Chapter 32 - Creepy

Hindi na ako nagpupumiglas pa kasi sobrang seryoso ng mukha niya at hindi siya nagsasalita tuwing tinatanong ko siya kung saan kami mag-uusap. Nang makita ko ang direksyon alam ko nang sa garden kami pupunta. Buti na lang at sa garden kasi wala namang ibang pumupunta rito, kung meron man ay dadaan lang pero paminsan-minsan lang.

Binitawan lang niya ang aking braso nang huminto na kami. Namumula pa 'yon sa sobrang higpit ng hawak niya... Na akala niya ay tatakas ako.

"W-wala naman tayong pag-uusapan," sabi ko habang nakayuko. Hindi ko kayang salubungin ang mga titig niya ngayon. Hindi ko maipaliwanag, parang sinusuri niya ako. Posibleng may masabi akong mga detalye kung anong nangyari sa akin kaya dapat akong mag-ingat sa kanya.

"Patawad..."

Agad akong napatingin sa kanya nang bigla niyang sinabi ang katagang iyon. Hindi lang dahil nagtatagalog siya, nalilito lang ako kung bakit siya humingi ng tawad sa akin. Sobrang seryoso pa rin ng kanyang mukha pero 'yong mga titig niya kanina ay napalitan ng pagkaawa.

'Kinakaawaan niya ako...'

Pero hindi ko alam kung totoo ba 'yang pinapakita niya sa akin. Naiisip ko kasi na kapag may mabait sa 'yo, may hinihinging kapalit.

Tas isa pa... Bakit siya nagpapatawad? May nagawa ba siya sa akin na ikana-guilty niya? May nagawa ba siyang mali sa akin?

Iniwas ko ang tingin sa kanya at yumuko. Nagbuntong-hininga ako... P-pinagdududahan ko ba siya? Ayoko nang gan'to pero nakakatakot nang magtiwalang muli.

"Sorry for not being able to save you. We really regret that we let you go at that time."

First time ito sa akin na nag-sorry siya sa akin. Sobrang seryoso niya pero 'yong boses niya ay hindi nagbabago, malamig pa rin na parang walang buhay.

"Hindi niyo naman kasalanan 'yon. Ako ang nagdesisyon n'on kahit na sinabihan niyo na ako tungkol sa kanya at..."

Napahinto ako at muling itinikom ang aking bibig. Nakatingin lang ako sa kanya at nagdadalawang-isip kung...

'Kakampi ko ba talaga siya? O baka naman katulad din ni Kim na alagad din siya ni Jax? Alam kong kilala niya si Jax, kahit 'di man niya iyon sabihin.'

Bigla namang nagbago ang kanyang expression, na parang nasaktan siya sa 'di ko maipaliwanag na dahilan.

"I understand what you're feeling, but you don't have to doubt us."

'Nababasa niya ulit ako?'

"Alam ko pero h-hindi ko pa kasi kayo tuluyang kilala. Sa ilang linggo nating pagsasama nina Natsy ay ni isa wala pa akong alam sa buhay niyo. H-hindi ko maiwasang magduda kasi kayo lang ang taong tumulong sa akin beside kay Kim. Hindi ko alam kung totoo ba 'yang pinapakita ni'yo sa akin or baka katulad lang kayo sa kanya."

Hindi ako umiwas ng tingin. Sinalubong ko ang mga mata niyang nakatitig sa akin. "S-sana maintindihan mo rin iyon."

Ewan kung bakit parang may sakit akong naramdaman sa aking dibdib nang sinabi ko 'yon. Siguro ay napaloob na ako sa kanya, sa kanilang dalawa ni Natsy. Pero kasi hindi ko maiwasang pagdudahan sila. Dapat ilayo ko ang sarili ko sa kanila hanggang maaga pa, hanggang hindi pa ako napapalapit nang masyado sa kanila at hanggang kaya ko pang mag-isa.

Pero sayang. Gusto kong hindi sila katulad ni Kim. Gusto ko silang maging kaibigan pero... ang hirap. Takot na ako.

Dali-dali akong tumalikod sa kanya at lumakad palayo. Gusto ko pa siyang iwasan. May parte sa akin na labag sa kalooban pero may parte rin sa akin na nagsasabing tama ang ginawa ko. Sabi nga ni Mr. Jackson na huwag magtiwala ng kung sino-sino. Lahat nang nakapaligid sa akin, kasama na siya doon. Umiiwas din ako sa kanya kasi baka magtanong siya kung nasaan ako noong nawala ako. Alam kong marami silang katanungan ni Natsy tungkol sa pagkawala ko. Nabanggit kasi 'yon sa 'kin ni kuya, palagi nila akong hinahanap sa kanya.

Nagbuntong-hininga ako nang pati si kuya ay hindi ko man lang mabigyan ng totoong sagot at dahilan. Iniiwasan ko rin siya kung magtatanong siya tungkol sa pagkawala ko.

Nag-vibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko 'to sa bulsa at nakitang si Kern pala ang nag-text.

*Hindi tayo pwedeng magkita ngayon... Marami ang nakamasid sayo. May kutob rin akong baka susundan ka ng mag-pinsan. Lemme just track her then I'll give you this phone.*

Agad akong napahinto sa text ni Mais. Hindi dahil sa ibibigay niya ang mamahaling cellphone na ipinakita niya sa 'kin kahapon... Kundi dahil sa naghihinala ako.

'Kilala ba niya ang magpinsan? Bakit niya alam na magpinsan sina Ex? Dahil ba sa apelyido?'

Alam kong ang tinutukoy niya ay sina Ex. Tulad ni Mr. Jakson ay marami ring alam si Kern. Hindi ko alam kung anong ugnayan nila or kung bakit kilala niya sina Ex? May dalawang rason lang naman kung bakit niya kilala sina Ex. 'Yon ay kilala na niya ito noon pa or ginawan niya na ito ng background research.

Tatanungin ko na lang siya kung magkikita kami. Kung hindi siya sumagot, hindi na talaga ako magtitiwala sa baliw na 'yon.

Naisipan kong pumunta sa ladies room at marami pa rin ang tumitingin ng kakaiba sa akin. Hindi ko na sila pinansin pa kasi sanay na naman ako.

Nakayuko lang ako habang naglalakad which is ang usual kong gawin. Nagtataka nga ako kung bakit hindi nila ako inaano. Minsan kasi kapag dumadaan ako ay palagi nila akong tinutulak, babatuhin ng papel at iba pa. Natigil lang iyon noong palagi ko ng kasama sina Natsy. Pero ngayon, mag-isa lang naman ako kaya nakakapagtaka.

Nang mapunta na ako sa 7th floor sa building ng commerce ay nakahinga na ako nang maluwag kasi wala ng tao rito at ako na lang. Habang tinatahak ang hallway papuntang CR ay biglang nanayo ang aking balahibo at nakaramdam ng kaba. Mabilis ang tibok ng puso ko at bigla akong napahinto. Meron kasing mabilis na aninong dumaan na nakita ko galing sa aking likuran. Hindi ko alam kung guni-guni ko ba iyon or anino talaga.

Naalala ko ang message ni Kern kanina na maraming nagmamasid sa akin. Kaya mas lalo akong kinabahan. Dahan-dahan akong naglalakad at nililingon ang aking likuran para tingnan kung may sumusunod sa 'kin... Pero wala naman. Isang napakatahimik na hallway lang ang nakikita ko.

Patuloy akong naglakad pero hindi mawala sa akin ang kaba.

'Yong steps ko lang ang naririnig ko sa hallway at wala ng iba pa. Which means ako lang talaga mag-isa rito pero hindi pa rin mawala ang kaba na nararamdaman ko.

Lakad-takbo ang ginawa ko para lang marating agad ang CR. Dito ko kasi naisipang mag-cr kasi kunti lang ang gumagamit dito. Nang marating ko na ang CR ay papasok na sana ako kaso may naamoy akong pabango kaya napahinto ako. 'Yong kaba na nararamdaman ko kanina ay mas lalong dumoble pa. Sobrang bilis din nang pagtibok ng puso ko at parang nabato ako sa aking kinatatayuan.

Hindi ako pwedeng magkamali...

Dali-dali akong tumalikod at tumakbo agad. Walang lingon-lingon patuloy lang akong tumakbo. Hindi ko alam kung mabuti ba siya or masama.

Sino ba siya? Ba't niya ako sinusundan?

Naamoy ko kasi ang perfume n'ong lalaking nagbigay ng puting panyo sa akin noon. Hindi talaga ako nagkakamali! Parehong amoy ng punting panyo ang pabango na naamoy ko sa CR.

Pero bakit? Anong intensyon niya sa akin? Oo binigyan niya ako ng panyo n'ong umiiyak ako n'ong time na 'yon pero mabuti ng sigurado. Maraming tao ang magpapakita muna ng mabuti para kunin ang tiwala ng isa pang tao pero may masamang binabalak pala ito. At natuto na ako. At tsaka baka isa siya sa sinabi ni Kern about sa mga nagmamasid sa akin.

Nagmamadali pa rin ako sa pagtakbo dahil sa takot hanggang nakarating ako sa 2nd floor pero may biglang humila sa akin kaya napasigaw agad ako. Hinila ako ni Ex papasok sa isang vacant room. Oo si Ex!

"Bakit ka nanghihila? G-ginugulat mo a-ako." Kinakapos ako ng hininga at napahawak sa aking dibdib.

Nang tingnan ko siya ay kanina pa pala siya nakatitig sa akin. Tiningnan niya ako nang masama, nagkasalubong pa ang mga kilay sa sobrang sama ng tingin kaya yumuko akong muli.

Iniiwasan ko nga siya tas magkikita ulit kami rito? Diyos ko!

"What happened?" hindi ko ma-explain kung bakit siya mukhang galit.

"W-wala ka na dun," sabi ko at lalabas na sana ng room kaso hinawakan niya nang mahigpit ang aking braso at hinarap sa kanya.

"You were running like someone's after yo--- I see..."

Alam kong na-gets niya agad iyon at hindi ko na dapat pang mag-explain sa kanya. Mas magaling pa siya sa akin sa observation and deductions, iyon ang term niya. Pero impossibleng malaman rin niya kung sino ang sumusunod sa akin.

Hindi ako umimik sa kanya at hinila ang aking braso na kanina pa niya hawak-hawak. Para siyang nabigla at napatingin naman siya sa ginawa ako kaya dahan-dahang niyang inilayo ang kamay niya sa 'kin. Nang wala na kaming pag-uusapan pa ay umalis na ako sa room na iyon at iniwan siya mag-isa.

Lumingon-lingon ako sa paligid para tingnan kung may tao bang kakaiba ang kilos pero ang mga nakikita ko lang ay mga estduyanteng nasa kani-kanilang ginagawa. Nakahinga naman ako nang malawag.

Nang papunta ako sa CR ng cafeteria ay hindi pa rin maalis ang mga titig at tingin ng mga estudyante sa akin. Naisipan kong doon na lang kasi maraming tao do'n. Natakot kasi ako kanina, baka may sumusunod na naman at mag-isa lang ako.

At isa pa, malalaman ko kung nandiyan ang Elites. Magkukumpulan kasi ang mga estudyante kapag nandiyan sila.

Nakayuko lang akong pumasok sa cafeteria. Ito lang naman ang palagi kong ginagawa.

Sakto lang ang tao sa loob ng cafeteria. Siguro dahil hapon na.

Malapit na ako sa CR nang biglang may sumigaw. Lahat ng atensyon namin ay napasakanila. Mabuti na rin... Kasi 'yong ibang estudyanteng kanina pang nakatingin at nang-iirap sa akin ay nawala ang atensyon nila at napunta sa dalawang babaeng kumuha ng atensyon naming lahat.

"WHAT THE HELL ARE YOU DOING?"

"S-sorry!"

"Tatanga-tanga kasi! Pagbayaran mo itong tanga ka!" gigil na gigil na sabi nito.

Isang Elites! As always, gustong-gusto niya talaga ang atensyon ng lahat.