Chapter 33 - Mia

Nakita ko ang isang babaeng panay ang paghingi ng tawad at nakayuko pa ito. Nakapalda siya at naka-blouse na pangmamahalin. Maganda rin ang ayos ng kanyang buhok at may magandang kutis. Pero masasabi kong mahiyain siyang babae at hindi pala-salita. Mayaman naman siya pero bakit siya takot sa babaeng kaharap niya? May panlaban naman siya... hindi katulad ko.

Hindi talaga ako mahilig manood ng gulo pero may isang bagay, I mean tao ang nakakuha ng atensyon ko. Ang isa sa myembro ng Elites. Ang isa sa mga umapi sa 'kin at nagparanas ng paghihirap dahil sa pamumuno nila...

Mia!

As usual marami nang nakapalibot sa kanila para makinood. Mahilig siyang gumawa ng eksena at gusto niya nasa kanya lahat ng atensyon. Walang gustong kumampi sa babae kasi maliban na si Mia ang kaharap nito ay ang iba naman ay natutuwa at nae-excite sa eksena basta hindi sila 'yong ginagan'to. Isa pa, maraming takot kay Mia at isa na ako d'on.

Nagulat ang lahat nang bigla niyang sinampal ang babae. Sobrang lakas no'n base sa tunog ng paglapat ng kanyang palad sa mukha nito. Napaiyak ang babae sa lakas ng sampal niya. Klase-klaseng reaction ang binabato ng mga tao na nakakita n'on. May natuwa, may namangha at may nagulat. Pero ako? Wala.

Wala akong reaction. Sanay na ako niyan. Bumalik lang sa akin ang alala n'ong pinagtulungan nila akong saktan. Ang mga alaalang gusto kong kalimutan. Palagi iyong bumabalik sa akin. Sa panaginip at sa isipan. Napakuyom ako ng kamao at dahan-dahang pumasok sa CR.

'Lahat ng myembro ng Elites kinatatakutan nila... Pero balang araw, tingnan na lang natin.'

Nang matapos na ako sa aking ginagawa ay lumabas na ako ng cubicle...

Napahinto ako nang makita ko ang reflection sa salamin ng babaeng umagaw ng atensyon ng lahat. Mukhang nagulat din siya nang makita niya ako. Agad niya akong hinarap at tsaka ngumisi.

Sininyasan niya muna ang ibang babae na nasa CR na lumabas muna at muli siyang tumingin sa akin.

"So totoo nga ang balita na bumalik ka? Why?" tinaasan niya ako ng kilay at nakahawak pa sa kanyang bewang. Hindi ako yumuko tulad ng palagi kong ginagawa. Sinalubong ko ang titig niya habang inaalala ang mga kagaguhan niyang ginawa sa 'kin. Sa tuwing makita ko ang isa sa kanila, bumabalik ang alaalang hinding-hindi ko makakalimutan.

Hindi ako umimik sa kanya at nanatili lang nakatingin.

"By the way, How are you pala? I thought wala kana sa mundong ibabaw."

Umaatras ako nang lumalapit pa siya sa akin. Gusto ko siyang labanan pero hindi ko alam kung paano. Alam kong malakas siya kaya sinusuri ko ang bawat galaw niya. At kung maaari ay iiwasan ko ang atake niya kung may gagawin siya sa akin. Isa ito sa itinuro ni Kern. Huwag kong iiwas ang aking paningin sa kaharap ko kapag ganito ang sitwasyon.

"Ang tapang mo rin ano? Nawala ka na nga pero bumalik ka pa. I am really wondering..." tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa na parang inii-scan, "It looks like something has done to you. Parang hindi ka man lang namin binugbog sa itsura mo. We know we gave you scars that are not easy to heal within months. Tell me, sa loob ba ng ilang buwan ay nagpapagaling ka? Saan? Nasaan ka n'ong mga araw na 'yon?"

Napakagat ako sa labi sa sinabi niya. Hindi pa rin ako nagsasalita. Hindi na niya kailangang malaman na may tumulong sa akin.

Pero bakit bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa sinabi niya? Na parang may alam siya, na parang may hinuhuli siya sa akin?

'May iba pa ba silang kayang gawin nang walang ibang nakakaalam?'

Dahil nakakapagtaka na alam nilang ganoong uri ng sugat ay matagal maghilom. Bugbog sarado ako n'on at nabanggit ni kuya Hero na puro mga vital points ang tinamaan sa akin.

Bigla niyang hinawakan nang mahigpit ang aking mukha at inilapit sa kanya. Bumabaon ang mga matataas niyang kuko sa aking pisngi kaya nasasaktan ako. Nakangisi pa siyang nakatingin sa akin.

Hindi ko inalis ang tingin sa kanya at hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa akin. Ginamit ko rin ang kuko ko sa kamay niya dahilan na nagulat siya saglit at pataboy na binitawan ako.

"You! How dare you!"

Sinampal pa niya ako nang malakas dahilan nang pagkatumba ko sa sahig. Hinawakan ko ang aking pisngi. Alam kong masasampal niya ako pero sinadya kong hindi umiwas. May dahilan ako para dito.

Naluha ako sa sobrang sakit dahil sa sampal niya pero hindi ako nasasaktan emotionally. Hindi katulad noon.

"Mabuti na rin naman at bumalik ka pa, nakalimutan ko kasing may malaking silbi ka pala sa amin," natatawa niyang sabi sa akin.

Nang marinig ko ang sinabi niya ay bigla kong nakalimutan ang sakit sa aking pisngi. Gusto kong malaman ang rason at ang sinasabi nilang silbi ko sa kanila. Pinunasan ko ang kunting luha sa aking mata at pisngi tsaka tumayo.

"A-ano bang silbi na sinasabi mo?" mahina at kunwari takot na takot kong tanong.

Mukhang nagulat pa siya sa biglaang pagtanong ko. Gusto kong malaman kung para saan iyon. Bakit biglang nag-iba ang isip nila? Diba gusto nilang umalis ako rito? Bakit? Marami pa akong tanong at gustong kong malaman iyon kahit anong mangyari.

"You don't have to know! Gigil na gigil na sana akong saktan ka nang malaman kong bumalik ka na kaso hindi kami papayagan ni Jax. Once na sabihin niyang wala ka nang silbi sa 'min. Magpaalam ka na!"

"I won't say sorry Van. Blame the cousin for this. It's their fault... It's Ex fault why Jax Blaine changed his mind and let you stay here..."

Naalala ko ang sinabi ni Kim n'on na may kinalaman sina Ex kung bakit nagbago ang isipan ni Jax. Ba't hindi ko ito naalala kanina n'ong kaharap ko pa si Ex?

Dahil doon para akong na-guilty. Hindi kaya magkaaway pala sina Jax at Ex? Baka mali akong isipin na kakampi si Ex sa kanila katulad ni Kim?

Naglakas-loob akong nilapitan siya kahit kinakabahan ako sa aking gagawin. Palihim kong kinuha ang spray sa bulsa ko na binigay ni Kern. Palagi ko itong dala in case maulit 'yong nangyari sa akin sa gym. Mukhang kay Mia ko ito magagamit ngayon.

"B-bakit? Isa lang naman akong hamak na loser. W-wala kayong makukuha sa 'kin."

"Sumasagot ka na?" Bigla niya akong tinulak kaya napasandal ako sa pinto ng cubicle. "Let me tell you na wala ka pang alam sa mundong kinagagalawan mo. Hindi mo pa kami kilala kaya 'wag na 'wag kang sasagot sa akin!"

Sasampalin niya sana ulit ako nang bigla akong nag-acting na nahimatay. Naramdaman ko ang lamig ng sahig sa aking pisngi at sa kanang braso. Nakatagilid ako habang nahiga sa sahig.

Hindi ko alam kung anong naging reaction niya pero narinig ko pa siyang tumawa.

"Loser! Tinulak ka lang, nahimatay na agad?"

Sinipa niya ako sa tiyan pero hindi naman gaano kalakas. Pinipigilan kong umungol sa sakit para hindi niya mahalatang nagpapanggap lang akong nawalan ng malay.

"Shit! She's really unconscious? What the heck! I haven't even do something worse!"

Rinig ko ang footsteps niyang parang aalis na kaya binukas ko ang kaliwang mata para tingnan siya. Nakatalikod siya sa 'kin kasi naghuhugas pa siya ng kamay sa lababo habang nagmumura.

'Sanay na ba siyang makakita ng nahimatay? Bakit ang relax lang niya?'

Alam kong grabe sila ka brutal pero kakaiba ang reaction niya nang nahimatay ako. Mas inalala pa niyang baka pagalitan siya ni Jax kesa ang nangyari sa akin.

Dali-dali kong kinuha ang spray. Nakayuko siya sa lababo kaya hindi niya makita ang ginagawa ko mula sa reflection ng salamin. Tinakpan ko ang aking ilong at bibig at ini-spray malapit sa kanya. Kahit hindi man malapit sa ilong niya ay sure akong malalanghap niya iyon.

Itinago ko ulit ang maliit na spray na mukhang perfume ang lalagyan at bumalik sa pagpapanggap na walang malay pero nakatakip pa rin ang aking bibig at ilong para di ko malanghap iyon.

Sabi ni Kern ay walang amoy ang spray na ito. Kahit curious man ako ay maigi kong tinakpan ang aking bibig at ilong.

Ilang segundo pa ay agad kong tinanggal ang aking kamay sa pagtakip ng ilong at bibig at pinigilang huminga. Baka lilingon siya sa gawi ko at makitang nakatakip ako ng ilong. Sabi ni Kern mabilis lang ang epekto nito sa oras na malanghap mo ito.

"W-what's h-h-happening?"

Napangiti ako nang malanghap na niya ang ini-spray ko. Sinilip ko siya at nakita kong nakaluhod siya habang nakahawak sa kanyang leeg. Nahihirapan na siyang huminga at ilang sandali lang ay bumagsak na siya at nawalan ng malay.

Hindi pa rin ako gumalaw at nanatili sa aking pwesto. Pero ngayon tinatakpan ko na ulit ang ilong ko para hindi ko malanghap iyon. Ilang segundo mawawala naman iyon dahil sa exhaust fan dito.

Nang sa palagay ko'y okay nang huminga ay tinanggal ko na ang kamay ko sa pagtakip.

Hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko ngayon. May parte sa akin na hindi makapaniwala na nagawa ko 'yon at may parte ring natutuwa. Hindi ko alam na masarap pala sa feeling. Masarap sa feeling na kahit ganito ay nakayanan kong protektahan ang aking sarili. Masarap sa feeling ang makitang matumba sa harap ko ang isa sa mga taong nagpapahirap sa akin.

Natakot akong baka magustuhan ko ang feeling na ito at baka hahanap-hanapin ko ito balang araw.

Alam kong sa mga oras ngayon ay dadating ang mga kasama niyang Elites. Mabilis kasing kakalat ang balita rito kapag tungkol na sa akin, lalong lalo na sa Elites. Patuloy pa rin akong nagpapanggap ng walang malay kasi para lahat sila ay magtataka kung anong nangyari. Na bakit pareho kaming nawalan ng malay.

Isa pa, hindi sila maghihinala sa akin kasi isa lang akong hamak na loser. May pasa pa ang aking bibig at namumula ang aking pisngi sa pagsampal ni Mia sa akin kaya lahat iisipin nilang binully na naman ako ni Mia kaya ako nahimatay.

Hindi nga ako nagkamali. May nagbukas ng pinto ng CR at umingay ang paligid. Ngayon lang talaga sila dumating nang tapos na.

Pero... Biglang bumalik ang galit ng aking nararamdaman nang marinig ko ulit ang boses niya.

"MIA!" sigaw ni Kim.

...