"One of the things that makes you remember your past? Scar. - Lavandeir"
...
Lavandeir's POV
Nakita ng dalawang mata ko na napahinto siya. Na parang hindi niya inaasahang malalaman ko ang first name niya. Nang dahil sa naging reaction niya ay nakaramdam ako ng pagka-proud sa sarili. Kung sa iba ay napakakunting bagay lang ito pero sa akin ay natutuwa na ako rito.
Napawi ang kunting tuwa na nararamdaman ko nang hindi man lang niya ako nilingon at nagpatuloy siyang pumasok sa kwarto niya.
Gusto ko mang bawiin ang nasabi ko sa kanya kanina at gusto kong pigilan ang pagdududa ko. Parang nadadala ako sa mga sinasabi niya kaso hindi pwede. Nasabi ko na at 'di na mabawi ang mga salitang nabigkas na.
Nagbuntong-hininga ako. Mas lalong dumoble ang guilt na nararamdaman ko ngayon, na parang nasaktan ako ng kunti nang makita siyang kumilos ng gan'on.
'Pagkatapos niya akong gamutin, ano na? 'Yon na 'yon? Pwede na ba ako umuwi?'
Hindi pa ako nakapagpasalamat sa pagkain at sa paggamot niya sa akin. Umalis si Natsy at iniwan niya akong mag-isa dito. Si kuya naman ay natangay pa.
Biglang nag-vibrate ang cellphone ko kaya tiningnan ko ito at nakita ko ang message ni Kern. Madali ko lang makabisado ang kahit anong bagay pati na ang number niya kaya alam kong sa kanya ito. Binura ko kasi lahat ng contact ko para mas safety.
Una 'di ko ma-gets ang text niya pero nakuha ko naman ang ibig niyang sabihin ng basahin ko ulit.
*from 09*********:
Can i call? Safe?*
Ibig niyang sabihin na pwede ba siyang tumawag sa 'kin ngayon, 'yong walang ibang tao ang nakikinig or makarinig. Laging confidential ang conversation namin kasi baka madali lang akong paghinalaan kapag may makarinig sa pag-uusapan namin. Nagdududa na sa 'kin si Ex at kung hindi ako nagkakamali ay pati na rin si Natsy. So dapat ay mag-iingat na talaga ako.
Tiningnan ko naman ang pintuan ng kwarto ni Ex pero mukhang wala pa naman siyang balak lumabas. Pumunta naman ako sa terrace at sinara ang sliding glass door. Sumalubong sa akin ang napakalamig na hangin na tumatama sa aking balat. Pumunta ako sa fence at tinukod ang dalawang siko roon tsaka ni-replyan si Kern.
*To 09*********:
Oo.*
Maya-maya lang ay tumawag na ang mais sa akin at agad ko naman itong sinagot.
"LAVAAAAA!"
Inilayo ko ang cellphone sa tenga nang marinig ang gigil na sigaw nito. Para talagang bata 'to. Mukhang mas worst pa kay kuya. Teka kumusta na kaya sina Natsy at kuya?
"Wag ka ngang sumigaw! Papatayin ko talaga 'tong tawag."
"Woah! Nagmamaldita kana ah? Hahaha!"
"Okay." Ibababa ko na sana ang tawag nang marinig ko ang tarantang boses niya. Kahit kailan talaga 'tong mais na 'to. Tuwing wala si kuya siya naman ang present.
"Teka! Teka! 'Di ka naman mabiro. So nasan ka ba?"
"Nasa bahay ng k-kaibagan," nag-aalangang pagkabigkas ko sa salitang 'kaibigan.' Sa ngayon, naiilang akong sabihin ang salitang 'yan.
"Do you really have one? Baka siguro sa bahay ni Ex?"
Natigilan ako sa sinabi niya. Oo nga pala. Muntik ko nang makalimutang pinagdududahan ko rin 'tong mais na 'to. At ngayon ang oras para tanungin siya.
"Teka nga! Bakit mo ba sila kilala? Pa'no mo sila nakilala? At bakit mo inaalam kung na'san ako?"
"I have my source. Isa pa, tina-track kita kung saan ka pupunta."
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Bakit naman niya ako tina-track?
"Bakit?"
"Chillax milady... Para ma-monitor ko kung ilan ang nagmamasid at nag-aaligid sa 'yo. Tas isa pa, ipapaliwanag ko sa 'yo ang lahat kung in-accept mo na ang offer ni Master."
"T-teka? May nag-aaligid ba sa 'kin ngayon?"
Lilingon na sana ako sa paligid para suriin kung meron nga bang nag-aaligid nang...
"Oops! Huwag kang titingin or lilingon sa paligid mas lalo silang maghihinala. And yes! Maraming nag-aaligid sa 'yo kaya huwag tatanga-tanga."
"Hindi naman ako tanga!"
"Oh really?" may pagka-sarcastic niyang sabi sa 'kin. Bakit parang kausap ko lang si kuya ngayon? Kaso mas malakas ang mood swing nito at mas sensitive pa kay kuya. "Anyways, ako na bahala sa kanila at mag-enjoy ka na muna diyan."
"T-teka!"
Nakasimangot akong nakatingin sa cellphone ko. Ang mais na 'yon, binabaan ba naman ako ng tawag. Tatanungin ko pa sana siya kung may alam ba siya kung sino ang mga nagmamasid sa akin at kung bakit nila ako pinapasundan.
'Ano ba talaga ang tabaho ng mais na 'yon? Kung kumilos kasi siya ay parang si Ex, ang daming mysteryo na nakapalibot sa kanila.'
Isa lang naman ang naisip kong nag-utos sa mga taong nagmamasid sa akin. Ang Elites. Sila lang naman ang alam kong may kayang gawin sa 'kin nito. Wala akong idea kung gaano ako kaimportante sa kanila na hanggang dito ay pinapasundan pa nila ako. Dahil lang sa sinabi nilang malaki ang silbi ko? Para saan? Para sa kanila Ex? Malakas ang kutob kong gagamitin nila ako laban kina Ex, narinig ko sila sa CR kanina at wala naman silang ibang kaaway na may ugnayan sa akin kundi sila Ex lang. Ewan! Kailangan ko pa rin iyong makomperma.
Kinakabahan ako sa pananahimik ni Jax. Akala ko nga katulad ng dati na kapag bumalik na ako, sasaktan agad nila ako. Pati noong kinuha ako nina Ex, hindi man lang siya nakipagsagutan. Ayaw ni Jax sa mga taong katulad ni Ex kaya nakakagulat na pumayag siyang makuha ako ni Ex.
At ang ipinagtataka ko lang... Bakit umabot sa ganito? Na parang ang sobra na nilang brutal at parang ang laki ng galit nila sa isa't-isa. Na parang magkaibang grupo na nagkokompetisyahan.
Binura ko ang call history para sigurado. Baka may kukuha pa sa cellphone ko. Kahit keypad lang ito dapat pa ring mag-ingat lalo na't nalaman kong marami palang nagmamasid sa akin. Binura ko rin ang lahat ng message ko at tsaka ang inbox.
Nagbuntong-hininga ako pagkatapos kong ilagay sa bulsa ang cellphone. Tinukod ko ang baba ko sa fence at tinitingnan ang city lights. Makikita ko rito ang tanawin kasi nasa 4th floor itong condo niya.
Ang lamig na ng panahon. Hindi dahil sa gabi na kundi dahil ay one week na lang ay pasko na. Muntik ko pang nakalimutan buti na lang at nakita ko ang malaking Christmas tree sa gitna ng kalsada. Nasa gitna ito ng malaking circle at may mga punuan na nakapaligid nito.
2nd semester na pala ngayon. Hindi ko na kasi naisip 'yon at nawala sa isip ko sa rami nang nangyari sa akin. Sa whole year ko sa ECU ay nagdulot lang sa akin ng sakit, takot, at pagkabahala. Araw-araw akong nakaramdam ng pangamba at takot. Araw-araw nilang pinaparanas sa akin ang dulo ng buhay, ang maging miserable. Wala naman akong ibang ginawa kundi ang mag-aral nang mabuti para sa kinabukasan ko pero mukhang hindi nila ibibigay ang kalayaan ko. Araw-araw nilang ginugulo ang buhay ko.
Sa sobrang sikip ng dibdib ko sa galit ay 'di ko namalayang napaluha na pala ako. Agad ko namang pinunasan iyon gamit ang kamay ko. Napakuyom ako sa galit at pilit na pinipigilan ang aking sarili na hindi maiyak ulit. Sana matapos na ang paghihirap ko. Sana huling iyak ko na 'to sa mga taong walang ibang magawa kundi ang guluhin ang buhay ko.
At isa lang ang solusyon dito. Ang pagiging matatag at marunong lumaban. Tama na. 'Di ko na kaya ang mga nangyari noon at ayaw kong madagdagan pa ulit ang mga memoryang sobrang sakit kung iisipin.
Bigla akong natigilan. Nanlaki ang aking mata at lumakas ang tibok ng aking dibdib sa gulat nang makaamoy ako ng amoy ng sigarilyo. Dali-dali akong lumingon sa aking likuran at nakita ko siya.
"E-ex!" gulat kong sabi at medyo napaatras dahilan na napasandal ako sa fence. 'Nakakatakot ang tingin niyang may pagdududa. Parang kapag hihinga lang ako, alam na niya lahat ng sekreto ko.
Nakatayo siya at may hawak-hawak siyang yosi sa kanang kamay at mukhang kakasindi lang ito since ngayon ko lang naamoy ito at mahaba pa ang stick. Nakasandal siya sa pader na parang kanina pa siya nandito kasi naka-cross pa ang legs niya. Napatingin ako sa kaliwang kamay niya na may hawak na Vcut. Pagkatapos ay sinalubong ko ang titig niya. Hindi pa rin mawala ang kaba sa aking dibdib.
'K-kanina pa pala siya nandito?'
Hindi ko man lang naramdaman ang presensya niya. Hindi ko pa iyon malalaman kung hindi ko na amoy ang sigarilyo. Wala siyang emosyon sa mukha which is usual. Hindi rin siya nagsasalita kaya 'di ko matukoy kung narinig ba niya ang sinasabi ko n'ong nag-uusap kami ni Kern.
Binaba niya ang Vcut. Iniwan niya iyon sa sahig kung saan siya nakatayo tas walang sabi-sabi ay pumasok sa loob. Mga ilang segundo pa akong nakatulala dito bago ko naisipang lapitan at pulutin ang Vcut.
'Bakit niya ako binigyan nito?'
...