Chereads / Lavandeir's Revenge (Revised Version) / Chapter 41 - I'll Get Mad

Chapter 41 - I'll Get Mad

Parang huminto ang aking mundo at napatigil ako sa paggalaw. Bigla akong kinabahan sa 'di malamang dahilan. Ngayon lang niya binanggit ang tungkol sa ina namin. Palagi niya kasing iniiwasan ang topic na 'to.

"A-anong ibig mong sabihin kuya?"

Wala kaming alam pareho ni kuya kung sino at anong itsura ng magulang namin kasi simula bata pa kami ay patay na sila sabi ni lolo. 'Yon ang pagkakaalam ko kaya nagtataka ako sa sinabi niya.

"I'm sorry at hindi ko nasabi sa 'yo."

Humiwalay siya sa yakap at tiningnan ako. Naiiyak na rin ako at bumigat ang aking pakiramdam.

Ang daming tanong ang gusto kong itanong kay kuya pero walang lumabas na salita kahit isa nang makita ko ang mukha niya. Nakikita kong na-guilty siya dahil inilihim niya sa akin ito.

"Patay na sila ngayon pero nakasama ko pa si mama noon." Mas lalong dumami ang luha na lumabas sa mata niya. Parang natatakot siyang magalit ako sa kanya. Parang takot siyang kamuhian ko siya. Nanginginig ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.

Bakit lahat sila ay nagsisinungaling sa akin? Pati pala si kuya? Lalong-lalo na si lolo. Bakit? Anong rason nila para itago sa akin ang katotohanan? Kung hindi nila inilihim ito, makakasama ko kaya si Mama kahit sandali?

Gusto ko sanang magtampo sa kanya at magalit pero hindi ko magawa.  Tatanggapin ko basta't magpapaliwanag siya. Hindi ko kayang magtampo kasi kuya ko siya at sila ni lolo na lang ang aking pamilya. Meron sigurong malalim na dahilan. Pero kahit gano'n, nasasaktan ako.

"B-bakit mo tinago sa akin kuya?" Mukhang hindi niya alam kung paano sabihin.

Inayos naman niya ang buhok ko at pinahiran ang aking luha na dumadaloy sa aking pisngi. "Hiniling niya iyon. Gusto ko nang sabihin sa 'yo matagal na. Pero request niya 'yon sa 'kin, sa 'min ni lolo. Hindi ko alam kung bakit. Ang sabi lang niya ay bantayan kang maigi. I'm sorry! Patawad! Patawarin mo kami ni lolo!"

"G-gusto kong makita siya kuya. Gusto kong makita kahit 'yong puntod niya."

Tumango naman si kuya sa 'kin at muli niya akong niyakap. "Promise kapatid. Sorry kung tinago ko 'yon sa 'yo."

...

Nang maging okay na ako ay bumalik kami sa sala at saktong-sakto ay dumating sina Natsy. Saan kaya sila galing?

May dala silang mga snacks. Ngumiti sa 'kin si Natsy na parang okay na siya ngayon at hindi na bad mood. Or baka umaandar lang talaga ang mood swings niya. Si Ex naman ay hindi pa rin namamansin at dumiretso lang sa kwarto niya. Hindi naman talaga siya namamansin pero mukhang iniiwasan niya ako. Hindi ko makakasalubong ang mga mata niya. Okay lang naman sa akin. Na-bother lang talaga ako na marunong pala siyang magtampo.

"Saan kayo galing Natsy?"

"Nagpasama lang ako kay insan, nagpapalamig ako ng ulo," sabi niya habang tiningnan si kuya tas inirapan. "May bweset kasi diyan na pinapainit ang ulo ko!"

"Yong mga nagpaparinig diyan, dapat 'yong pinaparinggan niya ay natatamaan kaso hindi! Wa epek!"

Nagbuntong-hininga ako nang nagsamaan na sila ng tingin. Itong dalawang 'to. Naku! Sino bang mas matanda sa ming tatlo at parang ako pa 'yong mas matanda rito?

"Teka Natsy? May klase pa ba tayo?" tanong ko sa kanya. Naalala ko kasing sabi ni kuya na Christmas break na.

Tumingin naman siya sa 'kin at ngumiti nang matamis after niyang irapan si kuya. "Yeah I just remember! Bigla ka kasing tumakbo kanina. Hindi mo tuloy narinig ang announcement ni prof."

"Na ano?"

"Last day na natin kanina, Christmas break na kasi. What's the bad news is papasok pa rin tayo sa P.E. The three of us with that snake together with our eight classmates after Christmas break."

"Huh? Bakit? Twelve na lang tayo papasok? At bakit tayo na lang?"

Umupo muna siya sa tabi ko, kaharap namin si kuya kaya inirapan na muna niya ito bago sumagot sa akin.

"Nakalimutan mo na ba? 'Yong task na binigay sa 'tin ni prof, we didn't make it because you were..." Umiwas naman siya ng tingin "...gone for months. So that's it... At tatlong groups ang hindi nakagawa n'on including us."

Yumuko naman ako sa sinabi niya. Dahil pala sa 'kin... Napatingin ako kay Natsy nang niyakap niya ako. "Don't think like it's your fault. Kasalanan nila 'yon..." Binulong niya 'yon sa 'kin para hindi marinig ni kuya. Hindi kasi alam ni kuya ang totoong nangyari. Sasabihin ko lang sa kanya sa tamang panahon. "Tas hindi rin namin ginawa since kasali sa grupo na'tin ang ahas. And I'd rather work with humans not with snake."

"Anong binubulong niyo diyan mga babae?" singit naman ni kuya. Humilay na sa yakap si Natsy at tinaasan niya ito ng kilay.

"Wala ka na d'on!"

"Whatever! Since nandito na kayo, aalis na kami dahil gabi na. Nagmukha tuloy kaming tagabantay ng condo. Aalis-alis kasi hindi pa nagpaalam!"

"Bakit? Kung magpapaalam ba kami may magbabago?"

Sasagot pa sana si kuya kay Natsy nang may tumikhim. Si Ex. Napatingin kami sa kanya na may dala-dalang unan at parang manipis na higaan na naka-roll pa ito. Hindi siya tumingin sa akin at nagsalita lang.

"You will stay here. It's dangerous outside."

"Ah 'wag na," sabay pa naming angal ni kuya. "Nandito naman ako, sabay kaming uuwi ni Lablab," pagpatuloy ni kuya.

"Duh! You're weak and you're useless. What if I tell you that there's someone who will kill you both?"

"Hindi mo ako madadala sa pananakot mo babae! Sabihin mo nga sa akin ang totoo, gusto mo lang akong makasama dito no?"

'Kuya naman! Ayan na! Umusok na ang ilong ni Natsy!'

"I don't need your opinion! Do you want me to push you there if you're that eager to leave?" naiinis niyang tinuro ang balcony.

Nagbibiro lang si Natsy sa sinabi niya pero para sa akin ay mukhang totoo iyon. Kasi nga sabi ni Kern na may nagmamasid sa akin hanggang dito, pero sabi niya na siya na daw bahala d'on. Sinulyapan ko si Ex para tingnan ang reaction niya pero hindi siya nakatingin sa akin at wala namang nagbago sa expression niya.

Wala kaming nagawa ni kuya at pumayag na lang. Nakakatawa pa ang mukha ni kuya. Parang natakot. Hindi na ako nagulat do'n.

...

Nandito kami ni Natsy sa kabilang kwarto habang ang dalawa ay doon natulog sa kwarto ni Ex. Malaki naman ang kama dito kaya magkatabi kaming nakahiga.

Hating gabi na at hind pa rin ako makatulog. Marami akong iniisip at dumagdag pa ang sinabi ni kuya tungkol sa mama namin. Parang excited akong makita siya kahit... Kahit sa puntod lang niya. Nakakalungkot isipin na huli na nang malaman ko ang tungkol sa kanya. Wala na siya.

Bakit ganito ang pinaranas Niya sa akin? Bakit ganitong buhay pa? Minsan gusto kong isumbat lahat sa Kanya ang nangyari sa buhay ko. Ang unfair! Bakit sa lahat ng tao ako pa ang nakaranas nito?

Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang aking sarili.

Maingat kong kinuha ang cellphone ko. Nakabisado ko pa ang number ni Mr. Jackson, no'ng nasa file sa usb. Maingat akong nagtipa baka kasi marinig pa ni Natsy. Kahit tulog na siya mabuti pa ring maingat at sigurado. Mahirap kapag keypad.

*To 09*********:

Mr., I accept the offer.*

Matagal ko nang pinag-iisipan 'to at sigurado na ako sa decision ko. Wala ng atrasan.

Binura ko ang message na ginawa ko tas sinuksok ang cellphone sa hip line ng aking pajama. Kay Natsy ang pajamang 'to, pinahiram niya sa 'kin since marami siyang extra rito.

...

Nang magising ako ay wala na si Natsy sa aking tabi. Sinilip ko ang sala at nagulat ako nang makitang nakaupo na si kuya sa may sofa pero nakapikit ang mata at nakanganga.

'Ba't napunta siya diyan? Umaandar na naman ba pagiging homesick niya?'

Hindi ko nakita ang dalawa pero bukas na ang ilaw sa kusina kaya napagtanto kong nand'on ang magpinsan. Bumalik naman ako sa kwarto at kinuha ang cellphone ko. 4:58am pa pala. Ang aga pa. Anong oras kaya silang nagising?

Nakita ko ang reply ni Mr. Jackson. Iba't-ibang klase ang naramdaman ko. Na-excite, natuwa at kinakabahan. Hindi ko pa alam ang pinasok ko pero willing na talaga akong pumasok. Sigurado akong sila lang ang makatulong sa 'kin.

*From 09*********:

I''ve been waiting for this message from you. Thank you. Secure this message.*

Hindi na ako nag-reply sa kanya kasi may message akong na-receive galing kay Kern. Sabi niya hindi sila makatawag kasi dilikado at susunduin niya raw ako bukas. Tuwang-tuwa pa siya kasi pumayag na raw ako. Bibilhan niya raw ako ng popcorn.

Pagkatapos kong maligo ay pumasok ako sa loob ng walk-in closet dito para magbihis. Mabuti na lang at binilhan ako ni Natsy ng maong short at blouse tsaka may extrang underwear na din na binili niya kanina n'ong lumabas sila. Mukhang balak na talaga nilang dito kami papatulugin. Sinamahan na nga niya din ng pang hygiene para next time daw pupunta kami dito ay wala ng aalahanin pa. Nakakahiya sa kanya.

Nang masuot ko na ang short at bra ay susuotin ko na sana ang blouse nang may napansin akong malaking salamin. Hindi ang salamin ang nakapukaw ng atensyon ko. Kundi ang reflection ng aking likuran na may sunog na parte na letter L.

Naalala ko naman ulit ang mga nangyari kapag makikita ko ito. Naalala ko ulit ang lahat ng naranasan ko. Nakatalikod ako sa salamin habang nilingon ko ito at inabot ng aking kaliwang kamay. Mariin ko itong hinawakan habang inaalala ang mukha ng mga taong may gawa nito sa 'kin. Nanginginig ako na nanggigil. Napuno ng galit at bumigat ang aking dibdib.

Biglang bumukas ang pinto ng walk-in closet at huli na para takpan ang aking likuran. Humarap ako sa kanya para hindi na niya ulit makita ang aking likuran at agad tinakpan ang aking harapan gamit ang blouse. Nakasalubong ko ulit ang mga titig niya.

"What happened to that?"

Bigla akong nakaramdam ng takot dahil sa tono ng kanyang boses.

'Bakit siya nandito? Paanong 'di ko namalayan?'

Umiling ako at sinabing wala lang ito. Kaso mas lalong nagalit ang expression ng mukha niya. Nagkasalubong ang dalawa niyang kilay.

"I already saw it and hiding it to me is kind of useless! So tell me! When and where did you get that scar?" may diin na niyang tanong.

"W-wala ka na d'on."

"I'll really get mad, Lav. Tell me," mahinahon niyang sabi pero alam kong pinipigilan lang niya ang kanyang sarili. Parang kunti na lang ay magagalit na talaga siya dahil namumula ang kanyang mukha.

Hindi ko alam kung anong ikinagalit niya.

Hindi na ako nagsalita at tumalikod sa kanya. Akmang susuotin ko na ang blouse ko nang magulat akong hinablot niya iyon sa akin kaya agad ko siyang hinarap pero...

"LAVANDEIR!" sigaw niya na mas lalo kong ikinatakot.

...