Chapter 48 - You Pass

Lavandeir's POV

Isang malakas na pwersa ng hangin ang tumatama sa aking buong katawan nang nahuhulog ako. Isang malakas na hampas ng tubig ang sumalubong sa akin nang ako'y mahulog at tumama sa dagat. Napapikit ako at nararamdaman kong lumulubog ang aking katawan.

Natataranta ako nang napagtanto kong ang lalim pala nito. Idinilat ko ang mata ko at wala akong makita sa sobrang dilim. Nakakatakot tingnan ang ilalim ng dagat 'pag gabi kaya pinikit ko ulit ang mata ko. Kung anu-anong bagay ang pumasok sa isip ko na baka may sumalubong sa akin bigla. Na baka may malaking isda o balyena o ano. Nakakatakot!

Mabilis akong lumangoy paitaas at sinusundan ang liwanag ng buwan.

"Pwah!"

Pag-ahon ko ay agad kong tiningnan ang gawi niya at nandoon pa rin siya nakatayo kung saan kami nakatayo kanina habang tinitingnan ako. Alam kong nakatingin siya sa 'kin kahit hindi ko makita ang mukha niya kasi against the light siya.'Yong ilaw ng sasakyan niya lang ang naglilikha ng liwanag at ang buwan.

Hindi naman sobrang taas ng pangpang. Parang ikalimang floor lang ng building ng ECU. 'Di tulad ng iba na parang nakakamatay na.

Hindi ko 'yon inaasahan. Ito ba ang simula? Bakit hindi man lang niya sinabi at kailangan pa akong itulak? Or dapat ko na bang isipin na pati siya ay dapat kong pagdududahan? Paano kung hindi ako marunong lumangoy?

Napatingin ako sa hawak niya. Isang bilog na may butas sa gitna. Isang salbabida. Tumingin muna siya sa kaliwang braso niya or sa relo niya bago inihagis ang salbabida sa akin. Nilangoy ko agad iyon para lapitan at hinayaan ang aking sarili na magpalutang-lutang habang nakahawak sa salbabida nang makuha ko ito.

Ang lamig ng tubig, isama pa ang malakas na hangin na tumatama sa aking balat. Nahihirapan akong huminga; sa kaba, takot at sa paglangoy. Nakakatakot ang ilalim ng dagat 'pag gabi!

Hindi ko talaga inaasahang itutulak niya ako rito. Pa'no na lang kung hindi ako marunong lumangoy? Pa'no na lang at hindi ako nakaahon at tuluyang nalunod? Pa'no kung hindi niya ako makikita kasi sobrang dilim na? Hindi pa rin mawala ang lakas ng tibok ng dibdib ko sa nangyari. Parang aftershock lang ito na hindi ako maka-get over. Kinanakapos pa ako ng hininga.

Pinagmamasdan ko siya. Patuloy pa rin siyang sumusulyap sa relo niya. Mukhang pinakita niya talaga sa 'king tumitingin siya rito para siguro malaman kong naghihintay siya. Teka? Hinihintay ba niya ako kung kailan ako makaakyat sa pangpang?

Kumunot ang aking noo nang may pinakita siyang isang maliit na bagay sa 'kin kaya tinitigan ko pa itong mabuti. Hindi ko ito masyadong makita kasi ang layo at malabo ang paningin ko. Nang in-extend niya ang kamay niya na parang ihuhulog niya ang bagay na hawak niyang 'yon ay napagtanto kong ang eyeglasses ko pala iyon.

Alam kong eyeglasses iyon dahil isinuot niya ito tsaka tininggal at muling in-extend ang kanyang kamay.

'Teka? B-bakit nasa kanya 'yan?'

Huli kong natandaan ay suot ko pa 'yan bago ako mahulog dito.

Paanong...

Binaliwala ko na ang iniisip ko nang tumingin siya sa wrist watch habang naka-extend pa rin ang kamay niyang may hawak sa eyeglasses ko. Mukhang may gusto siyang ipapahiwatig sa akin kasi paulit-ulit lang niya 'yon ginawa. Di kalauna'y nakukuha ko na ang ibig niyang sabihin.

Inoorasan niya ako at kapag hindi ako nakapunta sa kanya ng on time ay ihuhulog niya ang eyeglasses ko. Hindi ko alam kung ilang oras ang limit kasi wala naman siyang binigay. Sabi lang niya na 'survive as long as you can.' Tas isa pa ay kailangan ko ang eyeglasses na 'yon. Importante sa 'kin 'yon kasi marami na akong memory no'n. Isa pa bigay 'yon ni kuya.

Inilibot ko ang aking paningin para maghanap kung saan ako aakyat. Medyo malabo sa paningin at sobrang dilim din kaya hindi ko alam kung saan pwedeng umakyat. Siguro naman may akyatan dito kasi mukha namang maraming magdi-dive sa spot na ito. Base sa tinatayuan ni Mr. Jackson ay mukhang doon ang diving spot kasi may maliit na dulo ang lupang inaapakan niya.

Huminga ako nang malalim para makapag-isip ng tama. Gusto kong makaalis dito agad. Paano kung may balyena? Alam kong nagiging irrational na 'yong pag-iisip ko pero takot talaga ako!

Tiningnan ko ang sa may ibaba na tinatayuan niya at lumapit pa nang kunti do'n. May nakita akong parang mga malalaking batong na nagpatong-patong. Dali-dali akong lumangoy do'n habang hawak ang salbabida sa kaliwang kamay. Nahihirapan akong lumangoy nang mabilis kapag hawak ko sa isang kamay itong salbabida kaya inihagis ko ito sa unahan tsaka lumangoy.

Nang makalapit na ako ay dinala ko ang salbabida tsaka pilit na inaakyat ang hagdan gawa sa malalaking bato na nagpatong-patong. Bigla naman akong may nahawakan sa salbabida kaya tiningnan ko ito.

Hindi ko 'to napansin kanina kasi ang inaalala ko lang ay ang makapunta sa kay Mr. Jackson nang mabilis. Tiningnan ko ang bagay na nakadikit sa ilalim ng salbabida. Isang plastic bag na may ziplock at ginamitan ito ng electrical tape na kakulay nitong itim na salbabida kaya hindi ko 'to napansin kanina. At nang makuha ko ang bagay na iyon at makita ko kung anong laman n'on ay napa-facepalm ako.

Ito 'yong eyeglasses ko. Ito 'yong bigay ni kuya sa 'kin na kulay lavender. Iyon pala ang ibig niyang sabihin no'ng ipinakita niya sa 'kin ang eyeglasses at habang nakatingin siya sa relo. Ang mahanap ko ang eyeglasses ko at inoorasan ako kung kailan ko 'yon makuha. Hindi pala kung kailan ako makapunta sa kanya.

Hingal na hingal akong naglakad palapit sa kanya nang makaakyat na ako. Ipinakita ko sa kanya ang eyeglasses ko na nakita kong nakadikit sa salbabida kanina. Pumalakpak naman siya sa 'kin at ngumiti sa 'kin. 'Yong proud na ngiti.

"37 minutes," tukoy niya siguro sa oras kung kailan ako nakapunta rito or kung kailan ko nakuha ang eyeglasses ko.

"Nakuha ko na po 'to nang makaakyat na ako sa bato. Isa pa, nakakatakot ang tubig!" pagprotesta ko.

Nakakatakot 'yong ginawa niya. Nanginginig pa nga 'yong tuhod ko. Kung 'di dahil sa kilala niya ang ama ako, pagdududahan ko na talaga siya.

"Sorry, not sorry. As of today, I'm already your master that's why I did that. I don't want a member who's slow. Rest for tonight and prepare yourself physically, emotionally, and mentally."

Kumunot ang noo ko. 'Ba't bigla yata siyang nagbago? Na parang may napindot na switch?'

Huminga ako nang malalim at inaalala ang lahat. Ngayon ko lang napagtanto... Mula kanina hanggang dito... Lahat ay nakaplano na... Kasabwat pa talaga si lolo.

"Pa'no mo pala nakuha ang eyeglasses ko eh suot ko pa 'yon kanina?" kunwaring tanong ko. Alam ko naman na ang sagot pero gusto ko lang malaman kung anong isasagot niya.

"Fast hands," sabi niya habang nakangisi sa 'kin. Alam ko ang meaning ng ngisi na 'yan. Alam niyang nagmamaang-maangan lang ako.

"Hindi. Planado na talaga ang lahat," sagot ko sa kanya. Gan'on pa rin ang ngisi niya. Parang hinahamon niya ako sa expression niya.

"What makes you think?"

'May naaalala talaga ako parati sa kanya.'

Lumapit ako sa kanya. May inabot naman siya sa 'king tuwalya kaya kinuha ko 'yon agad.

"No'ng nahulog ako... Suot ko pa ang eyeglasses ko n'on at hindi naman ako nakalingon sa 'yo kasi tinulak mo ako kaya impossibleng nakuha mo ang eyeglasses na suot ko," hindi nagbago ang expression niya at hindi rin siya nagkomento kaya naisipan kong magpatuloy. "So 'yong eyeglasses na suot ko kanina ay nahulog din kasama sa paghulog ko. Kanina ko lang napapansin na may nagbago sa eyeglasses ko, na parang mas luminaw pa ito."

"Nang makuha ko ang tunay, 'yong nasa salbabida, do'n ko lang napagtanto na iyong suot ko ay hindi 'yon ang totoo kong eyeglasses kasi parang ang bago pa nito at walang gasgas 'yong salamin. Itong sa 'kin kasi may gasgas na ito dahil sa nangyari n'ong binully nila ako. Kung iisipin kong mabuti, hinubad ko ang eyeglasses ko n'ong nasa kwarto ako ni mama. Si lolo lang ang pumasok doon at nakapagtataka kasi wala naman siyang sinabing importante kaya ngayon, alam kong siya ang nagpalit ng eyeglasses ko. Binigay niya sa 'yo at idinikit mo ito sa salbabida at ginamitan ng electrical tape."

"So tatlo ang eyeglasses na nandito. 'Yong suot ko kanina paglabas ko ng room ni mama, iyong nakadikit sa salbabida na tunay kong eyeglasses at 'yang black na hawak mo ngayon."

Tiningnan ko kung anong reaction niya. Hindi pa rin nawala ang ngisi niya tas dahan-dahan siyang pumalakpak...

"You pass."

...

Nandito kami ni kuya sa puntod ni mama. Ang lugar dito ay mukhang paraiso para sa akin. Maaliwalas, malinis, malamig at mahangin. Hindi ito malayo sa mansyon. Mukhang palagi itong inaalagaan kasi maayos at pantay-pantay ang mga halaman. Nilapag namin ni kuya ang mga bulalak na pinitas pa namin sa garden ng mansion. Umupo kami sa harap ng puntod niya at tiningnan ang lapida.

'Ambria Trinidad'

'January 17,**** to February 25,****'

39 years old nang mamatay si mama.

Hinimas ko ang puntod niya at 'di ko mapigilang 'di maiyak. Naghihinayang kasi ako. Hindi ko man lang siya nahawakan at nakausap. 'Di ko rin siya nakita. Naramdaman kong niyakap ako ni kuya at hinihimas ang aking likod. Hindi naman siya nagsalita at pinabayaan lang ako. Mga ilang minuto bago ako naka-recover. Binigyan ako ni kuya ng panyo at ginamit ko 'yon para ipahid ang luha ko.

"Ano kaya ang apelyido ni mama?"

"Iyan talaga ang apelyido niya."

Tumingin ako kay kuya. "Dala natin ang surname ni mama? Akala ko si papa ang Trinidad?"

"Sabi ni lolo ay hindi ikinasal sina mama dahil delikado. Itinago daw nila ang relasyon nila. Magtanong ka kung anong gusto mong itanong, sasagutin ko."

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. May kutob akong may kakaiba pang dahilan kung bakit hindi nila sinabi sa akin ang totoo pero parang ang komplikado naman yata ng pamilya namin?

"Alam mo din bang wala na si papa?"

"Oo. Sinabi ni lolo sa 'kin kahapon pa. Ikaw? Mukhang alam mo na?"

"Sinabi sa 'kin ni Mr. Jackson."

"Ang dami talagang alam ng right hand ni lolo."

"Tsaka kuya ba't mo nalaman ang tungkol kay mama noon? Sinabihan ka ni lolo?"

'Naalala ko kasi ang sinabi ni Mr. Jackson. Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya tungkol kay kuya. Ang kuya kong 'to na isang abnoy?'

"Oo. Pinipilit ko siyang sabihan ako. Tas 'yon nalaman kong buhay pa pala siya pero may sakit na siya noong mga panahong 'yon. Sandali ko lang din siyang nakasama. Minsan lang din ako makakadalaw sa kanya dito dahil mahirap. "

"Alam mo ba ang dahilan kung bakit inilihim ni mama sa 'tin ang lahat?"

Natagalan naman siya bago sumagot. Mukhang may inaalala. Nang tumingin siya sa 'kin ay umiling lang siya.

"Sabi niya sa 'kin na magulo pa raw ang lahat at ayaw pa niyang madamay tayo. Hindi ko nga alam ang ibig niyang sabihin kaya hanggang ngayon ay bumabagabag pa sa 'king isipan."

"Hindi mo ba naisip na hanapin ang sagot?"

"Noon pero nagmamakaawa sa 'kin si mama na huwag. Ayaw niyang madamay tayo at wala pa raw sa tamang panahon upang malaman natin. Ang bilin lang niya sa 'kin ay ang mag-ingat at alagaan ka at hindi malagay sa panganib. Kahit naman hindi niya 'yon hihingin sa 'kin gagawin ko naman talaga 'yon."

"Ang corny," sabi ko at hindi ko mapigilan ang pagngiti. Siya lang ang makakapangiti sa 'kin kahit nasa gantong sitwasyon ako.

"Sulitin mo ang pagiging seryoso ko. Minsan lang 'to."

Natawa naman ako ng kunti sa kanya at niyakap siya. "Salamat kuya."

"Dapat lang. Very good! Very Good! Ganyan dapat!"

Bumuntong-hininga ako. 'Ang hirap paniwalaan ng sinabi ni Mr. Jackson. 'Di kaya nag-exaggerate lang siya tungkol kay kuya?'

...