Sinulyapan ko si Kern at tinatanong kung anong nangyayari dito. Ngumiti lang siya sa 'kin at hindi sumagot. Pati na si kuya at si lolo gan'on din.
'Ba't ako lang yata ang walang alam dito?'
...
Nandito kami sa may pangpang at parehong nakatingin sa dagat. Kaming dalawa lang ni Mr. Jackson kasi may importante raw kaming pag-uusapan. Inilibot ko ang aking paningin sa buong lugar. Hindi ko alam na may ganito pala rito. Labas na ito sa malaking gate na pinasukan namin kanina at natatandaan kong dumaan kami sa isang hindi patag na daan at paliko-liko pa ito.
Gabi na kaya malamig na hangin ang tumatama sa aking balat. Tinataboy din nito ang aking buhok, pati na rin ang laylayan ng aking suot na puting dress na below the knee ay nasasabay sa hangin. Ang sarap pakinggan ng malakas na hampas ng alon sa malalaking mga bato at nitong pangpang na tinatayuan namin. Dahil sa ilaw ng buwan at ilaw ng sasakyan ni Mr. Jackson na nakaharap sa amin kaya kita ko pa ang dagat kahit sobrang dilim dito.
Napakaaliwalas. Na parang parang makakapag-isip ako nang maayos sa lugar na ito. Isa pa gusto ko talaga sa mga matataas na lugar kaya natutuwa akong nakapunta rito. Kung ang iba ay masusuka, mahihilo or takot sa matataas na lugar, ako naman ay kabaliktaran sa mga taong gano'n. Kung pwede lang sanang ipikit ang aking mata at itaas ang aking kamay at salubungin ang malamig na hangin ay ginawa ko na. Kaso nahihiya ako kasi nandito si Mr. Jackson.
Nilingon ko siya sa tabi ko kasi hindi siya nagsasalita. Sobrang seryoso ng mukha niya at parang ang lalim ng kanyang iniisip. Nakatayo siya at nakapamulsa. Tulad no'ng huli ko siyang nakita, nakasuot siya ng puro puti. Pero ngayon ay naka-jeans siya at naka-loose shirt.
Sa tuwing titingnan ko talaga siya, parang may kahawig siya. O kaya pamilyar sa akin ang kanyang aura. Malamig, seryoso, at hirap basahin ang isipan.
Kahit medyo malayo ako sa kanya nang kunti ay nakita ko pa ring nagbuntong-hininga siya. Lumingon siya sa 'kin at lumapit.
"You're wondering why I am here and what's happening all around you."
Hindi ako sumagot sa kanya dahil hindi naman iyon tanong kundi salita, na parang binabasa niya ang isipan ko. At tama siya. Iniwas ko lang ang aking tingin at tumingin sa madilim na kalangitan at karagatan.
"I'll tell you some things if you'll tell me what makes you decide for choosing this... For accepting my offers without knowing what are the consequences."
Kumunot ang aking noo. Ganito ba siya lagi? Na bago niya ibigay ang gusto mo ay dapat ka munang may ibigay sa kanya? Na sinisigurado niyang hindi siya mayari sa isang bagay? Tulad ng sinabi niya noon na, 'it's just you'll need me and I need your cooperation.' Tas hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung bakit niya ako tinutulungan. Ano namang makukuha niya sa 'kin?
Some things? So hindi lahat ang ibibigay or sasabihin niya?
"You really analyze things... Just like your father."
Mas lalong kumunot ang aking noo at napaisip. Kilala niya ang ama namin. At sa way ng pag-describe niya sa ama ko, alam kong nagkasama na sila nang matagal or sadyang malakas lang siyang mag-obserba. Kasi hindi mo masasabi ang personality ng isang tao kung hindi kayo nagkasama nang matagal or kung hindi mo ito inoobserbahan.
"K-kailan mo huling nakita si papa?"
Nakita ko siyang nag-smirk tsaka muling humarap sa dagat.
"I guess you already think that we were kind of buddies 'cause you asked different things like what people always do... Like asking what's already obvious."
Hindi ako umimik dahil hinihintay ko siyang magsalita pa.
"We're not friends. We're not enemies. We're not colleagues. We're not blood related," sabi niya na tinutukoy ang papa ko.
'Di ko mapigilang magtaka. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya or ano.
Pero kahit na, iba sa feeling na may nagsasabi ng kahit kunti tungkol sa papa ko. Ngayon ko lang narinig ang about sa kanya kaya halo-halo ang aking nararamdaman.
"Anong ibig mong sabihin?" hindi ko mapigilang tanungin siya.
"We're just nothing but kind of important."
Naglabas naman siya ng isang sigarilyo galing sa mamahaling lalagyan. Akala ko pa kung anong importanteng bagay ang laman ng steel case na 'yon, yosi lang pala. Sinindihan niya ito at tsaka binuga ang usok. Naalala ko na naman si Ex sa kanya.
"Now tell me... What makes you choose this decision?"
'Ang bilis niyang mag-change topic!'
'Gusto kong maghiganti!'
"But I won't teach you if it's only about revenge."
Nanglaki ang aking mata nang parang nabasa niya ang aking isipan. Tumingin siya sa 'kin at ngumisi na parang nahulaan nga niya ang isip ko.
"Huh? D-Diba sabi mo po na gawin ko itong motivation?"
Alam naman niya talaga na gusto kong maghiganti kaso nakakagulat pa rin na parang nababasa niya ang isipan ko.
"Yes. But it wasn't enough. Think properly."
Naguguluhan ako kung bakit pinapaisip pa niya ako. 'Yon lang naman ang dahilan at alam na niya 'yon. Gusto ko lang naman... Teka...
"Gusto kong madepensahan ko ang aking sarili at hindi aasa sa iba... At isa pa..." sabi ko at tumingin ulit sa dagat. "...Mas nagkaroon ako ng motibo dahil nalaman kong kilala mo si papa. S-siguro ikaw ang magagamit ko kung hahanapin ko ang papa ko. May mga gusto pa akong malalam at malakas ang kutob kong marami kang alam na impormasyon. Tungkol sa paaralan ko, sa mga taong nakapaligid sa 'kin."
"That's good... But if it's about your father then it's useless."
"Bakit?"
"You can never see him in this world," medyo mapait niyang sabi at kumunot ang kanyang noo.
Dahil sa sinabi niya ay sumikip ang aking dibdib.
Gusto ko pa naman sana siyang makita kahit siya lang. Hindi ko na nakita si mama, pero pati pala ang aking ama?
Nang malaman kong may communication si kuya kay mama noon, umasa din akong baka buhay pa si papa pero ganito.
"He might have never expected that his wish would come true."
Tiningnan ko siya nang may pagtataka kaya nang makita niya ang expression ko ay nagpatuloy siya.
"One day he told me that he'll be happy to see if I'm the one who'll train his daughter. I didn't take it seriously back then. And I also didn't expect this will happen 'till now. Funny isn't it?" sabi niya pero hindi naman siya ngumingiti. Parang inaalala niya ang mga panahong magkasama pa sila ni papa. Nakakatuwa tingnan kasi masasabi ko sa expression niya na importante ang papa ko sa kanya.
Hindi ko alam sa ibig niyang sabihin no'ng 'we're not friends, we're not enemies,' pero naniniwala akong nagkasama sila nang matagal base sa kwento niya.
'Pero train? Saan?'
"Ito ba ang dahilan kung bakit mo ako tinulungan? Dahil sa sinabi ng aking ama?"
"No. Between your father and me is something you won't need to know. That was my personal life and nothing to do with yours."
"Kung gan'on ano ang dahilan mo?"
"I am under the order of your grandfather and this is my last mission, to train you things you might need someday."
"A-ano?"
Parang hindi nagrehistro sa aking isipan ang sinabi niya. Kung under siya sa lolo ko...
"That headquarter in Ohio is one of your grandfather's property..."
Wala sa sarili akong napaatras dahil sa gulat.
Sinabi niya sa akin ang ibang mga sagot sa matagal ko nang mga katanungan. Sinabi niyang siya ang nag-manage sa lahat ng properties on behalf ni lolo. Inatasan siyang siya muna ang bahala sa lahat habang si lolo ay namumuhay nang normal na estado ng buhay kasama namin. Hindi niya naman pinaliwanag kung bakit kasi ako na raw ang aalam sa sagot na 'yon.
Sinabi rin niya ang tungkol kina Kern. Sila ay nabibilang sa isang grupo kasama na si kuya Hero. Para silang mga spy na hindi ko pa alam kung anong trabaho nila. Ang alam ko lang ay hindi pwedeng makilala sina Kern. Nalilito pa ako sa bagay na ito kaya tatanungin ko si Kern mamaya.
Hindi niya sinabi sa akin kung bakit inilihim nilang lahat sa amin ni kuya. Yes. Walang alam si kuya sa lahat ng ito. Nagkakilala lang sila noong time na nasa Ohio pa ako habang ginagamot. Nagpakilala sila na sila 'yong nagligtas sa akin.
Ang alam lang ni kuya ay mayaman ang pamilya namin at wala na siyang alam tungkol sa headquarter sa Ohio at pati na rin sa tunay na nangyari sa akin. Wala siyang alam sa tunay na trabaho ni Kern at Mr. Jackson.
"Bakit po pati sa kanya ay inilihim niyo pa rin?"
"We plan to tell him but now isn't the right time. Like you, he might dig deeper and we're afraid if he discover about the major chaos of your family. You didn't know what he's capable of."
Ano ba talagang gulo ang nangyari noon sa pamilya namin? Akala ko lang naman na simple lang ang aming pamumuhay at sadyang Elites lang ang aking kalaban.
Mas lalong kumunot ang aking noo sa huli niyang sinabi tungkol kay kuya.
"I personally observed him from when he was still in high school until now. There's this day that he almost kills his friend out of anger because he found out they've been planning to harass you. He loses himself when he's angry. So we decided to keep it from him and we will let him know about the truth slowly."
"Ano? Wala namang ikweninto si kuya sa akin tungkol diyan."
"Of course, he don't want you to worry. The good thing is you didn't let him know what really happened to you. Kern stopped him for confronting that friend named Kim."
'Ang abnoy kong kuya na mas matatakutin pa kesa sa akin? Impossible!'
Mabuti na lang talaga at hindi niya alam ang tunay na nangyari. Alam lang niyang trinaydor ako ni Kim. Hindi pa rin ako makapaniwala na iba pala magalit si kuya. Buti at hindi ko sinusumbong sa kanya kapag nabu-bully ako. Isa pa, wala rin naman siyang laban sa Elites at baka siya pa ang madehado.
Wala na akong masabi pa kaya tumahimik na lang ako at pinapakiramdaman ang malamig na hangin na tumatama sa aking balat. Huminga ako nang malalim. Nalaman ko nga ang ibang kasagutan pero mas lalo pa akong naabala rito.
"And as a part of my group..."
Napatingin ako kay Mr. Jackson nang bigla siyang nagsalita. Kumunot ang aking noo nang lumapit siya malapit sa unahan kung saan dalawang hakbang na lang ay mahuhulog na siya sa pangpang. Tumingin siya sa akin at pinalapit ako. Lumapit naman ako nang hindi na nagtatanong pa pero naguguluhan ako. Anong meron?
"Close your eyes and inhale deeply."
Sinunod ko ang sinabi niya kahit nagdududa pa ako. Hindi naman ako takot dito sa dulo ng pangpang kaya nagawa ko. Naririnig ko pa rin ang paghampas nang malakas alon dito sa pangpang. Sinilip ko kunti ang ibaba at mukhang malalim ang dagat dito. Maganda 'to sa mga divers ang spot na 'to. Pumikit ako ulit at pinapakiramdaman ang hangin. Ang sarap sa feeling.
"As a new member of my group and as being part of it... You're training starts here, right now."
Idinilat ko ang aking mata kasi nagtataka ako sa sinabi niya. Lilingon na sana ako at tatanungin siya nang bumulong siya.
"I know you can make it so survive as long as you can."
Walang sabi-sabi ay tinulak niya ako at tumibok nang malakas ang aking dibdib sa takot.
.
N-nahuhulog ako!
...