at nilalanghap ang sobrang maginaw na hangin. Tinitigan ang medyo maulap na kalangitan at maaliwalas na paligid. Makapag-decision din ako balang araw.
...